SlideShare a Scribd company logo
ANG PAG-IBIG (SANAYSAY NI EMILIO JACINTO)
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang
kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig
ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng
pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging
mabilis.
Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng
kaginhawahan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong
mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng
masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.
Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa
darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya
natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang
mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng
katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na
mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.
Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng
kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang
pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang
pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig
ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig!
Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa
pagsasanggalang ng matuwid.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang
ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan
sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina
na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-
aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at
tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong
dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong
magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa
tunay na paraiso.
Gawain 1: Anong mga salita ang maiuugnay mo sa salitang sanaysay? Isulat ito sa palibot ng bilog. Pagkatapos, gamit
ang mga salitang inilahad, bumuo ng sariling pagpapakahulugan kung ano ang sanaysay.
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Tukuyin ang mga salita batay sa kahulugan. Punan ang mga patlang.
1. Panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit o natatakot. N _ _ _ a _ _ a t_ l
2. Ganap na natakpan Na_ _p_ s
3. Ibig, matinding pag-asam p_ _ a
4. Dukha a _ _
5. Pagsusumamo o pagmamakaawa. M_ _ _m _ i t _ n
Gawain 3:
Punan ang talahanayan sa ibaba.
PAGLALARAWAN SA PAG-
IBIG
(Ano mga kahulugan ng
pag-ibig batay sa
sanaysay? Ilahad bawat
isa )
DULOT NG PAG-IBIG
(Ano ang magagandang
dulot ng pag-ibig? Isa-
isahin)
WIKA AT ESTILO
(Masasabi bang pormal o
di pormal ang
pagkakagamit ng wika?
Bakit?)
PAG-UUGNAY
(Magbigay ng mga
halimbawang sitwasyon sa
sarili at sa bayan kung paano
maipapakita ang pag-ibig)
Sarili:
Kapwa:
Lipunan:
Kahulugan ng sanaysay:
Pagsasanay sa sanaysay

More Related Content

What's hot

Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
dionesioable
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptxIKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
Mark James Viñegas
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Danielle Joyce Manacpo
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
MartinGeraldine
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
Jenita Guinoo
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tula
Macky Mac Faller
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Jeremiah Castro
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
Albertine De Juan Jr.
 
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptxESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
LailanieMaeNolialMen
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Juan Miguel Palero
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
shellatangol
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Eleizel Gaso
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
Krystal Pearl Dela Cruz
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
CherryCaralde
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoKriza Erin Babor
 
Epiko grade 8
Epiko grade 8Epiko grade 8
Epiko grade 8
Sherilyn Gonzales
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Dagli
DagliDagli
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
Jennifer Baluyot
 

What's hot (20)

Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
 
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptxIKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 3 DAY 1-4.pptx
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tula
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptxESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
ESTRATEHIYA NG PAGTUTURO.pptx
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nito
 
Epiko grade 8
Epiko grade 8Epiko grade 8
Epiko grade 8
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
 

Similar to Pagsasanay sa sanaysay

ANG PAG-IBIG
ANG PAG-IBIGANG PAG-IBIG
ANG PAG-IBIG
PRINTDESK by Dan
 
Ang pag ibig
Ang pag ibigAng pag ibig
Ang pag ibig
Nhyca Upra
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
RechelleIvyBabaylan2
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Denni Domingo
 
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.pptpag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
RenanteNuas1
 
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
jace050117
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
Shayne Galo
 
Ang pagkakaibigan
Ang pagkakaibiganAng pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan
karen dolojan
 
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni abAng dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Jay-R Diacamos
 

Similar to Pagsasanay sa sanaysay (11)

ANG PAG-IBIG
ANG PAG-IBIGANG PAG-IBIG
ANG PAG-IBIG
 
Ang pag ibig
Ang pag ibigAng pag ibig
Ang pag ibig
 
Project
ProjectProject
Project
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
Explore grade 7
Explore grade 7Explore grade 7
Explore grade 7
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.pptpag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
pag-ibig-ni-jose-corazon-de-jesus-Nuas.ppt
 
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
 
Ang pagkakaibigan
Ang pagkakaibiganAng pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan
 
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni abAng dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
 

More from Jeremiah Castro

Kabanata 43 48
Kabanata 43 48Kabanata 43 48
Kabanata 43 48
Jeremiah Castro
 
Pluma 9-kabanata-59-gawain
Pluma 9-kabanata-59-gawainPluma 9-kabanata-59-gawain
Pluma 9-kabanata-59-gawain
Jeremiah Castro
 
Pluma 9-kabanata-60-62-gawain
Pluma 9-kabanata-60-62-gawainPluma 9-kabanata-60-62-gawain
Pluma 9-kabanata-60-62-gawain
Jeremiah Castro
 
