2. PANG-URI
ay salitang ginagamit upang maglarawan sa
tao, bagay, hayop, at pangyayari; o kaya
naman ay isang bahagi ng pananalita na
binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas
partikular ito.
3. URI NG PANG-URI
Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala
ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o
panghalip.
Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng
bilang ng pangngalan o panghalip.
5. PAMILANG
Mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan.
Ito ay nagsasaad sa dami o kauntian ng mga
pangngalang inilalarawan.
Halimbawa:
Isa, dalawa, tatlo, apat ….
6. URI NG PANG-URING PAMILANG
Patakaran- mga basal na bilang, mga
batayang bilang sa pagbibilang
Halimbawa: isa, pito, isanlibo, limandaan
Isang kaban ng kayamanan ng kayaman ang
kanilang nakita.
7. PANUNURAN
- nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangngalan o pang-ilan
Halimbawa: una, ikatlo, pansampu
Ang unggoy ang unang pasyente ng mga
ahas.
8. PAMAHAGI
– nagsasaad ng bahagi o parte ng isang kabuuan.
Halimbawa: kalahati (½), sangkapat (1/4),
tigdalawa
Tig-anim na hiyas ang kanilang tinangay.
9. PALANSAK
– nagsasaad ng pangkatan, minsanan, o
maramihan ng pangngalan.
Halimbawa: apatan, pituhan, pito-pito
Dalawahan ang pila sa mga nagpapagamot sa
mga ahas.
10. PAHALAGA
-nagsasaad ng halaga ng bagay na binibili, binili, o
bibilhin.
Halimbawa: saandaang piso, dalawampung piso,
limang milyong piso
Ang pilak daw na ito ay katumbas ng sadaang
libong piso
11. PATAKDA
tinitiyak nitong ang bilang ay di mababawasan o
madaragdagan.
Halimbawa: Pipito, iisa, aapat
Sasampung tao lamang nagbantay sa kaharian.
12. MALAYANG PAGSASANAY
pangungusap ang mga sumus Panuto:
Gamitin sa unod na mga pang-uri.
1. mahinhin 2. matayog 3. maputi 4. malawak 5.
magigiting
6. Magulo 7. simple 8. sampu 9. ika- anim 10. sang-kapat
13. TAKDANG- ARALIN
Gumupit ng isang larawan ng magagandang pook
na makikita sa Pilipinas. Ilarawan ito sa dalawahang
hanggang tatlong pangungusap. Bilugan ang mga
salitang naglalarawan. ( Ilagay sa isang malinis na
papel o bondpaper)