SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto
nicolegelique
• Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The
Community Empowerment Collective,
ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano at
adhikain para sa isang komunidad o
samahan.
• Ang Panukalang Proyekto ay isang
kasulatan ng mungkahing naglalaman
ng mga plano ng gawaing ihaharap sa
tao o samahang pag-uukulan nitong
siyang tatanggap at magpapatibay nito.
nicolegelique
• Ayon naman kay Besim Nebiu, ang
panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas
ng isang problema o sualiranin.
• Ang Panukalang Proyekto ay kailangang
maging tapat na dokumento na ang
pangunahing layunin ay makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago.
• Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong
magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag-uukulan nito.
nicolegelique
Mga dapat
gawin sa
Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto
4 nicolegelique
Mga dapat gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
> Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa
kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and
Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay
kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi
at ito ay ang mga sumusunod:
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
5 nicolegelique
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
> Mahalagang isagawa ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan o
kompanya sa pagsulat ng panimula ng
proyektong papel.
> Ang iyong pangunahing dahilan sa pagsulat
ng panukalang proyekto ay upang
makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago.
A
nicolegelique
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
> Maaring gabay na tanong sa pagsulat ng
panukalang proyekto:
a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat
lapatan ng agarang solusyon?
b. Ano-ano ang pangangailangan ng
pamayanan o samahan na nais mong gawan
ng panukalang proyekto?
A
nicolegelique
Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng
mga mamamayan ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng
Barangay Pagkakaisa upang malutas ang kanilang mga suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
 Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa
kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng
dengue
 Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
 Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at
pagtitipid ng tubig
 Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay
nicolegelique
Maraming suliranin ang maaaring
makita sa isang pamayanan, kompanya, o
samahan. Sa mga pamayanan, ito ay
maaaring kakulangan sa maayos na mga ilaw
sa kalsada, kawalan ng basketball court para
sa mga kabataan, kakulangan ng mga health
center sa mga makabagong gamit at gamot, at
iba pa. Sa mga kompanya naman o sa mga
institusyon, maaaring ang mgasuliranin ay
kakulangan sa conference room, kakulangan
sa maayos na daloy ng komunikasyon sa
bawat opisina, kakulangan ng pondo para sa
mga proyekto, at iba pa.
nicolegelique
Maaaring makabuo ng maraming
solusyon sa isang suliranin ngunit mas
makabubuti kung magbibigay-tuon
lamang sa iisang solusyon. Dito sa
panimula iikot ang kabuoan ng iyong
proyektong papel. Makikita ngayon sa
loob nito ang suliraning naranasan ng
partikular na samahan at kung paano
makatutulong ang proyektong papel na
iyong isinagawa. Ito na ngayon ang
magsisilbing ‘Pagpapahayag ng
Suliranin’.
nicolegelique
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng
bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa
kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing
sanhi ng pagbahay ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa
bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o
pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
mapapatayo, tiyak na di kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa
ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga
lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
nicolegelique
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
> Ang pinakakatawan ng panukalang proyekto
ay binubo ng layunin, planong dapat gawin
at badyet.
• Layunin - Makikita sa layunin ang mga
bagay na gustong makamit o ang pinaka-
adhikain ng panukala. Dapat itong isulat
batay sa mga inaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindi batay sa kung
paano makakamit ang resultang ito.
B
nicolegelique
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
• Ang layunin ay kailangang maging SIMPLE
(Jerremy at Lynn Miner, 2008)
 Specific
 Immediate
 Measurable
 Practical
 Logical
 Evaluable
B
nicolegelique
Layunin: Makapagpagawa ng breakwater o pader na
makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa
ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan
at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na mga buwan.
nicolegelique
• Plano na Dapat Gawin - ang talaan ng mga gawain o plan
of action ay naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Ito ay dapat maiplano ayon
sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa,mga
taong kinakailangan sa pagsasakatuparan, makatotohanan
at ang badyet sa pagsasagawa nito.
Makabubuti rin kung isasama sa tatakdaan ng gawain
ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilaw araw ito gagawin.
Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo
para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.
nicolegelique
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo)
* Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng
kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater (1 araw)
* Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag
ng napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)
nicolegelique
• Badyet - isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang
proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet
para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
Ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet:
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag- aaproba at
magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasepikasyon niyo upang madaling
sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d. Sigaraduhing tama o wasto ang ginawang pagkukuwenta sa mga gastusin.
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng
breakwater batay sa
isinumite ng napiling
contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga
trabahador)
Php 3,200,000.00
I. Gastusin para sa
pagpapasinaya at
pagbabasbas nito
Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00
nicolegelique
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
Mga Makikinabang Nito
> Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na
grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring
isama sa bahaging ito ang katapusan o
kongklusyon ng iyong panukala. Sa
bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga
dahilan kung bakit dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang proyekto.
C
nicolegelique
Paano Mapapakinabangan ng Barangay Bacao ang Panukalang Ito?
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-
pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masolusyunan. Di
na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at
mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng
bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang tabaho at alalahanin ng mga opisyales ng
barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng
mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.
nicolegelique
Balangkas
ng
Panukalang
Proyekto
21
nicolegelique
• Ayon kay Besim Nebiu sa kanyang akdang
Developing Skills & NGO’s Project Proposal
Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto
ang Abstrak o executive summary ng panukala
lalo na kung medyo may kahabaan ang
isinulat na papel sapagkat makakatulong ito
sa mga abalang opisyal sa pagsuri ng
panukalang proyekto.
• Sa ibang pormat naman ay naglalagay ng
appendices o ang mahahalagang sipi ng datos
o dokuento na kailangan sa panukala upang
higit na maging sistematiko at organisado ang
presentasyon ng panukala.
nicolegelique
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano na Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang
Panukalang Proyekto
nicolegelique
HALIMBAWA
NG
PANUKALANG
PROYEKTO
24
nicolegelique
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO
Mula kay Leah Grace L. Delgado
324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan
ng General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agrikultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay
ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga
bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng
pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
nicolegelique
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na
pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo
tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na
lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa
tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang
mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng
mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na mga buwan.
III. Plano ng Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo)
* Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-
kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
nicolegelique
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa
ng breakwater (1 araw)
* Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng
napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)
IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater
batay sa isinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
Php 3,200,000.00
I. Gastusin para sa pagpapasinaya at
pagbabasbas nito
Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00
nicolegelique
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-
pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masolusyunan. Di na
makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.
Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong
ng mga ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang tabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay
sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki
ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga
magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan
nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon
ng tag-ulan.
nicolegelique
Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto
nicolegelique

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 
Posisyong Papel Filipino
Posisyong Papel FilipinoPosisyong Papel Filipino
Posisyong Papel Filipino
 
Panukalang proyekto report
Panukalang proyekto reportPanukalang proyekto report
Panukalang proyekto report
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULATFILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Pagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_KatitikanPagsulat11_Katitikan
Pagsulat11_Katitikan
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Pagpili ng paksa
Pagpili ng paksaPagpili ng paksa
Pagpili ng paksa
 
Photo essay
Photo essayPhoto essay
Photo essay
 
Adyenda
AdyendaAdyenda
Adyenda
 
pagsulat ng abstrak
pagsulat ng abstrakpagsulat ng abstrak
pagsulat ng abstrak
 
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv  o NanghihikayatTekstong Persweysiv  o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
 
Naratibong ulat
Naratibong ulatNaratibong ulat
Naratibong ulat
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptxPAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
 
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikDisenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
Ibat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng tekstoIbat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng teksto
 
PICTORIAL-ESSAY.pptx
PICTORIAL-ESSAY.pptxPICTORIAL-ESSAY.pptx
PICTORIAL-ESSAY.pptx
 

Similar to Grade 12 Panukalang Proyekto

Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptx
Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptxPiling Larang( Panukalang Proyekto).pptx
Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptxJessadelleBolaZantua
 
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxPANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxKrizelEllabBiantan
 
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdf
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdfPANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdf
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdfGwenLopez3
 
Panukalang-Proyekto-Copy.pptx
Panukalang-Proyekto-Copy.pptxPanukalang-Proyekto-Copy.pptx
Panukalang-Proyekto-Copy.pptxBinibiningSajetas
 
panukalang-proyekto-2_082025.pptx
panukalang-proyekto-2_082025.pptxpanukalang-proyekto-2_082025.pptx
panukalang-proyekto-2_082025.pptxJohnChristianlibrea
 

Similar to Grade 12 Panukalang Proyekto (8)

panukalang proyekto.pptx
panukalang proyekto.pptxpanukalang proyekto.pptx
panukalang proyekto.pptx
 
Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptx
Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptxPiling Larang( Panukalang Proyekto).pptx
Piling Larang( Panukalang Proyekto).pptx
 
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptxPANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
PANUKALANG PROYEKTO_1ssssssssss15811.pptx
 
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdf
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdfPANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdf
PANUKALANG-PROYEKTO-GROUP-8_124156.pdf
 
Panukalang-Proyekto-Copy.pptx
Panukalang-Proyekto-Copy.pptxPanukalang-Proyekto-Copy.pptx
Panukalang-Proyekto-Copy.pptx
 
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdfHalimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
Halimbawa ng Panukalang Proyekto.pdf
 
Panukalang proyekto.pptx
Panukalang proyekto.pptxPanukalang proyekto.pptx
Panukalang proyekto.pptx
 
panukalang-proyekto-2_082025.pptx
panukalang-proyekto-2_082025.pptxpanukalang-proyekto-2_082025.pptx
panukalang-proyekto-2_082025.pptx
 

