Pinadaling aralin para sa unang baitang. Wastong gamit ng pang-ukol na para kay, para sa, ayon kay, ayon sa, tungkol kay, tungkol sa, kasama ng mga pagtataya para sa pakatuto.
2. Paano mo sasagutin ang mga tanong
na ito?
Sino ang pagbibigyan mo ng kendi?
Sino ang nagsabi sa iyo na walang pasok bukas?
Para kanino ang regalo?
Ano ang nilalaman ng aklat?
Isipin mo
3. Basahin at unawain ang mga pangungusap
1. Para kay Ela ang binili kong aklat.
2. Ayon kay Mari, kaarawan mo raw bukas.
3. Tungkol sa pagtatapos ang pulong.
Mauunawaan ba natin ang sinasabi sa pangungusap kung
aalisin ang mga salitang kinulayan ng pula? Bakit?
Ano ang naitutulong ng mga salitang kinulayan ng pula?
Pansinin mo
4. Pang-ukol
Ang mga salitang kulay pula ay mga pang-ukol.
Ito ay mga salitang ginagamit upang i-ugnay ang pangalan o pang-
halip sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Ilan lang sa mga pang-ukol ay ang:
Para sa
Para kay
Ayon sa
Ayon kay
Tungkol sa
Tungkol kay
Tandaan
5. Para sa/Para kay
Ang para sa o para kay ay pang-ukol na ginagamit kung ang
pinag-uukulan ay ang pagbibigyan
Ginagamit ang “Para sa” kung ang ngalan sa pangungusap ay
pambalana o di kaya ay panghalip ang inuukulan.
Ginagamit naman ang “Para kay” kung ang ngalan sa
pangungusap ay tiyak.
Tandaan
6. Mga Halimbawa
Bumili ako ng prutas para sa bata.
Bumili ako ng prutas para kay Ana.
Para sa guro ang regalo
Para kay G. Cruz ang regalo
Para sa pusa ang tinik
Para kay Scatty ang tinik
Isa-isip mo
9. Ayon sa/Ayon kay
Ang para sa o para kay ay pang-ukol na ginagamit kung
ang pinag-uukulan ay ang nagsabi o pinagmulan ng
impormasyon
Ginagamit ang “Ayon sa” kung ang ngalan sa
pangungusap ay pambalana
Ginagamit naman ang “Ayon kay” kung ang ngalan sa
pangungusap ay tiyak.
Tandaan
10. Mga Halimbawa
Ayon sa aming guro, kasama ako sa may karangalan.
Ayon kay G. Cruz, kasama ako sa may karangalan.
Ayon sa doktor, mahirap ang magkasakit.
Ayon kay Dr. Pol, mahirap ang magkasakit
Isa-isip mo
11. Walang pasok bukas ______________ G. Cruz.
Ayon sa
Ayon kay
Subukin natin.
13. Tungkol sa/Tungkol kay
Ang para sa o para kay ay pang-ukol na ginagamit
kung ang pinag-uukulan ay ang pinag-uusapan
Ginagamit ang “tungkol sa” kung ang ngalan sa
pangungusap ay pambalana
Ginagamit naman ang “tunkol kay” kung ang ngalan sa
pangungusap ay tiyak.
Tandaan
14. Mga Halimbawa
Tungkol sa mga bayani ang aming aralin.
Tungkol kay Jose Rizal ang aming aralin
Tungkol sa bata ang usapan nila.
Tungkol kay Nena ang usapan nila
Isa-isip mo
17. Isabuhay natin.
Gamitin ang mga isang pang-ukol sa pangungusap.
Para sa
Para kay
Ayon sa
Ayon kay
Tungkol sa
Tungkol kay
18. Paghusayin natin
Ilagay sa patlang ang waston pang-ukol.
1.____________ Alen ang regalo.
2. ____________ bagyo ang balita.
3._____________ nanay, sasama ako sa bukid.
4._____________ babae ang palda.
5._____________ Nena, kaarawan niya ngayon.
6._____________ Ben ang pinaguusapan nila nanay.
19. Subukan natin
Salungguhitan ang wastong pang-ukol.
1.(Para sa, Ayon sa) bata ang gatas.
2.(Tungkol sa, Para kay) lindol ang balita.
3.(Ayon kay, Para kay) Leni ang bulaklak.
4.Malapit na ang bakasyon (ayon sa, tungkol sa)
guro
5.(Tungkol kay, Ayon kay) Bonifacio ang Pelikula.