SlideShare a Scribd company logo
Neoliberal Education in the Philippines
rebolusyonaryong hukbo ng republikang pinamunuan ni Emilio Aguinaldo
ang tumayong mga prayle sa pagpapatahimik sa mga nagtatanggol sa
malayang pamahalaan ng mga Filipino. Sa pamilya ng mga ilustrado
nanggaling ang mga elite na Filipino na naunang tumanggap sa wikang
panturo na itinakda ng administrasyong kolonyal ng mga Amerikano. Sinadya
ng mga bagong kolonyalista na ang elite ang una nilang kabigin sa kanilang
hanay. Ang programang ginamit upang bitagin ang mga anak-ilustrado ay
ang sistemang pensionado na nagpadala sa mga kabataang Filipino sa
Amerika upang mag-aral sa mga kolehiyo at unibersidad at makipanirahan
sa mga pamilyang Amerikano. Sa pamamagitan ng Ingles, samakatwid,
isinubo ang mga kabataan sa kultura ng lipunang Amerikano na, sa dahilang
may higit na maunlad na ekonomiya, ay nakapagdulot ng mga produkto,
kagamitan at luho ng katawan na hindi pa malaganap sa Filipinas. Sa pagbalik
ng mga pensionado sa Filipinas, may mga katutubong tagapamansag nang
naitanim sa ating lipunan ang kolonyalismong Amerikano, hindi lamang sa
larangan ng edukasyon kundi pati na sa ekonomiya at politika.
Noong 1901 pa lamang, tiniyak na ng Philippine Commission ang
tagumpay ng kolonisasyong Amerikano nang itakda ng Act No. 74 ang
pagtatayo ng sistemang pampublikong paaralan na magbibigay ng libreng
primaryang edukasyon. Itinayo rin ng nasabing batas ang isang paaralang
Normal kung saan sasanayin ang mga gurong Filipino na sasalo sa
pagtuturong ginagampanan ng mga Amerikanong militar at sibilyan. Dahil
Ingles ang wikang panturo, ang mga naunang teksbuk sa mga paaralang
primarya ay mga librong ginagamit ng mga kabataang Amerikano, na tila
baga walang pagkakaiba ang kulturang pinanggalingan ng mga mag-aaral
na magkaiba ang lahi. Ang ibinunga ng ganitong kaayusan ay mga Filipinong
nag-iisip, kumikilos, at nagpapasya batay sa mga pagpapahalagang hiram sa
mga Amerikano, at ito ang ugat ng pagkakahiwalay ng mga “edukadong”
Filipino sa mga kababayang, bunga ng kahirapan, ay bahagya na lamang
nabahiran “edukasyong kolonyal.”
Taong 1935 na nang bitawan ng mga Amerikano ang Departamento
ng Edukasyon at ipagkatiwala ito sa mga opisyal na Filipino, na nauna nang
hinubog nila ayon sa kanilang imperyalistang oryentasyon. Ipinagugunita
nito sa atin ang maigting na pagkapit ng mga prayle at kura sa oryentasyong
pansimbahan sa harap ng repormang ipinapasok ng Dekreto Real ng 1863.
Uulitin natin ang obserbasyon na ang mga kolonyalista ay may iisang layunin
sa pagbibigay ng edukasyon sa sambayanang kanilang sinakop, at iyon ay
ang pasipikasyon, pagpapatahimik sa anumang pagtutol sa pangungubkob
ng dayuhan.
Ang Mikrobyong Naging Katawan
Tinutukoy ng neoliberalismo ang ideolohiyang nagtataguyod ng
liberalisasyon ng ekonomiya. Mula sa kamay ng gobyerno, ipinipindeho
ang mga pambansang industriya—kasama lalo ang paggawa—para sa
globalisasyon. Ito ang blackhole na humihigop sa lahat ng ginagawa ng
gobyerno, upang manilbihan sa negosyo, partikular ang mga dayuhang
negosyo sa pamamagitan ng liberalisasyon (pagtanggal sa lahat ng
pambansang balakid para makalabas-masok ang dayuhang kapital),
pribatisasyon (pagpaubaya ng gobyerno sa mga industriya, kasama ang
pambansang industriya, sa kamay ng pribadong sektor), komersyalisasyon
(pagtanggal sa subsidyo at proteksyon, pagtapat sa serbisyo at produkto sa
tumbas na halaga ng pamilihan), at kontraktwalisasyon (walang permanente
dahil dagdag na balakid lamang ito sa puhunan, lahat ay pleksible na
kinokontrata, kabilang ang serbisyo at paggawa).
Ang layunin ng neoliberalismo ay paigtingin pa ang mga karapatan
at imperatibo ng pribadong pag-aari. Tinatanggal ang mga balaho para sa
mabilis na pagpapadaloy ng pribadong pag-aari na pagkamkam ng dagdag
na yaman. Walang tigil, 24/7 na ang kita sa stock markets at derivatives,
pagpasok sa mga kontrata, at iba pa. Free market capitalism ang inihahayag
nito. Hindi ito hiwalay sa kultural na epekto ng neoliberalismo—ang
pagbibigay-pribilehiyo sa pribadong indibidwal na magkamkam ng kita at
yaman. Sa ating bansa, ang pagsasalin nito ay sa nagpapalaganap ng
paniniwala sa kakayahan ng indibidwal na umigpaw sa uring kinasasadlakan
nang nakararami at mapabilang sa pribilehiyadong status ng gitnang uri na
nakakapagbukas sa mga pinto ng oportunidad sa ehersisyo ng politikal,
ekonomiko at kultural na kapangyarihan
Kung dati ay may safety net pa—ang gobyerno, halimbawa, ang
humahawak ng mga pangunahing industriya, tulad ng bigas, tubig, kuryente,
edukasyon, at gasolina—para matiyak ang kontrol sa presyong maaabot ng
nakararaming naghihirap, ang kasalukuyang diin ay pribatisasyon

