3. Ang pangatnig ay mga
kataga na nag- uugnay sa mga
salita, parirala, o sugnay upang
makabuo ng malinaw na diwa.
4. Mga halimbawa:
1. ikaw o ako (mga salita)
2. mga minamahal na kamag- aaral at
mahuhusay na guro (mga parirala)
3. Kailangan ko nang umalis upang maabutan ko
ang kaibigan ko. (mga sugnay)
5. Dalawang uri ng Pangatnig:
1. Pangatnig na Panimbang
2. Pangatnig na Pantulong
7. Pangatnig Na Panimbang
- ginagamit ang mga ito upang pag-
ugnayin ang mga magkatimbang na salita,
parirala, o mga sugnay na nakapag- iisa.
Ilan sa mga ito ay at, o, saka, pati,
maging, ngunit, at subalit.
8. Mga halimbawa:
1. araw at gabi (mga salita)
2. malamig na inumin pati mainit na pagkain
(parirala)
3. Marami ang natuwa ngunit marami rin ang
nalungkot. (mga sugnay)
10. Pangatnig Na Pantulong
- ginagamit ang mga ito upang pag-
ugnayin ang mga sugnay na hindi
magkatimbang. Ilang sa mga pangatnig
na ito ay kung, kapag, dahil sa,
sapagkat, kaya, kung gayon, palibhasa,
upang, at sana.
11. Mga halimbawa:
a. Maaga akong gumising upang hindi maipit sa
trapiko.
b. Natutuwa ako kapag nakababasa ng magandang
balita.
c. Hindi agad kami nakaalis ng bahay dahil sa malakas
na buhos ng ulan.