Kabanata 35-36
Kabanata 35-36Kabanata 35-36
Kabanata 35-36
Jeremiah Castro
 
Kabanata 29-34
Kabanata 29-34Kabanata 29-34
Kabanata 29-34
Jeremiah Castro
 
Kabanata 21-28
Kabanata 21-28Kabanata 21-28
Kabanata 21-28
Jeremiah Castro
 
Antas ng Wika
Antas ng WikaAntas ng Wika
Antas ng Wika
Jeremiah Castro
 
Kabanata 15-18
Kabanata 15-18Kabanata 15-18
Kabanata 15-18
Jeremiah Castro
 
Kabanata 12-14 Noli Me Tangere
Kabanata 12-14 Noli Me TangereKabanata 12-14 Noli Me Tangere
Kabanata 12-14 Noli Me Tangere
Jeremiah Castro
 
Paraan sa pagppapahayag ng damdamin
Paraan sa pagppapahayag ng damdaminParaan sa pagppapahayag ng damdamin
Paraan sa pagppapahayag ng damdamin
Jeremiah Castro
 
Likhang alamat
Likhang alamatLikhang alamat
Likhang alamat
Jeremiah Castro
 
Pang abay
Pang abayPang abay
Pang abay
Jeremiah Castro
 
Alamat
AlamatAlamat
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Jeremiah Castro
 
Kabanata 9 11
Kabanata 9 11Kabanata 9 11
Kabanata 9 11
Jeremiah Castro
 
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me TangereGawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
Jeremiah Castro
 
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock TrialGawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
Jeremiah Castro
 
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ PelikulaTempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
Jeremiah Castro
 
Noli
NoliNoli
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San DiegoLakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
Jeremiah Castro
 

More from Jeremiah Castro (20)

Kabanata 43 48
Kabanata 43 48Kabanata 43 48
Kabanata 43 48
 
Pluma 9-kabanata-59-gawain
Pluma 9-kabanata-59-gawainPluma 9-kabanata-59-gawain
Pluma 9-kabanata-59-gawain
 
Pluma 9-kabanata-60-62-gawain
Pluma 9-kabanata-60-62-gawainPluma 9-kabanata-60-62-gawain
Pluma 9-kabanata-60-62-gawain
 
Kabanata 35-36
Kabanata 35-36Kabanata 35-36
Kabanata 35-36
 
Kabanata 29-34
Kabanata 29-34Kabanata 29-34
Kabanata 29-34
 
Kabanata 21-28
Kabanata 21-28Kabanata 21-28
Kabanata 21-28
 
Antas ng Wika
Antas ng WikaAntas ng Wika
Antas ng Wika
 
Kabanata 15-18
Kabanata 15-18Kabanata 15-18
Kabanata 15-18
 
Kabanata 12-14 Noli Me Tangere
Kabanata 12-14 Noli Me TangereKabanata 12-14 Noli Me Tangere
Kabanata 12-14 Noli Me Tangere
 
Paraan sa pagppapahayag ng damdamin
Paraan sa pagppapahayag ng damdaminParaan sa pagppapahayag ng damdamin
Paraan sa pagppapahayag ng damdamin
 
Likhang alamat
Likhang alamatLikhang alamat
Likhang alamat
 
Pang abay
Pang abayPang abay
Pang abay
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
 
Kabanata 9 11
Kabanata 9 11Kabanata 9 11
Kabanata 9 11
 
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me TangereGawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
Gawain sa Kabanata -8 ng Noli Me Tangere
 
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock TrialGawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
Gawain sa Noli Me Tangere: Mock Trial
 
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ PelikulaTempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
Tempate: Pagsusuri ng Dula/ Pelikula
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San DiegoLakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
Lakbay Turo: Mga Misyon sa Bayan ng San Diego
 

Pagsasanay sa sanaysay

  • 1. ANG PAG-IBIG (SANAYSAY NI EMILIO JACINTO) Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman. Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan. Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan. Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig? Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig! Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag- aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan. Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid. Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.
  • 2. Gawain 1: Anong mga salita ang maiuugnay mo sa salitang sanaysay? Isulat ito sa palibot ng bilog. Pagkatapos, gamit ang mga salitang inilahad, bumuo ng sariling pagpapakahulugan kung ano ang sanaysay. Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Tukuyin ang mga salita batay sa kahulugan. Punan ang mga patlang. 1. Panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit o natatakot. N _ _ _ a _ _ a t_ l 2. Ganap na natakpan Na_ _p_ s 3. Ibig, matinding pag-asam p_ _ a 4. Dukha a _ _ 5. Pagsusumamo o pagmamakaawa. M_ _ _m _ i t _ n Gawain 3: Punan ang talahanayan sa ibaba. PAGLALARAWAN SA PAG- IBIG (Ano mga kahulugan ng pag-ibig batay sa sanaysay? Ilahad bawat isa ) DULOT NG PAG-IBIG (Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig? Isa- isahin) WIKA AT ESTILO (Masasabi bang pormal o di pormal ang pagkakagamit ng wika? Bakit?) PAG-UUGNAY (Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon sa sarili at sa bayan kung paano maipapakita ang pag-ibig) Sarili: Kapwa: Lipunan: Kahulugan ng sanaysay: