SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Download to read offline
Pangalan: Seksyon:
Wk1-2 Learning Area
Quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level
Date
10
Ikatlong Kuwarter
WEEKLY HOME LEARNING PLAN (WHLP)
PAKSA Pagmamahal sa Diyos
Day&Time Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery
33. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos
34. Natutukoy ang mga pagkakataong
nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
kongkretong pangyayari sa buhay.
35. Napangangatwiranan na: Ang
pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa
kapwa.
36. Nakagagawa ng angkop na kilos upang
mapaunlad ang pagmamahal sa
Diyos..
Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na Gawain
sa Pagkatuto na nakalagay sa WHLP(Weekly Home
Learning Plan). Basahin at unawain ang paksa at
sagutan ang mga sumusunod. Gawin ito sa isang
buong malinis na papel.
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 1, pp. 1
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 2, pp. 2
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 3, pp. 2
• Gawain sa Pagkatuto Bilang 4, pp. 2
Project Retrospect Batang Batangueño
Week 1-2: Sa una at ikawalang Linggo, Isagawa
ang kilos na nagpapakita ng iyong pananampalataya
sa Diyos. Ipamalas mo ang mga gawain na kaya
mong gawin sa pagpapakita ng pagkakaroon ng
takot sa Diyos.
I. Panimula ( Introduction )
Layunin ng aralin na ito na magabayan ka na maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng
Diyos na mahalin Siya at ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapuwa. Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng
kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel ay gawin ang gawain sa ibaba. Sundin ang mga
sumunod na panuto:Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao ayon sa sumusunod na aspekto (pangkatawan, panlipunan,
pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal). Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong
nabanggit?
2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga?
Bakit?
II. Pagpapaunlad ( Development )
Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng
espiritu na agpapabukodtangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan
ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao
ay galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya
minamahal ang kanyang kapuwa.
Ang espiritwalidad ay pagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang
kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao- ito man ay Kristiyanismo, Islam, Buddhismo at iba pa- ang
espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos.
Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o
problema na kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang mga
pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang
pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maaaring.
Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita.Sa pananampalataya,
itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang
anuman ang kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang
pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas nito. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang
mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat,
paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapagisip
at makapagnilay.Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.
Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya? Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?
3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon.
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang
mamuhay kasama ang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman
sespiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang mga sitwasyon na nasa loob ng kahon. Sa tapat nito ay isulat kung ano ang iyong gagawin
upang mapangatwiranan mo na ang pagmamahal sa Diyos ay nakatutulong upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay at ito ay
nangangahulugan ng pagmamahal sa kapwa.
Mga Sitwasyon Aking gagawin
1. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang. Isang araw, habang ikaw ay nasa
paaralan, nakatanggap ka ng balita na naaksidente sila at nag-aagaw buhay sa
ospital. Hindi ka nakalilimot sa Diyos sa araw-araw at nagsisilbi ka sa inyong
simbahan. Ngunit pareho silang binawian ng buhay dahil sa aksidente na kanilang
sinapit. Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring ito?
2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang
isang lalaking nakahandusay sa kalsada. Siya ay duguan at halos hindi na
humihinga. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang lalaking
bumugbog sa iyong ama na naging dahilan ng pagka-ospital nito. Ano
ang iyong gagawin?
III. Pakikipagpalihan ( Engagement )
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat sa loob ng bilog ang mga dahilan bakit mahalaga ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa iyong
sagutang papel..
Mga Tanong:
1. Madali ba para sa iyo ang sagutan ang naunang gawain?
2. Sa apat na dahilan na iyong isinulat, ano ang pinakahigit sa lahat?Pangatwiranan.
3. Paano ito makakatulong upang mapalapit ka pa sa Diyos?
IV. Paglalapat ( Assimilation )
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Ang ___________________ ay hindi maaaring lumago kung hindi ________________ para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng
tao ang kaniyang pananampalataya sa __________________ sa pamamagitan ng aktuwal na _____________________ nito.Ang bawat isa sa atin
ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na ______________ ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa
______________ na Lumikha.
Project Retrospect Batang Batangueño
Kayang Kaya Natin Ito!
Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa aralin na natapos, isakilos ang gawain na nasa ibaba. Ang gawaing ito ang magsisilbing gabay mo upang
maisabuhay ang konsepto ng aralin. Sagutin ang katanungan at magpasa ng mga katibayan o patunay na natapos mo ang gawain.
Mga paraan ng pagpapasa ng patunay sa guro:
• Kuhanan at mag submit ng picture gamit ang iyong messenger sa iyong guro, maari ring i-video
• Magbigay ng mensahe sa gc o text message na nagsasaad na natapos mo ang gawain. Lagyan ito ng paliwanag kung paano mo
naisagawa at natapos
• Maaring maglakip ng liham mula sa magulang na nagpapatunay na naisagawa mo ang gawain at lagyan ito ng lagda o;
• Ipost sa facebook ang gawain ( Paalala: Mangyari na magkaroon ng consent o pagsang-ayon mula sa guardian o magulang bago ipost. )
Week 1-2
Retrospect Batang Batangueño
Challenge/ Task
Repleksyon: Ano ang iyong naramdaman, natutuhan at pagbabago matapos mo maisagawa ang
gawain?
Sa una at ikawalang Linggo, Isagawa ang
kilos na nagpapakita ng iyong
pananampalataya sa Diyos. Ipamalas mo
ang mga gawain na kaya mong gawin sa
pagpapakita ng pagkakaroon ng takot sa
Diyos.
Inihanda ni:
_______________________________________
Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

