SlideShare a Scribd company logo
9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikaapat na Markahan
IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
9
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 9
Modified Self Learning Material
Ikaapat na Markahan – IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghahanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtatakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Assistant Secretary:
Department of Education – Dibisyon ng Oriental Mindoro
Office Address: Sta. Isabel, Calapan City
Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pangkatuto
Manunulat: Irnanie A. Enrico
Editor: Deo C.Ilagan
Tagasuri: Deo C. Ilagan
Tagaguhit: Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Susana M. Bautista
Rafael G. Manalo
Charity R. Agabas-Capunitan
Elmer P. Concepcion
Oscar Linga
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao para sa
araling kinalalagyan ng mga Bayan sa Oriental Mindoro
Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng Kagamitang Pampagkatuto:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang kagamitang pampagkatuto na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Sa kagamitang pampagkatuto na ito ay inaasahang masasagot ang
mahalagang tanong na:
Bakit mahalaga na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Personal na
Misyon sa Buhay? Gaano ito kahalaga?
Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat
na gampanan? Simulan na natin, ngayon na!
Aralin
1
PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
MELC: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay. EsP9PK-IVc-14.1
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay. EsP9PK-IVc-14.2
Susing Konsepto
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kanyang tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniya upang makamit ang kanyang mga layunin sa buhay.Ito ay mahalaga sa
pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing
magpapasya,kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi
maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili , sa kapwa at sa lipunan.
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo
ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili
at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo
ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali
ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People
“Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang
isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin
mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng
nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay
upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay
Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa
buhay.
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng
pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay
magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat mong
isaalang-alang sa pansariling pagtataya.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian
ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan,
ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan
nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon
sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang
layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa
kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong
tatahakin.
“All of us are creators of our own destiny”
Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan
sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na
nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing
saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay.
Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya
pag-isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng
iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay.
Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga
katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking
buhay?
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa
buhay kung ito ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan
niya bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang
natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad
at sa iba pang dapat gampanan
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.
May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Mahalaga na ito ay iyong
mabatid sapagkat sa anumang propesyon na iyong tatahakin, kailangan na makita
mo ang kaibahan nito at kung paano mo ito iuugnay sa iyong buhay
Misyon/ Bokasyon Propesyon
• Ang misyon ay ang hangarin ng
isang tao sa buhay na magdadala
sa kaniya tungo sa kaganapan.
• Mula sa misyon, ay mabubuo ang
tinatawag na bokasyon. Ang
bokasyon ay galling sa salitang
Latin na “vocation” ibig sabihin ay
“calling” o tawag.
• Mula dito ay hindi na lamang
• Ang propesyon ay trabaho na
ginagawa ng tao upang siya ay
mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang
pinag-aralan o matagal ng ginagawa at
naging eksperto na siya dito. Ito ay
maaaring gusto niya o hindi ngunit
kailangan niyang gawin sapagkat ito
ang pinagkukunan niya ng kaniyang
ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay
simpleng trabaho ang kaniyang
ginagawa kundi isang misyon na
nagiging isang bokasyon. Dito
tunay na nagkakaroon ang tao ng
tunay na pananagutan sapagkat
naibabahagi niya ang kaniyang
sarili at kumikilos siya para sa
kabutihang panlahat.
lamang nakatuon ng kaniyang
paggawa hindi siya nagkakaroon ng
ganap na kasiyahan.
Gawain 1
Sa bawat araw ay nagpapasya ang tao hindi ba?. Ikaw, paano ka nagpapasya? Sa
iyong palagay nakatuon ba ang iyong pasya sa tamang direksiyong na iyong
pupuntahan? Mayroon ka bang saligang ginagamit upang maging maayos at tama
ang iyong gagawin?
Panuto:
1. Punan ang kolum sa ibaba.
2. Magbigay ng limang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagsagawa ka ng
pagpapasya.
3. Isulat sa mga sumusunod na kolum kung paano mo ito isinagawa, ano mabuting
naidulot nito at hindi mabuting naidulot nito sa iyo?
Sitwasyon sa Aking
Buhay
Paano isinagawa
ang pagpapasya?
Mabuting Naidulot Hindi Mabuting
Naidulot
1.
2.
3.
4.
5.
Gabay na Tanong :
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili mula sa gawain?
2. Bakit mahalaga na magpasya nang tama? Ipaliwanag.
3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap? Ipaliwanag
Gawain 2
Panuto:
1. Mula sa naunang gawain ay gumawa ng Linya ng Buhay o Life Line.
2. Isulat ang mga ginawang pagpapasya sa mga sitwasyon na naranasan mo sa
iyong
buhay.
3. Ikaw ay gagawa ng Line Graph. Tingnan ang halimbawa .Isulat ito sa isang malinis
na papel.
Ikaw naman:
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang napansin mo sa Linya ng Iyong Buhay?
2. Mula sa iyong ginawa, nakikita mo bang tinatahak mo ang tamang direksiyon na
iyong nais na mangyari sa iyong buhay? Bakit? Ipaliwanag.
3. Paano makatutulong sa isang tao ang pagkakaroon niya ng gabay o pattern sa
kaniyang
buhay? Ipaliwanag.
5. Mahalaga ba sa isang taong magkaroon siya ng kaniyang magiging gabay sa
kaniyang ginagawang pagkilos at pagpapasya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
1
2
3
4
5
LINYA NG AKING BUHAY
Pag-aaral nang mabuti araw-araw
1
2
3
4
5
LINYA NG AKING BUHAY
Ating Tayahin:
Panuto: Panato: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
.
1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay kung paano
mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay, ito rin ay magiging batayan mo sa iyong
gagawin na mga pagpapasiya sa araw –araw.
c.Ito ay hangarin ng tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan.
d. Ang tunay na misyon ay maglingkod.
2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.
a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa
buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema
kung ito ay babaguhin pa.
3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. nakikilala ng tao ang kaniyang sarili at nasusuri ang katangian ,pagpapahalaga at
layunin.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.
4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan.
a. Misyon
b. Bokasyon
b. Bokasyon
c. Propesyon
d. Tamang Direksiyon
5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon
b. Tamang Direksiyon
c. Misyon
d. Propesyon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 –Modyul para sa Mag-aaral p.232-250
Tayahin
1.
B
2.
C
3.
C
4.
A
5.
A

