Advertisement

Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Feb. 21, 2017
Advertisement

More Related Content

Advertisement

More from Juan Miguel Palero(20)

Advertisement

Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

  1. PAGBASA NG BIBLIYA: (KASABIHAN 3: 35) Nilay-Karunungan: Ang mga taong mabubuti at marurunong ay magkakaroon ng mabuting gantimpala at ang mga taong masasama ay mamanahin ang kahihiyan
  2. Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
  3. Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
  4. Kahulugan ng mga Pangalan ni Jose Rizal Dr. – nagmula sa kanyang pagtatapos ng kursong medisina sa Universidad Central de Madrid Jose – pinili ng kanyang ina na isang deboto ni Saint Joseph (San Jose)
  5. Kahulugan ng mga Pangalan ni Jose Rizal Protacio – nagmula kay Gervacio P. na galing sa isang kristiyanong kalendaryo Mercado – inadopt ng paternal great- great-grandfather ni Jose Rizal ni Domingo Lamco. Ang Mercado ay hango sa salitang Ingles na market.
  6. Kahulugan ng mga Pangalan ni Jose Rizal Rizal – hango sa salitang ricial na ang ibig sabihin ay luntian na bukirin Alonzo – dating apelyido ng kanyang ina Realonda – ginamit ni Donya Teodora na nagmula sa kanyang lola
  7. Siya ay pinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna, at namatay noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta)
  8. Ginamit ni Rizal at ng kanyang pamilya ang apelyidong Rizal at Realonda dahil sa isang kautusan mula kay Gobernador-Heneral Narciso Claveria na kailangang gumamit ng mga Pilipino ng mga apelyidong Espanyol para sa layuning pan-census.
  9. Ang Pamilya ni Dr. Jose P. Rizal
  10. Ang Pamilya ni Dr. Jose P. Rizal (Batay sa bloodline ng kanyang ama)
  11. Domingo Lamco • Siya ay ang great-great-grandfather ni Jose P. Rizal • Siya ay isang tsino na mula sa Fuijian, China at lumipat sa Binan, Laguna noong 1690 • Siya ay nagpabinyag bilang katoliko noong 1697 sa Binondo, Maynila
  12. Ines Dela Rosa • Siya ay ang great-great-grandmother ni Jose P. Rizal at asawa ni Domingo Lamco • Siya ay anak ng isang negosyanteng mag-asawa sa Binondo, Maynila
  13. Francisco Mercado • Siya ay ang great-grandfather ni Jose P. Rizal • Anak ni Domingo Lamco at Ines Dela Rosa • Nahalal bilang gobernadorcillo noong 1783 sa Binan, Laguna
  14. Cirila Bernacha • Siya ay ang great-grandmother ni Jose P. Rizal • Asawa ni Francisco Mercado
  15. Juan Mercado • Siya ay ang lolo ni Jose P. Rizal • Anak nina Francisco Mercado at Cirila Bernancha • Naging gobernadorcillo ng Binan, Laguna noong 1808, 1813 at 1823
  16. Cirila Alejandro-Mercado • Siya ay ang lola ni Jose P. Rizal • Naging asawa ni Juan Mercado
  17. Ang Pamilya ni Dr. Jose P. Rizal (Batay sa bloodline ng kanyang ina)
  18. Eugenio Ursua • Siya ay ang great-great-grandfather ni Jose P. Rizal • Nagmula sa lahi ng mga Hapones
  19. Benigna Ursua • Siya ay ang great-great-grandmother ni Jose P. Rizal • Asawa ni Eugenio Ursua
  20. Regina Ursua • Siya ay ang great-grandmother ni Jose P. Rizal • Anak nina Eugenio at Benigna Ursua
  21. Manuel de Quintos • Siya ay ang great-grandfather ni Jose P. Rizal • Naging asawa ni Regina Ursua • Pinanganak sa Lingayen, Pangasinan • Naging kapitan ng isang bayan sa Pangasinan
  22. Brigida de Quintos • Siya ay ang lola ni Jose P. Rizal • Anak nina Regina Ursua at Manuel de Quintos • Ina ni Teodora Alonzo at ng kanyang 4 pang kapatid
  23. Lorenzo Alberto-Alonzo • Siya ay ang lolo ni Jose P. Rizal • Anak nina Cipriano Alonzo at Maria Florentina • Asawa ni Brigida de Quintos • Ama ni Teodora Alonzo at ng kanyang 4 pang kapatid