More Related Content

Similar to learning activity sheet for edukasyon sa pagpapakatao grade 10

W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxW1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxRovichellCamacam1
 
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptx
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptxEspiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptx
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptxVidaDomingo
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentation
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentationedukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentation
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentationJetherMarcPalmerolaG
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfNoelPiedad
 
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxGrade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxbrendalynlomibao1
 
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdf
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdfESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdf
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdfjeobongato
 
Dll esp 6 q4_w3
Dll esp 6 q4_w3Dll esp 6 q4_w3
Dll esp 6 q4_w3Kaleberium
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarterEdukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarterRalphAntipolo1
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfIreneSantos71
 
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxShannenMayGestiada3
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptx
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptxESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptx
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptxSilvestrePUdaniIII
 
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptx
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptxespiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptx
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptxmondaveray
 
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).ppt
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).pptq3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).ppt
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).pptpastorpantemg
 
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptx
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptxESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptx
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptxZhelRioflorido
 

Similar to learning activity sheet for edukasyon sa pagpapakatao grade 10 (20)

EsP 8 Concepts 2
EsP 8 Concepts 2EsP 8 Concepts 2
EsP 8 Concepts 2
 
M12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptxM12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptx
 
Q4-PPT-ESP1-W4-D1.pptx
Q4-PPT-ESP1-W4-D1.pptxQ4-PPT-ESP1-W4-D1.pptx
Q4-PPT-ESP1-W4-D1.pptx
 
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxW1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
 
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptx
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptxEspiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptx
Espiritwalidad at Pananamplataya-EsP 10.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentation
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentationedukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentation
edukasyon sa pagpapakatao powerpoint presentation
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdf
 
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxGrade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
 
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdf
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdfESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdf
ESP_10_3rdQ_Espiritwalidad at Pananampalataya_PDF.pdf
 
Dll esp 6 q4_w3
Dll esp 6 q4_w3Dll esp 6 q4_w3
Dll esp 6 q4_w3
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarterEdukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3rd quarter
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
 
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptx
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptxESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptx
ESP 10 Q3-M1 Pagmamahal sa Diyos.pptx
 
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptx
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptxespiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptx
espiritwalidad at pananampalataya (STE 10)-1.pptx
 
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).ppt
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).pptq3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).ppt
q3-m1pagmamahalsadiyos-230509121936-187738cd (2).ppt
 
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptx
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptxESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptx
ESP 10 Q1 W1-W2 IDEA FORMAT.pptx
 

Recently uploaded

Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 

Recently uploaded (20)

Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 

learning activity sheet for edukasyon sa pagpapakatao grade 10

  • 1. Pangalan: Seksyon: Wk1-2 Learning Area Quarter Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level Date 10 Ikatlong Kuwarter WEEKLY HOME LEARNING PLAN (WHLP) PAKSA Pagmamahal sa Diyos Day&Time Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery 33. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos 34. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay. 35. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. 36. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.. Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na Gawain sa Pagkatuto na nakalagay sa WHLP(Weekly Home Learning Plan). Basahin at unawain ang paksa at sagutan ang mga sumusunod. Gawin ito sa isang buong malinis na papel. • Gawain sa Pagkatuto Bilang 1, pp. 1 • Gawain sa Pagkatuto Bilang 2, pp. 2 • Gawain sa Pagkatuto Bilang 3, pp. 2 • Gawain sa Pagkatuto Bilang 4, pp. 2 Project Retrospect Batang Batangueño Week 1-2: Sa una at ikawalang Linggo, Isagawa ang kilos na nagpapakita ng iyong pananampalataya sa Diyos. Ipamalas mo ang mga gawain na kaya mong gawin sa pagpapakita ng pagkakaroon ng takot sa Diyos. I. Panimula ( Introduction ) Layunin ng aralin na ito na magabayan ka na maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin Siya at ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapuwa. Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel ay gawin ang gawain sa ibaba. Sundin ang mga sumunod na panuto:Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao ayon sa sumusunod na aspekto (pangkatawan, panlipunan, pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal). Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong Tanong: 1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong nabanggit? 2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga? Bakit? II. Pagpapaunlad ( Development ) Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na agpapabukodtangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa. Ang espiritwalidad ay pagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao- ito man ay Kristiyanismo, Islam, Buddhismo at iba pa- ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos. Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o problema na kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang mga pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maaaring. Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita.Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan. Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas nito. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos. 1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya. 2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapagisip at makapagnilay.Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos. Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya? Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan? 3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
  • 2. 4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. 5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. 6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sespiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang mga sitwasyon na nasa loob ng kahon. Sa tapat nito ay isulat kung ano ang iyong gagawin upang mapangatwiranan mo na ang pagmamahal sa Diyos ay nakatutulong upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay at ito ay nangangahulugan ng pagmamahal sa kapwa. Mga Sitwasyon Aking gagawin 1. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang. Isang araw, habang ikaw ay nasa paaralan, nakatanggap ka ng balita na naaksidente sila at nag-aagaw buhay sa ospital. Hindi ka nakalilimot sa Diyos sa araw-araw at nagsisilbi ka sa inyong simbahan. Ngunit pareho silang binawian ng buhay dahil sa aksidente na kanilang sinapit. Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring ito? 2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang isang lalaking nakahandusay sa kalsada. Siya ay duguan at halos hindi na humihinga. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang lalaking bumugbog sa iyong ama na naging dahilan ng pagka-ospital nito. Ano ang iyong gagawin? III. Pakikipagpalihan ( Engagement ) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat sa loob ng bilog ang mga dahilan bakit mahalaga ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa iyong sagutang papel.. Mga Tanong: 1. Madali ba para sa iyo ang sagutan ang naunang gawain? 2. Sa apat na dahilan na iyong isinulat, ano ang pinakahigit sa lahat?Pangatwiranan. 3. Paano ito makakatulong upang mapalapit ka pa sa Diyos? IV. Paglalapat ( Assimilation ) Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang ___________________ ay hindi maaaring lumago kung hindi ________________ para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang pananampalataya sa __________________ sa pamamagitan ng aktuwal na _____________________ nito.Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na ______________ ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa ______________ na Lumikha. Project Retrospect Batang Batangueño Kayang Kaya Natin Ito! Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa aralin na natapos, isakilos ang gawain na nasa ibaba. Ang gawaing ito ang magsisilbing gabay mo upang maisabuhay ang konsepto ng aralin. Sagutin ang katanungan at magpasa ng mga katibayan o patunay na natapos mo ang gawain. Mga paraan ng pagpapasa ng patunay sa guro: • Kuhanan at mag submit ng picture gamit ang iyong messenger sa iyong guro, maari ring i-video • Magbigay ng mensahe sa gc o text message na nagsasaad na natapos mo ang gawain. Lagyan ito ng paliwanag kung paano mo naisagawa at natapos • Maaring maglakip ng liham mula sa magulang na nagpapatunay na naisagawa mo ang gawain at lagyan ito ng lagda o; • Ipost sa facebook ang gawain ( Paalala: Mangyari na magkaroon ng consent o pagsang-ayon mula sa guardian o magulang bago ipost. ) Week 1-2 Retrospect Batang Batangueño Challenge/ Task Repleksyon: Ano ang iyong naramdaman, natutuhan at pagbabago matapos mo maisagawa ang gawain? Sa una at ikawalang Linggo, Isagawa ang kilos na nagpapakita ng iyong pananampalataya sa Diyos. Ipamalas mo ang mga gawain na kaya mong gawin sa pagpapakita ng pagkakaroon ng takot sa Diyos. Inihanda ni: _______________________________________ Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10