More Related Content

What's hot

FIRST_MASS_joan.pptx
FIRST_MASS_joan.pptxFIRST_MASS_joan.pptx
FIRST_MASS_joan.pptx
EZRIJRCODA
 
The first philippine republic and the filipino american war
The first philippine republic and the filipino american warThe first philippine republic and the filipino american war
The first philippine republic and the filipino american warJames Prae Liclican
 
Emergence of the bicol lands and its first
Emergence of the bicol lands and its firstEmergence of the bicol lands and its first
Emergence of the bicol lands and its first
Brian Steven Lim
 
Different occupation-in-the-philippines(1)
Different occupation-in-the-philippines(1)Different occupation-in-the-philippines(1)
Different occupation-in-the-philippines(1)
maricris bago
 
Third republic
Third republicThird republic
Third republicKostyk Elf
 
The New Found Republic
The New Found RepublicThe New Found Republic
The New Found Republic
Irish Crystal Beltran
 
Japanese period ii
Japanese period iiJapanese period ii
Japanese period iiKate Sevilla
 
Region 3 central luzon
Region 3   central luzonRegion 3   central luzon
Region 3 central luzonMelanie Garay
 
The history of commonwealth period
The history of  commonwealth periodThe history of  commonwealth period
The history of commonwealth period
martinruthanne
 
Birth and death of the katipunan (slideshare)
Birth and death of the katipunan (slideshare)Birth and death of the katipunan (slideshare)
Birth and death of the katipunan (slideshare)
Marcy Canete-Trinidad
 
Constructing the national consciousness (1872 1898)
Constructing the national consciousness (1872 1898)Constructing the national consciousness (1872 1898)
Constructing the national consciousness (1872 1898)
Yosef Eric C. Hipolito, BA, LPT
 
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdfMga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
Aira Rara
 
Carlos Garcia.
Carlos Garcia.Carlos Garcia.
Carlos Garcia.
Dexter John Dacayanan
 
Hist2 13 relationship between filipino and american leadership
Hist2   13 relationship between filipino and american leadershipHist2   13 relationship between filipino and american leadership
Hist2 13 relationship between filipino and american leadership
Yvan Gumbao
 
The Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino NationalismThe Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino Nationalism
Bianca Villanueva
 
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLICTHE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
wynnmlmbn
 
The Revolution: First Phase
The Revolution: First PhaseThe Revolution: First Phase
The Revolution: First Phase
Madellecious
 

What's hot (20)

FIRST_MASS_joan.pptx
FIRST_MASS_joan.pptxFIRST_MASS_joan.pptx
FIRST_MASS_joan.pptx
 
The first philippine republic and the filipino american war
The first philippine republic and the filipino american warThe first philippine republic and the filipino american war
The first philippine republic and the filipino american war
 
Emergence of the bicol lands and its first
Emergence of the bicol lands and its firstEmergence of the bicol lands and its first
Emergence of the bicol lands and its first
 
Different occupation-in-the-philippines(1)
Different occupation-in-the-philippines(1)Different occupation-in-the-philippines(1)
Different occupation-in-the-philippines(1)
 
Third republic
Third republicThird republic
Third republic
 
The New Found Republic
The New Found RepublicThe New Found Republic
The New Found Republic
 
Regional traits ppt
Regional traits pptRegional traits ppt
Regional traits ppt
 
Japanese period ii
Japanese period iiJapanese period ii
Japanese period ii
 
Region 3 central luzon
Region 3   central luzonRegion 3   central luzon
Region 3 central luzon
 
The 3rd republic
The 3rd republicThe 3rd republic
The 3rd republic
 
The history of commonwealth period
The history of  commonwealth periodThe history of  commonwealth period
The history of commonwealth period
 
Birth and death of the katipunan (slideshare)
Birth and death of the katipunan (slideshare)Birth and death of the katipunan (slideshare)
Birth and death of the katipunan (slideshare)
 
Constructing the national consciousness (1872 1898)
Constructing the national consciousness (1872 1898)Constructing the national consciousness (1872 1898)
Constructing the national consciousness (1872 1898)
 
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdfMga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
Mga Gunita ng HimagsikanTrue Version of the Philippine Revolution (1).pdf
 
Carlos Garcia.
Carlos Garcia.Carlos Garcia.
Carlos Garcia.
 
Hist2 13 relationship between filipino and american leadership
Hist2   13 relationship between filipino and american leadershipHist2   13 relationship between filipino and american leadership
Hist2 13 relationship between filipino and american leadership
 
Macario sakay
Macario sakayMacario sakay
Macario sakay
 
The Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino NationalismThe Rise of Filipino Nationalism
The Rise of Filipino Nationalism
 
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLICTHE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC
 
The Revolution: First Phase
The Revolution: First PhaseThe Revolution: First Phase
The Revolution: First Phase
 

Viewers also liked

Integrated safety precautions
Integrated safety precautionsIntegrated safety precautions
Integrated safety precautionsbv_keek
 
Newsletter 6 pdf
Newsletter 6  pdfNewsletter 6  pdf
Newsletter 6 pdfmaymaskow1
 
Como consulta de notas en génesis
Como consulta de notas en génesisComo consulta de notas en génesis
Como consulta de notas en génesisgrupo002
 
Circulatory system
Circulatory system Circulatory system
Circulatory system lovely2111
 
Crista photo 1 powerpoint 1
Crista photo 1 powerpoint 1Crista photo 1 powerpoint 1
Crista photo 1 powerpoint 1ialsolovetoast
 
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...spa718
 
درس تعليمي
درس تعليميدرس تعليمي
درس تعليميalaahaddad79
 
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чулановакорпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
Елена Виль-Вильямс
 
Энергосбережение: примеры из жизни.
Энергосбережение: примеры из жизни.Энергосбережение: примеры из жизни.
Энергосбережение: примеры из жизни.
НП "Сообщество потребителей энергии"
 
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industriesCFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
Sandeep Group of Industries
 
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .PdfASEANPINKKIAO
 
Commonly asked teacher interview questions
Commonly asked teacher interview questionsCommonly asked teacher interview questions
Commonly asked teacher interview questionsteachernew
 
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMAS
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMASDOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMAS
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMASspa718
 
Nregs action presentation
Nregs action presentationNregs action presentation
Nregs action presentationHarsha
 
Ellard oysters-health-surveillance-program
Ellard oysters-health-surveillance-programEllard oysters-health-surveillance-program
Ellard oysters-health-surveillance-programprogressive01
 
Sickle cell disease” (SCD): a project of curative treatment and informatics...
Sickle cell disease” (SCD): a project of  curative treatment and  informatics...Sickle cell disease” (SCD): a project of  curative treatment and  informatics...
Sickle cell disease” (SCD): a project of curative treatment and informatics...
Claudio Tancini
 