  24. Ang Pamilya ni Dr. Jose P. Rizal (Ang ama at ina ni Jose Rizal)
  25. Francisco Engracio Rizal Mercado • Siya ay ang ama ni Jose Rizal • Bunso sa labintatlong magkakapatid • Pinanganak noong Mayo 11,1818 sa Binan, Laguna • Nag-aral siya ng pilosopiya at wikang Latin sa Colegio de San Jose sa Maynila • Namatay noong Enero 5, 1898
  26. Teodora Alonzo Mercado Realonda de Rizal y Quintos • Siya ay ang ina ni Jose Rizal • Ikalawang anak ni Lorenzo Alonzo at Brigida de Quintos • Pinanganak noong Nobyembre 9,1827 sa Tondo, Maynila • Nag-aral sa Colegio de San Jose sa Maynila • Namatay noong Agosto 16, 1911
  27. Ang Pamilya ni Dr. Jose P. Rizal (Ang mga kapatid ni Jose Rizal)
  28. 1. Saturnina Rizal-Mercado • Siya ay ang panganay na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Neneng – palayaw • Manuel Timoteo Hidalgo – naging asawa ni Saturnina na taga-Batangas
  29. 2. Paciano Rizal-Mercado • Siya ay ang ikalawang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Naging guro at kaibigan ni Padre Jose Burgos • Nakisali sa kilusang propaganda, Katipunan, at Digmaang Pilipino-Amerikano
  30. 3. Narcisa Rizal-Mercado • Siya ay ang ikatlong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Sisa – palayaw • Nagsanla at nagbenta ng mga alahas para may pondo si Rizal sa kanyang pag-aaral sa Europa • Antonino Lopez – asawa ni Narcisa Rizal
  31. 4. Olympia Rizal • Siya ay ang ikaapat na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Silvestre Ubaldo – asawa ni Olympia Rizal • Namatay noong Agosto 1887 dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis niya sa ikatlong anak nila ni Silvestre Ubaldo
  32. 5. Lucia Rizal • Siya ay ang ikalimang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Mariano Herbos – asawa ni Lucia Rizal • Pinagbintangan ng mga Espanyol na sinulsulan ang mga kanilang kababayan na hindi magbayad ng upa
  33. 6. Maria Rizal-Mercado • Siya ay ang ikaanim na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Daniel Faustino Cruz – asawa ni Maria Rizal • Kinausap ni Jose Rizal noong gusto niyang pakasalan si Josephine Bracken • Namatay siya noong 1945
  34. 7. Dr. Jose P. Rizal • Siya ay ang ikapitong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Tinaguriang bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas
  35. 8. Concepcion Rizal • Siya ay ang ikawalong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Paboritong kapatid ni Jose Rizal • Namatay noong tatlong taong gulang
  36. 9. Josefa Rizal-Mercado • Siya ay ang ikasiyam na anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Panggoy – palayaw • Nagkaroon ng sakit na epilepsy • Sumapi sa sektor ng kababaihan ng Katipunan, kasama si Gregoria de Jesus
  37. 10. Trinidad Rizal-Mercado • Siya ay ang ikasampung anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Trining – palayaw • Katulad ni Josefa Rizal, sumapi rin siya sa Katipunan
  38. 11. Soledad Rizal-Mercado • Siya ay ang bunsong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo • Choleng – palayaw • Isang guro at pinaka-edukado sa magkakapatid
  39. Ang Edukasyon ni Dr. Jose P. Rizal
  40. Teodora Alonzo Mercado-Rizal • Ina ni Rizal • Nagsilbing unang guro ni Rizal • Tinuruan siya magsulat, magbasa at magdasal
  41. Noong apat na taong gulang si Rizal, nakamit niya ang pormal na edukasyon sa pamamagitan ng gurong binayaran ng kanyang ama na si Leon Monrog, na nagturo sa kanya ng Latin
  42. Si Maestro Celestino ang kauna-unahang pribadong tagapagturo ni Jose Rizal na kinuha ng kanyang mga magulang
  43. Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Binan noong 1870 sa pangunguna ng guro niya na si Justinian Aquino Cruz.