More Related Content

What's hot

Pagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptxPagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptx
RhodaCalilung
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Edna Azarcon
 
ESP 9 MODYUL 3
ESP 9 MODYUL 3 ESP 9 MODYUL 3
ESP 9 MODYUL 3
andrelyn diaz
 
Lokal at global na demand
Lokal at global na demandLokal at global na demand
Lokal at global na demand
Maricar Valmonte
 
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxModyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
Jun-Jun Borromeo
 
ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1
andrelyn diaz
 
ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9
Crystal Lynn Gonzaga
 
Lokal at global na demand
Lokal at global na demandLokal at global na demand
Lokal at global na demand
JA NA
 
ESP 10 - Q1-M7.pptx
ESP 10 - Q1-M7.pptxESP 10 - Q1-M7.pptx
ESP 10 - Q1-M7.pptx
Jackie Lou Candelario
 
Sekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptxSekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptx
MELVIN FAILAGAO
 
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptxPaghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
ShalomOriel
 
ESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptxESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptx
JoshuaLumanta1
 
ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)
andrelyn diaz
 
Modyul 15 lokal at global na demand
Modyul 15   lokal at global na demandModyul 15   lokal at global na demand
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikula
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikulaMga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikula
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikulaMaria Smith
 
EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16
Marian Fausto
 
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
ESP-10-Diagnostic-Test.pptxESP-10-Diagnostic-Test.pptx
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
DenmarkSantos5
 
DLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docxDLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docx
NelssenCarlMangandiB
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
LiGhT ArOhL
 
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptxMODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
DonnaTalusan
 

What's hot (20)

Pagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptxPagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptx
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
 
ESP 9 MODYUL 3
ESP 9 MODYUL 3 ESP 9 MODYUL 3
ESP 9 MODYUL 3
 
Lokal at global na demand
Lokal at global na demandLokal at global na demand
Lokal at global na demand
 
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxModyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptx
 
ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1
 
ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9
 
Lokal at global na demand
Lokal at global na demandLokal at global na demand
Lokal at global na demand
 
ESP 10 - Q1-M7.pptx
ESP 10 - Q1-M7.pptxESP 10 - Q1-M7.pptx
ESP 10 - Q1-M7.pptx
 
Sekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptxSekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptx
 
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptxPaghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas.pptx
 
ESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptxESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptx
 
ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)
 
Modyul 15 lokal at global na demand
Modyul 15   lokal at global na demandModyul 15   lokal at global na demand
Modyul 15 lokal at global na demand
 
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikula
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikulaMga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikula
Mga tanong na kailangang sagutin habang nanonood ng pelikula
 
EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16EsP G7: Modyul 16
EsP G7: Modyul 16
 
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
ESP-10-Diagnostic-Test.pptxESP-10-Diagnostic-Test.pptx
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
 
DLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docxDLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docx
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
 
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptxMODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
MODYUL 6 TALENTO AT KAKAYAHAN.pptx
 

Similar to EsP-9-Q4-week-3.pdf

Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayModyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS
 
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
ynengmead28
 
Modyul 14.
Modyul 14.Modyul 14.
Modyul 14.
Nica Romeo
 
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptxMGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
RegineFabros
 
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptxModyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
MikaelaKaye
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
PRINTDESK by Dan
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
Kimberly Abao
 
Lm esp grade10
Lm esp grade10Lm esp grade10
Lm esp grade10
Gabriel Fordan
 
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
ZetaJonesCarmenSanto
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
RoyAndrada1
 
grade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdfgrade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdf
Angelika B.
 
EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14
Rivera Arnel
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
MaryJoyViray1
 
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
cellxkie acxie
 
COT2 PRESENTATION.pptx
COT2 PRESENTATION.pptxCOT2 PRESENTATION.pptx
COT2 PRESENTATION.pptx
Alrea3
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
Perlita Noangay
 
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptxModyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
MaryGraceSepida1
 
Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12 Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12
EzekielVicBogac
 

Similar to EsP-9-Q4-week-3.pdf (20)

Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayModyul 14  Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
ESP 9 4TH Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 14
 
Modyul 14.
Modyul 14.Modyul 14.
Modyul 14.
 
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptxMGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptx
 
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptxModyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
Modyul14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.pptx
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
 
Lm esp grade10
Lm esp grade10Lm esp grade10
Lm esp grade10
 
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
9 Aralin 2_Misyon sa Buhay.pptx
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
grade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdfgrade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdf
 
ESP 9-Q4 W5-6
ESP 9-Q4 W5-6 ESP 9-Q4 W5-6
ESP 9-Q4 W5-6
 
EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
4th-Qr_Week-4-DLL_Grade-9.docx
 
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
esp 9 quarter 3.pptx (from module created by student)
 
COT2 PRESENTATION.pptx
COT2 PRESENTATION.pptxCOT2 PRESENTATION.pptx
COT2 PRESENTATION.pptx
 
COT 2.pptx
COT 2.pptxCOT 2.pptx
COT 2.pptx
 
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptxModyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
 
Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12 Sim EsP 7 Modyul 12
Sim EsP 7 Modyul 12
 

More from NoelPiedad

1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
NoelPiedad
 
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdfEsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
NoelPiedad
 
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
NoelPiedad
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
NoelPiedad
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
NoelPiedad
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
NoelPiedad
 
Science_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdfScience_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdf
NoelPiedad
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
NoelPiedad
 
ComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdfComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdf
NoelPiedad
 
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
NoelPiedad
 
406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc
NoelPiedad
 
R4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdfR4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdf
NoelPiedad
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
NoelPiedad
 
412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx
NoelPiedad
 

More from NoelPiedad (14)

1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
 
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdfEsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
 
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
Science_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdfScience_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdf
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
 
ComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdfComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdf
 
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
 
406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc
 
R4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdfR4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdf
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
 
