2. Mas gusto ni Bzzz na maglaro, Maglaro nang maglaro araw-araw
Kasama ang kanyang mga kaibigan, masayang masaya sila sa taguan.
3. “Ayokong pumasok sa paaralan” sabi ni Bzzz “Ang gusto ko’y maglaro ng
taguan” pinayagan naman si Bzzz ng kanyang nanay.Pinayagan siya nitong
Maglaro ng taguan. Sabi ng kanyang nanay, “ dadating din ang araw
magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
5. Kasama ang kanyang mga kaibigan. Kumakanta
Sila ng iba’t ibang kanta. Lagi silang masaya.
6. “Ayoko pang pumasok sa paaralan” sabi ni Bzzz “Ang gusto ko ay
magkantahan kami ng aking mga kaibigan. Pinayagan naman si Bzz ng
kanyang nanay.Nilakasan pa nila ang kanilang pagkanta,natulig pati mga
gagamba. Sabi ng nanay niya “Dadating din ang araw na magiging handa si
Bzzz sa pagpasok sa paaralan.”
7. Mas gusto ni Bzzz na magbasa kahit hindi pa siya nakakabasa, mahilig
siyang
Tumingin sa mga larawan sa aklat niya
9. “Ayoko pang pumasok sa paaralan”sabi ni Bzzz, Ang gusto ko ay magbasa at
makinig sa mga kuwento, yun po ang gustong-gusto ko.”
10. Pinayagan naman si Bzzz ng kanyang nanay. Binasahan niya si Bzzz
ng sari-saring kuwento. Sabi ng nanay niya “dadating din ang araw na
magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.”
11. Mas gusto ni Bzzz na gumuhit at magpinta kasama ang mga kaibigan niya
Gumuguhit sila ng mga bulaklak,bundok,hayop at sari-saring bagay na
kanilang nakikita. “Ayoko pang pumasok sa paaralan” sabi ni Bzzz
12. “Ang gusto ko’y gumuhit at magpinta kasama ng aking mga kaibigan.”
Pinayagan naman si Bzzz ng nanay niya.
13. Pero isang araw kinausap si Bzzz ng kanyang nanay. “panahon na para
Pumasok ka sa paaralan”sabi nito
Sinamahan si Bzz ng kanyang nanay sa paaralan.
Ayaw pa sanang pumasok ni Bzzz sa paaralan, pero sabi ng nanay niya,
Panahon na para subukan niyang pumasok sa paaralan.
16. “Ang sarap pala sa paaralan” sabi ni Bzzz gusto kong pumasok sa
Paaralan araw-araw.
17. Mula noon pumapasok na si Bzzz sa paaralan at lahat ng ginagawa niya noon
sa bahay tulad ng paglalaro, pagkanta, pagpinta at pakikipagkaibigan
ginagawa rin nila lahat yun sa paaralan. Kaysarap palang pumasok sa paaralan.
18. 1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-ano ang mga paboritong gawin ni Bzzz
kaya ayaw niyang pumasok sa paaralan?
4. Bakit ayaw pumasok sa paaralan ni Bzzz?
5.Kung ikaw si Bzzz pipiliin mo rin bang
hindi pumasok sa paaralan?
6. Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento?