SlideShare a Scribd company logo
PRODUCTION
DIRECTOR
CAMERA
DATE SCENE TAKE
PICTORIAL ESSAY
004 #1
09/28/22
O LARAWANG -
SANAYSAY
Ating
Subukan!
Bago tayo dumako sa ating aralin, halina’t
ating subukan ang gawain sa susunod na
slide.
Ano kaya ang mga salitang ito?
- mula salitang
kastila: imahen.
- mula sa Latin:
imago.
AANLR
WNA - isang maiksing
komposisyon na
kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng
may-akda.
HMEIA
YNSSY
AAA
Ano kaya ang mga salitang ito?
- mula salitang
kastila: imahen.
- mula sa Latin:
imago.
LARAWAN - isang maiksing
komposisyon na
kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng
may-akda.
IMAHE
SANAYSAY
Ano nga ba ang
Larawang Sanysay ?
Talaan Ng Nilalaman.
Mga katangian ng
Larawang Sanysay .
Mga hakbang sa
pagbuo ng Larawang
Sanysay .
Ang mga mag-aaral
ng UST SHS.
Kahulugan
Mga
Hakbang
Mga dapat tandan sa
pagsulat ng Larawang
Sanysay .
Masusukat ang
antas ng pagkatuto.
Dapat
Tandaan
Pagsusulit
Mga
Katangian
Halimbawa
Ang Kahulugan ng
Larawang-sanaysay.
INTRODUKSYON
Patuloy ang pagbabago sa ating panahon,
maifuturing makabagong paraan ng
pagsulat ang paggamit ng larawan bilang
paksa ng isang sulatin. Mas napadadali ang
paggawa ng isang komposisyon kung
mayroong ideyc buhat sa isang larawan. Ito
ay nakilala sa tawag na sanaysay ng
larawan o photo essay.
Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng
mga larawan na may kaugnayan sa bawat
isa. Umiikot sa isang tema o paksain na
kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng
isang manunulat. Maaari itong personal na
paniniwala sa isang partikular na isyu,
usapin o paksa na mayroong repleksyon ng
kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba
pang mga tema ng sulatin. Maaari itong
maging simple o malikhaing pagsulat.
KAHULUGAN
Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa Ingles na
pictorial essay o photo essay, ay isang uri ng sulatin na
naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda
sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na
sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon.
Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o
larawang inilalagay sa isang partikular na
pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga
pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.
Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit ito ng mga
pamamaraan sa pagsasalaysay. Maaaring gamitin mismo ang
binuong larawan o di kaya’y mga larawang may maikling teksto o
kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at
kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto.
Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya’t
mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay.
Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
A photograph
shouldn't be just a
picture, it should be a
philosophy.
― Amit Kalantri
KAHULUGAN
Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, "A
photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy,"
May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang larawan sa
pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita
na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya
naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga
larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
Mga Katangian ng
Larawang-Sanaysay
MGA KATANGIAN
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa
bawat larawan ay suporta lamang sa
mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatutulong sa
pag-unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang mga
katitikang isusulat dito.
MGA KATANGIAN
 May isang paksang nais bigyang-diin sa
mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang
kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kailangang maipakita sa kabuoan
ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
larawang-sanaysay.
MGA KATANGIAN
 Ang mahalagang katangian ng
larawang-sanaysay ay ang mismong
paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.
Layunin nitong magbigay ng kasiyahan
o aliw sa taong gumagawa ng salaysay,
magbigay ng mahalagang
impormasyon, at malinang ang pagiging
malikhain.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Larawang-
Sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang
gagawin.
MGA DAPAT TANDAAN
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
MGA DAPAT TANDAAN
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga
larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
MGA DAPAT TANDAAN
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon,
kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang
contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin
na isinasaad nito.
MGA DAPAT TANDAAN
9. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang
bahagi ng iyong sanaysay.
MGA DAPAT TANDAAN
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Larawang-
Sanaysay
1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.
2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing
sanaysay.
MGA HAKBANG
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema .
4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na
kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw sa
interes ng mga mambabasa.
MGA HAKBANG
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan
sa bawat imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal
devices upang magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat.
MGA HAKBANG
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi
ng iyong sanaysay.
MGA HAKBANG
Halimbawa ng
Larawang-Sanaysay
Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian
Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin
bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.
Hindi nagtagal matapos ang
pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the
Centuries, nagsimula na ang pormal na
klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing
ibinibigay – PeTas, pagsasanay,
pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa
kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng
pagsubok sa kanila.
Dahil sa mga aktibidad na
ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang
pagsasama ang bawat klase na binubuo ng
mga mag-aaral na may iba’t ibang
pinanggalingan, ugali, pananaw, at talento.
Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga kaganapan
sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na pinaghandaan ng
lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng tagisan ng mga natatagong
talento.
Nag-imbita rin ng mga propesyonal
sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi
ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.
Bukod sa pagpapahusay sa mga
katalinuhan ng Senior High School,
tinuturuan din sila kung paano magkaroon
ng teamwork, kung paano
makipagkaibigan, at magpakumbaba.
Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior
High School ng kanilang Intramurals na
pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng
oportunidad ang mga Tomasino na ilabas
ang kanilang angking galing sa larangan
ng pampalakasan.
Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa
kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga humuhubog sa
kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo man sa pagiging
perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong
hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.
PAGSUSULIT
SALAMAT!
MGA MIYEMBRO:
Lia Genelle Rei M. Concha
Lee Alvin M. Magyaya
Nathan Bryce L. Majaba
Jeo Neyle B. Mabato
Chad M. Jantoc
Janine M. Jaugan
Althea Martha M. Hintay
Eiliana Jean B. Montiano
Chelzera Mae M. Rodas
Philip M. Malco
Mhark Wency R. Victorio
Krystal Camille C. Besana
Anne Vixia L. Largado