412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx
 

EsP-9-Q4-week-3.pdf

  • 2. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ikaapat na Markahan IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO 9
  • 3. Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 9 Modified Self Learning Material Ikaapat na Markahan – IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO Unang Edisyon, 2021 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghahanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtatakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang- ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Assistant Secretary: Department of Education – Dibisyon ng Oriental Mindoro Office Address: Sta. Isabel, Calapan City Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pangkatuto Manunulat: Irnanie A. Enrico Editor: Deo C.Ilagan Tagasuri: Deo C. Ilagan Tagaguhit: Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana Tagapamahala: Susana M. Bautista Rafael G. Manalo Charity R. Agabas-Capunitan Elmer P. Concepcion Oscar Linga
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao para sa araling kinalalagyan ng mga Bayan sa Oriental Mindoro Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng Kagamitang Pampagkatuto: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang kagamitang pampagkatuto na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Sa kagamitang pampagkatuto na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Bakit mahalaga na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay? Gaano ito kahalaga? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat na gampanan? Simulan na natin, ngayon na!
  • 5. Aralin 1 PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY MELC: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. EsP9PK-IVc-14.1 Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. EsP9PK-IVc-14.2 Susing Konsepto Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kanyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kaniya upang makamit ang kanyang mga layunin sa buhay.Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing magpapasya,kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili , sa kapwa at sa lipunan. Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw. Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People “Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya. 1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya. 2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay. 3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
  • 6. “All of us are creators of our own destiny” Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay. Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga katanungang: 1. Ano ang layunin ko sa buhay? 2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga? 3. Ano ang mga nais kong marating? 4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay? Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay: 1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao 2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha 3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang dapat gampanan 4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba. May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Mahalaga na ito ay iyong mabatid sapagkat sa anumang propesyon na iyong tatahakin, kailangan na makita mo ang kaibahan nito at kung paano mo ito iuugnay sa iyong buhay Misyon/ Bokasyon Propesyon • Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. • Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galling sa salitang Latin na “vocation” ibig sabihin ay “calling” o tawag. • Mula dito ay hindi na lamang • Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito. Ito ay maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay
  • 7. simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang bokasyon. Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat. lamang nakatuon ng kaniyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan. Gawain 1 Sa bawat araw ay nagpapasya ang tao hindi ba?. Ikaw, paano ka nagpapasya? Sa iyong palagay nakatuon ba ang iyong pasya sa tamang direksiyong na iyong pupuntahan? Mayroon ka bang saligang ginagamit upang maging maayos at tama ang iyong gagawin? Panuto: 1. Punan ang kolum sa ibaba. 2. Magbigay ng limang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagsagawa ka ng pagpapasya. 3. Isulat sa mga sumusunod na kolum kung paano mo ito isinagawa, ano mabuting naidulot nito at hindi mabuting naidulot nito sa iyo? Sitwasyon sa Aking Buhay Paano isinagawa ang pagpapasya? Mabuting Naidulot Hindi Mabuting Naidulot 1. 2. 3. 4. 5. Gabay na Tanong : 1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili mula sa gawain? 2. Bakit mahalaga na magpasya nang tama? Ipaliwanag. 3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap? Ipaliwanag
  • 8. Gawain 2 Panuto: 1. Mula sa naunang gawain ay gumawa ng Linya ng Buhay o Life Line. 2. Isulat ang mga ginawang pagpapasya sa mga sitwasyon na naranasan mo sa iyong buhay. 3. Ikaw ay gagawa ng Line Graph. Tingnan ang halimbawa .Isulat ito sa isang malinis na papel. Ikaw naman: Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang napansin mo sa Linya ng Iyong Buhay? 2. Mula sa iyong ginawa, nakikita mo bang tinatahak mo ang tamang direksiyon na iyong nais na mangyari sa iyong buhay? Bakit? Ipaliwanag. 3. Paano makatutulong sa isang tao ang pagkakaroon niya ng gabay o pattern sa kaniyang buhay? Ipaliwanag. 5. Mahalaga ba sa isang taong magkaroon siya ng kaniyang magiging gabay sa kaniyang ginagawang pagkilos at pagpapasya? Ipaliwanag ang iyong sagot. 1 2 3 4 5 LINYA NG AKING BUHAY Pag-aaral nang mabuti araw-araw 1 2 3 4 5 LINYA NG AKING BUHAY
  • 9. Ating Tayahin: Panuto: Panato: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. . 1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? a. Ito trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay, ito rin ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw –araw. c.Ito ay hangarin ng tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan. d. Ang tunay na misyon ay maglingkod. 2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao. b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan. c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay. d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa. 3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung: a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga. b. nakikilala ng tao ang kaniyang sarili at nasusuri ang katangian ,pagpapahalaga at layunin. c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad. d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa. 4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. a. Misyon b. Bokasyon b. Bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon 5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag. a. Bokasyon b. Tamang Direksiyon c. Misyon d. Propesyon
  • 10. Susi sa Pagwawasto Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 9 –Modyul para sa Mag-aaral p.232-250 Tayahin 1. B 2. C 3. C 4. A 5. A