More from Nicole Angelique Pangilinan

Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...
Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...
Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...Nicole Angelique Pangilinan
 
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...Nicole Angelique Pangilinan
 
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century Literature
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century LiteraturePHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century Literature
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century LiteratureNicole Angelique Pangilinan
 
Introduction to Literature and Philippine Literature
Introduction to Literature and Philippine LiteratureIntroduction to Literature and Philippine Literature
Introduction to Literature and Philippine LiteratureNicole Angelique Pangilinan
 
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...Nicole Angelique Pangilinan
 
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)Nicole Angelique Pangilinan
 
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational Activities
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational ActivitiesGrade 12 Module : Hope 3 Recreational Activities
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational ActivitiesNicole Angelique Pangilinan
 
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)Nicole Angelique Pangilinan
 
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...Nicole Angelique Pangilinan
 
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...Nicole Angelique Pangilinan
 

More from Nicole Angelique Pangilinan (20)

HILIGAYNON LITERATURE ( PHILIPPINE LITERATURE )
HILIGAYNON LITERATURE ( PHILIPPINE LITERATURE )HILIGAYNON LITERATURE ( PHILIPPINE LITERATURE )
HILIGAYNON LITERATURE ( PHILIPPINE LITERATURE )
 
CEBUANO LITEFATURE ( PHILIPPINE LITERATURE)
CEBUANO LITEFATURE ( PHILIPPINE LITERATURE) CEBUANO LITEFATURE ( PHILIPPINE LITERATURE)
CEBUANO LITEFATURE ( PHILIPPINE LITERATURE)
 
Tagalog Literature ( 21st Century Literature )
Tagalog Literature ( 21st Century Literature )Tagalog Literature ( 21st Century Literature )
Tagalog Literature ( 21st Century Literature )
 
Text Tula (21st Century Literature)
Text Tula (21st Century Literature)Text Tula (21st Century Literature)
Text Tula (21st Century Literature)
 
Chick Literature (Chick Lit)
Chick Literature (Chick Lit) Chick Literature (Chick Lit)
Chick Literature (Chick Lit)
 
Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...
Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...
Philippine Literature during Japanese, Postwar and Contemporary Period (GRADE...
 
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...
Philippine Literature during Spanish and American period (Grade 11 21st Centu...
 
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century Literature
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century LiteraturePHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century Literature
PHILIPPINE LITERATURE (PRE-COLONIAL LITERATURE) GRADE 11 21st Century Literature
 
Introduction to Literature and Philippine Literature
Introduction to Literature and Philippine LiteratureIntroduction to Literature and Philippine Literature
Introduction to Literature and Philippine Literature
 
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...
Grade 11 WHAT IS LITERATURE? (21st Century Literature from the Philippines an...
 
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)
Grade 12 Module : TRENDS or FADS / TRENDSPOTTING (trends)
 
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational Activities
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational ActivitiesGrade 12 Module : Hope 3 Recreational Activities
Grade 12 Module : Hope 3 Recreational Activities
 
Socialism (GRADE 12 POLITICAL SCIENCE)
Socialism (GRADE 12 POLITICAL SCIENCE)Socialism (GRADE 12 POLITICAL SCIENCE)
Socialism (GRADE 12 POLITICAL SCIENCE)
 
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)
Mental Health of Teens (Grade 11 Personal Development)
 
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...
Grade 11 Module : Major Forms of Literature (21st Century Literature from the...
 
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...
Grade 11 Module: A Glimpse to the Study and Appreciation of Literature (21st ...
 
Pictorial essay - Grade 12
Pictorial essay - Grade 12Pictorial essay - Grade 12
Pictorial essay - Grade 12
 
Lakbay Sanaysay (Grade 12)
Lakbay Sanaysay (Grade 12)Lakbay Sanaysay (Grade 12)
Lakbay Sanaysay (Grade 12)
 
The Marketing Mix :7 P's of marketing
The Marketing Mix :7 P's of marketingThe Marketing Mix :7 P's of marketing
The Marketing Mix :7 P's of marketing
 
Deforestation - Causes, Effects and Solution
Deforestation - Causes, Effects and SolutionDeforestation - Causes, Effects and Solution
Deforestation - Causes, Effects and Solution
 

Recently uploaded

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 

Recently uploaded (20)

