Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Repormista o Rebolusyonaryo: Ano ba talaga si Rizal?
1. Bulacan State University – Bustos Campus
Bustos, Bulacan
Name: Delos Santos, Jerilyn S.
Course/Year/Section: BSEd IV-E Physical Science
Subject: Rizal’s Life and Works
Source: Article written by Prof. Rodrigo Abenes
Author/Commentator Book/Source
Repormista o
Rebolusyonaryo
Argumento ng Author
Miguel de
Unamuno
“Vida y
Escritos del Dr.
Rizal” ni
Wenceslao
Retana
Repormista
Para kay Unamuno, si Rizal ay isang
Romantikong makata at idealista.
Ngunit sa kabila nito ay may
kaloobang mahina, kimi, at mapag-
alinlangan; at nagkukulang sa
pangkaraniwang pag-iisip na tulad ni
Andres Bonifacio na isang tunay na
rebolusyonaryo.
Wenceslao Retana
“Vida y
Escritos del Dr.
Rizal”
Repormista
Para kay Retana, si Rizal ay isang
repormista dahil hindi siya gumamit
o lumaban sa mga Kastila sa isang
dahas na paraan. Nagpapatunay ang
mga akda, dokumento at pati ang
pagtanggi nito kay Bonifacio na
sumama sa pakikibaka laban sa mga
Kastila.
Rafael Palma
“Read Rizal’s
Novels” (1928)
Repormista at
Rebolusyonaryo
Para kay Palma, si Rizal ay parehas
na repormista at rebolusyonaryo. Ika
nga niya, mayroong dalawang bahagi
ang pag-unawa kay Rizal. Dagdag pa
niya na kaya lang naman hindi natin
nakita ang pagiging rebolusyonaryo
ni Rizal ay dahil ayaw lang niya
masayang ang dugo’t pawis sa isang
madugong pakikidigma kung hindi
naman ito magtatagumpay. Pero kung
sino man ang mangunguna nito ay
susuportahan niya.
2. Ciaro M. Recto
“Si Rizal, ang
makatotohanan,
at si Bonifacio,
ang
mangarapin”
(1958)
Rebolusyonaryo
Para naman kay Recto, si Rizal ay
isang rebolusyonaryo dahil sa
pagiging utak at umisip ng
napakalaking kilusan na isinagawa ni
Bonifacio.
Teodoro Agoncillo
“The Revolt of
the Masses”
(1956),
“Prelude to
1896” (1974)
Repormista
Ayon kay Agoncillo, kaya hindi
nagging rebolusyonaryo si Rizal ay
dahil mayroong labanan at masang
Pilipino. Hindi nais ni Rizal ang
maapektuhan ang kanyang klase
kung kaya’t sumusuporta na lamang
sya sa pamamagitan ng pagsali sa La
Solidaridad at pagtatag ng La Liga
Filipina at Andres Bonifacio sa
kanyang katipunan.
Ricardo Pascual
“Rizal’s
Philosophy of
History” (1961)
Rebolusyonaryo
Sa pag-aaral nang mabuti ni Pascual
ng mga sinulat ni Rizal tulad na
lamang ng mga kanyang personal na
sulat, artikulo, sanaysay, at ilang
libro, napagtanto ni Pascual na isang
rebolusyonaryo si Rizal. Ginamit
lamang ni Rizal ang kanyang talento
sa pagsusulat para magkaroon ng
pang panlipunan paggalaw at pwersa.
Cesar Adid Majul Repormista
Para naman kay Majul, ang hindi
pagsang-ayon ni Rizal sa rebolusyon
ay isang pagpapakita nya na siya ay
isang repormista. Kaya para mamulat
at mapag-isa ang buong kapuluan
para maging isang bansa ay nagsulat
siya ng kanyang edisyon kay De
Morga at itinatag ang La Liga
Filipina.
Nick Joaquin
“Why Was the
Rizal Hero A
Creole?”
(1965)
Repormista
Nakikita ni Joaquin na si Rizal ay
isang repormista dahil sa kanyang
akdang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Ayon sa kanya, ang
nais lamang ni Rizal ang ipaglaban
ang reporma at hindi ang rebolusyon
na pinangunahan ni Bonifacio