  44. Sa pag-aaral niya sa paaralan ni Justinian Aquino Cruz, nakipag-wrestling si Rizal sa anak ni Aquino na si Pedro Aquino Cruz.
  45. Pinasukan din ni Rizal ang libreng pag-aaral ng painting sa ilalim ng pagtuturo ni Old Juancho o Matandang Juancho
  46. Noong Disyembre 17, 1870, umalis sa Binan si Rizal at bumalik sa Calamba na sakay ng Talim, isang bapor
  47. Pagbalik ni Rizal sa Calamba ay nag-aral siya sa ilalim ni Maestro Lucas Padua. Pagkatapos ng isang taon, pumunta si Rizal sa Maynila at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran
  48. Kumuha si Rizal ng entrance exam sa Ateneo de Manila University noong Hunyo 10, 1872 at siya ay tuluyang nakapasok sa unibersidad na ito
  49. Si Padre Jose Bech ang unang propesor ni Rizal sa Ateneo. Si Rizal ay napunta sa dibisyon Carthaginians at sa loob ng isang buwan, siya ay naging emperor o ang pinakamataas na rango sa klase.
  50. Noong ikalawang taon niya ng pag-aaral, nahiligan na ni Rizal na magbasa. Ang kanyang unang minahal na nobela ay ang The Count of Monte Cristo by Alexander Dumas.
  51. Noong Marso 23, 1877, nakapagtapos si Rizal at nakamit ang sobresaliente sa Bachelor of Arts.
  52. Extra-Curricular Activities ni Rizal: • Sekretarya ng Marian Congregation • Miyembro ng Academy of Spanish Literature at ng Academy of Natural Sciences • Sumali sa gymnastics at fencing • Nag-aral ng painting sa ilalim ng tanyag na pintor na Espanyol na si Agustin Saez
  53. Noong Hunyo 1877, nag- enrol si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Pilosopiya at Panitikan
  54. Noong unang taon niya sa UST, nag-aral si Rizal ng mga asignaturang Cosmology, Metaphysics, Theodicy at Kasaysayan ng Pilosopiya
  55. Kinuha ni Rizal ang kursong medisina sa UST na pinag- aralan niya mula 1877 hanggang 1879.
  56. Habang nag-aaral si Rizal sa UST, natapos ni Rizal ang kursong Surveying Course sa Ateneo noong 1878
  57. Noong 1880, nagtatag si Rizal ng isang sikretong grupong tinatawag na Companeros, na lahat ng miyembro ay mga Pilipino.
  58. Naglaon, hindi na rin nagustuhan ni Rizal ang pamamaraan ng pagtuturo at pagtrato sa kanya ng mga propesor at ng kapwa niya estudyante, kaya napag- desisyunan niyang pumunta sa ibang bansa
  59. Noong 1882, umalis sa bansa si Rizal patungong Madrid, Espanya para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng kursong medisina
  60. Pumasok siya Universidad Central de Madrid at kinuha ang mga kursong medisina at filosofia y Letras
  61. Dahil sa kursong medisina, kinuha ni Rizal ang mga asignaturang Medical at Surgical Clinic at Legal Medicine
  62. Nong 1883, bumisita si Rizal sa Ospital ng Lariboisiere sa Paris, France kung saan pinag-aralan niya ang eksaminasyon ng mga sakit ng mga kababaihan