More Related Content

What's hot

Tekstong naratibo
Tekstong naratiboTekstong naratibo
Tekstong naratibo
Joevell Albano
 
Pagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyektoPagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyekto
Tine Lachica
 
Ang tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysibAng tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysib
REGie3
 
Lakbay sanaysay filipino grade 12
Lakbay sanaysay filipino grade 12Lakbay sanaysay filipino grade 12
Lakbay sanaysay filipino grade 12
hannamarch
 
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptxPAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PrincessAnnCanceran
 
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv  o NanghihikayatTekstong Persweysiv  o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
maricel panganiban
 
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptxPIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
PrincessAnnCanceran
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
StemGeneroso
 
Panukalang proyekto
Panukalang proyektoPanukalang proyekto
Panukalang proyekto
MerryRose8
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
NicoleGala
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
Ria Alajar
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
ChristineMayGutierre1
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ROBERTDCCATIMBANG
 
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboKahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Ardan Fusin
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
LlemorSoledSeyer1
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
Aannerss
 
Pagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionotePagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionote
yrrehc04rojas
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
REGie3
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATFILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
Allan Lloyd Martinez
 
Tekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboTekstong Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
JodelynMaeCangrejo
 

What's hot (20)

Tekstong naratibo
Tekstong naratiboTekstong naratibo
Tekstong naratibo
 
Pagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyektoPagsulat11_Panukalang proyekto
Pagsulat11_Panukalang proyekto
 
Ang tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysibAng tekstong persuweysib
Ang tekstong persuweysib
 
Lakbay sanaysay filipino grade 12
Lakbay sanaysay filipino grade 12Lakbay sanaysay filipino grade 12
Lakbay sanaysay filipino grade 12
 
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptxPAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
 
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv  o NanghihikayatTekstong Persweysiv  o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
 
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptxPIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
PIKTORYAL NA SANAYSAY.pptx
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
Panukalang proyekto
Panukalang proyektoPanukalang proyekto
Panukalang proyekto
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptxANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
ANG SINTESIS AT ANG BUOD (1).pptx
 
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboKahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
 
Pagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionotePagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionote
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATFILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
 
Tekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboTekstong Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
 

Similar to PICTORIAL-ESSAY.pptx

pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
ronaldfrancisviray2
 
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptxPHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
LeahDulay2
 
PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN
PICTORIAL-ESSAY:  FILIPINO SA PILING LARANGANPICTORIAL-ESSAY:  FILIPINO SA PILING LARANGAN
PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN
mikaanghela1402
 
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptxPHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PsalmJoyCutamora1
 
Photo Essay.pptx
Photo Essay.pptxPhoto Essay.pptx
Photo Essay.pptx
LeahMaePanahon1
 
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptxFilipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
ClarisseMei
 
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptxWeek_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
GersonAngeloDealolaM
 
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptxphotoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
RonaldFrancisSanchez
 
360456154-Photo-Essay.pptx
360456154-Photo-Essay.pptx360456154-Photo-Essay.pptx
360456154-Photo-Essay.pptx
margiebartolome
 
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint PresentationTravel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
bryandomingo8
 
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptxLARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
uclairelene
 
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
BrennCabanayan2
 
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxFil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
jasminaresgo1
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptx
Mayramos27
 
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.pptakademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
CHRISTIANJIMENEZ846508
 
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptxGreen Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
ClintwodIversonBarru
 
DLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docxDLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docx
MichelleRepolloOccid
 
1ST COT 2023.pptx
1ST COT 2023.pptx1ST COT 2023.pptx
1ST COT 2023.pptx
YasmeenMangrobang1
 
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptxPILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
WilliamRamos265419
 

Similar to PICTORIAL-ESSAY.pptx (20)

pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptxPHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
 
PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN
PICTORIAL-ESSAY:  FILIPINO SA PILING LARANGANPICTORIAL-ESSAY:  FILIPINO SA PILING LARANGAN
PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN
 
