Araling Panlipunan 5 Ang Edukasyon noong Panahon ng EspanyolJuan Miguel Palero
Itong modyul ng pangkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral tungkol sa Edukasyon noong Panahong sinakop tayo ng mga Espanyol. Dito din makikita ang mga paraan ng edukasyon noong Panahon ng Espanyol
Araling Panlipunan 5 Ang Edukasyon noong Panahon ng EspanyolJuan Miguel Palero
Itong modyul ng pangkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral tungkol sa Edukasyon noong Panahong sinakop tayo ng mga Espanyol. Dito din makikita ang mga paraan ng edukasyon noong Panahon ng Espanyol
kailangang pahalagahan ang pakikipaglaban ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Hindi biro ang makipaglaban sa minimithing kalayaan nararapat lamang sila ay ating papurihan at pasalamatan.
Ito ay ang Aralin ng mga nasa ika-6 na baitang.
*DISCLAIMER: Ang mga nakasulat na impormasyon at mga larawan ay hindi sa akin. Salamat po sa mga nagmamay-ari.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kasaysayan ng Wi...Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na nakatuon sa pagtalakay ng ebolusyon ng ating wikang pambansa: Ang Wikang Filipino. Tatalakayin rin ang ilang mga mahahalagang impormasyon ukol sa ating Wikang Pambansa.
2. Paunang
Gawain:Isulat sa manila paper ang mga napansin sa sistema
ng edukasyon Noon at Ngayon. Gamitin ang pormat sa
ilalim. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang mga natalang
kasagutan.
NOON NGAYON
3. Mga
tatalakayin:1. Bago dumating ang mga Kastila.
2. Panahon ng Kolonyalismong Kastila.
3.Panahon ng Rebolusyong 1896 at
Rebolusyonaryong Gobyerno ng
Pilipinas.
4.Panahon ng Pananakop at Paghahari
ng Imperyalismong US.
4. • Ang tipo ng edukasyon ay
sumasalamin kung anong uri ng
lipunan ang namamayani sa isang
bansa.
• Ginamit at ginagamit ang edukasyon
upang patatagin ang makinaryang
ekonomiko at pulitikal ng mapang-
aping sistemang umiiral.
5. • May dayalektikong ugnayan ang
edukasyon sa pulitika at ekonomiya ng
lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng
mamamayan upang ipaglaban ang
isang makabayan, makamasa at
siyentipikong tipo ng edukasyon.
• Ang patuloy na pagtugon ng edukasyon
sa pangangailangan ng mga dayuhan at
malalaking negosyante sa bansa ay
siyang tanikalang gumagapos sa ating
pag-unlad.
7. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad
ng pamayanan o barangay
• Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay
ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.
• Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng
paghahabi, pangingisda at pangangaso ay
pangunahing binibigyang pansin.
8. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
• Ang mga mandirigma ang nagunguna sa
pagtuturo sa sining ng pakikidigma at
depensa sa pamayanan.
• Ang edukasyon ay tuwirang nagsisilbi sa
kagalingan ng buong barangay dahil ito ay
nakabatay sa karanasan ng mamamayan at
ekonomikong pangangailangan ng komunidad.
10. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
• Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng
mga Kastila ang halos lahat ng mga
manuskripto at edidensiya ng edukasyon at
kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang
ito raw ay gawa ng diyablo.
• Pangunahing layon ng edukasyon sa panahon
ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturo ng
Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo
sa korona ng Espanya.
11. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
• Ang mga unang paaralan, dala ng mga misyonero, ay
pagsunod sa kautosan ni Charles V noong Hulyo 17,
1550 na nagtakda na ang lahat ng mga sinakop ng
Espanya ay tuturuan ng wikang Español.
• Pinag-aral sa mga sekondaryang paaralan ang mga anak
ng mga dating namumuno sa mga barangay bilang
preparasyon sa magiging papel nila bilang mga
gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.
• Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong
1596 subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon.
12. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
Pamantayang itinayo ng iba’t ibang mga misyonero
at kongregasyon:
Colegio Maximo de San Ignacio (1589)- itinatag
ng mga Heswita at ito’y naging unibersidad
noong 1621.
