1. Lesson 4-Pre-Encounter
ANG MALUSOG NA PAGKAING ESPIRITUAL
Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang
mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
1Pe 2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang
daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
Lahat halos ay naniniwala sa isang lumang kasabihan, “Kung ano ang kinakain mo, yon ikaw.” Sa
madaling salita kung nais mong maging malusog, kumain ka ng malulusog na pagkain. Isang international
nutritionist ang nagsabi, “Tayong lahat ay binubuo ng 100 trillion cells sa ating katawan at ang bawat
isa’y nangangailangan pangaraw-araw na sustansya upang makapagtrabaho ng mahusay. Naaapektuhan
ng pagkain ang lahat na cells na ito na siya namang nagdidikta sa buo nating pagkatao, an gating
pakiramdam sa maghapon, kalakasan, gana sa pagkain, pagiisip, pagtulog, sex drive, at pangkalahatang
kalusugan. Kung pakanin mo ang iyong katawan ng basura o kung ano-ano lang na pagkain, ito’y
magpapahina sa iyo, magdadala ng karamdaman at maging ang iyong pagiisip ay maaapektuhan.
Kailangang lagi tayong paalalahanan ng mga katotohanang ito. Ang malusog na pagkain angkailanagansa
isang malusog na buhay. Katulad din nito ang buhay esperitual. Maraming Kristiano ang mahina at hindi
nagbubunga sa dahilang hindi nila sinusunod ang karapatdapat nag awing ng pagkaing spiritual.
Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang
mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Ilang beses kang kumakain sa loob ng isang araw? Hindi kukulangin satatlong beses isang araw, ano kaya
kung isang beses lamang tayong kumain sa loob ng isang lingo? Tatagal ka kaya? Pero alam na alam
natin na ang pangkaraniwang Kristiano ay kasya na sa isang beses kumain ng spiritual na pagkain minsan
isang lingo. Maraming hinihintay na lamang ang “feeding program” ng iglesia na ginagawa tuwing linggo.
Layunin:
1. Malaman na ang malusog na spiritual na pagkain ay ang pagbibigay ng higit na Kahalagahan sa
personal na pagaaral ng Salita ng Diyos.
2. Hikayatin ang pagnanais na lumago at mapatunayan na ang pagnanais ay natutupad sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos.
3. Ipakita na sa pamamagitan ng personal na pagaaral ng Salita , nalalapit at nakikilala nating
lubusan an gating Panginoong Hesus. Habang tayo ay lumalago tayo’y pinagpapala upang
maging pagpapala din sa iba.
2. Nakapagtataka ba kung bakit angating mga iglesia ay hindi sumusulong kundi nananatili lamang
humihinga.
1. Ano ang dahilan kung bakit ang iglesia ay hindi sumusulong at hindi masigla?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Hinahamon ka ngayon na magsimula ng isang malusog na spiritual na pagkain. Kailangang matutunan
lamang natin kung paano natin ito sasamantalahin tulad sa Lumang Tipan na ang Diyos ang nagbibigay
sa kanila ng “manna” ang tinapay na galling sa langit na araw-araw ay ibinibigay sa kanila noong sila ay
nasa ilang. May apat na susi kung nais natin na mapanatili ang malusog na pagkaing spiritual.
I. NASAIN:
Ang taong gutom ay hindi mo na kailanagang sa bihang kumain. Kung may pagkain siguradong kakain
siya. Nang sulatan ni apostol Pedro ang mga unang mananampalataya tyungkol sa kanilang pagkain ng
Salita ng Diyos, nagbigay siya ng isang pamilyar na larawan kung paano ito. 1Pe 2:2 Gaya ng mga
sanggol na bagong panganak ay nasain(crave) ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa
espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
Pansinin natin ang salitang nasain o crave, ang kahulugan nito ay gusting-gusto o naglalaway. Kailan
kayo huling nakakita ng isang batang gutom na gutom. Hindi ito titigil sa kaiiyak hanggang hindi mo
binibigyan ng gatas. Sa mga oras na iyon walang mahalaga sa kanya kundi makadede at mawala ang
kanyang gutom.
Job 23:12 Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang
mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
Si Job ay isang mahalagang tao sa Biblia. Sa kabila ng lahat niyang naranasan, nawala ang lahat niyang
mga pagaari, ang kanyang mga anak, ang kanyang kalusugan, hindi nagbago ang kanyang pagtitiwala sa
Diyos. Nanatili ang kanyang pananampalataya sa Panginoon hanggang mabalik ang lahat na kanyang
tinatangkilik. Maliwanag na ang kanyang katatagan at tibay ay galling sa kung ano ang higit na mahalaga
sa kanya, ang mga Salita ng Diyos- mas mahalaga ito sa kanya kaysa pangaraw-araw na pagkain. May
isang Chinese pastor ang gumawa ng isang pangako, “Walang Biblia, walang almusal.”
2. Nagnanasa ba tayong bumasa ng Biblia araw-araw?
______________________________________________________________________________
Baka maraming mga tao ang hindi nagnanasa na bumasa ng Biblia, pagkat di nila alam ang kahalagahan
nito sa kanilang mga buhay. Inilagay ni Pablo ang kahalagahan ng Biblia sa ilang mga talata;
2Ti 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din
naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
3. 2Ti 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang
mabuti.
Una sa lahat, ako at kayo ay dapat na kumbinsido na ang buong Biblia ay mula sa Diyos, na ang Diyos ang
nagbigay b uhay ditto katulad ng pagbibigay bhuhay ng Diyos sa tao. Ang Genesis 2:7 ay nagsasabi kung
paano pinorma ng Diyos ang tao mula sa putik at hiningahan ng Niya ang ilong nito upang siya ay
mabuhay. May nagsasabing ang Biblia ay ordinaryong libro lamang. Ako’y hindi sumasangayon ditto.
2Timothy 3:16 ay malinaw na nagsasabi na ang Biblia ay nagtataglay ng hininga ng Diyos, sa kabila na
ginamit Niya ang 40 mga tao na sumulat nito. Sumulat sila sa patnubay ng Banal na Espirito kaya ang
lahat lamang na nais masulat ng Diyos ang kanilang naisulat. Kahit si Pedro ay nagpapatotoo sa
katotohanang ito.
2Pe 1:21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga
tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
Pagkat ang Biblia ay Salita ng Diyos, sinabi ni Pablo na ito ay magagamit sa pagtuturo, pagsaway,
pagtutuwid at pagsasanay sa ikatututo at kahandaan ng mga Kristiano. Si Dr Warren Wiersbe ay
nagpaliwanag ng pagkakaiba ng apat na gamit na ito ng Biblia.
Para sa: Pagtuturo(teaching) – ituro kung ano ang tama
Pagsaway(rebuking) – ituro kung ano ang hindi tama
Pagtutuwid(correcting) – ituro kung paano ang tama
Pagsasanay(training) – ituro kung paano manatili sa tama
Kailanagang simulant nating pahalagahan ang gamit ng Biblia. Siguro kaya tayo walang pagnanasa ditto
ay hindi natin tinatanggap ang kahalagahan nito sa ating mga b uhay.
3. Gaano kahalaga ang Biblia sa ating mga buhay? Ano ang apat na gamit ng Biblia?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Maari ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa buhay ng magkaroon kayo ng pagnanasa sa
Salita ng Diyos at kung paano ito nakatulong sa paglakad na spiritual sa Panginoon?
II. HANAPIN:
Ang isa pang mahalagang bagay kung bakit kailanagan na tayo ay kumain mula sa Salita ng Diyos ay
nakatutulong ito sa paglalim ngn ating pagmamahal kay Hesus. May malaking pagkakataon na tratuhin
ang Biblia na simpleng pinanggagalingan ng mga inpormasyon kung paano makapamuhay ng mabuti at
may kabanalan. Bagama’t ito’y makatutulong, hindi ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit
nasulat ang Biblia. Sinabi ni Hesus na ang pinakamahalagang dahilan kung bakit isinulat ang Biblia ay,
mahayag Siya sa mga tao.
4. Luk 24:27 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang
mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
Joh 15:26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa
makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang
magpapatotoo sa akin:
Lagi nating ipinapaliwanag na ang pananampalatayang Kristiano ay hindi relihiyon kundi
relasyon. Ang ibig sabihin nito’y ang pananampalataya ay hindi mga kautusan (gawin ito at
huwag gawin ito), kundi isang intimate na relasyon sa Diyos sa pamamagitan n gating
Panginoong Hesus. Tingnan ninyo ang kalagayan ng mga relihiyosong tao ng kapanahunan ni
Hesus. Sila’y masikap sa pagsasaliksik ng Lumang Tipan. Pero hindi nila nakilala si HesuKristo
hindi sila naligtas. Ganoon din sa ating kapanahunan may mga nagaaral ng Biblia para lamang
matutu. Maliban na matagpuan nila si Hesus sa Biblia atg matutunan nilang mahalin ang mga
kaalaman nila ay mauuwi lamang sa kayabangan agt kapalaluan at hindi sa buhay na walang
hanggan.
1Co 8:1 Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na
tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay
nagpapatibay.
Hindi tayo nagbubulay sa mga Salita ng Diyos upang dumami an gating kaalaman. Kailangang
matagpuan natin si Hesus at mapaibig tayo sa Kanya. Hanggang hindi natin natatagpuan si
Hesus hindin tayo magkakaroon ng pagnanais na mamuhay ng matuwid. Alam ninyo kung
bakit? May isang awit na lagging itinuturo sa Sunday School, “Jesus love me, this I know. For
the Bible tells me so.” Habang nakikita mo sa Biblia na mahal ka Niya, lalong napapamahal Siya
sa iyo at ito ang nagtutulak na mamuhay ka para sa Kanya.
5. Ano ang pinakamahalagang dahlia na tayo ay magsumikap na pagaralan ang Biblia? Ano
ang dapat na maging b unga n gating araw-araw na pagbabasa ng Biblia?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
III. MAGLAAN(devote):
Kung nais mong maging mainit sa pagaaral ng mga Salita, kailangang maglaan ka ng sapat na
oras at hanapin kung paano mo matutunang mabuti ito. Ginamit ko ang salitang “devote”
pagkat nais kong idiin ang idea ng buong pusong pagsisikap na matuto, na kabaliktaran ng
alatsamba at walang ingat na pagbasa ng Salita. Ang Salita ng Diyos ay marapat na pagukulan
ng pinaka mabuti mula sa atin.
Ang salitang ibinigay ng Diyos kay Joshua ng pangungunahan niya ang mga Israelita sa
pagpasok sa lupang pangako ay makabibigay sa atin ng liwanang. Pansinin ninyo na ang
pagtatagumpay niya ay nakabatay sa kung paano niya gagamitin ang Kasulatan.
Jos 1:8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong
pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na
nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at
kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Una, ang mga talatang ito’y nagsasabi sa atin regular na pagbabasa ng salita. Ang inaasahan ng
Diyos ay hindi lamang araw-araw, kundi gabi at araw. Nais ng Diyos na tumibay ang disiplina ng
pakikipagugnay sa Kanya. Marami sa atin ay walang problema sa oras ng pagkain tatlong beses
isang araw, subalit hirap na hirap tayo na humanap ng oras sa pakikipagugnay sa
5. Kanya.Naniniwala ako na may praktikal na kadahilanan kaya gabi at araw. Araw para
masimulan mo ang araw na umaasa sa patnubay Niya, at gabi upang matapos mo ang araw na
nagpapasalamat sa lahat ng tulong Niya at buigyan ka ng Diyos ng sapat na pamamahinga at
mahanda sa susunod na araw. Marami sa atin ay walang problema sa oras ng pagkain tatlong
beses isang araw, subalit hirap na hirap tayo na humanap ng oras sa pakikipagugnay sa
Kanya..Lahat tayo ay nangangailangan ng tamang schedule araw-araw upang tayo ay manatiling
malusog at malakas espirituali.
Pangalawa paano an gating pagkain? Ang salita ay “meditate” o pagbulayan. Ang salitang ito ay
higit sa pagbasa. Ito’y nangangahulugan ng malalim na pagbubulay upan g malaman natin ang
mga katotohanang nasa ilalim ng mga salita. Ginagawa mob a ito kung ikaw ay nagbabasa. Ang
mga sumusunod ay magagamit natin sa ating pagbubulay.
