SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Kwarter 2 – Modyul 7:
Naibibigay ang denotatibo at
konotatibong kahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng malalalim na
salitang ginamit sa akda.
(F8PT-IIe-f-25)
Ilahad ang katangian ng iyong ama na hinahangaan
mo, at pagkatapos ay ibigay ang iyong paliwanag
bakit ito ay iyong hinahangaan?
1. katangian
2. katangian
3. katangian
4. katangian
5. katangian
6. katangian
Basahin at unawain ang
maikling kuwento.
“Kababata”
(Isinulat ni Sunshine Joy T.
Perez)
Tuklasin
Sa Lungsod ng San Jose del Monte, Lalawigan
ng Bulacan naninirahan ang mag-kaibigang sina
Maria at Leonora. Sila ay matalik na magkaibigan at
sabay na nag-aral sa paaralan. Batid nila ang
kahirapang bumabalot sa kanilang mundo dahil
bata pa lamang ay namulat na agad sila sa realidad
ng buhay. Tuwing hapon si Maria ay kasama ng
kaniyang ina sa pagtitinda ng basahang bilog sa
mga gilid ng pamilihan habang ang haligi ng
kanilang tahanan ay namamasukan bilang
isang karpintero. Si Leonora naman ay
nangangalakal ng basura upang may ipambili ng
bigas at ulam. Sa kabila ng kanilang sitwasyon ay
hindi nagpatinag sina Maria at Leonora. Sabay
silang nangarap at nanindigan na darating din ang
panahon na sila ay makaaahon sa kahirapan. Pilit
nilang ginapang ang kanilang pag-aaral sa
kadahilanang edukasyon ang kanilang tanging
sandigan sa gitna ng mapaglarong lipunan.
Pagtungtong nila sa hayskul ay pinili nilang
mag-aral sa Mataas na Paraalan ng Graceville
dahil ito ang pinakamalapit na paaralan sa
kanilang lugar. Sa kanilang pag-aaral ay
nahasa ang kanilang angking mga talino at
talento. Noon pa man ay kinahiligan ni Maria
ang magbasa ng mga libro at mag-aral tuwing
hapon kaya naman nagtataasan ang kaniyang
mga grado sa eskuwela. Siya rin ang laging
pambato ng paaralan sa mga Quiz Bee. Nag-
aapoy ang kaniyang hangaring makapagtapos
ng pag-aaral. Si Leonora naman ay kinahiligan
ang paglalaro ng Chess dahil tinuruan siya ng
kaniyang ina noong siya ay bata pa. Bunga nito
ay nabigyan ng pagkakataon si Leonora upang
lumahok sa iba’t ibang patimpalak mula
dibisyon hanggang sa pambansang lebel. Sina
Sina Maria at Leonora ay kilalang-kilala ng
mga estudyante at ng kanilang mga guro dahil
sa mga nahakot nilang parangal para sa
kanilang paaralan.
Isang araw nakatanggap ng sul si Maria mula sa isang unibersidad sa
Maynila na nagsasabing isa siya sa mga mapapalad na mag-aaral na
makakukuha ng tulong pinansyal pang-edukasyon sa paaralan na iyon. Sa
labis na pagkatuwa ni Maria ay agad niya itong ibinalita kay Leonora. Mula
sa malayo ay natanaw ni Maria si Leonora. Sumigaw siya at sinabing
“Leonora, natanggap ako! Makapag-aaral na ako sa Maynila!”. Hindi agad
nakaimik si Leonora sa kaniyang narinig. Tila binuhusan siya ng malamig
na tubig dahil batid niya na kapag nag-aral si Maria sa Maynila ay matagal
niya itong hindi makikita. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Ayaw
naman niya na tutululan ang plano ng kaniyang kababata dahil alam
niyang matagal nang pangarap ito ni Maria.
Sa mga oras ding iyon ay hindi maigalaw ni Leonora ang kaniyang mga paa sa labis na
kaba. Habang tangan ang Chess Board at bag ay sinubukan niyang lumakad papalapit
kay Maria ngunit siya ay biglang nadapa dahil hindi niya tinignan ang kaniyang
nilalakaran. Nagulat si Maria sa nangyari kung kaya agad niyang pinuntuhan si
Leonora upang siya ay alalayan. “Anong nangyari? Bakit ka nadapa? ”, sabi ni Maria.
“Hindi ko kasi napansin yung bato at saka nabigla ako sa binalita mo eh.”, pabirong
tugon ni Leonora. Hindi pa tapos magsalita ni Leonora ay nagsalita ulit si Maria.“Alam
mo hindi talaga ako makapaniwala. Ngayon ay matutupad na ang pangarap ko na
makapag-aral sa Maynila. Maiaahon ko na rin sa kahirapan ang aking pamilya!.”,
masayang sabi ni Maria. Sa mga puntong iyon napagtanto ni Leonora na mas
makabubuti na tanggapin ni Maria ang tulong pinansyal dahil mabuti ang plano ni
Maria para sa kaniyang sarili at sa pamilya. Sinang-ayunan ni Leonora si Maria.
“Masaya ako para sa iyo.Alam kong pinangarap mo iyan. Mas pagbutihan mo pa ang
iyong pagaaral.Nandito kami ng mga kaibigan mo na laging nakasuporta sa iyo.”,aniya.
