SlideShare a Scribd company logo
Pagsunod at Paggalang sa
mga Magulang, Nakatatanda,
at may Awtoridad
Mula pagkabata ay itinuturo na ang kahalagahan ng paggalang at
pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad. Ito ay
naayon sa aral sa Bibliya, Koran, Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze,
at maging sa iba pang relihiyon. Ang hindi pagpamalas nito ng mga
kabataan ay maaaring magbunga ng iba’t ibang suliranin at
kapahamakan at maaari ding maging sanhi ng pag-aaway, hindi
pagkakaintindihan, pananakit, paglabag sa batas, at iba pang mga
gawaing hindi kumikilala sa dignidad sa kapwa.
Upang mahubog at mapaunlad ang mga pagpapahalaga ng
paggalang at pagsunod ng mga kabataan, ang pangunahing
makatutulong sa kanila ay ang kanilang mga magulang. Ang mga
magulang ang ang nagsasanay at nagdidisiplina sa kanila upang
panatilihin at isabuhay ang mga gawi na nagpapakita ng paggalang at
pagsunod gaya ng pagmamano o paghalik sa kamay ng mga magulang
o nakatatanda, paggamit ng “po” at “opo”, pakikibahagi sa mga
gawaing-bahay pagpapaalam sa tuwing lalabas ng bahay, pag-uwi nang
maaga, at iba pa. Sa pamamagitan din ng pagiging mabuting halimbawa
ng mga nakatatanda, matututo ang mga kabataan na gumalang,
sumunod, at ipagpatuloy ang mga gawing kanilang nasaksihan sa mga
ito hanggang sa makasanayan na nila ang mga ito at isabuhay sa
kanilang pagtanda. Bukod sa mga magulang at nakatatanda, ang mga
taong may awtoridad din ay may kakayahang hubugin at paunlarin ang
mga pagpapahalaga ng paggalang at pagsunod ng mga kabataan. Sa
pamamagitan ng kanilang pagpapanatili ng pagkakaisa, pagtutulungan,
kapayapaan at disiplina, at pagtataguyod ng kapakanan ng mga taong
kanilang nasasakupan tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat,
nagbibigay-inspirasyon sila sa mga kabataan upang maging
mapanagutang mamamayan na marunong sumunod at gumalang.
Nagsisimula sa loob ng pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng
mga birtud ng paggalang at pagsunod dahil ang mga kasapi nito ang
unang nakasasalamuha at nagsisilbing unang gabay ng baawat
indibiduwal sa kanilang paglaki, bago paman sila makipag-ugnayan sa
ibang tao. Kung kaya’t lubos na mahalaga na sa mga unang taon pa
lamang ng isang bata ay magabayan na siya at maturuan dahil sa
ganitong panahon higit na nahuhubog ang kaniyang angking
kagandahang asal na maaari niyang maisabuhay hanggang sa kanyang
pagtanda. Mas madali ring mauunawaan ng isang bata ang
kahalagahan ng marapat na paggalang at pagsunod sa pamamagitang
ng pagmamasid sa pagpapamalas ng sariling mga magulang ng mga
pagpapahalagang ito, ng pakikinig at pagsasabuhay ng mga aral na
itinuturo ng mga magulang, at ng pagdidisiplina at pagwawasto sa
kaniya ng mga magulang at nakatatanda nang may pagmamahal at
pagmamalasakit.
Gayunpaman, kung ang ipinag-uutos sa isang indibidwal ay
nakapagdudulot ng pag-aalinlangan, marapat na sumangguni
siya sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at tunay na
nagmamalasakit sa kaniya gaya ng kaniyang mga magulang,
nakatatandang kapatid o pinsan, tiyo o tiya, at lolo o lola. Maari di
nsiyang lumapit at humingi ng payo sa mga taong may awtoridad sa
lipunan na nagpapanatili ng kapayapaan at disiplina at itinataguyod ang
kapakanan at kabutihang panlahat tulad ng mga guro, mga opisya sa
mga ahensiya ng pamahalaan, pinuno ng simbahan, at lider ng mga
kinikilalang pananampalataya.
Maipakikita ang marapat na paggalang at pagsunod sa mga
magulang, nakatatanda, at may awtoridad sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan:
Mga Paraan ng Pagpapakita ng Paggalang at Pagsunod
Sa mga Magulang Sa mga Nakatatanda Sa mga May Awtoridad
1. Pagkilala sa mga hangganan
limitasyon
2. Paggalang sa kanilang mga
kagamitan
3. Pagtupad sa itinakdang oras
4. Pagiging maalalahanin
5. Pagiging mapagmalasakit
mapagmahal
1. pag-aaruga at pagsisilbi sa
kanila nang maingat at
mahinahon
2. Paghingi sa kanilang payo at
pananaw bilang pagkilala sa
karunungan at karanasan sa
buhay
3. Pagpaparamdam sa kanila na
sila ay nagsilbing mabuting
halimbawa
4. Pagkilala sa kanila bilang
mahalagang kasapi ng
5. Pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan at
para sa sarili nilang kabutihan
1. Pagbabasa at pag-aaral sa
tunay na tagubilin ng Diyos
ukol sa paggalang sa mga
taong may awtoridad
2. Pananalangin para sa kanila
upang ikaw ay pamahalaan
3. Pagiging mabuting
sa kapwa
4. Pag-alam at pag-unawa sa
katotohanang hindi lahat ng
mga bagay at pagpapasiya na
dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo.
Mahalagang maunawaan na ang pagsasabuhay ng paggalang at
pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad ay
marapat na maipamalas dahil sa pagmamahal, sa malalim na
pananagutan, at sa pagkilala sa knilang awtoridad na hubugin,
bantayan, at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng mga kabtaan.
Makatutulong ang mga sumusunod na mungkahi ayon kay David
Isaacs upang maisabuhay natin ang paggalang at pagsunod na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal.
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at
pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at
magwasto ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitang ng
patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamgitan ng
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang
mapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan. Hangga’t maaari, makipagtulungan sa mga
institusyong maaring makatulong sa kanila.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa
kaniya at nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga
at pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig
at pag-iwas sa ano mang uri ng diskriminasyon.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa
na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.
Gayundin, upang makamit ng mga kabataang tulad mo ang
paggalang at pagsunod ng iba, inaasahang maipamamalas ninyo ang
pagiging magalang at masunurin sa lahat ng aspekto ng inyong
buhay. Sa ganitong paraan, kayo ay magiging mabuting halimbawa sa
iba pang mga kabataan at magsisilbing inspirasyon sa paggawa ng
kabutihan at pag-iwas sa mga gawaing masama.

More Related Content

What's hot

Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
Rodel Sinamban
 
Emosyon esp 8
Emosyon esp 8Emosyon esp 8
Emosyon esp 8
jocel francisco
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
eliasjoy
 
ESP 8 Modyul 12
ESP 8 Modyul 12ESP 8 Modyul 12
ESP 8 Modyul 12
Mich Timado
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Edna Azarcon
 
Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3
09362523730
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
crisanta angeles
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Juan Miguel Palero
 
Katapatan
KatapatanKatapatan
Katapatan
Paulene Gacusan
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
Nitz Antiniolos
 
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
eliasjoy
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
Mich Timado
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Reina Antonette
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Jared Ram Juezan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
Mary Grace Ambrocio
 

What's hot (20)

Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
Modyul 9
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
 
Emosyon esp 8
Emosyon esp 8Emosyon esp 8
Emosyon esp 8
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
 
ESP 8 Modyul 12
ESP 8 Modyul 12ESP 8 Modyul 12
ESP 8 Modyul 12
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
 
Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
 
Katapatan
KatapatanKatapatan
Katapatan
 
Rebolusyong Pranses
Rebolusyong PransesRebolusyong Pranses
Rebolusyong Pranses
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
 
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
 

Similar to Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda

pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.pptpagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
PantzPastor
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTEREDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
SELINANIEVES1
 
modyul5Misyon ng pamilya.pptx
modyul5Misyon ng pamilya.pptxmodyul5Misyon ng pamilya.pptx
modyul5Misyon ng pamilya.pptx
LanzCuaresma2
 
EsP 8 Concepts 5
EsP 8 Concepts 5EsP 8 Concepts 5
EsP 8 Concepts 5
GallardoGarlan
 
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptxAng Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
KristelleMaeAbarco3
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atDhon Reyes
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
MariaAnnalizaMallane
 
Vaedreport 120113194036-phpapp01
Vaedreport 120113194036-phpapp01Vaedreport 120113194036-phpapp01
Vaedreport 120113194036-phpapp01X-tian Mike
 
Personal reflections on family life
Personal reflections on family lifePersonal reflections on family life
Personal reflections on family life
Glenn Rivera
 
Personal reflections on family life
Personal reflections on family lifePersonal reflections on family life
Personal reflections on family lifeGlenn Rivera
 
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOModyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
MariaRuthelAbarquez4
 
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptxMga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
JerlynRojasDaoso
 
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
James Malicay
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
MartinGeraldine
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
owshii
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8
GallardoGarlan
 
module 2.ppt
module 2.pptmodule 2.ppt
module 2.ppt
KathlyneJhayne
 

Similar to Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda (20)

pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.pptpagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
pagsunodatpaggalang-2202101246KKLH31.ppt
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTEREDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 THIRD QUARTER
 
modyul5Misyon ng pamilya.pptx
modyul5Misyon ng pamilya.pptxmodyul5Misyon ng pamilya.pptx
modyul5Misyon ng pamilya.pptx
 
EsP 8 Concepts 5
EsP 8 Concepts 5EsP 8 Concepts 5
EsP 8 Concepts 5
 
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptxAng Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
 
Vaed report.
Vaed report.Vaed report.
Vaed report.
 
Vaedreport 120113194036-phpapp01
Vaedreport 120113194036-phpapp01Vaedreport 120113194036-phpapp01
Vaedreport 120113194036-phpapp01
 
Personal reflections on family life
Personal reflections on family lifePersonal reflections on family life
Personal reflections on family life
 
Personal reflections on family life
Personal reflections on family lifePersonal reflections on family life
Personal reflections on family life
 
1
11
1
 
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOModyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Modyul 10 - esp8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
 
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptxMga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
Mga paglabag sa magulang nakatatanda at may awtoridad demo.pptx
 
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8
 
module 2.ppt
module 2.pptmodule 2.ppt
module 2.ppt
 

More from YhanzieCapilitan

Breezes
BreezesBreezes
Responsible parenthood
Responsible parenthoodResponsible parenthood
Responsible parenthood
YhanzieCapilitan
 
The atmosphere
The atmosphereThe atmosphere
The atmosphere
YhanzieCapilitan
 
Gravity
GravityGravity
Maternal health concerns
Maternal health concernsMaternal health concerns
Maternal health concerns
YhanzieCapilitan
 
Energy
EnergyEnergy
Heat energy
Heat energyHeat energy
Heat energy
YhanzieCapilitan
 
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyonPagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
YhanzieCapilitan
 
Friction
FrictionFriction
Dating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriageDating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriage
YhanzieCapilitan
 
Periodic table
Periodic tablePeriodic table
Periodic table
YhanzieCapilitan
 
Kinematic equations
Kinematic equationsKinematic equations
Kinematic equations
YhanzieCapilitan
 
Magkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungatMagkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungat
YhanzieCapilitan
 
Velocity
VelocityVelocity
Teenage concerns
Teenage concernsTeenage concerns
Teenage concerns
YhanzieCapilitan
 
Sound energy
Sound energySound energy
Sound energy
YhanzieCapilitan
 
Velocity
VelocityVelocity
Teknolohiya
TeknolohiyaTeknolohiya
Teknolohiya
YhanzieCapilitan
 
Mangrove swamps
Mangrove swampsMangrove swamps
Mangrove swamps
YhanzieCapilitan
 
Electron configuration
Electron configurationElectron configuration
Electron configuration
YhanzieCapilitan
 

More from YhanzieCapilitan (20)

Breezes
BreezesBreezes
Breezes
 
Responsible parenthood
Responsible parenthoodResponsible parenthood
Responsible parenthood
 
The atmosphere
The atmosphereThe atmosphere
The atmosphere
 
Gravity
GravityGravity
Gravity
 
Maternal health concerns
Maternal health concernsMaternal health concerns
Maternal health concerns
 
Energy
EnergyEnergy
Energy
 
Heat energy
Heat energyHeat energy
Heat energy
 
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyonPagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
 
Friction
FrictionFriction
Friction
 
Dating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriageDating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriage
 
Periodic table
Periodic tablePeriodic table
Periodic table
 
Kinematic equations
Kinematic equationsKinematic equations
Kinematic equations
 
Magkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungatMagkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungat
 
Velocity
VelocityVelocity
Velocity
 
Teenage concerns
Teenage concernsTeenage concerns
Teenage concerns
 
Sound energy
Sound energySound energy
Sound energy
 
Velocity
VelocityVelocity
Velocity
 
Teknolohiya
TeknolohiyaTeknolohiya
Teknolohiya
 
Mangrove swamps
Mangrove swampsMangrove swamps
Mangrove swamps
 
Electron configuration
Electron configurationElectron configuration
Electron configuration
 

Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda

  • 1. Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad
  • 2. Mula pagkabata ay itinuturo na ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad. Ito ay naayon sa aral sa Bibliya, Koran, Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze, at maging sa iba pang relihiyon. Ang hindi pagpamalas nito ng mga kabataan ay maaaring magbunga ng iba’t ibang suliranin at kapahamakan at maaari ding maging sanhi ng pag-aaway, hindi pagkakaintindihan, pananakit, paglabag sa batas, at iba pang mga gawaing hindi kumikilala sa dignidad sa kapwa. Upang mahubog at mapaunlad ang mga pagpapahalaga ng paggalang at pagsunod ng mga kabataan, ang pangunahing makatutulong sa kanila ay ang kanilang mga magulang. Ang mga magulang ang ang nagsasanay at nagdidisiplina sa kanila upang panatilihin at isabuhay ang mga gawi na nagpapakita ng paggalang at pagsunod gaya ng pagmamano o paghalik sa kamay ng mga magulang o nakatatanda, paggamit ng “po” at “opo”, pakikibahagi sa mga
  • 3. gawaing-bahay pagpapaalam sa tuwing lalabas ng bahay, pag-uwi nang maaga, at iba pa. Sa pamamagitan din ng pagiging mabuting halimbawa ng mga nakatatanda, matututo ang mga kabataan na gumalang, sumunod, at ipagpatuloy ang mga gawing kanilang nasaksihan sa mga ito hanggang sa makasanayan na nila ang mga ito at isabuhay sa kanilang pagtanda. Bukod sa mga magulang at nakatatanda, ang mga taong may awtoridad din ay may kakayahang hubugin at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng paggalang at pagsunod ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng kanilang pagpapanatili ng pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan at disiplina, at pagtataguyod ng kapakanan ng mga taong kanilang nasasakupan tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat, nagbibigay-inspirasyon sila sa mga kabataan upang maging mapanagutang mamamayan na marunong sumunod at gumalang. Nagsisimula sa loob ng pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng
  • 4. mga birtud ng paggalang at pagsunod dahil ang mga kasapi nito ang unang nakasasalamuha at nagsisilbing unang gabay ng baawat indibiduwal sa kanilang paglaki, bago paman sila makipag-ugnayan sa ibang tao. Kung kaya’t lubos na mahalaga na sa mga unang taon pa lamang ng isang bata ay magabayan na siya at maturuan dahil sa ganitong panahon higit na nahuhubog ang kaniyang angking kagandahang asal na maaari niyang maisabuhay hanggang sa kanyang pagtanda. Mas madali ring mauunawaan ng isang bata ang kahalagahan ng marapat na paggalang at pagsunod sa pamamagitang ng pagmamasid sa pagpapamalas ng sariling mga magulang ng mga pagpapahalagang ito, ng pakikinig at pagsasabuhay ng mga aral na itinuturo ng mga magulang, at ng pagdidisiplina at pagwawasto sa kaniya ng mga magulang at nakatatanda nang may pagmamahal at pagmamalasakit. Gayunpaman, kung ang ipinag-uutos sa isang indibidwal ay nakapagdudulot ng pag-aalinlangan, marapat na sumangguni
  • 5. siya sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit sa kaniya gaya ng kaniyang mga magulang, nakatatandang kapatid o pinsan, tiyo o tiya, at lolo o lola. Maari di nsiyang lumapit at humingi ng payo sa mga taong may awtoridad sa lipunan na nagpapanatili ng kapayapaan at disiplina at itinataguyod ang kapakanan at kabutihang panlahat tulad ng mga guro, mga opisya sa mga ahensiya ng pamahalaan, pinuno ng simbahan, at lider ng mga kinikilalang pananampalataya. Maipakikita ang marapat na paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
  • 6. Mga Paraan ng Pagpapakita ng Paggalang at Pagsunod Sa mga Magulang Sa mga Nakatatanda Sa mga May Awtoridad 1. Pagkilala sa mga hangganan limitasyon 2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan 3. Pagtupad sa itinakdang oras 4. Pagiging maalalahanin 5. Pagiging mapagmalasakit mapagmahal 1. pag-aaruga at pagsisilbi sa kanila nang maingat at mahinahon 2. Paghingi sa kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungan at karanasan sa buhay 3. Pagpaparamdam sa kanila na sila ay nagsilbing mabuting halimbawa 4. Pagkilala sa kanila bilang mahalagang kasapi ng 5. Pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at para sa sarili nilang kabutihan 1. Pagbabasa at pag-aaral sa tunay na tagubilin ng Diyos ukol sa paggalang sa mga taong may awtoridad 2. Pananalangin para sa kanila upang ikaw ay pamahalaan 3. Pagiging mabuting sa kapwa 4. Pag-alam at pag-unawa sa katotohanang hindi lahat ng mga bagay at pagpapasiya na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
  • 7. Mahalagang maunawaan na ang pagsasabuhay ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad ay marapat na maipamalas dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan, at sa pagkilala sa knilang awtoridad na hubugin, bantayan, at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng mga kabtaan. Makatutulong ang mga sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs upang maisabuhay natin ang paggalang at pagsunod na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. 1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan. 2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
  • 8. 3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitang ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila. 4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamgitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos. 5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang. 6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang mapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan. Hangga’t maaari, makipagtulungan sa mga institusyong maaring makatulong sa kanila.
  • 9. 7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad. 8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at pag-iwas sa ano mang uri ng diskriminasyon. 9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad. Gayundin, upang makamit ng mga kabataang tulad mo ang paggalang at pagsunod ng iba, inaasahang maipamamalas ninyo ang pagiging magalang at masunurin sa lahat ng aspekto ng inyong buhay. Sa ganitong paraan, kayo ay magiging mabuting halimbawa sa iba pang mga kabataan at magsisilbing inspirasyon sa paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa mga gawaing masama.