Ang dokumento ay naglalahad ng tugon ng simbahang Katoliko sa paglaganap ng Protestantismo sa Europa, kilala bilang kontra-repormasyon. Pinangunahan ni Papa Paul III ang Konseho ng Trent na nagtakda ng mga prinsipyong hindi kailangang baguhin at mga hakbang tulad ng pagbabawal ng pagbebenta ng indulhensiya at pagbuo ng mga seminaryo. Kasama sa mga hakbang ng simbahan ang paggamit ng inkwisisyon laban sa mga erehe at paglikha ng aklat na index na nagbabawal sa ilang mga aklat.