Guia escolas
Guia escolasGuia escolas
Tld 10
Tld 10Tld 10
Tld 10
Biển Cạn
 

Viewers also liked (20)

Integrated safety precautions
Integrated safety precautionsIntegrated safety precautions
Integrated safety precautions
 
Newsletter 6 pdf
Newsletter 6  pdfNewsletter 6  pdf
Newsletter 6 pdf
 
Como consulta de notas en génesis
Como consulta de notas en génesisComo consulta de notas en génesis
Como consulta de notas en génesis
 
Circulatory system
Circulatory system Circulatory system
Circulatory system
 
Crista photo 1 powerpoint 1
Crista photo 1 powerpoint 1Crista photo 1 powerpoint 1
Crista photo 1 powerpoint 1
 
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...
A Randomized, Multicenter, Phase 3 Study Comparing Carfilzomib, Lenalidomide,...
 
درس تعليمي
درس تعليميدرس تعليمي
درس تعليمي
 
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чулановакорпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
корпоративные программы елены виль вильямс и игоря чуланова
 
Энергосбережение: примеры из жизни.
Энергосбережение: примеры из жизни.Энергосбережение: примеры из жизни.
Энергосбережение: примеры из жизни.
 
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industriesCFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
CFL Light Raw Material by Sandeep group-of-industries
 
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf
๑๒ สิงหาคม วันแม่แห่งชาติ .Pdf
 
Commonly asked teacher interview questions
Commonly asked teacher interview questionsCommonly asked teacher interview questions
Commonly asked teacher interview questions
 
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMAS
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMASDOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMAS
DOUBLE HIT AND OTHER MOLECULARLY DEFINED LARGE CELL LYMPHOMAS
 
Nregs action presentation
Nregs action presentationNregs action presentation
Nregs action presentation
 
Ellard oysters-health-surveillance-program
Ellard oysters-health-surveillance-programEllard oysters-health-surveillance-program
Ellard oysters-health-surveillance-program
 
Sickle cell disease” (SCD): a project of curative treatment and informatics...
Sickle cell disease” (SCD): a project of  curative treatment and  informatics...Sickle cell disease” (SCD): a project of  curative treatment and  informatics...
Sickle cell disease” (SCD): a project of curative treatment and informatics...
 
Gestion basic info
Gestion basic infoGestion basic info
Gestion basic info
 
Guia escolas
Guia escolasGuia escolas
Guia escolas
 
Definisi mahasiswa
Definisi mahasiswaDefinisi mahasiswa
Definisi mahasiswa
 
Tld 10
Tld 10Tld 10
Tld 10
 

Similar to Neoliberal education in the philippines by manuel

GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdfGEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
ssuser4dd301
 
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdflisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
KateAnn12
 
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptxKalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Kolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolKolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolSue Quirante
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
南 睿
 
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong PilipinoHistorikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
Eleizel Gaso
 
AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx
AP-6  ARALIN-15 REPORT.ppsxAP-6  ARALIN-15 REPORT.ppsx
AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx
MJMolinaDelaTorre
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptxPag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
EdlynMelo
 
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
Jackeline Abinales
 
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptxAP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
bernadetteembien2
 
Kasaysayan Ng Unyonismo
Kasaysayan Ng UnyonismoKasaysayan Ng Unyonismo
Kasaysayan Ng Unyonismocourage_mpmu
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Maria Luisa Maycong
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
PatrickSantos175457
 
w2 ap discussion.pptx
w2 ap discussion.pptxw2 ap discussion.pptx
w2 ap discussion.pptx
GemzLabrada
 
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang PanahonEkonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Shan Loveres
 
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptxARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
SherelynAldave2
 
Kurikulum sa Panahon ng Amerikano
Kurikulum sa Panahon ng AmerikanoKurikulum sa Panahon ng Amerikano
Kurikulum sa Panahon ng Amerikano
SherryGonzaga
 
Unit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveUnit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade Five
Mavict De Leon
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
Mavict De Leon
 

Similar to Neoliberal education in the philippines by manuel (20)

GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdfGEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
GEED10103 FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN-10-24.pdf
 
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdflisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf
 
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptxKalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
 
Kolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolKolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong Espanyol
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
 
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong PilipinoHistorikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino
 
AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx
AP-6  ARALIN-15 REPORT.ppsxAP-6  ARALIN-15 REPORT.ppsx
AP-6 ARALIN-15 REPORT.ppsx
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptxPag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
Pag-usbong ng Liberal na Ideya.pptx
 
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
 
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptxAP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
 
Kasaysayan Ng Unyonismo
Kasaysayan Ng UnyonismoKasaysayan Ng Unyonismo
Kasaysayan Ng Unyonismo
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
 
w2 ap discussion.pptx
w2 ap discussion.pptxw2 ap discussion.pptx
w2 ap discussion.pptx
 
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang PanahonEkonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
 
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptxARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
 
Kurikulum sa Panahon ng Amerikano
Kurikulum sa Panahon ng AmerikanoKurikulum sa Panahon ng Amerikano
Kurikulum sa Panahon ng Amerikano
 
Unit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveUnit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade Five
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
 

More from manuel hidalgo

Faith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadoFaith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadomanuel hidalgo
 
report Feminist movement
 report Feminist movement report Feminist movement
report Feminist movementmanuel hidalgo
 
Republic of the philippines policy
Republic of the philippines policyRepublic of the philippines policy
Republic of the philippines policymanuel hidalgo
 
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02manuel hidalgo
 
Republic of the philippines
Republic of the philippinesRepublic of the philippines
Republic of the philippinesmanuel hidalgo
 
Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20manuel hidalgo
 
Theory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuelTheory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuel
manuel hidalgo
 
Neoliberal
NeoliberalNeoliberal
Neoliberal
manuel hidalgo
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuel
manuel hidalgo
 
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesMula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesmanuel hidalgo
 

More from manuel hidalgo (20)

Major tasks
Major tasksMajor tasks
Major tasks
 
Faith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadoFaith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercado
 
Chapter viii sw 18
Chapter viii sw 18Chapter viii sw 18
Chapter viii sw 18
 
Chapter vi sw 18
Chapter vi sw 18Chapter vi sw 18
Chapter vi sw 18
 
report Feminist movement
 report Feminist movement report Feminist movement
report Feminist movement
 
Sw 19
Sw 19Sw 19
Sw 19
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Republic of the philippines policy
Republic of the philippines policyRepublic of the philippines policy
Republic of the philippines policy
 
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
 
Republic act 8353
Republic act 8353Republic act 8353
Republic act 8353
 
Republic of the philippines
Republic of the philippinesRepublic of the philippines
Republic of the philippines
 
childrens act
childrens actchildrens act
childrens act
 
Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20
 
movie review of rush
movie review of rushmovie review of rush
movie review of rush
 
Theory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuelTheory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuel
 
Ang patakaran ng
Ang patakaran ngAng patakaran ng
Ang patakaran ng
 
Neoliberal
NeoliberalNeoliberal
Neoliberal
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuel
 
Neoliberal
NeoliberalNeoliberal
Neoliberal
 
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesMula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
 

