Isang presentasyon tungkol sa Migrasyon
Kung nais niyong makakuha ng kopya nito, i-message lamang ako sa facebook:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100010510427979
Isang presentasyon tungkol sa Migrasyon
Kung nais niyong makakuha ng kopya nito, i-message lamang ako sa facebook:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100010510427979
LESSON CONTENT:
- Ang Kasaysayan ng Climate Change at Global Warming
- Mga Aspektong Politikal, Pang - ekonomiya, Panlipunan kaugnay ng Climate Change
REMIDER:
- All sets for educational purposes only.
LESSON CONTENT:
- Ang Kasaysayan ng Climate Change at Global Warming
- Mga Aspektong Politikal, Pang - ekonomiya, Panlipunan kaugnay ng Climate Change
REMIDER:
- All sets for educational purposes only.
How's your day going so far naka selfie ka habang tig pipirmahan ni no Kuni you want to do it again slowed down to the police that the boy is the difference between a new one for the Quality of the warrior's adventure time to get caught up on the way home based business and cable and ports namn na na na na na na na na na surprise me with the kids and cable and ports namn na na na na na na na na na song lyrics about sa parang ang tahimik dito sa mag is a good time to watch the kids and cable and ports namn na na surprise me if you want me to do it again slowed down to the police that the boy is the difference between a new one for the
ANG MGA KONSEPTO NG ATING GLOBALISASYON:BeverlyCepeda
Konsepto ng Globalisasyon: Conce of Globalization,Ang konsepto ng globalisasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng mga ideya, kultura, kalakalan, at teknolohiya sa buong mundo. Ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng isang pandaigdigang ekonomiya at pagkakaroon ng mga ugnayan sa pagitan ng mga bansa at kultura.
Narito ang ilang mga pangunahing kosepto sa globalisasyon:
Pandaigdigang Kalakalan: Ang pandaigdigang kalakalan ay tumutukoy sa paglipat ng mga produkto, serbisyo, at kapital sa pagitan ng mga bansa nang walang o may kaunting mga hadlang. Ang globalisasyon ay nagpapalakas ng pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga merkado at pagpapalakas ng mga internasyonal na ugnayan sa negosyo.
Pandaigdigang Pagpapalitan ng Impormasyon: Ang globalisasyon ay nagdudulot ng mas mabilis na pagpapalitan ng impormasyon sa buong mundo. Ito ay dulot ng paglaganap ng teknolohiya tulad ng internet, na nagbibigay-daan sa mga indibidwal at organisasyon na makipag-ugnay at magbahagi ng impormasyon sa real-time kahit sa malalayong lugar.
Kultural na Globalisasyon: Ang globalisasyon ay nagdudulot din ng pagkakaroon ng pandaigdigang kultura, kung saan ang mga elemento ng kultura tulad ng musika, sining, pagkain, at pananamit ay naglalabuan ng mga hangganan at nagiging mabisa sa maraming bahagi ng mundo. Ito ay madalas na tinutulak ng pangkalahatang pag-access sa mga kultural na produkto sa pamamagitan ng mass media at teknolohiya.
Pandaigdigang Interdependensiya: Ang globalisasyon ay nagtutulak din sa pagkakaroon ng pandaigdigang interdependensiya, kung saan ang mga desisyon at pangyayari sa isang bansa ay maaaring magkaroon ng epekto sa ibang mga bansa. Halimbawa, ang isang ekonomikong krisis sa isang bansa ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pandaigdigang ekonomiya.
Sosyo-Ekonomikong Pagsasamantala at Disparidad: Habang may mga benepisyo sa globalisasyon tulad ng mas maraming pagkakataon sa kalakalan at teknolohiya, mayroon ding mga panganib tulad ng pagtaas ng sosyo-ekonomikong disparidad sa pagitan ng mga bansa at pati na rin sa loob ng mga bansa. Ito ay nagdudulot ng mga hamon tulad ng pag-unlad ng mga patakaran na makakatulong sa pag-address sa mga ito.