  63. Natamo niya ang titulong Degree of Licentiate of Medicine noong 1884 at Degree of Philosophy and Letters noong 1885
  64. Noong 1887, pumasok si Rizal sa Unibersidad de Paris para pagtuloy mag-aral ng medisina.
  65. Pagkatapos pumunta sa Paris ay pumunta naman siya sa Heidelberg, Germany para pagpatuloy ang kanyang pag-aaral
  66. Sa Unibersidad ng Heidelberg, nag-aral si Rizal sa ilalim ni Otto Becker, isang Aleman na opthalmologo o espesyalista sa mata
  67. Natapos ni Rizal ang kursong opthalmolohiya sa tulong ng kanyang guro na si Otto Becker.
  68. Ang Paglalakbay ni Dr. Jose P. Rizal
  69. Pagkatapos matapos ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, naisipan niyang pumunta sa Espanya
  70. 1. Singapore • Mayo 3, 1882 – umalis si Rizal patungo sa Singapore na sakay ng Salvadora, isang Spanish na barko • Mayo 9, 1882 – dumaong ang Salvadora sa Singapore • Hotel de La Paz – dito nanirahan si Rizal habang siya ay nasa Singapore sa loob ng dalawang araw
  71. 2. Colombo (Sri Lanka) • Mayo 11, 1882 – sumakay si Rizal ng barkong Pranses na Djemnah na patungong Europa • Mayo 17, 1882 – dumaong ang Djemnah sa Point Galle, Colombo • Namangha si Rizal sa ganda ng lugar
  72. 3. Aden • Sakay ng barkong Djemnah, narating ni Rizal ang Aden (na matatagpuan sa kasalukuyang bansa na Yemen) noong Mayo 26, 1882
  73. 4. Naples at Marseilles • Hunyo 11, 1882 – narating ni Rizal ang Naples sakay ng barkong Djemnah • Hunyo 12, 1882 – dumaong ang barkong Djemnah sa Marseilles • Bumisita si Rizal sa Chateau d If, kung saan kinulong ang bayani ng The Count of Monte Cristo na si Dantes
  74. 5. Barcelona • Hunyo 16, 1882 – narating ni Rizal ang Barcelona, Espanya sa pamamagitan ng pagsakay ng tren • Sinulat ni Jose Rizal sa Barcelona ang Amor Patrio (Love of Country) na inilimbag sa Diariong Tagalog noong Agosto 20, 1882
  75. 6. Madrid, Spain • Nobyembre 3, 1882 – nag-enrol sa Unibersidad Central de Madrid • Antigua Café de Levante – dito umiinom ng kape si Rizal kasama ang iba pang estudyante mula sa iba pang bansa
  76. 7. Paris, France • Hunyo 17 hanggang Agosto 20, 1883 – panahon ni Rizal sa Paris • Marso 1883 – sumali si Rizal sa grupong Freemasonry. Sumali siya para masuportahan siya sa laban niya sa Espanyol
  77. 7. Paris, France • Pagbalik niya sa Espanya, noong ika-24 niyang kaarawan, nakamtan ni Rizal ang digri ng Licentiate in Philosophy and Letters ng Universidad Central de Madrid na may rating na sobresaliente
  78. 7. Paris, France • Nakilala ni Rizal dito si Maximo Viola, isang estudyante ng medisina na taga- Bulacan • Tinulungan ni Rizal si Juan Luna sa pagpinta niya ng kanyang obra maestra na Blood Compact.
  79. 8. Heidelberg, Germany • Pebrero 3, 1886 – dumating si Rizal sa makasaysayang lugar ng Heidelberg, Germany • Dr. Karl Ullmer – isang mabait na Protestanteng pastor na nagpatuloy kay Rizal sa kanyang tirahan
  80. 9. Leipzig at Dresden, Germany • Agosto 14, 1886 – narating ni Rizal ang lungsod ng Leipzig, Germany • Naging kaibigan niya si Professor Friedrich Ratzel, na isang tanyag na German na historyador
  81. 9. Leipzig at Dresden, Germany • Oktubre 29, 1886 – lumisan si Rizal sa Leipzig at tumungo sa Dresden • Nakilala niya si Dr. Adolph B. Meyer, direktor ng Anthropological at Ethnological Museum
  82. 10. Berlin, Germany • Nobyembre 1, 1886 – dumating si Rizal sa Berlin • Namangha si Rizal sa kapaligiran ng Berlin • Nakilala niya si Dr. Feodor Jagor, isang Aleman na siyentista-manlalakbay na nagsulat ng Travels in the Philippines, na sobrang gusto ni Rizal habang siya pa ay nasa Manila.
