5. RASYONALISMO
(ISIP)
• A. POSITIBONG KAALAMAN
-pagkilala natin sa diyos bilang isang lubos na bagay.
-kung mayroon ngang isang personang tulad ng Diyos, tanging sya lamang
ang maituturing na pinakadakila, pinakaganap, pinakamakapangyarihan,
pinakamarunong, pinaka-mabuti; sa isang salita, pinakaganap.
-siya ang lumikha ng daigdig ay siya rin ang magpapsiya tungkol sa wakas na
ito.
-ang teyismo nina Sto. Tomas at San Anselmo ay kabilang sa ganitong uri ng
rasyonalismo.
6.
7. • B. NEGATIBONG KAALAMAN
-hindi sapat ang talino ng tao upang lubos na maunawaan natin ang nauukol
sa maykapal.
-malalim ang pagkaunawa ng isang tao na nakatuklas sa kakapusan ng isip. Ito
ay isang patunay na ang pagpapasiya ay nakatungod sa kalayaan.
-hindi dapat ipilit ang isang bagay na labas sa pang unawa ng isang tao. Ngunit
hindi rin dapat na kutyain ang taong sa halip na itakwil ang Diyos na hindi
nauunawaan ay kusang nagkaloob ng kanyang taos-pusong pagsampalataya.
-Agnostisismo nina Kant at Pascal, Ateyismo nina Feuerbach at Nietschie.
-dito nakasalig ang bigat ng Matisismo at Rebelyanismo
RASYONALISMO
(ISIP)
8.
9. KARL RAHNER
• Isang dakilang teologong Katoliko sa kasalukuyang panahon.
• Para sa kanya, ang Diyos ay ang bagay na lubos na kaiba (the wholly other).
Dahil dito, maari ngang hindi kayang maunawaan ang isip lamang ang
kakanyahan ng Diyos. ang pagtanggap sa Maykapal ay hindi Gawain ng isip
lamang kundi ng buong pagkatao, kasama na ng damdamin. Sa pagtanggap
ng ito (existential affirmation) nakasalalay ang tindi ng paniniwala ng isang
nilalang.
10. RUDOLF OTTO
• Naniniwala si Otto na ang karanasang relihiyoso ay may aspetong rasyonal at
di-rasyonal. Ang rasyonal na bahagi nito ay ang maaring isipin tungkol sa
Diyos: halimbawa, na ang Diyos ay isang espiritu at may lubos na
makapangyarihan. Subalit hindi ito ang pinakamahalagang dimensyon ng
karanasang ito. Ang pinakaugat ng relihiyon ay isang elementong hindi
maaring ibilanggo ng kaisipan. Ito ay ang tinatawag na “ numen”. Ang
karanasang numino ay damdaming nakatungod sa Diyos bilang isang
mysterium tremendum.
“Tremendum,” sapagkat nakakamangha at nakakaakit
“Mysterium,” sapagkat lubos na sumusupil sa ating rasyonal na kalikasan. Dito
nagsismula ang ating pagkilala sa bagay na banal.
15. REBELYANISMO
(BIBLIYA O REBELASYON)
• Dahil sa kakulangan ng ating pang unawa ay may mga naniniwala
na kailangan tayong umasa sa isang karunungang labas sa talino
ng tao. Ito ay walng iba kundi ang Banal na salita ng Diyos na
nakapaloob sa Rebelasyon o Bibliya. Ito ang iminumungkahi ng
ilang matatalinong Kristiyanismo na kinabibilangan ni Karl
Barth, isang higante sa larangan ng teolohiya. Ganito rin anf
winika ni Francis Schaeffer na, bagamat hindi kasingkahalaga ni
Barth, ay nagbigay naman ng ilang mahusay na kuro kuro ukol sa
kalagayan ng tao sa kasalukuyang panahon.
16. KARL BARTH
• Itinuturing ni Papa Pio XII na siyang pinakamahusay na teologo pagkatapos ni Sto.
