5. Ang bawat kasangkapang panukat ay
may kani-kaniyang bagay na
paggagamitan. Narito ang mga
kagamitan sa pagsusukat
na maari mong magamit sa susunos na
proyekto na iyong gagawin.
6. Narito ang mga gamit ng mga
kagamitan sa pagsusukat:
1. Iskuwalang Asero
➢ Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki
at malalapad na gilid ng isang bagay.
Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela,
lapad ng mesa, at iba pa.
7. 2. Zigzag Rule
➢ Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang
haba ay umaabot ng anim na piye at panukat
ng mahahabang bagay.
Halimbawa, pagsusukat ng haba at lapad ng
bintana,pintuan at iba pa.
8. 3. Meter Stick
➢ Ito ay karaniwang ginagamit ng mga
mananahi, sa pagsusukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol ng tela.
9. 4. Push-Pull Rule
➢ Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at
awtomatiko na may haba na dalawampu’t
limang (25) pulgada hanggang isang daang
(100) talampakan. Ang kasangkapang ito ay
may gradasyon sa magkabilang tabi, ang isa ay
nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.
10. 5. Protraktor
➢ Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na
mga linya.
11. 6. Ruler at Triangle
➢ Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa
paggawa ng mga linya sa drowing at iba
pang maliliit na gawain na nangangailangan
ng sukat
12. 7. T-Square
➢ Ito ay ginagamit sa pagsukat ng
mahahabang linya kapag nagdodrowing.
Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng
mga linya sa mga drowing na gagawin.
13. 8.Tape Measure
➢ Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay
ginagamit nila sa pagsusukat ng mga
bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi ng
damit, pantalon, palda, barong, gown, atbp
15. Sa pagsusukat ay gumagamit
tayo ng iba’t-ibang kagamitan.
Ang bawat kagamitan sa
pagsusukat ay may mga angkop
na bagay kung saan ito
gagamitin.
16. Isulat ang wastong kagamitan sa
pagsusukat ang gagamitin sa mga bagay
na nasa ibaba.
1. Lapad ng kartolina
2. Haba ng kawayan
3. Takip ng lata ng gatas
4. Taas ng drowing
5. Ibabaw na bahagi ng table
18. ____2.Ito ay karaniwang ginagamit
ng mananahi sa pagsusukat para sa
paggawa ng pattern at kapag
nagpuputol ng tela.
____3. Kasangkapang ginagamit sa
pagsusukat ng mga mananahi.
19. ____4.Ginagamit sa pagkuha ng
mga digri kapag ikaw ay gumagawa
ng anggulo sa iguguhit na mga
linya.
____5.Ito ay kasangkapang yari sa
kahoy na ang haba ay umaabot ng
anim na piye at apnukat ng
mahahabang bagay..