  83. 10. Berlin, Germany • Pinakilala ni Dr. Jagor si Rizal kay Rudolf Virchow, ang tinaguriang Ama ng Patolohiya at may malaking kontribusyon sa Cell Theory.
  84. 10. Berlin, Germany • Naging miyembro siya ng miyembro ng Anthropological Society, the Ethnological Society at Geographical Society
  85. 10. Berlin, Germany • Dito natapos ni Rizal ang pagsulat niya sa kanyang akda na Noli Me Tangere • Berliner Buchdruckrei-Action- Gesselschaft – printing-press na naglabas ng 2,000 kopya ng Noli Me Tangere
  86. 11. Leitmeritz, Bohemia • Mayo 11, 1887 – lumisan si Rizal kasama si Maximo Viola para maglakbay sa Europa • Mayo 13, 1887 – dumating sina Rizal at Viola sa Leitmeritz, Bohemia • Tumagal sila doon ng tatlong araw
  87. 11. Leitmeritz, Bohemia • Nakilala nila si Dr. Carlos Czepelak na isang siyentista sa Europa
  88. 12. Vienna, Austria • Mayo 20, 1887 – dumating si Rizal at Viola sa Vienna, kapital ng Austria- Hungary • Hotel Metropole – hotel na pinagtuluyan nina Rizal at Viola sa Vienna
  89. 12. Vienna, Austria • Mayo 24, 1887 – umalis sina Rizal at Viola sa Vienna patungo sa Lintz, Austria sa pamamagitan ng barko na dumaan sa Ilog Danube • Nagandahan si Rizal sa Ilog Danube at sa kapaligiran nito
  90. Ilog Danube
  91. 13. Munich at Nuremberg, Germany • Munich, Germany – dito huminto sina Rizal at Viola para malasahan ang tanyag na Alak ng Munich (Munich beer) • Bumisita rin sila sa Nuremberg, isa sa mga pinakamatandang lungsod sa Germany
  92. 13. Munich at Nuremberg, Germany • Binisita din nina Rizal at Viola ang Ulm Cathedral, ang pinakamalaking katedral sa Alemanya
  93. 14. Switzerland • Hunyo 2-3, 1887 – nanirahan sa Schaffhausen, Switzerland • Hunyo 6, 1887 – nakarating sa Geneva, Switzerland • Doon nag-celebrate si Rizal ng ika-26 niyang kaarawan
  94. 14. Switzerland • Ito na rin ang huling pagsasama ni Rizal at Viola • Papunta si Rizal sa Italya habang si Viola ay papunta ng Barcelona sa Espanya
  95. 15. Rome, Italy • Hunyo 27, 1887 – narating ni Rizal ang Roma, kapitolyo ng Italya • Hunyo 29, 1887 – pista nina St. Peter at St. Paul; nabisita ni Rizal ang Vatican
  96. 16. Pagbalik ni Rizal sa Maynila sa Unang Pagkakataon • Djemnah – ito ang barkong nasakyan ni Rizal pabalik nang Maynila (ito rin ang nasakyan ni Rizal papuntang Espanya) • Hulyo 30, 1887 – lumipat si Rizal sa barkong Haiphong, na papuntang Maynila
  97. 16. Pagbalik ni Rizal sa Maynila sa Unang Pagkakataon • Agosto 5, 1887 – narating ni Rizal ang Maynila • Agosto 8, 1887 – pumunta si Rizal sa kanyang pinanggalingang-bayan, ang Calamba, Laguna, at doon nagtayo ng isang maliit na medikal klinik
  98. 17. Hong kong • Pebrero 3, 1888 – sumakay si Rizal sa barkong Zafiro na papuntang Hong Kong • Pebrero 8, 1888 – dumating si Rizal sa Hong Kong
  99. 17. Hong kong • Nanirahan siya sa Victoria Hotel, kung saan tinanggap siya ng malugod ng mga Pilipinong residente doon, katulad nina Jose Maria Basa at Balbino Mauricio
  100. 18. Macao • Pebrero 18, 1888 – umalis sina Rizal at Maria Basa papunta sa Hong Kong sakay ng isang ferry steamer na ang tawag ay Kiu-Kiang patungong Macao
