2. Mga Halimbawa ng mga Matalinhagang Salita:
🠶Kautotang dila – Kakwentuhan
🠶Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
🠶Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
🠶Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng
isang taong galit
🠶Tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit na
puhunan
3. • Matimtimang Cruz – mahinhin at pino kung kumilos
• Lintik lang ang walang ganti – Kailan man ay hindi mo
magagantihan ang kidlat na siyang tinutukoy sa
salitang lintik.
• Hampas sa amo ang latay ay sa kalabaw – ang
kasiraan ng nasa taas ay mas masarap kesa sa mga
nasa ibaba
• Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
• Halik ni Judas – traydor
4. Kahalagahan ng mga Matalinhagang Salita:
Mahalaga ang pag-gamit ng mga salitang matalinhaga.
Dito nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan.
Nagkakaroon din tayo ng mas malalalim na pang-unawa
at pag-aaral sa mga salita na ang akala natin ay simple
lamang. Nahihimok din tayo na pagyabungin at mas
palaganapin ang wikang sariling atin.
5. Isa sa mga popular na babasahin na punong-puno ng
matatalinhagang salita ay ang bibliya, na nailathala noon
unang panahon. Wala sa anumang uri ng diksiyonaryo
matatgpuan ang kahulugan ng bawat isa dito. Para ito ay
lubos na maintindihan, kailangan ay maging sinsero ka at
bukas ang iyong kaisipan upang maintindihan ang
damdamin ng may akda.
Ang bawat matalinhagang salita ay likas na may kurot at
kiliti sa bawat mambabasa. Ito ang mga nagsisilbing
pampagana at pampalasa ng mga babasahin.
6. Mga Karaniwang Ginagamit na Tayutay
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
1. Pagtutulad (Simile)
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.
Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Ang puso mo ay gaya ng mamon.
7. 2. Pagwawangis(Metaphor)
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.
Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Si Inay ay ilaw ng tahanan.
Si Miguel ay hulog ng langit.
3. Pagsasatao (Personinification)
Humagulgol ang hangin.
Lumipad ang mga oras.
Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
Sumayaw ang mga bituin sa langit.
Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
Nagkasakit ang kotse ko.
Kinindatan ako ng araw.
8. 4. Eksaherasyon o Pagmamalabis (Hyperbole)
Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.
5. Pang-uyam (Sarcasm)
Ang ganda ng iyong damit para kang ibuburol.
Ang ganda ng langit nagbabadya ng malakas na ulan.
Maputi ang suot mong damit kasing puti ng basahan.
Masayang kasama si Marta sapagkat oo at hindi lamang ang alam
nitong sabihin.
Ang ganda ng katawan ng dalagang si Jenny parang lata ng sardinas.