Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
1.
2. TEKSTONG PERSUWEYSIB
Layunin nito na manghikayat o mangumbinsi sa babasa
ng teksto.
isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip ng
mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at
hindi sa iba, ang siyang tama
hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto
3. TEKSTONG PERSUWEYSIB
may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag
ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling
tungkol sa isang isyung may ilang panig
taglay nito ang personal na opinion at paniniwala ng
may-akda
ginagamit sa mga iskrip sa patalastas, propaganda para
sa eleksiyon at pagrerekrut para sa isang samahan o
networking
4. INILARAWAN NG GRIYEGONG PILOSOPO NA
SI ARISTOTLE ANG TATLONG PARAAN NG
PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI:
1. Ethos - kredibilidad ng isang manunulat
2. Pathos - gamit ng emosyon o damdamin upang
manghikayat
3. Logos - gamit ng lohika upang makumbinsi ang
mambabasa ( ad hominem fallacy - sumasalungat sa
personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan
nito)
5. HETO ANG MGA HALIMBAWA NG GINGAMIT
NA INSTRUMENTO NG TEKSTONG
PERSWEYSIB SA PANG-AAKIT NG MADLA:
1. NAME CALLING
ANG NAME CALLING AY ANG PAGSASABI NG MASAMA TUNGKOL SA
ISANG TAO, BAGAY, O IDEYA PARA MAIPAKITANG MAS MAGANDA ANG
SINUSUPORTAHAN MO AT PARA MAILAYO ANG MGA TAO SA IDEYA NG
KALABAN. ANG HALIMBAWA NITO AY ANG PAGSISIRA SA KREDIBILIDAD NG
ISANG KANDITATO SA KALABAN NIYA SA ELEKSYON.
6. 2. Glittering Generalities
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng
magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na
salita o pahayag. Sa isang patalastas ni James Reid
ating makikita na kahit ano man ang sitwasyon,
kapag ginamit mo ang produktong ginagamit niya ay
GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.
7. 3. Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang
personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa nito ay ang pag paggamit ng mga sikat na
personalidad upang i promote ang isang produkto.
8. 4. Testimonial
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang
eneendorso o pino-promote ng isang tao ang
kanyang tao o produkto. Halimbawa nito ay sa mga
patalastas tungkol sa toothpaste na nagsasabi na
rekomendado ito ng mga dentista.
9. 5. Plain Folks
Ang uri ng paghihikayat na ito ay gumagamit ng
mga ordinaryong tao para ipakita at makuha ang
tiwala ng madla na katulad din nila. Halimbawa nito
ay ang isang kanditato na nag susuot ng ordinaryong
damit para ipakita na galing din ito sa mahirap.
10. 6. Bandwagon
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng
pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay
tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang
produkto o serbisyo. Halimbawa nito ang pagsasabi
na lahat ng tao ay gumagamit ng produkto at ikaw na
lang ang hindi.
11. 7. Card Stacking
Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto
ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.