Mga ilang saglit lamang ay dumating ang kanilang guro na si G.
Torres. “May balita ako sa iyo, Leonora! Makapag-aaral ka na rin sa
unibersidad na papasukan ni Maria!”, sabi ng guro. “Kinuha ka nilang
Varsity sa Chess. Ikaw kasi ang naging kampyon sa nakaraang Palarong
Pambansa sa kategoryang Chess”, dagdag niya. Hindi makapaniwala si
Leonora sa sinabi ng kaniyang guro. “Talaga po? Maraming salamat po!”,
masayang sabi ni Leonora. Walang mapagsidlan tuloy ang tuwa nila Maria
at Leonora matapos marinig ang balita. Nagbunga ang lahat ng kanilang
pinaghirapan simula pagkabata. Sabay nilang sinuong ang hamon ng
buhay at sabay rin nilang nakamit ang simula ng tagumpay. Ngayon ay
sabay ulit nilang haharapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay sa
kolehiyo.
Matapos mabasa at maunawaan ang nilalalaman ng
maikling kuwento, sagutin naman ngayon ang mga tanong
tungkol dito at humanda sa talakayan.
1. Sino sino ang mga karakter sa kwento? Magbigay ng
paglalarawan sa bawat tauhan.
2. Bakit gustong makapagtapos ng pag-aaral nina Maria at
Leonora?
3. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang
determinasyon upang makapag-aral?
Suriin
Sa bahagi namang ito, malalaman mo ang
iba’t ibang paraan ng pagkilala sa
kahulugan ng salita.
MAGKASINGKAHULUGAN AT
MAGKASALUNGAT NA KAHULUGAN NG
MGA SALITA
Magkasingkahulugan – Ito ay pares ng
mga salitang magkapareho ang kahulugan
o ibig sabihin.
Hal. mataas – matayog masaya – maligaya
mabilis – matulin maganda – marikit
Magkasalungat – Ito ay pares ng
mga salitang kabaligtaran ang
kahulugan o ibig sabihin.
Hal. malaki – maliit
matipid – bulagsak
mabuti – masama
malusog – mahina ; sakitin
Alam niyo ba…
Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan
at kasalungat na kahulugan ng mga salita
ay may iba pang paraan upang makilala
ang kahulugan ng mga ito. Ito ay mabisang
paraan upang mapalawak ang talasalitaan
ng isang mambabasa, tagapanood o
tagapakinig.
Ang kahulugan ng mga salita ay
makikilala ayon sa…
KONOTATIBO AT
DENOTATIBONG
PAGPAPAKAHULUGAN
- Ito ay dalawang dimensyon sa
pagpapakahulugan ng mga
salita.
1. Denotatibong Pagpapakahulugan
Ito ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita
na karaniwang matatagpuan sa diksyunaryo.
2. Konotatibong Pagpapakahulugan
Ito ay uri ng pagpapakahulugan na sinasamahan
ng emosyon o saloobin. Ito ay nagtataglay ng
ibang kahulugan o maaaring pansariling
pagpapakahulugan ng isang tao o pangkat na iba
kaysa karaniwang kahulugan. Ang mga salita ay
nabibigyan rin ng ibang pagpapakahulugan batay
sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.
Denotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
a. Ang ganda ng
bulaklak sa
kanilang
hardin.(bahagi ng
isang halaman na
karaniwang
makulay at
mabango)
Konotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
a. Siya ang nag-
iisang bulaklak sa
kanilang
magkakapatid.
(babae)
Denotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
b. Si Nena ay napaso
sa apoy habang
nagluluto ng kaniyang
paboritong
pagkain.(isang
elementong mainit at
ginagamit sa pagluluto)
Konotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
b. Nag-aapoy ang
kaniyang hangaring
matupad ang matagal na
niyang pinapangarap.
(naglalarawan sa
matinding damdamin
tungkol sa isang tao,
bagay o pangyayari)
Denotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
c. Madilim na
ngunit wala pa
rin ang kanyang
asawa.(kawalan
ng liwanag)
Konotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
c. Nagdilim ang
kanyang paningin ng
nasaktan niya ang
kanyang anak ngunit
napigilan niya ito.
(kawalan ng hustisya/
kasamaan o nawala
pansamantala sa sarili)
Denotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
d. Rosas ang dala
ni Sean sa kanyang
iniibig.(uri ng
bulaklak)
Konotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
d. Si Sam ang
nag-iisang rosas
para sa mata ng
kanyang kaklase.
(may taglay na
angking ganda)
Denotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
e. Nakakita kami
ng matandang
leon sa Manila Zoo
(isang uri ng
hayop na
kapamilya ng
pusa)
Konotatibong
Pagpapakahulugan
Halimbawa:
e. Ang gurong
tagapayo ng Grade 8 –
Mabuti ay isang leon.
(mabangis/matapang)

