Pangngalan
Ayon sa Gamit
1. Tahas
Ito ay pangngalang
tumutukoy sa mga materyal na
bagay.
Mga halimbawa:
tubig
upuan
pagkain
2. Basal
Ito ang pangngalang
tumutukoy sa hindi materyal kundi
sa diwa o kaisipa.(walang panlapi)
Mga halimbawa:
wika
yaman
buhay
3. Lansak
Ito ay tumutukoy sa isang
pangkat ng iisang uri ng tao o
bagay.
Mga halimbawa:
batalyon
kapuluan
madla
4. Hango
Ito ay pangngalang nagmula
sa isang salitang basal na nilagyan
ng panlapi.
Mga halimbawa:
katapangan
salawikain
kaisipan
5. Patalinghaga
Pangngalang hindi tuwirang
patungkol sa bagay na pinangangalanan
sa halip inihahambing lamang sa bagay
na kamukha o katulad lamang.
Tinatawag din itong idyoma.
Mga halimbawa:
buwaya- kurakot
langit- ligaya
ahas- taksil

Pangngalan ayon sa gamit