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptxPHOTO_ESSAY_pptx.pptx
PHOTO_ESSAY_pptx.pptx
 
Photo Essay.pptx
Photo Essay.pptxPhoto Essay.pptx
Photo Essay.pptx
 
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptxFilipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
Filipino-sa-Piling-Larang-Modyul-14.pptx
 
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptxWeek_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
 
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptxphotoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
 
360456154-Photo-Essay.pptx
360456154-Photo-Essay.pptx360456154-Photo-Essay.pptx
360456154-Photo-Essay.pptx
 
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint PresentationTravel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
Travel Essay or Lakbay Sanaysay Powerpoint Presentation
 
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptxLARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
 
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
 
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxFil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptx
 
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.pptakademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
akademikong-pagsulat-Evangeline-G.-De-Vera.ppt
 
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptxGreen Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
 
DLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docxDLP-FIL-Q3-W5.docx
DLP-FIL-Q3-W5.docx
 
1ST COT 2023.pptx
1ST COT 2023.pptx1ST COT 2023.pptx
1ST COT 2023.pptx
 
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptxPILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
PILING-LARANG-lakbay-sanaysay-hello.pptx
 
lesson plan.docx
lesson plan.docxlesson plan.docx
lesson plan.docx
 

PICTORIAL-ESSAY.pptx

  • 1. PRODUCTION DIRECTOR CAMERA DATE SCENE TAKE PICTORIAL ESSAY 004 #1 09/28/22 O LARAWANG - SANAYSAY
  • 2. Ating Subukan! Bago tayo dumako sa ating aralin, halina’t ating subukan ang gawain sa susunod na slide.
  • 3. Ano kaya ang mga salitang ito? - mula salitang kastila: imahen. - mula sa Latin: imago. AANLR WNA - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. HMEIA YNSSY AAA
  • 4. Ano kaya ang mga salitang ito? - mula salitang kastila: imahen. - mula sa Latin: imago. LARAWAN - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. IMAHE SANAYSAY
  • 5. Ano nga ba ang Larawang Sanysay ? Talaan Ng Nilalaman. Mga katangian ng Larawang Sanysay . Mga hakbang sa pagbuo ng Larawang Sanysay . Ang mga mag-aaral ng UST SHS. Kahulugan Mga Hakbang Mga dapat tandan sa pagsulat ng Larawang Sanysay . Masusukat ang antas ng pagkatuto. Dapat Tandaan Pagsusulit Mga Katangian Halimbawa
  • 7. INTRODUKSYON Patuloy ang pagbabago sa ating panahon, maifuturing makabagong paraan ng pagsulat ang paggamit ng larawan bilang paksa ng isang sulatin. Mas napadadali ang paggawa ng isang komposisyon kung mayroong ideyc buhat sa isang larawan. Ito ay nakilala sa tawag na sanaysay ng larawan o photo essay.
  • 8. Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat. Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu, usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang mga tema ng sulatin. Maaari itong maging simple o malikhaing pagsulat.
  • 9. KAHULUGAN Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay, ay isang uri ng sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon.
  • 10. Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
  • 11. Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o di kaya’y mga larawang may maikling teksto o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya’t mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay. Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
  • 12. A photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy. ― Amit Kalantri
  • 13. KAHULUGAN Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, "A photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy," May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
  • 15. MGA KATANGIAN  Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
  • 16. MGA KATANGIAN  May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang- diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay.
  • 17. MGA KATANGIAN  Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
  • 18. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang- Sanaysay
  • 19. 1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes. 2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin. MGA DAPAT TANDAAN
  • 20. 3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa. 4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa. MGA DAPAT TANDAAN
  • 21. 5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan. 6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita. MGA DAPAT TANDAAN
  • 22. 7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu. 8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito. MGA DAPAT TANDAAN
  • 23. 9. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay. MGA DAPAT TANDAAN
  • 24. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang- Sanaysay
  • 25. 1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito. 2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay. MGA HAKBANG
  • 26. 3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema . 4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa. MGA HAKBANG
  • 27. 5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin. 6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat. MGA HAKBANG
  • 28. 7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay. MGA HAKBANG
  • 30. Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.
  • 31. Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries, nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas, pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng pagsubok sa kanila. Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang pagsasama ang bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali, pananaw, at talento.
  • 32. Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng tagisan ng mga natatagong talento.
  • 33. Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral. Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at magpakumbaba. Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan.
  • 34. Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.
  • 36. SALAMAT! MGA MIYEMBRO: Lia Genelle Rei M. Concha Lee Alvin M. Magyaya Nathan Bryce L. Majaba Jeo Neyle B. Mabato Chad M. Jantoc Janine M. Jaugan Althea Martha M. Hintay Eiliana Jean B. Montiano Chelzera Mae M. Rodas Philip M. Malco Mhark Wency R. Victorio Krystal Camille C. Besana Anne Vixia L. Largado