Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxJun-Jun Borromeo
"Napaglilingkuran ko ang ating bayan." ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng panganib ng ganitong trabaho.
Ilan kaya ang kabataan tulad mo ang ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anumang gawaing naitakda mong gawin, isinasaalang alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba - sa pamilya, paaralan, o pamayanan?
Inaasahang masasagot ng modyul na ito ang mga sumusunod na katanungan na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?
Sa modyul na ito, Inaasahang maipapamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang kakayahan ng paggawa bilang tagataguyod ng dignidad ng tao.
2. Nakakasusuri kung ang paggawa nasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay /pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
3. Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
4. Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam aa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan na nasa ibat ibang karera o trabahong teknikal-bokasyonal.
Kailan ka huling nakilahok sa pagtitipon na may layuning makatuling sa iba? Kailan mo rin huling naranasan na magboluntaryo sa mga mapagkawang-gawang samahan na ang pakay ay tumulong sa mga nasunugan at mga hindi inaasahang pangyayari? Bakit kailangan nating gawin nang malaya at bukas-puso ang mga gawaing inaasahan ang ating pagtugon?
Inaasahang sa modyul na ito, ang tunay na diwa at kabuluhan ng paglilingkod sa kapuwa ay lalo pang mapalalim sa iyong puso. Magkakaroon ng higit na kabuluhan ang inyong buhay kung ito ay patuloy mong ibabahagi sa inyong kapuwa. Dito mo makikilala ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo na iyong maiuugnay sa pag-unlad ng lipunan. Mula dito, ay inaasahang masasagit mo ang mahalang tano na: Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo

2. SA PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO
DAPAT MAKIKITA ANG TATLONG Ts
1. PANAHON (TIME)
Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas
hindi na ito maibababalik.
2. TALENTO (TALENT)
Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talent at ito ay iyong
magagamit upang ibahagi sa iba. Iba- iba ang talento ng bawat isa.
5. Genesis 2:18
“ hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan ko siya ng
makakasama at makakatulong”.
Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapuwa sapagkat
hindi siya mabubuhay na mag-isa.
6. PAKIKILAHOK
Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan
at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga dahil:
• Maisasakatuparan ang isang Gawain na makakatulong sa pagtugon sa
pangangailangan ng lipunan.
• Magagampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan, at
• Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
7. HALIMBAWA
Paglahok sa halalan, Paglahok sa pangkatang gawain na
pinapagawa ng guro , Paglahok sa pulong ng mga kabataan
sa barangay.
Ang pakikilahok ay isangtungkulin na kailangan mong
gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay
mayroong mawawala sas iyo.
8. Antas ng pakikilahok na makatutulong sa
pakikibahagi sa lipunan ayon kay Sherry
Arnsteinis:
1. Impormasyon
Sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto
siyang makibahagi ng kaniyang nalalaman o nakalap
na impormasyon. Makakatulong ito upang
madagdagan ang kaalaman ng iba.
9. Halimbawa:
•Sa brigade eskwela, maaari mong ipaalam sa
iyong mga kamag-aral at kakilala kung kalian
ito magaganap, maaaring ipost sa facebook o
di kaya itext sila upang malaman nila ito at ano
ang magandang bunga nito kung sila rin ay
makikilahok.
10. 2. KONSULTASYON
• Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na
kung saan hindi lang ang sarili mong opinion o ideya ang
kailangang mangibabaw kundi kailangan pa ring makinig
sa mga puna ng iba na maaaring makatulong sa
pagtagumpay ng isang proyekto.
11. Halimbawa
• Sa iyong pakikilahok sa Brigada Eskwela ay naatasan
kang mamuno sa iyong kapwa kamag-aaral sa lugar
na inyong lilinisin sa paaralan. Marahil ay marami
kang ideya kung paano ito sisimulan ngunit mas
mabuti kung ikaw ay kokonsulta muna sa iyong guro
o kapuwa mag-aaral sa naiisip mong gawin.
12. 3. sama-samang pagpapasiya
• Upang lalong maging matagumpay ang isang Gawain mahalaga
ang pagpapasiya ng lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng
iisang tao kundi ng marami. Sa pagpapasiya kinakailangang
isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa
sarili kundi sa mas nakararami.
13. Halimbawa
• Nabigyan na ang bawat isa ng kaniyang gagawin. Mahalaga pa rin
na tanungin sila kung sila ay pumapayag ditto at kung kaya nila ang
napunta sakanilang Gawain.
14. 4. sama-samang pagkilos
• Hindi magiging matagumpay ang anumang Gawain kung
hindi kikilos ang lahat.
15. Halimbawa
• Sa pagsisimula ninyong maglinis sa lugar na naatas
sa inyo hindi maari na ang pinuno lamang ang
palaging gagawa. Kailangan ang bawat isa ay
gaganap sa tungkulin na ibinigay sa kaniya upang
matapos nang maayos at mabilis ang trabaho.
16. 5. PAGSUPORTA
• Mapadadali ang isang Gawain kahit mahirap kung
ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta ditto.
Hindi ito tumutukoy sa tulong pinansyal lamang.
Ito ay maaring maipakita sa pagbabahagi ng talento
o kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay
nanggagaling sa iyong puso.
17. Halimbawa
• Hindi mo kayang maglinis sapagkat mahina ang
iyong katawan. Maibibigay mo pa rin ang iyong
suporta sa pamamagitan ng donasyon, paghahanda
ng pagkain para sa mga naglilinis, o di kaya’y
pagpapalaganap ng impormasyon sa mga tao para
makilahok sila.
18. Mula sa pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kaniyang
damdamin at kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kaniyang lipunan
sa pagpapalaganap ng pangkalahatang kabituhan. Ito ay maipapakita sa
pamamagitan:
• A. paggalang sa makatarungang batas
• Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng
pagtataguyod ng maayos na pamilya at magiging tapat sa
gawain
19. 3. KAYAMANAN (TREASURE)
• Maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong pera,
mahirap lang kami, wala akong maitutulong ngunit sa
pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man
ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso
para sa nangangailangan