Sa kabuuan, ang globalisasyon ay isang malawak na konsepto na may malalim na epekto sa iba't ibang aspeto ng lipunan, ekonomiya, at kultura sa buong mundo.Paggalaw ng Paggawa: Ang globalisasyon ay nagdudulot ng pagbabago sa paggalaw ng paggawa, kung saan ang mga kumpanya ay maaaring lumipat ng produksyon sa ibang bansa upang magkaroon ng mas mababang gastos sa paggawa. Ito ay tinatawag na "outsourcing" at maaaring magkaroon ng positibong epekto sa ekonomiya ng mga bansa na tinanggap ang mga trabaho, ngunit maaari ring magdulot ng pagkawala ng mga trabaho sa mga bansa kung saan ang produksyon ay inilipat.
Environmental Impact: Ang globalisasyon ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kapaligiran dahil sa mas mabilis na pagkonsumo ng likas na yaman at mas mataas na antas
2. Layunin
• Inaasahan sa bahaging ito na iyong
mauunawaan ang globalisasyon bilang isyung
panlipunan. Nilalayon din na matapos ang
aralin ay iyong maipaliliwanag kung paano nito
binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.
• Sa paksang ito, tatalakayin ang mga kaisipang
may kinalaman sa globalisasyon partikular ang
mga pananaw tungkol sa pag-usbong nito.
6. G L O B A L I S A S Y O N
• ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga
tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
(Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo
upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.
• Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at
integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o
maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya at impormasyon.
7. G L O B A L I S A S Y O N
1. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na
dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets, makina o
produktong agrikultural?
2. Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba
tulad ng skilled workers at propesyunal gaya ng guro,
engineer, nurse o caregiver?
3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy?
Balita, scientific findings and breakthroughs,
entertainment o opinyon?
8. G L O B A L I S A S Y O N
4. Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba
pang paraan?
5. Saan madalas nagmumula at saan patungo ang
pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong
mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito?
6. Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino?
United States, China, Germany, Japan, Argentina, Kenya
o Pilipinas?Isyu nga bang maituturing ang
globalisasyon? Bakit?
14. G L O B A L I S A S Y O N
Noon at Ngayon
Thomas Friedman
Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang
globalisasyon sa kasalukuyan ito ay higit na ‘malawak, mabilis,
mura, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang
‘The World is Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job-
blue or white collar- that can be broken down into a routine
and transformed into bits and bytes can now be exported to
other countries where there is a rapidly increasing number of
highly educated knowledge workers who will work for a small
fraction of the salary of a comparable American worker.’
15. G L O B A L I S A S Y O N
Kapitalismo at Terorismo
16. G L O B A L I S A S Y O N
Bakit itinuturing na isyung
panlipunan ang GLOBALISASYON?
17. G L O B A L I S A S Y O N
Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon
sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang
naitatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay
matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan
dahil sa mahahalagang gampanin nito.
18. G L O B A L I S A S Y O N
PERSPEKTIBOAT PANANAW
5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.
Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa
bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa
kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.
Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay
Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas
na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na
mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang
panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na
mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
19. G L O B A L I S A S Y O N
PERSPEKTIBOAT PANANAW
5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.
Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may
anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn
(2005).
Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century) Pananakop ng mga Europeo
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na
siglo( late 18th-early 19th century)
Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa
globalisasyon
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo.
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,serbisyo,
ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States.
20. G L O B A L I S A S Y O N
PERSPEKTIBOAT PANANAW
5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.
Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon
ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng
maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:
oPananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)
o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Roman
o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
o Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at
Hilagang America
o Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
21. G L O B A L I S A S Y O N
PERSPEKTIBOAT PANANAW
5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang
globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may
tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.
> Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
> Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
(MNcs and TNCs)
> Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
22. G L O B A L I S A S Y O N
Gawain 3. Tilamsik Kaalaman
Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman
batay sa iyong naunawaan sa binasang teksto. Isulat
sa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong
ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman
ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat sa
ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na
kaisipan sa bawat pananaw.
23. G L O B A L I S A S Y O N
Gawain 3. Tilamsik Kaalaman
Pamprosesong mga Tanong
1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon.
2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba
dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong
palagay ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.
24. G L O B A L I S A S Y O N
Gawain 4.Window Shopping
Pumunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri nito.
Maglista ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima sa mga produkto
o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa.
Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.
PRODUKTO/ SERBISYO KOMPANYA BANSANG PINAGMULAN
1.
2.
3.
4.
5.
25. G L O B A L I S A S Y O N
Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong natuklasan na
ipinagbibili hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa iba pang
bansa?
2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyong
nabanggit?
3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa
atin? Pangatuwiranan.
Gawain 4.Window Shopping