  101. 18. Macao • Nanirahan sila sa bahay ni Don Juan Francisco Lecaros, isang Pilipino • Pebrero 20, 1888 – bumalik sina Rizal at Basa sa Hong Kong, sakay muli ng Kiu-Kiang
  102. 19. Japan • Pebrero 22, 1888 – sumakay si Rizal sa isang American Steamer, Oceanic, papuntang Japan • Pebrero 28, 1888 – dumating si Rizal sa Yokohama, Japan
  103. 19. Japan • Tokyo Hotel – dito nanirahan si Rizal mula Marso 2 hanggang Marso 7 • Umalis na rin si Rizal sakay ng barkong Belgic, isang English steamer, patungong Amerika
  104. 20. Amerika • Abril 28, 1888 – dumaong ang Belgic sa San Francisco, California • Palace Hotel – dito nanirahan si Rizal sa loob ng dalawang araw • Mayo 6, 1888 – pumunta si Rizal papunta Oakland, California
  105. 20. Amerika • Mayo 13, 1888 – dumating si Rizal sa New York City • Mayo 16, 1888 – sumakay si Rizal sa barkong City of Rome, na inilarawan ni Rizal na pangalawa sa pinakmalaking barko sa mundo (noong panahong iyon)
  106. 20. Amerika • Ang isang masamang impresyon ni Rizal sa Amerika ay ang kakulangan sa racial equality
  107. 21. Inglatera (England) • Mayo 24, 1888 – dumating si Rizal sa Liverpool, England • Kinabukasan, umalis si Rizal patungo sa London, England • Nanirahan siya sa bahay ni Dr. Antonio Maria Regidor
  108. 21. Inglatera (England) • Setyembre 1888 – binisita ni Rizal ang Paris, France ng isang linggo para maghanap ng mga historikal na materyales • Nagkita sila ni Juan Luna at ang kanyang pamilya sa French metropolis
  109. 21. Inglatera (England) • Disyembre 24, 1888 – bumalik si Rizal sa Inglatera, para doon mag-Pasko at mag-Bagong Taon
  110. 22. Brussels, Belgium • Enero 28, 1890 – umalis si Rizal mula Paris papuntang Brussels, kabisera ng Belgium • Sinamahan siya ni Jose Albert noong dumating siya sa Brussels
  111. 23. Madrid, Spain • Agosto 1890 – dumating si Rizal sa Madrid, Spain • Dito hinamon ni Antonio Luna si Jose Rizal sa isang duelo sa kadahilanan na nabigo siyang makuha ang gusto niyang babae
  112. 24. Ghent, Belgium • Hulyo 5, 1891 – umalis si Rizal patungong Ghent, Belgium • Dito nailimbag ang mga kopya ng kanyang nobelang El Filibusterismo
  113. 25. Pagbalik ni Rizal sa Maynila sa Ikalawang Pagkakataon • Mayo 1892 – napagdesisyunan ni Rizal na bumalik sa Maynila • Hunyo 26, 1892 – dumating sina Rizal at ang kanyang kapatid na si Lucia sa Maynila
  114. Ang Buhay Pag-ibig ni Dr. Jose P. Rizal
  115. 1, Julia • Nagkita sila ni Rizal sa Ilog Dampalit, sa Los Banos, Laguna • Panandalian lamang ang paghanga ni Rizal sa kanya
  116. 2, Segunda Katigbak • Tinaguriang unang pag-ibig ni Jose Rizal • Nagmula sa Lipa, Batangas • Noong una sila nagkita, pumayag si Segunda na iguhit ang kanyang larawan ni Rizal
  117. 2, Segunda Katigbak • Natigil lamang ang pagsuyo ni Rizal kay Segunda, noong nagpakasal na si Segunda sa isang binata na ang pangalan ay Manuel Luz
  118. 3, Vicenta Ybardaloza • Tinatawag din na Binibining L, na isang guro • Laging binibisita ni Rizal si Vicenta sa kanyang tirahan sa Pakil, Laguna • Nahinto lamang ang kanyang pagbisita dahil pinagbawalan siya ng kanyang ama
