Kung         Kung
mamahalin    mamahalin mo
mo ako’y     ako’y ibibigay
magiging     ko sa’yo ang
             buong
masaya ang   mundo’t buhay
buhay ko.    ko.
Tayutay – ito ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag.
            Mga Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad o Simili – paghahambing
    sa dalawang magkaibang tao, bagay,
    pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga
    salitang tulad ng, katulad ng, parang,
    kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
hal.
a. Siya ay katulad ng kandilang unti-
    unting nauupos.
b. Ang tao ay gaya ng halamang
    nararapat diligin.
2. Pagwawangis o Metapora – isang tuwirang
paghahambing na hindi ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, para ng, kawangis ng,
animo atbp.

   Mga hal.
 a. Ang ina ni Liza ay bituing tanglaw niya
    sa landas ng buhay.
 b. Si Cory ay isang ibong humanap ng
    kalayaan.
3. Personipikasyon – nagsasalin ng talino,
gawi at katangian ng tao sa bagay na walang
talino. Pandiwa ang ginagamit dito.

    Mga hal.
  a. Lumuluha ang liham na natanggap ni
     Carmi.
  b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa
     ulap.
4. Eksaherasyon – lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang katunayan at kalagayan
ng tao, bagay, pangyayari atbp.


   Mga hal.
 a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng
    dalamhati.
 b. Nabutas ang bambam ng tainga ni
    Gerry dahil sa ingay.
5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitang
nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-
puring pangungusap ngunit sa tunay na
kahulugan ay may bahid na pag-uyam.

   Mga hal:
 a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas
    sa kapipisil mo ng mga taghiyawat.
 b. Talaga palang masipag ka, wala kang
    ginawa kundi matulog maghapon.
6. Pagtanggi – ito ay karaniwang
gumagamit ng panangging hindi upang
magpahiwatig ng lalong makahulugang
pagsang-ayon.
   Mga hal.
 a. Si Randy ay hindi galit sa iyo,
    susuntukin ka lang pag nakita ka.
 b. Hindi ko sinasabing mahina ang ulo mo
    kaya lamang ay palagi kang lagpak sa
    mga pagsusulit.
7. Paglilipat-wika- ito ay gumagamit ng
pang-uri upang bigyang paglalarawan
ang bagay.
    Mga hal.
  a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang
     nagbigay sa atin ng kalayaan.
  b. Ang kanilang mapagpatuloy na
     tahanan ay kumanlong ng mga
     sugatan.
8. Senekdoke – ito ay pagbanggit sa bahagi
ng isang bagay o ideya bilang katapat ng
kabuuan.

   Mga hal.
 a. Hiningi ni Leo ang kamay ng dalaga.
 b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong
    sa pag-aararo.
9. Pagtawag- ito ay pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na para bang nakikipag-
usap sa isang buhay na tao.

    Mga hal.
  a. O, tukso layuan mo ako.
  b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na
     sa mga problema.
10. Tanong Retorikal – Isang pahayag na
anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.

    Mga hal.
  a. Hanggang kailan ba masusupil ang
     kasamaan na dulot ng ipinababawal na
     gamot?
  b. Hahayaan ba nating malugmok sa
     kumunoy ng kahirapan ang ating
     bayan?
11. Pagpapalit tawag/metonimiya-
pansamantalang pagpapalit ng mga
pangalan ng bagay na magkaugnay


 Halimbawa:
 Dapat nating igalang ang putting buhok.
 Si Haring Edward ang nagmana ng
 korona
12. Pagdaramdam – nagsasaad ito ng
pangkaraniwang damdamin

 Halimbawa:
 Kailan lamang ay sumasayaw ka sa
 kaligayahan at punong-puno ng
 buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na
 bangkay at ni bakas ng dati mong
 kasiglahan ay wala na akong makita.
13. Tambisan/antitesis – pagtatabi ng mga
hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan
upang lalong mapatingkad na lalo ang mga
salita
  Halimbawa:
  Siya ay isang taong sala sa init,sala sa
  lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng
  magulo,nayayamot sa mayaman at
  nayayamot din sa mangmang,isang
  nakalilitong nilalang.
MAHAHALAGANG
TANONG:
 Anu-ano ang kahalagahan ng tayutay sa
  panitikang Pilipino?
 Sa papaanong paraan nagagamit ang
  mga tayutay sa pangkasalukuyang
  panahon

Tayutay ppt

  • 1.
    Kung Kung mamahalin mamahalin mo mo ako’y ako’y ibibigay magiging ko sa’yo ang buong masaya ang mundo’t buhay buhay ko. ko.
  • 2.
    Tayutay – itoay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri ng Tayutay: 1. Pagtutulad o Simili – paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. hal. a. Siya ay katulad ng kandilang unti- unting nauupos. b. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.
  • 3.
    2. Pagwawangis oMetapora – isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.  Mga hal. a. Ang ina ni Liza ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay. b. Si Cory ay isang ibong humanap ng kalayaan.
  • 4.
    3. Personipikasyon –nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.  Mga hal. a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carmi. b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
  • 5.
    4. Eksaherasyon –lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.  Mga hal. a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati. b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Gerry dahil sa ingay.
  • 6.
    5. Pag-uyam –ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri- puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.  Mga hal: a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga taghiyawat. b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
  • 7.
    6. Pagtanggi –ito ay karaniwang gumagamit ng panangging hindi upang magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon.  Mga hal. a. Si Randy ay hindi galit sa iyo, susuntukin ka lang pag nakita ka. b. Hindi ko sinasabing mahina ang ulo mo kaya lamang ay palagi kang lagpak sa mga pagsusulit.
  • 8.
    7. Paglilipat-wika- itoay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang bagay.  Mga hal. a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng kalayaan. b. Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga sugatan.
  • 9.
    8. Senekdoke –ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.  Mga hal. a. Hiningi ni Leo ang kamay ng dalaga. b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-aararo.
  • 10.
    9. Pagtawag- itoay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag- usap sa isang buhay na tao.  Mga hal. a. O, tukso layuan mo ako. b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
  • 11.
    10. Tanong Retorikal– Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot.  Mga hal. a. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot? b. Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bayan?
  • 12.
    11. Pagpapalit tawag/metonimiya- pansamantalangpagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay Halimbawa: Dapat nating igalang ang putting buhok. Si Haring Edward ang nagmana ng korona
  • 13.
    12. Pagdaramdam –nagsasaad ito ng pangkaraniwang damdamin Halimbawa: Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong-puno ng buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.
  • 14.
    13. Tambisan/antitesis –pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita Halimbawa: Siya ay isang taong sala sa init,sala sa lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang,isang nakalilitong nilalang.
  • 15.
    MAHAHALAGANG TANONG:  Anu-ano angkahalagahan ng tayutay sa panitikang Pilipino?  Sa papaanong paraan nagagamit ang mga tayutay sa pangkasalukuyang panahon