Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap noong dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Akdang lumaganap noong dumating ang mga Espanyol.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap noong dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Akdang lumaganap noong dumating ang mga Espanyol.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
3. Talasalitaan 4.1
* kalinangan – kaugalian o tradisyon ng isang
bayan
* mahimok – maakit; makumbinsi;mapanihod
* mapanghuwad – magbalatkayo; hindi tunay o totoo
* matustusan – masuportahan;
* nakalimbag – nakaimprenta; nakasulat
* paniniil – pang-aapi;pang-aabuso
* sakbibi – lipos; puno
* sensura – tagasuri ang mga babasahin, pelikula,
palatuntunan
* sinasaklaw – sinasakop
* sipi - kopya
4. * Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna
Ang Paglaganap ng Korido Noong Panahon ng Espaῆol
* March 16, 1521- ang pagdating ng mga Espaῆol sa pangunguna ni
Ferdinand Magellan
* 1565 – nagsimula ang pananakop ng mga Espaῆol nang dumating si
Miguel Lopez de Legazpi
* Layunin ng mga Espaῆol sa Pananakop:
- pagpapalaganap ng Katolisismo
- pagpapalwak ng kapangyarihan
- paghahanap ng mga pampalasa, likas na yaman at
mga hilaw na materyales
* Sinunog ang mga nakasulat na panitikan ng mga ninuno upang
mapalaganap ang Katolisismo
* Lumaganap ang mga tulang liriko, awit, korido, at pasyon
* Awit at Korido - mga tulang romansa at ang pinakatanyag na uri ng
Panitikan nagbigay halaga sa diwa ng Katolismo
* Arthur Casanova – may-akda ng aklat naPanitikang Pilipino
5. * Pagkakaiba ng Awit at Korido
Mga Awit Korido
Pamantayan
Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig sa Binubuo ng walong
loob ng taludturan pantig sa isang
taludturan
Musika Mabagal ang himig o Mabilis ang himig o
adante allegro
Paksa Bayani, alamat at Pananampalataya,
mandirigma at larawan alamat at kababalaghan
ng buhay
Katangian ng Walang taglay na May kapangyarihang
mga tauhan kapangyarihang supernatural o
supernatural kakayahang magsagawa
Makakatotohanan o ng mga kababalaghan
hango sa tunay na
buhay
6. Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
*Hindi pa matukoy kung sino ang manunulat ng Ibong
Adarna
*Ito ay hinango sa mga kuwentong-bayan mula sa Europa
*Maituturing hindi ganap na bahagi ng Panitikang Pilipino
sa dahilan hiram lamang sa ibang bansa
*Midyebal o Middle Ages – nakilala ang tulang romansa sa
Europa
*1610 – nakarating sa Pilipina ang tulang romansa mula sa
bansang Mexico upang mahimok ang mga katutubong
yakapin ang relihiyong Katolismo
*Itinuturing “halaw” o nagmula sa ibang bansa ang
akdang ito, umaangkop sa kalinangan ng mga Pilipino
7. * Masasalamin sa akda ang Kaugalian at Pagpapahalaga ng mga
Pilipino:
- matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
- mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
- paggalang ng mga anak sa magulang
- paggalang sa nakakatanda
- pagtulong sa nangangailangan
- pagtanaw ng utang na loob
- pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
- pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob
* Tinatangkilik ito sa panahon ng Espaῆol sapagkat nagdulot ito ng
kasiyahan o kaaliwan
* Ang Ibong Adarna ang higit na kilala sa mga koridong naisulat
* 1949 – isinaayos ang kabubuan ng pagkakasulat ng akda partikular
ang sukat at tugma
* Marcelo P. Garcia – ang nag-aral sa iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna
at isinaayos ito
8. Mga Tauhan:
* Ibong Adarna * Donya Juana
* Haring Fernando * Donya Isabel
* Reyna Valeriana * Ang Leproso
* Don Pedro * Ang Ermitanyo
* Don Diego * Ermitanyong Uugud-
* Don Juan ugod
* Donya Maria * Arsobispo
* Haring Salermo * Lobo
* Donya Leonora * Ang Higante
* Ang Serpyente