More Related Content

Similar to Q2-MODYUL-7.pptx

KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATINKOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
StemGeneroso
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
ar_yhelle
 
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKDLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
ReyCacayurinBarro
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47
Ronesto Luarca
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
AndreaBobis
 

Similar to Q2-MODYUL-7.pptx (20)

Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfFil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
 
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
 
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATINKOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK 3
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK  3FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK  3
FILIPINO GRADE 5 K-12 ALAB FILIPINO 1ST QUARTEER WEEK 3
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
 
Sa loob ng love class
Sa loob ng love classSa loob ng love class
Sa loob ng love class
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
 
Pag unawa sa kaisapan ng may akda ng Ibong Adarna
Pag unawa sa kaisapan ng may akda ng Ibong AdarnaPag unawa sa kaisapan ng may akda ng Ibong Adarna
Pag unawa sa kaisapan ng may akda ng Ibong Adarna
 
FILIPINO 3 PPT Q3 W2 - Day 1 - Aralin 22.pptx
FILIPINO 3 PPT Q3 W2 - Day 1 - Aralin 22.pptxFILIPINO 3 PPT Q3 W2 - Day 1 - Aralin 22.pptx
FILIPINO 3 PPT Q3 W2 - Day 1 - Aralin 22.pptx
 
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKDLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
DLL_FILIPINO 2_Q1_W2KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47
 
Filipino 3 tg full
Filipino 3 tg fullFilipino 3 tg full
Filipino 3 tg full
 
alamat ng pinya.pptx
alamat ng pinya.pptxalamat ng pinya.pptx
alamat ng pinya.pptx
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
 
DLL_MTB 2_Q1_W1.docx
DLL_MTB 2_Q1_W1.docxDLL_MTB 2_Q1_W1.docx
DLL_MTB 2_Q1_W1.docx
 
FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 

Recently uploaded (7)

uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 

Q2-MODYUL-7.pptx

  • 1. Kwarter 2 – Modyul 7: Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda. (F8PT-IIe-f-25)
  • 2. Ilahad ang katangian ng iyong ama na hinahangaan mo, at pagkatapos ay ibigay ang iyong paliwanag bakit ito ay iyong hinahangaan? 1. katangian 2. katangian 3. katangian 4. katangian 5. katangian 6. katangian
  • 3. Basahin at unawain ang maikling kuwento. “Kababata” (Isinulat ni Sunshine Joy T. Perez) Tuklasin
  • 4. Sa Lungsod ng San Jose del Monte, Lalawigan ng Bulacan naninirahan ang mag-kaibigang sina Maria at Leonora. Sila ay matalik na magkaibigan at sabay na nag-aral sa paaralan. Batid nila ang kahirapang bumabalot sa kanilang mundo dahil bata pa lamang ay namulat na agad sila sa realidad ng buhay. Tuwing hapon si Maria ay kasama ng kaniyang ina sa pagtitinda ng basahang bilog sa mga gilid ng pamilihan habang ang haligi ng
  • 5. kanilang tahanan ay namamasukan bilang isang karpintero. Si Leonora naman ay nangangalakal ng basura upang may ipambili ng bigas at ulam. Sa kabila ng kanilang sitwasyon ay hindi nagpatinag sina Maria at Leonora. Sabay silang nangarap at nanindigan na darating din ang panahon na sila ay makaaahon sa kahirapan. Pilit nilang ginapang ang kanilang pag-aaral sa kadahilanang edukasyon ang kanilang tanging sandigan sa gitna ng mapaglarong lipunan.
  • 6. Pagtungtong nila sa hayskul ay pinili nilang mag-aral sa Mataas na Paraalan ng Graceville dahil ito ang pinakamalapit na paaralan sa kanilang lugar. Sa kanilang pag-aaral ay nahasa ang kanilang angking mga talino at talento. Noon pa man ay kinahiligan ni Maria ang magbasa ng mga libro at mag-aral tuwing hapon kaya naman nagtataasan ang kaniyang mga grado sa eskuwela. Siya rin ang laging
  • 7. pambato ng paaralan sa mga Quiz Bee. Nag- aapoy ang kaniyang hangaring makapagtapos ng pag-aaral. Si Leonora naman ay kinahiligan ang paglalaro ng Chess dahil tinuruan siya ng kaniyang ina noong siya ay bata pa. Bunga nito ay nabigyan ng pagkakataon si Leonora upang lumahok sa iba’t ibang patimpalak mula dibisyon hanggang sa pambansang lebel. Sina
  • 8. Sina Maria at Leonora ay kilalang-kilala ng mga estudyante at ng kanilang mga guro dahil sa mga nahakot nilang parangal para sa kanilang paaralan.
  • 9. Isang araw nakatanggap ng sul si Maria mula sa isang unibersidad sa Maynila na nagsasabing isa siya sa mga mapapalad na mag-aaral na makakukuha ng tulong pinansyal pang-edukasyon sa paaralan na iyon. Sa labis na pagkatuwa ni Maria ay agad niya itong ibinalita kay Leonora. Mula sa malayo ay natanaw ni Maria si Leonora. Sumigaw siya at sinabing “Leonora, natanggap ako! Makapag-aaral na ako sa Maynila!”. Hindi agad nakaimik si Leonora sa kaniyang narinig. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil batid niya na kapag nag-aral si Maria sa Maynila ay matagal niya itong hindi makikita. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Ayaw naman niya na tutululan ang plano ng kaniyang kababata dahil alam niyang matagal nang pangarap ito ni Maria.
  • 10. Sa mga oras ding iyon ay hindi maigalaw ni Leonora ang kaniyang mga paa sa labis na kaba. Habang tangan ang Chess Board at bag ay sinubukan niyang lumakad papalapit kay Maria ngunit siya ay biglang nadapa dahil hindi niya tinignan ang kaniyang nilalakaran. Nagulat si Maria sa nangyari kung kaya agad niyang pinuntuhan si Leonora upang siya ay alalayan. “Anong nangyari? Bakit ka nadapa? ”, sabi ni Maria. “Hindi ko kasi napansin yung bato at saka nabigla ako sa binalita mo eh.”, pabirong tugon ni Leonora. Hindi pa tapos magsalita ni Leonora ay nagsalita ulit si Maria.“Alam mo hindi talaga ako makapaniwala. Ngayon ay matutupad na ang pangarap ko na makapag-aral sa Maynila. Maiaahon ko na rin sa kahirapan ang aking pamilya!.”, masayang sabi ni Maria. Sa mga puntong iyon napagtanto ni Leonora na mas makabubuti na tanggapin ni Maria ang tulong pinansyal dahil mabuti ang plano ni Maria para sa kaniyang sarili at sa pamilya. Sinang-ayunan ni Leonora si Maria. “Masaya ako para sa iyo.Alam kong pinangarap mo iyan. Mas pagbutihan mo pa ang iyong pagaaral.Nandito kami ng mga kaibigan mo na laging nakasuporta sa iyo.”,aniya.
