3. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na
“parabole” na nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao, hayop, lugar, o pangyayari) para
paghambingin.
Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap
noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa
Banal na Aklat.
4. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga
tao.
Ang parabula ay hindi lamang lumilinang ng
mabuting asal na dapat nating taglayin kung
hindi hinuhubog din nito ang ating moral at
espirituwal na pagkatao.