College of San Ildefonso (1599)- ngayo’y
University of San Carlos sa Cebu
College of San Jose (1601)
13. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
Pamantayang itinayo ng iba’t ibang mga misyonero
at kongregasyon:
College of the Immaculate Conception (1817)- ngayo’y
Ateneo de Manila University
Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario
(1611)- ngayo’y Unibersidad sa Santo Tomas
Seminario de Niños Huerfanos de Pedro y San Pablo
(1620)- ngayo’y College of San Juan de Letran
14. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
• Minamaliit ng mananakop ang
kaalamang lokal samantalang
pinalaganap ang konserbatibo at pseudo-
siyentipikong kaalaman sa mga paaralang
pinapatakbo ng simbahan.
• Patuloy ang pagtuturo ng metapisikal.
• Hindi ganap ang pagtuturo ng siyensya.
15. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
• Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng
maestro sa mga eskwelahan na magtuturo ng
alpabeto sa mga bata at pangunahin ang
doktrina ng relihiyong Katoliko.
• Katekismo ang pokus ng edukasyon.
• Mekanikal na pinapabasa at pinapamemorya
ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga
ritwal ng simbahan.
16. Panahon ng Kolonyalismong Kastila
Education Degree of 1863 naging
compulsory ang edukasyong primarya
bagama’t may diskriminasyon pa rin sa
mga indio at monopolyo pa rin ng
simbahan ang edukasyon sa bansa.
17. “ang ugat ng kamangmangan
at kahirapan sa Pilipinas ay
ang kakulangan ng
edukasyon at kaalaman, na
isang sakit mula sa
kapanganakan hanggang sa
katapusan”
-Jose P.
Rizal
19. Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong
Gobyerno ng Pilipinas
• Naging mahalaga ang papel ng edukasyon at
pagmumulat para sa kataastaasang Kagalanggalang
na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na
itinatag ni Andres Bonifacio.
• Sa pagkakamit ng tagumpay sa unang bahagi ng
rebolusyon ay agad kinilala ang kahalagahan ng
edukasyon.
• Sa panukalang Konstitusyon ni Apolinario Mabini ay
tinukoy ang sentral na papel ng Estado upang
pangasiwaan ang edukasyon mula sa monupolyong
kontrol ng simbahan.
20. Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong
Gobyerno ng Pilipinas
• Bawat bayan ay magbibigay ng libreng
primaryang edukasyon, ang bawat probinsiya
ay magtatayo ng mga sekundaryang paaralan at
ang malalaking siyudad ay lalagyan ng mga
unibersidad. Sa kabisera ng Republika ay
itatago ang isang Central University.
21. • Ibinigay ni Mabini sa isang Pambansang Senado
ang pangangasiwa sa buong sistema ng
edukasyon.
• Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hongkong noong
1898 agad siyang naglabas ng mga manipesto
tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa.
Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong
Gobyerno ng Pilipinas
22. Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong
Gobyerno ng Pilipinas
Tala ni Prop. Teodoro Agoncillo
tungkol sa edukasyon sa panahon ng
rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo.
24. • Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon
upang malubos ang kanilang pananakop sa
bansa at magtagumpay ang kanilang kampanya
ng pasipikasyon.
• Pagkapanalo ni Comodore Dewey noong 1898
ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong
sundalo ang 39 na eskwelahan sa Maynila na
may apat na libong (4,000) estudyante.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
25. • Ang mga naunang mga gurong pampubliko ay mga
Amerikanong sundalo.
• Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong
McKinley noong Enero 1901 ay nailatag ang struktura
ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng
mga Amerikano.
• Itinatag ang Departament of Public Institution, na
nagdala ng mahigit isang libong (1,000) Amerikanong
guro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na
nakilala bilang mga Thomasites, at ginamit ay ingles
bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
26. “loyalty of the
inhabitanants to the
soverienty of the United
States, and implanting
the ideas of western
civilization among them.”