  • 11. Mga ilang saglit lamang ay dumating ang kanilang guro na si G. Torres. “May balita ako sa iyo, Leonora! Makapag-aaral ka na rin sa unibersidad na papasukan ni Maria!”, sabi ng guro. “Kinuha ka nilang Varsity sa Chess. Ikaw kasi ang naging kampyon sa nakaraang Palarong Pambansa sa kategoryang Chess”, dagdag niya. Hindi makapaniwala si Leonora sa sinabi ng kaniyang guro. “Talaga po? Maraming salamat po!”, masayang sabi ni Leonora. Walang mapagsidlan tuloy ang tuwa nila Maria at Leonora matapos marinig ang balita. Nagbunga ang lahat ng kanilang pinaghirapan simula pagkabata. Sabay nilang sinuong ang hamon ng buhay at sabay rin nilang nakamit ang simula ng tagumpay. Ngayon ay sabay ulit nilang haharapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay sa kolehiyo.
  • 12. Matapos mabasa at maunawaan ang nilalalaman ng maikling kuwento, sagutin naman ngayon ang mga tanong tungkol dito at humanda sa talakayan. 1. Sino sino ang mga karakter sa kwento? Magbigay ng paglalarawan sa bawat tauhan. 2. Bakit gustong makapagtapos ng pag-aaral nina Maria at Leonora? 3. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang determinasyon upang makapag-aral?
  • 13. Suriin Sa bahagi namang ito, malalaman mo ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa kahulugan ng salita. MAGKASINGKAHULUGAN AT MAGKASALUNGAT NA KAHULUGAN NG MGA SALITA Magkasingkahulugan – Ito ay pares ng mga salitang magkapareho ang kahulugan o ibig sabihin. Hal. mataas – matayog masaya – maligaya mabilis – matulin maganda – marikit
  • 14. Magkasalungat – Ito ay pares ng mga salitang kabaligtaran ang kahulugan o ibig sabihin. Hal. malaki – maliit matipid – bulagsak mabuti – masama malusog – mahina ; sakitin
  • 15. Alam niyo ba… Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng mga ito. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitaan ng isang mambabasa, tagapanood o tagapakinig.
  • 16. Ang kahulugan ng mga salita ay makikilala ayon sa… KONOTATIBO AT DENOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN - Ito ay dalawang dimensyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.
  • 17. 1. Denotatibong Pagpapakahulugan Ito ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita na karaniwang matatagpuan sa diksyunaryo. 2. Konotatibong Pagpapakahulugan Ito ay uri ng pagpapakahulugan na sinasamahan ng emosyon o saloobin. Ito ay nagtataglay ng ibang kahulugan o maaaring pansariling pagpapakahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan. Ang mga salita ay nabibigyan rin ng ibang pagpapakahulugan batay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.
  • 18. Denotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: a. Ang ganda ng bulaklak sa kanilang hardin.(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay at mabango) Konotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: a. Siya ang nag- iisang bulaklak sa kanilang magkakapatid. (babae)
  • 19. Denotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: b. Si Nena ay napaso sa apoy habang nagluluto ng kaniyang paboritong pagkain.(isang elementong mainit at ginagamit sa pagluluto) Konotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: b. Nag-aapoy ang kaniyang hangaring matupad ang matagal na niyang pinapangarap. (naglalarawan sa matinding damdamin tungkol sa isang tao, bagay o pangyayari)
  • 20. Denotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: c. Madilim na ngunit wala pa rin ang kanyang asawa.(kawalan ng liwanag) Konotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: c. Nagdilim ang kanyang paningin ng nasaktan niya ang kanyang anak ngunit napigilan niya ito. (kawalan ng hustisya/ kasamaan o nawala pansamantala sa sarili)
  • 21. Denotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: d. Rosas ang dala ni Sean sa kanyang iniibig.(uri ng bulaklak) Konotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: d. Si Sam ang nag-iisang rosas para sa mata ng kanyang kaklase. (may taglay na angking ganda)
  • 22. Denotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: e. Nakakita kami ng matandang leon sa Manila Zoo (isang uri ng hayop na kapamilya ng pusa) Konotatibong Pagpapakahulugan Halimbawa: e. Ang gurong tagapayo ng Grade 8 – Mabuti ay isang leon. (mabangis/matapang)