5. Pahina ng Karapatang Sipi – sa bahaging ito
makikita ang taon kung kailan inilimbag ang
aklat gayundin ang pagsasaad ng tanging
karapatan sa awtor at sa palimbagan upang
may mag-ari sa nilalaman ng aklat.
6. Pahina ng Pamagat – sa bahaging ito
nababasa ang pangalan ng may akda,
ang pamagat ng aklat, at ang naglimbag
nito.
7. Paunang Salita – dito nakalahad ang
mensahe ng awtor para sa kanyang mga
mambabasa. Taglay rin nito ang mga
kapakipakinabang na tip upang higit na
maging mabisa ang paggamit ng aklat.
8. Talaan ng Nilalaman –
ito ang listahan ng mga
nilalaman o paksang
tatalakayin sa aklat.
9. Katawan ng Aklat – ito ang
pinakamahalagang bahagi ng
aklat. Dito mababasa
ang nilalaman ng aklat.
10. Glosari – dito nakatala ang
mahihirap na salitang
ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito.
Nakaayos ang mga ito
ng paalfabeto.
11. Indeks – Talaan ng mga
paksang nakaayos nang
paalfabeto at pahina
kung saan ito
matatagpuan.