8. Sa musika, ang rhythm ay iba’t ibang uri
ng note at rest na may kaukulang halaga
(value/duration) o bilang ng kumpas. Ang
note ay nagpapahiwatig ng tunog habang
ang rest ay nagpapahiwatig ng
katahimikan. May mga simbolong
ginagamit upang ipahayag ito.
9. Ang isang awit ay binubuo ng dalawang pangunahing elemento:
• tunog o sound na may iba’t ibang tono at haba o durasyon;
• at ng katahimikan o silence na may iba’t ibang ring haba o
durasyon.
Ang tunog o sound ay ipinahahayag gamit ang iba’t ibang uri ng
note samantalang ang katahimikan o silence ay ipinahahayag
gamit ang iba’t ibang uri ng rest. Ang mga rest ay walang tono
hindi tulad ng mga note dahil hindi ito naririnig.
10.
11. Iparirinig ng guro ang
awiting “Magandang Araw”.
Ituturo ang awitin sa
pamamaraang rote. Awitin
ang “Magandang Araw”.
12.
13. Suriin ang iskor ng awiting “Magandang
Araw”.
Basahin ang titik ng awit.
Tungkol saan ang awit? (Ang awit ay
tungkol sa pagbati sa guro.)
14. 1. Ano-ano ang mga note na nakapaloob sa awitin? Ibigay ang bilang o halaga
ng mga ito.
2. 2. Itapik ang rhythm ayon sa halaga o bilang ng kumpas ng bawat note
3. Itapik ang beat ng awitin.
4. 4. Bakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang isang awitin? (Ang
isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog dahil sa uri ng mga nota
na ginamit.)
5. . Ilang uri ng mga nota ang makikita sa awiting “Magandang Araw”? (May
tatlong uri ng mga nota ang makikita sa awitin.)
6. Bukod sa mga nota, ano pang simbolo sa musika ang inyong nakikita?
(Mayroon ding rest.)
7. Isulat/Iguhit ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
8. sa inyong pag-awit, aling note ang pinakamahaba ang tunog? Alin naman
ang pinakamaikli ang tunog? Alin naman ang katamtaman? Alin ang walang tunog?
May mahaba at maikling tunog sa isang awitin dahil sa mga uri ng note na
ginagamit. May bahagi ring walang tunog at ang ginagamit na simbolo nito ay rest