Modyul 5 - Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas MoralAmie Eugenio
Modyul 5:Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito.
Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti.
Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga ugnayan.
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang pagtungo lagi sa pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili.
Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.
Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depinsiyon ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.
Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao.
First Do No Harm

Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxJun-Jun Borromeo
"Napaglilingkuran ko ang ating bayan." ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng panganib ng ganitong trabaho.
Ilan kaya ang kabataan tulad mo ang ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anumang gawaing naitakda mong gawin, isinasaalang alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba - sa pamilya, paaralan, o pamayanan?
Inaasahang masasagot ng modyul na ito ang mga sumusunod na katanungan na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?
Sa modyul na ito, Inaasahang maipapamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang kakayahan ng paggawa bilang tagataguyod ng dignidad ng tao.
2. Nakakasusuri kung ang paggawa nasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay /pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
3. Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
4. Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam aa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan na nasa ibat ibang karera o trabahong teknikal-bokasyonal.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
2. Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat

Kailan ka huling nakilahok sa pagtitipon na may layuning makatuling sa iba? Kailan mo rin huling naranasan na magboluntaryo sa mga mapagkawang-gawang samahan na ang pakay ay tumulong sa mga nasunugan at mga hindi inaasahang pangyayari? Bakit kailangan nating gawin nang malaya at bukas-puso ang mga gawaing inaasahan ang ating pagtugon?
Inaasahang sa modyul na ito, ang tunay na diwa at kabuluhan ng paglilingkod sa kapuwa ay lalo pang mapalalim sa iyong puso. Magkakaroon ng higit na kabuluhan ang inyong buhay kung ito ay patuloy mong ibabahagi sa inyong kapuwa. Dito mo makikilala ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo na iyong maiuugnay sa pag-unlad ng lipunan. Mula dito, ay inaasahang masasagit mo ang mahalang tano na: Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo
4. Punan ang nawawalang salita upang maging
makabuluhan
“Ang anumang batas na
nakabatay sa Likas na Batas
Moral ay dapat sundin pagkat
ito ay tumutugon sa
pangangailangan ng ____at
umaayon sa dignidad ng ___”
BALIK –ARAL
11. MGA LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang
tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
2.Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan
sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay
nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
12. MGA LAYUNIN:
4.Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang
panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal bokasyonal
3.Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao
ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng
kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang
kaganapan ng kanyang pagkatao
17. Gawain A. Panuto: I type sa GROUP /G-MEETChat ang iyong pinapangarap na trabaho at ihayag din kung
paano ito makakatulong sa iyong kapwa. Sundan ang pormat sa ilalim.
Ang aking pinapangarap na trabaho ay…………..
Makakatulong ito sa aking kapwa dahil………….
Tanong:
1. Ano ang aspeto sa pagkatao mo ang nalinang sa pinili mong trabaho? Ipaliwanag.
Rubrik sa Pagwawasto
Mga katangian ng sagot:
1. Kompleto ang ibinigay na sagot
2. Mahusay ang pagpapaliwanag
3. Maayos ang pagbuo ng
pangungusap
Bibigyan ka ng sumusunod na puntos
5= taglay ang tatlong pamantayan
3= dalawang pamantayan lamang
1=isang pamantayan lamang
18. GAWAIN:
Panuto: TAMA O MALI. Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin
kung tama o mali ang isinasaad nitong konsepto. Isulat ang titik T kung ito ay tama at M kung mali.
1. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kanyang kapwa.
2. Maari ding matawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang tugunan ang
kanilang mga pangangailangan.
3. Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng tao sa kanyang tunguhin
o kaganapan.
4. Ang paggawa ay realidad ng buhay na hindi maaring takasan.
5. Ang tunay na kabuluhan ng paggawa ay kumita ng salapi
22. Lord, help me live from day to
day In such a self-forgetful way,
That even when I kneel to pray,
My prayer shall be for "Others“.
Help me in all the work I do to
ever be sincere and true, and
know, that all I do for You Must
needs be done for "Others“.
And when my work on earth is
done, And my new work in
Heaven´s begun, May I forget
the crown I´ve won, While
thinking still of "Others"
"Others" Lord, yes, "Others" Let
this motto be, Help me live for
others That I may live for Thee.
25. TALASALITAAN:
• HANAP –BUHAY:
• Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, o trabaho (Ingles: work, job,
employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o
tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang
makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong
naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador .
• TRABAHO: KATUNGKULAN
29. GABAY NA
TANONG:
1. Ano ang aral na napulot mo sa napanood na
patalastas?
2. Paano mo maiiugnay ang mga aral na ito sa iyong
pang-araw-araw na
gawain?
3. Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?
30. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang larawan ng uniporme na nais
mong isuot bilang iyong
hanapbuhay o trabaho sa hinaharap.
31. Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naging motibasyon sa pagpili ng
trabahong ito?
2. Paano ito makakatulong sa pagpapaunlad ng iyong
sarili at kapwa?
3.Ano ang kaugnayan ng dignidad ng tao sa paggawa?
32.
33. TANDAAN Ang tunay na
pinakamataas na layunin ng
paggawa ay ang pagkamit
ng kaganapan bilang isang
tao. Nakabatay ang tunay na
halaga ng tao sa kung paano
niya pinagsisikapang
hubugin ang kaniyang
mabuting pagkatao. Hindi ito
nakabatay sa anomang pag-
aari o yaman. Mahalaga na
iyong tandaan na ang
paggawa ay higit pa sa
pagkita lamang ng salapi.
34. Subheto ng
Paggawa
Ang subheto ng paggawa ay
ang tao. Nabubuhay ang tao sa
mundo upang gumawa, ngunit
binibigyang-diin na ang
paggawa ay para sa tao at hindi
ang tao para sa paggawa. Hindi
maaaring ituring ang tao bilang
isang kasangkapan na
kinakailangan para
mapagyaman ang paggawa;
bagkus, kailangan niya ang
paggawa upang makamit niya
35. Obheto ng
Paggawa (Goal
of Labor)
Ang kalipunan
ng mga gawain,
resources,
instrumento, at
teknolohiya na
ginagamit ng tao
upang makalikha ng
mga produkto ay ang
siyang obheto ng
paggawa. Nilikha ang
teknolohiya upang
gawing perpekto ang
gawain ng tao.
36. Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan. Kailangan ng taong gumawa upang
tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang sangkatauhan.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa at
sa lipunan na kaniyang kinabibilangan. Upang higit na
magkaroon ng kabuluhan (purpose) sa pag-iral ng tao. Ang
buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang
paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.
37. Panlipunang
Dimensyon ng
Paggawa
Ang paggawa ay
paggawa para sa kapwa
at kasama ang kapwa.
Ito ay paggawa ng isang
bagay para sa iba. Ang
bunga ng paggawa ng
tao ang nagbubukas
para sa pagpapalitan,
ugnayan at
pakikisangkot sa ating
kapwa. Ang panlipunang
kalikasan ng paggawa
ang tunay na tataya sa
paggawa.
38. SHORT QUIZ
Tama o Mali. Tukuyin at basahin ng may pag-unawa ang bawat pahayag. Isulat
ang tama kung ang pahayag ay wasto at mali kung ito ay di-wasto
1. Ang taong naghahangad na makatulong sa kanyang kapwa sa
pamamagitan ng paggawa ay mahalaga upang maitaguyod ang kanyang
sariling dignidad.
2. Sa pamamagitan ng paggawa at paglilingkod ay mahuhubog ng tao
ang kanyang talento.
3. Bukod sa talento at kakayahan, mas makabubuti na bigyang pansin ng
tao ang pagpapa-unlad ng agham at teknolohiya upang maging mas
madali ang kanyang pamumuhay.
4. Ang subheto ay gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhiin
5. Ang tao ay gumagawa upang mas higit na makilala ang kanyang sarili,
at upang tugunan ang kanyang mga pangangailangan.
39.
40. Kasunduan:
Panuto: Gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa kahalagahan ng
paggawa gamit ang mga
karakter ng isang langgam. Isulat ito sa isang malinis na papel at ipasa
sa itinakdang
araw ng retrieval.