2. Karamihan sa mga pagpapasiyang iyong isinasagawa araw-araw
ay pangkaraniwang lamang. Maaaring ito ay may kinalaman sa iyong
pananamit, kakainin, o pupuntahan. Bukod sa mga pagpapasiyang ito,
mayroon ding mga pagpapasiya na nangangailangan ng pagninilay at
malalim na pag-iisip sapagkat ditto nakasalalay ang iyong sariling
pagkatao, maging ang maaaring epekto nito sa iyong kapwa. Sa mga
ganitong uri ng pagpapasiya, higit na kinakailangan ang matalinong
paggamit ng konsiyensiya.
3. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang konsiyensiya? Ito ay
kadalasang maririnig sa mga payo ng mga nakatatanda na may
kinalaman sa paggawa ng mahahalagang pagpapasiya. Anila, “Gawin
mong gabay ang iyong konsiyensiya.” Dito mahihinuha na Malaki ang
papel na ginagampanan ng iyong konsiyensiya sa bawat pagpapasiyang
iyong isasagawa. Ang iyong sariling konsiyensiya ang siyang humuhubog
sa iyong pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos ng iyong pipiliing
gawin.
4. Konsiyensiya ang tawag sa kakayahan ng tao na kilalanin kung
ano ang mabuti at kung ano ang masama. Ang salitang ito ay nagmula
sa salitang Latin na cum, na nangangahulugang “with,” at scientia, na
nangangahulugang “knowledge.” Sa medaling salita, ang ibig sabihin ng
salitang konsiyensiya ay “with knowledge” o “mayroong kaalaman.”
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa isang bagay na mayroong mahalagang
kaugnayan sa kilos na isasagawa. Nakabatay ang kilos na gagawin sa
paraan ng paglalapat ng sariling kaalaman.
5. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang paglalapat ng kaalaman
gamit ang konsiyensiya ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan:
a. Gamit ang konsiyensiya, nakikilala ng tao ang mga bagay na
kaniyang ginawa at hindi ginawa. Ang konsiyensiya ang magsisilbing
testigo sa tunay na nangyari kung sakali mang hindi niya aminin ang
kaniyang ginawa, itanggi niya ang katotohanan, at ang makumbinsi
niya ang iba na siya ay paniwalaan.
6. b. Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao ang mga bagay na nararapat
niyang gawin ngunit hindi niya nagawa, maging ang mga bagay na hindi
niya nararapat gawin subalit kaniyang ginawa. Ang konsiyensiya ang siyang
napapaalala sa tao ng mga bagay na nararapat gawin ng mga bagay na
hindi nararapat.
c. Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan ang mga bagay na ginawa ng tao
kung ang mga ito ay nagawa nang tama o mali. Ang konsiyensiya ang
maaaring magpahintulot sa bawat bagay na kaniyang gagawin, at ito rin
ang maaaring magparatang, magpahirap, umusig o bumagabag sa tao kung
sakaling siya ay gagawa ng masama.
7. Ang konsiyensiya ay mayroong dalawang uri: ang tama at ang
mali. Maituturing na tama ang paghuhusga ng konsiyensiya kung ang
hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at mali bilang mali, at kung
ang lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglalapat ng
obhetibong pamantayan na naisakatuparan nang tama. Maituturing
namang mali ang paghuhusga ng konsiyensiya kung hinuhusgahan nitao
ang mali bilang tama at ang tama bilang mali, at kung nakabatay ito sa
maling prinsipyo, kahit na nailapat sa tamang paraan, o nakabatay ito
sa tamang prinsipyo ngunit naisagawa sa maling paraan.