2. Ano ang Pamilya?
Ang pamilya ay isa sa
pinakamahahalagang haligi
ng ating lipunan. Ito ay
binubuo ng ama, ina, at mga
anak na patuloy na
nagmamahalan at
nagdadamayan upang
malayang magampanan ang
mga tungkulin ng bawat
kasapi sa kanyang sarili, sa
mag-anak, at sa lipunang
kinabibilangan.
4. Pagkakaisa
Ang mag-anak na nagkakaisa sa mga desisyon at mga gawain
ay nagtatagumpay sa kanilang mga hangarin sa buhay.
5. Pagmamahalan
Ito ang nagbubuklod sa
mag-anak. Ang
pagmamahal ng
bawat kasapi ang
nagpapatibay ng
samahan at upang
maging maayos at
matiwasay ang
pamumuhay ng bawat
isa.
7. Matapat sa salita, saloobin, at gawa
Ito ang susi ng pagkakaintindihan ng mag-anak. Dapat isabuhay ng
bawat isa ang “Honesty is the best policy” upang makamtan ang
pagkakaunawaan ng mga kasapi ng pamilya.
8. Paggalang
Ito ay nasasalamin mula sa mga nakatatanda sa mag-anak. Madali itong
matutuhan at maisasabuhay ng mga bata kung ito ay nakikita at nararamdaman
mula sa magulang. Nakikita ang paggalang sa pakikitungo sa isa’t isa.
9. Pagmamahal sa Diyos
Ang pagkilala sa Diyos na Siyang gumagabay sa mag-anak ang nagpapatibay ng
kanilang samahan. Ang taos na pagpapasalamat sa mga biyayang patuloy na
tinatanggap ng mag-anak sa araw-araw ay dapat isinasabuhay ng bawat isa.