1. May pangako ban a maari nating hingin?
2. May aral bang dapat matutunan?
3. May pagpapala bang dapat matanggap?
4. May utos bang dapat sundin?
5. May kasalanan bang dapat iwasan?
6. May bago bang kaisipan na dapat kong sdalhin?
Mababasa mo ang mga talata at maitatanong mo ang mga tanong na ito. Alam ko na
papatnubayan ka ng Diyos sa maraming katotohanan. Maganda itong mga pasimulang
katanungan. Tinatawag natin ang mga personal na pakikipagugnay sa Diyos na personal
devotion. Ang mga oras na ginugugol nating kasama ang Diyos azng siyang magpapakita kung
gaano kalaki ang pagibig natin sa Kanya.
6.Sa paglalaan natin ng panahon sa Salita ng Diyos, ano ang dalawang
katotohanan na dapat nating gawin sa ating pagkaing spiritual? Joshua 1:8
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
IV.IPAHAYAG:
Mayroong patuloy na katotohanan na inihahayag ng Biblia tungkol sa kalusugang spiritual –
pinatitibay ka para maging pagpapala sa iba. Ang pagkaalam ng Biblia ay hindi ang katapusan.
Ito ay paraan ng Diyos upang tayo naman ang siyang magakay sa iba. Ito ay mahusay nja
ipinapakita ni Ezra, isang escribo na lubos na devote sa kasulatan. Nang malapit nang ibalik ng
Diyos ang Kanyang bayan matapos ang 70 taong pagsakop ng ibang bansa, siya ay isa na
napagkalooban ng prebelihiyo na manguna. Bakit siya napili ng Diyos? Ang sagot lang ay ang
kanyang commitment sa Salita ng Diyos.
Ezr 7:10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng
Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga
kahatulan.
Ano ang nagging kaibahan niya?Hindi lamang niya pinagaaralan ang salita kundi
ipinamumuhay niya at itinuturo niya.Maaari nating pagsamahin ang pamumuhay at paggtuturo.
Kung layon mo ay ituro ang natutunan mo, kailangan na ito ay naipamumuhay mo. Kung hindi
mo ito magawa magiging katitisuran ka sa mga taong naghahanap sa Diyos. Ito ang dahilan
kung bakit noong panahaon ni Hesus, ang maraming tumanggap ng Kanyang pagsansala ay mga
tagapagturo ng Biblia.
Luk 20:45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,
6. Luk 20:46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang
damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong
upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;
Luk 20:47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring
banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
Tayo ay pinagsasabihan na “Ilakad ang salita at isalita ang lakad.” Marami sa atin, lalo na yaong
matagal na sa pananampalataya ay dapat nang gumawa ng mabuting bagay na ito. Huwag
tayong masiyahan sa ating pagkatuto, magsimula na tayong magturo. An gating kalusugang
spiritual ay mahahayag lamang kung may mga taong natututo sa atin. Ang sumulat ng aklat ng
Hebrews ay nagpahayag ng pagkalungkot na ang mananampalataya ay nanatilin g bata at hindi
makapagturo.
Heb 5:12 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan,
ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng
aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing
matigas.
Heb 5:13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng
katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
Heb 5:14 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa
mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam,
upang makilala ang mabuti at ang masama.
Mula sa pagkaing bata, ako at kayo ay dapat na nasisiyahan sa karne. Habang nagpapatuloy na
kayo sa matitigas na salita na inaasahan naman ng Diyos, kailangang kayo ay maging
tagapagturo na. Magsimula na kayong magpahayag ng Salita ng Diyos. Sana’y tulungan tayo
nDiyos na ibigay an gating mga sarili, sa pagnanasa, paghanap, palalaan, at pagpapahayag ng
mga Salita ng Diyos!
7. Bakit mahalaga ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8. Ano ang apat na bagay na dapat ay mayroon tayo para sa
isang malusog na pagkain ng Salita ng Diyos?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________