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 

Grade 12 Panukalang Proyekto

  • 2. • Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano at adhikain para sa isang komunidad o samahan. • Ang Panukalang Proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. nicolegelique
  • 3. • Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o sualiranin. • Ang Panukalang Proyekto ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. • Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. nicolegelique
  • 4. Mga dapat gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto 4 nicolegelique
  • 5. Mga dapat gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto > Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang mga sumusunod: a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito 5 nicolegelique
  • 6. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto > Mahalagang isagawa ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o kompanya sa pagsulat ng panimula ng proyektong papel. > Ang iyong pangunahing dahilan sa pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. A nicolegelique
  • 7. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto > Maaring gabay na tanong sa pagsulat ng panukalang proyekto: a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon? b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais mong gawan ng panukalang proyekto? A nicolegelique
  • 8. Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ang sumusunod: 1. Paglaganap ng sakit na dengue 2. Kakulangan sa suplay ng tubig Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang malutas ang kanilang mga suliranin. 1. Paglaganap ng sakit na dengue  Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue  Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon 2. Kakulangan sa suplay ng tubig  Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig  Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay nicolegelique
  • 9. Maraming suliranin ang maaaring makita sa isang pamayanan, kompanya, o samahan. Sa mga pamayanan, ito ay maaaring kakulangan sa maayos na mga ilaw sa kalsada, kawalan ng basketball court para sa mga kabataan, kakulangan ng mga health center sa mga makabagong gamit at gamot, at iba pa. Sa mga kompanya naman o sa mga institusyon, maaaring ang mgasuliranin ay kakulangan sa conference room, kakulangan sa maayos na daloy ng komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan ng pondo para sa mga proyekto, at iba pa. nicolegelique
  • 10. Maaaring makabuo ng maraming solusyon sa isang suliranin ngunit mas makabubuti kung magbibigay-tuon lamang sa iisang solusyon. Dito sa panimula iikot ang kabuoan ng iyong proyektong papel. Makikita ngayon sa loob nito ang suliraning naranasan ng partikular na samahan at kung paano makatutulong ang proyektong papel na iyong isinagawa. Ito na ngayon ang magsisilbing ‘Pagpapahayag ng Suliranin’. nicolegelique
  • 11. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbahay ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay mapapatayo, tiyak na di kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. nicolegelique
  • 12. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto > Ang pinakakatawan ng panukalang proyekto ay binubo ng layunin, planong dapat gawin at badyet. • Layunin - Makikita sa layunin ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka- adhikain ng panukala. Dapat itong isulat batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang resultang ito. B nicolegelique
  • 13. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto • Ang layunin ay kailangang maging SIMPLE (Jerremy at Lynn Miner, 2008)  Specific  Immediate  Measurable  Practical  Logical  Evaluable B nicolegelique
  • 14. Layunin: Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan. nicolegelique
  • 15. • Plano na Dapat Gawin - ang talaan ng mga gawain o plan of action ay naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Ito ay dapat maiplano ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa,mga taong kinakailangan sa pagsasakatuparan, makatotohanan at ang badyet sa pagsasagawa nito. Makabubuti rin kung isasama sa tatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilaw araw ito gagawin. Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain. nicolegelique
  • 16. Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao 1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw) 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo) * Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito. 3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) * Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami. 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw) nicolegelique
  • 17. • Badyet - isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet: a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag- aaproba at magsasagawa nito. b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasepikasyon niyo upang madaling sumahin ang mga ito. c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. d. Sigaraduhing tama o wasto ang ginawang pagkukuwenta sa mga gastusin.
  • 18. Mga Gastusin Halaga I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga trabahador) Php 3,200,000.00 I. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00 Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00 nicolegelique
  • 19. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito > Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. C nicolegelique
  • 20. Paano Mapapakinabangan ng Barangay Bacao ang Panukalang Ito? Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki- pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga pader. Mababawasan din ang tabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan. nicolegelique
  • 22. • Ayon kay Besim Nebiu sa kanyang akdang Developing Skills & NGO’s Project Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto ang Abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang isinulat na papel sapagkat makakatulong ito sa mga abalang opisyal sa pagsuri ng panukalang proyekto. • Sa ibang pormat naman ay naglalagay ng appendices o ang mahahalagang sipi ng datos o dokuento na kailangan sa panukala upang higit na maging sistematiko at organisado ang presentasyon ng panukala. nicolegelique
  • 23. 1. Pamagat ng Panukalang Proyekto 2. Nagpadala 3. Petsa 4. Pagpapahayag ng Suliranin 5. Layunin 6. Plano na Dapat Gawin 7. Badyet 8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto nicolegelique
  • 25. PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO Mula kay Leah Grace L. Delgado 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue Barangay Bacao General Trias, Cavite Ika-11 ng Disyembre, 2015 Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati I. Pagpapahayag ng Suliranin Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. nicolegelique
  • 26. Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. II. Layunin Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan. III. Plano ng Dapat Gawin 1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw) 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo) * Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito. nicolegelique
  • 27. 3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) * Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami. 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw) IV. Badyet Mga Gastusin Halaga I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga trabahador) Php 3,200,000.00 I. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00 Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00 nicolegelique
  • 28. V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki- pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga pader. Mababawasan din ang tabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan. nicolegelique