27. • Sa panahon ng pananakop ng Amerikano ay
isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na
kultura at ang inaral ng mga bata ay pagkanta
halimbawa ng Columbia, Star Spangled Banner,
ABC, my old Kentucky home, at Maryland, my
Maryland.
• Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng
mga prayle o misyonaryo sa paghubog ng isip
ng mamamayan.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
28. • Krag rifle at libro na hawak ng mga Thomasite
ang naging mabisa para sa mga Amerikano.
• Magkatuwang ang simbahan at ang bagong
mananakop sa pagpapatupad ng isang kolonya
na edukasyon.
• Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na
nakikidigma ay ikinital sa isip ng mga bata
bilang mga tulisan at masasamang tao.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
29. • Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay
pagtatayo ng mga pamantasan tulad ng
Unibersidad ng Pilipinas, ManilaBusiness School
(Polytechnic University of the Philippines ngayon)
at Philippine Normal University upang matiyak na
ang susunod na guro, klerk, teknokrat at lider ng
bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at
pamantayang iiwanan ng mga Amerikano.
• Sa bisa ng Act 854 noong 1903 ay pinag-aral ang
isang daang matatalinong Pilipino sa Amerika na
tinatawag na pensionados.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
30. Matagumpay ang paggamit ng edukasyon
sa pag-impluwensiya sa pag-iisip ng mga
Pilipino kaya’t nang maitatag ang
gobyernong Komonwelt noong 1935,
huling binuwag at ipinasa sa mga Pilipino
ng mga Amerikano ang Department of
Public Instruction.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
31. 1. Ang mga guro sa elementarya at hayskul ay walang sapat
na kasanayan.
2. Humigit-kulang 82% ng mga kabataan ay hindi umaabot sa
Grade 5.
3. Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi
naaayon sa pangangailangan ng bansa.
4. Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
Mga tampok na paghamon sa kolonyal na edukasyon
Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang
pinakaunang sarbey sa edukasyon edukasyon sa bansa noong 1925:
32. • Sa pagkakatatag ng Komonwelt ay ipinasa na
sa mga Pilipino ang pangangasiwa sa
edukasyon ng bansa.
• Ilan sa mga hakbang ng gobyernong
Komonwelt ay pag-aalis ng Grade 7 sa
elementarya, pagpapatupad ng programang
universal compulsory primary education,
paglalabas ng mga teksbuk na umaayon sa
katangian ng lipunang Pilipino, at
pagpapahalaga sa edukasyong bokasyunal at
adult education.
Panahon ng Pananakop at Paghahari ng
Imperyalismong US
33. Pagsasanay
PANUTO: Tukuyin kung sa aling panahon nangyari
ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang :
BDK- Bago dumating ang mga Kastila
PKK- Panahon ng Kolonyalismong Kastila
PRRGP- Panahon ng Rebolusyong 1896 at
Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas
PPPI- Panahon ng Pananakop at Paghahari
ng Imperyalismong US.
34. Pagsasanay
1. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang
nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.
2. Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng
maestro sa mga eskwelahan na magtuturo ng
alpabeto sa mga bata at pangunahin ang doktrina ng
relihiyong Katoliko.
3. Pinag-aral sa mga sekundaryang paaralan ang mga
anak ng mga dating namumuno sa mga barangay
bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga
gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.
35. Pagsasanay
4. Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng
paghahabi, pangingisda at pangangaso ay
pangunahing binibigyang pansin.
5. Pangunahing layon ng edukasyon ang
pagtuturo ng katolisismo.
6. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na
kultura at ang inaral ng mga bata ay pagkanta
halimbawa ay ang Columbia, Star Spangled
Banner, ABC, My Old Kentucky Home at
Maryland, my Maryland.
36. Pagsasanay
7. Ginamit ang Igles bilang wikang panturo sa
mga eskwelahan.
8. Mekanikal na pinabasa at pinapamemorya
ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga
ritwal ng simbahan.
9. Ang mga guro sa pampubliko ay mga
Amerikanong sundalo.
10.Ibinigay ni Apolinario Mabini sa isang
Pambansang Senado ang pangangasiwa sa
buong sistema ng edukasyon.