Tomas. Ito ay kamanghamangha, sapagkat si Barth ay isang Protestante at hindi
isang Katoliko. Marahil, ito na nga ang isang bunga ng kamalayang ekumenismo.
Ang Protestantismo at katolisismo ay magkapatid na nananampalataya.
• Naniniwala si Barth na ang tao ay kulang sa kakayahang maunawaan ang Diyos sa
pamamagitan ng payak ng isip lamang. Dahil dito sinabi niya na ang
pananampalataya ng isang Kristiyanismo at dapat na maging mapagkumbaba.
Dapat isuko natin ang ating panangatiwiran sa harap ng rebelasyon ni Kristo na
namamalas natin sa tulong ng banal na aklat. Ang kristong ito ay isang buhay na
Diyos, isang Diyos na patuloy na nagpapakilala sa pamamagatan ng kanyang mga
salita. Ang mga kalagayang pang kasaysayan ay nagbabago, ang rebelasyon ng
Diyos ay dapat na muli at muling basahin at pakinggan. Ang diyos, kung gayon ay
nkikipag usap sa atin, at katungkulan nating ilaan ang ating pandinig sa kanya.
Ang paguusap na ito ay nagkakaroon ng kaganapan sa tuwing bubuksan natin ang
kanyang aklat.
17.
18. FRANCIS SCHAEFFER
• Ikinalulungkot ni Schaeffer ang pangyayaring maadali tayong madala sa
takbo ng panahon. Nagtatangay tayo sa uso at moda. Dahil ditto ay
napapabayaan natin ang ating isip at katuwiran. Tayo ay nagiging alipin ng
mga pandaliang kaisipan.
• Para kay Schaeffer, ang Kristiyano lalo na sa ating panahon ay dapat na
maging isang nagiisip na Kristiyano. Kailangang muling ibalik ang katwiran
sa ating pananampalataya. Subalit ang katwirang ito ay dapat palusugin ng
paniniwala sa mga salitang kusang binitawan ng Diyos. Si Schaeffer ay lubos
na nagtataguyod sa muling ikalalawak ng pagaaral ng Bibliya.
23. MISTISISMO
(MISTIKO)
• Ang karanasang ito ay hindi maaaring unawain sa pamamagitan ng mga
pangkaraniwang kategorya ng pagiisip. Maaring sabihing ang mitisismo ay
kaanib ng mapagkumbabang pagtanggap sa kakapusan ng talino ng tao.
• Katulad ng pagkaing hindi natin malalaman hanggat hindi natin
matitikman, ang mitisismo ay hindi natin mauunawaan hanggat hindi
nararanasan.
• Ito ay ang pagpapatuloy ng pagtamo ng komunyon o pagkilanlan sa, o ang
kamalayan sa, pangwakas na realidad, ang banal, espirituwal na
katotohanan, o Diyos sa pamamagitan ng direktang karanasan, intwisyon, o
pansariling pananaw; at ang paniniwala sa ganoong karanasan ay isang
mahalagang pinagkukunan ng kaalaman o kaunawaan.
24. Chen Dianzhong ang Mistisismo sa
tatlong mga uri:
Una, mistisismo relihiyon, higit sa lahat ay tumutukoy sa konsepto ng relihiyon
mananampalataya naniniwala sa Diyos malay;
Dalawa ay pangkalahatan mistisismo, higit sa lahat ay tumutukoy sa araw-araw na buhay ng
mga tao naniniwala sa konsepto ng banal na malay;
kanilang tatlo bilang isang uri ng pagsamba mistisismo mistisismo o maling
pananampalataya, iyon ay, isang uri ng pagsamba na nauugnay sa mistisismo. Ang mga
karaniwang tampok ng lahat ng uri ng mistisismo ay "pagbubukod ng perceptual at may
talino kaalaman aral ng pagsulat ukol sa relihyon at pamamaraan.