Neoliberal education in the philippines by manuel

  • 1. Neoliberal Education in the Philippines rebolusyonaryong hukbo ng republikang pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang tumayong mga prayle sa pagpapatahimik sa mga nagtatanggol sa malayang pamahalaan ng mga Filipino. Sa pamilya ng mga ilustrado nanggaling ang mga elite na Filipino na naunang tumanggap sa wikang panturo na itinakda ng administrasyong kolonyal ng mga Amerikano. Sinadya ng mga bagong kolonyalista na ang elite ang una nilang kabigin sa kanilang hanay. Ang programang ginamit upang bitagin ang mga anak-ilustrado ay ang sistemang pensionado na nagpadala sa mga kabataang Filipino sa Amerika upang mag-aral sa mga kolehiyo at unibersidad at makipanirahan sa mga pamilyang Amerikano. Sa pamamagitan ng Ingles, samakatwid, isinubo ang mga kabataan sa kultura ng lipunang Amerikano na, sa dahilang may higit na maunlad na ekonomiya, ay nakapagdulot ng mga produkto, kagamitan at luho ng katawan na hindi pa malaganap sa Filipinas. Sa pagbalik ng mga pensionado sa Filipinas, may mga katutubong tagapamansag nang naitanim sa ating lipunan ang kolonyalismong Amerikano, hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi pati na sa ekonomiya at politika. Noong 1901 pa lamang, tiniyak na ng Philippine Commission ang tagumpay ng kolonisasyong Amerikano nang itakda ng Act No. 74 ang pagtatayo ng sistemang pampublikong paaralan na magbibigay ng libreng primaryang edukasyon. Itinayo rin ng nasabing batas ang isang paaralang Normal kung saan sasanayin ang mga gurong Filipino na sasalo sa pagtuturong ginagampanan ng mga Amerikanong militar at sibilyan. Dahil Ingles ang wikang panturo, ang mga naunang teksbuk sa mga paaralang primarya ay mga librong ginagamit ng mga kabataang Amerikano, na tila
  • 2. baga walang pagkakaiba ang kulturang pinanggalingan ng mga mag-aaral na magkaiba ang lahi. Ang ibinunga ng ganitong kaayusan ay mga Filipinong nag-iisip, kumikilos, at nagpapasya batay sa mga pagpapahalagang hiram sa mga Amerikano, at ito ang ugat ng pagkakahiwalay ng mga “edukadong” Filipino sa mga kababayang, bunga ng kahirapan, ay bahagya na lamang nabahiran “edukasyong kolonyal.” Taong 1935 na nang bitawan ng mga Amerikano ang Departamento ng Edukasyon at ipagkatiwala ito sa mga opisyal na Filipino, na nauna nang hinubog nila ayon sa kanilang imperyalistang oryentasyon. Ipinagugunita nito sa atin ang maigting na pagkapit ng mga prayle at kura sa oryentasyong pansimbahan sa harap ng repormang ipinapasok ng Dekreto Real ng 1863. Uulitin natin ang obserbasyon na ang mga kolonyalista ay may iisang layunin sa pagbibigay ng edukasyon sa sambayanang kanilang sinakop, at iyon ay ang pasipikasyon, pagpapatahimik sa anumang pagtutol sa pangungubkob ng dayuhan. Ang Mikrobyong Naging Katawan Tinutukoy ng neoliberalismo ang ideolohiyang nagtataguyod ng liberalisasyon ng ekonomiya. Mula sa kamay ng gobyerno, ipinipindeho ang mga pambansang industriya—kasama lalo ang paggawa—para sa globalisasyon. Ito ang blackhole na humihigop sa lahat ng ginagawa ng gobyerno, upang manilbihan sa negosyo, partikular ang mga dayuhang negosyo sa pamamagitan ng liberalisasyon (pagtanggal sa lahat ng pambansang balakid para makalabas-masok ang dayuhang kapital), pribatisasyon (pagpaubaya ng gobyerno sa mga industriya, kasama ang pambansang industriya, sa kamay ng pribadong sektor), komersyalisasyon
  • 3. (pagtanggal sa subsidyo at proteksyon, pagtapat sa serbisyo at produkto sa tumbas na halaga ng pamilihan), at kontraktwalisasyon (walang permanente dahil dagdag na balakid lamang ito sa puhunan, lahat ay pleksible na kinokontrata, kabilang ang serbisyo at paggawa). Ang layunin ng neoliberalismo ay paigtingin pa ang mga karapatan at imperatibo ng pribadong pag-aari. Tinatanggal ang mga balaho para sa mabilis na pagpapadaloy ng pribadong pag-aari na pagkamkam ng dagdag na yaman. Walang tigil, 24/7 na ang kita sa stock markets at derivatives, pagpasok sa mga kontrata, at iba pa. Free market capitalism ang inihahayag nito. Hindi ito hiwalay sa kultural na epekto ng neoliberalismo—ang pagbibigay-pribilehiyo sa pribadong indibidwal na magkamkam ng kita at yaman. Sa ating bansa, ang pagsasalin nito ay sa nagpapalaganap ng paniniwala sa kakayahan ng indibidwal na umigpaw sa uring kinasasadlakan nang nakararami at mapabilang sa pribilehiyadong status ng gitnang uri na nakakapagbukas sa mga pinto ng oportunidad sa ehersisyo ng politikal, ekonomiko at kultural na kapangyarihan Kung dati ay may safety net pa—ang gobyerno, halimbawa, ang humahawak ng mga pangunahing industriya, tulad ng bigas, tubig, kuryente, edukasyon, at gasolina—para matiyak ang kontrol sa presyong maaabot ng nakararaming naghihirap, ang kasalukuyang diin ay pribatisasyon