  119. 4. Leonor Valenzuela • Nagkilala sila noong ikalawang taon ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas • Sila ay nagpapalitan ng sulat, at ang gamit na tinta ay yari sa asin at tubig • Hindi nagtagal ang kanilang pagmamahalan, pero nagkasundo sila na sila lamang ay magkaibigan lamang
  120. 5. Leonor Rivera • Pinsan ni Jose Rizal • Mula Camiling, Tarlac • Nagsimula ang kanilang pagmamahalan ng masugatan si Rizal sa isang pag- aaway at ang kanyang mga sugat ay ginamot ni Leonor
  121. 5. Leonor Rivera • Matagal nagkahiwalay ang dalawa dahil pumunta si Rizal sa Madrid • Pinagkasundo ng ina ni Leonor kay Henry Kipping at sila ay kinasal noong Hunyo 17, 1891
  122. 6. Consuelo Ortega y Perez • Anak ni Don Pablo Ortega y Rey, na alkade ng Maynila noon • Ayaw ni Rizal na magkaroon ng relasyon kay Consuelo dahil may kasunduan na sila ni Leonor Rivera
  123. 6. Consuelo Ortega y Perez • Nag-compose si Rizal ng isang tula na alay kay Consuelo na may pamagat na A la Senorita C.O.y.P na nagsasalaysay ng paghanga ni Rizal sa kanya
  124. 7. Seiko Usui • Tinatawag din siya ni Rizal na O-Sei- San • Anak ng isang samurai • Nagkilala si Rizal at O-Sei-San noong 1888 sa Azabu, Distrito ng Tokyo
  125. 7. Seiko Usui • Tinulungan niyang makilala ang kulturang Hapones • Tinuruan din niyang bumasa at sumulat si Rizal ng Wikang Nihongo • Pagkatapos ng mahigit isang buwan ng kanilang pagsasama, umalis si Rizal patungong Amerika
  126. 8. Gertrude Beckett • Siya ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid • Anak ni Charles Beckett, isang organist sa St. Paul Church sa London • Tinawag ni Rizal si Beckett bilang Gettie
  127. 9. Suzanne Jacoby • Noong pumunta si Rizal sa Brussels, tumira siya sa bahay ni Suzanne Jacoby • At habang lumipas ang panahon, si Rizal at si Suzanne ay nag-ibigan • Hindi nagtagal at umalis na si Rizal sa Brussels para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay
  128. 10. Nellie Boustead • Bunsong anak ni Eduardo Boustead, isang mangangalakal na Briton • Sumulat si Rizal sa kanyang mga kaibigan, na gusto niyang magpakasal kay Nellie
  129. 10. Nellie Boustead • Subalit may isang kondisyon si Nellie, kailangang magpalit ng relihiyon si Rizal bilang isang Protestante, pero umayaw siya dito at hiniwalayan si Nellie
  130. 11. Josephine Bracken • Anak nina James Bracken, isang korporal at Elizabeth Jane MacBride • Nagustuhan nila ang isa’t isa sa una nilang pagkikita • Noong unang bahagi ng 1896, nagdadalang tao na si Josephine Bracken ng walong buwan
  131. 11. Josephine Bracken • Niloko ni Rizal si Josephine Bracken kaya napaaga ang labas ng kanilang anak, na si Francisco, pero binawian din siya ng buhay sa loob ng 3 oras
  132. MGA KATANUNGAN: • Sino ang pinakaunang-guro ni Jose Rizal? Ano ang itinuturing niyang pinakamahalagang bagay na dapat matutuhan ni Jose?
  133. MGA KATANUNGAN: • Bakit madalas umalis ng bansa si Jose Rizal? Ano-ano ang kanyang mga dahilan ng pangingibang-bayan?
Advertisement