Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa bahagi ng panalita. Ilalahad dito ang kahulugan at kahalagahan nito sa pagbuo ng pangungusap. Bukod pa dito, tatalakayin din ang kahulugan at paraan ng paggamit isang simuno sa pangungusap. Gayundin ang pag-alam sa kahulugan ng panaguri at mga uri nito.
2. Ang pangngalan ay nauuri batay sa kahulugan o sa katangian
taglay nito. Maari itong kilalanin bilang tahas, basal, lansak,
hango o patalinghaga.
1. Tahas – pangngalang pambalana na tumutukoy sa mga bagay
na nararamdaman ng limang pandama.
Halimbawa: Ang niluto ni Gema ay maanghang.
Ang bango ng sampaguita.
3. 2. Basal – pangngalang pambalana na hindi nararanasan ng
limang pandama.
Halimbawa: Natakot ang bata sa malaking aso.
Ang katapangan ni Juan ay hindi masukat.
3. Lansak – pangngalan nangangahulugan ng karamihan o
kalipunan ng marami.
Halimbawa: Ang mga madla ay sabay-sabay na
nagpalakpakan.
4. 4. Hango – tumutukoy sa mga payak na pangngalan may panlapi.
Halimbawa: Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Kapayapaan ang umiiral sa ating mundo.
5. Patalinghaga – ginagamit bilang simbolismo ng isang bagay at
kalimitang ginagamit sa tula at malikhaing akda. Tinatawag din
itong idyoma.
Halimbawa: Si Katrina ay isang ahas.
Ang aking mga anak ang aking natatanging ginto sa buhay.
5. Panghalip pamatlig – ito ay ang inihahalili sa ngalan ng bagay o
lugar na itinuturo. Ito ay nahahati sa dalawa.
1) Panghalip Pamatlig na Pambagay
a) Ito – kung malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo.
b) Iyan – kung malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo.
c) Iyon – kung malayo sa nag-uusap ang bagay na itinuturo.
2) Panghalip Pamatlig sa Panlunan
a) Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita.
b) Diyan – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa kinakausap
c) Doon – kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap.