Tinatalakay sa dokumentong ito ang mga sumusunod:
Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu
Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu
Mga Kasanayang Kinakailangan sa Pagsusuri ng Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu
Ang dalawang approach sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran.pptxMichellePimentelDavi
Ang dalawang approach sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran
Layunin: *Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran
Kanino nga ba nakasasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran?
Tungkulin ba ito ng pamahalaan, o ng mga mamamayan?
Top-Down Approach
Bottom-Up Approach
Tinatalakay sa dokumentong ito ang mga sumusunod:
Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu
Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu
Mga Kasanayang Kinakailangan sa Pagsusuri ng Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu
Ang dalawang approach sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran.pptxMichellePimentelDavi
Ang dalawang approach sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran
Layunin: *Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran
Kanino nga ba nakasasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran?
Tungkulin ba ito ng pamahalaan, o ng mga mamamayan?
Top-Down Approach
Bottom-Up Approach
Ang Pilipinas ay nahaharap sa mga hamong pangkapaligiran na lubhang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mahalagang maunawaan ang mga hamong ito upang makatugon sa anumang kalalabasan ng mga ito
Abarquez at Zubair (2004)
Community-Based Disaster Risk Reduction and Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
Ang Pilipinas ay nahaharap sa mga hamong pangkapaligiran na lubhang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mahalagang maunawaan ang mga hamong ito upang makatugon sa anumang kalalabasan ng mga ito
Abarquez at Zubair (2004)
Community-Based Disaster Risk Reduction and Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
Layunin: Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong Isyu.
Aralin 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Isyu ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nag papabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o Mundo sa kasalukuyang panahon.
Aralin 2: Batayang Primarya at Sekundarya
Primarya Sanggunian - ito ang pinagkukunan ng impormasyon ng mga orihinal na talata ng mga pangyayari na isinulat ng mga taong nakaranas sa mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga journal, legal na documento, guhit at larawan.
Sekudaryang Sanggunian - ito ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang sanggunian o ibang sekundaryang sanggunian na inilahad ng isang taong walang kinalaman sa mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring naitala.
Aralin 3: Lipunan
Lipunan - ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
2. ALAMIN NATIN!
Ano nga ba ang Kontemporaryong Isyu?
Ang kontemporaryo ay galing sa salitang
Medieval Latin na “contemporarius” na ang ibig
sabihin ng salitang –con (kasama sa o
pinagsama) at ang –tempus/tempor (panahon o
oras).
Ang isyu naman ay nagdudulot ng pagkabahala
o tinatalakay ng mainitan o debatihan.
3. Ang kontemporaryo ay tumutukoy sa mga
pangyayari sa kasalukuyan na maaaring
nakaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito
ay mga paksang napapanahon na nagiging
sanhi ng pagkakabagabag ng mga tao. Maaari
rin itong mga pangyayaring naganap sa
nakalipas na nakaapekto hanggang ngayon sa
lipunan.
Ang salitang isyu naman ay mga pangyayari,
suliranin, o paksa na napag-uusapan at
maaaring dahilan o batayan ng debate.
Tandaan mo na maaari itong magdulot ng
positibo o negatibong epekto sa pamumuhay
4. MGA URI NG KONTEMPORARYONG
ISYU
KONTEMPORARYONG
ISYU
ISYUNG PANLIPUNAN
ISYUNG
PANGKALUSUGAN
ISYUNG
PANGKALAKALAN
ISYUNG
PANGKAPALIGIRAN
5. ISYUNG PANLIPUNAN
Isyung Panlipunan – ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na
may malaking epekto sa iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng
pamilya, simbahan, paaralan, at pamahalaan.
Halimbawa:
Pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same-sex marriage),
terorismo, rasismo, halalan, kahirapan, krimen
6. ISYUNG PANGKALUSUGAN
Isyung Pangkalusugan – Ito ay may mga isyu na may kaugnayan sa
kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa
lipunan.
Halimbawa:
COVID-19, sobrang katabaan o obesity, malnutrisyon, drug
addiction, HIV/AIDS, Bakuna
7. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman
sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa
ating kalikasan.
Halimbawa:
Global warming, paglindol, baha, bagyo, tsunami, El Niño, La Niña
8. ISYUNG PANGKALAKALAN
Isyung Pangkalakalan – mga suliraning may kinalaman sa
globalisasyon at negosyo, kasama ditto ang mga usapin o isyung
pang-ekonomiya.
Halimbawa:
Import/export, online shopping, free trade, samahang pandaigdigan
9. MGA SANGGUNIAN
Sa panahon natin ngayon, marami nang
mapagkukunan ng mga impormasyon
tungkol sa mga kontemporaryong isyu.
Kabilang dito ang radyo, telebisyon,
internet, social media, at mga
nakalathalang material tulad ng
pahayagan, flyers, at magasin.
10. IBA’T IBANG URI NG MEDIA
Print media – komiks, magazine, diyaryo,
pahayagan, journal
Visual media – balita, pelikula, dokyumentaryo
Online media – Facebook, online blogs/vlog,
website, online search engines
11. MGA DAPAT TAGLAYIN SA
PAGSUSURI NG ISANG
KONTEMPORARYONG ISYU
Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng
patas na opinyon.
Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari
na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal,
sulat, larawan at iba pa.
Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng
ugnayan at pangkalahatang pananaw sa isang
pangyayari.
Kakayahang malaman kung ang pahayag o
pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon
12. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL SA
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo sa mga
kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat
sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito
upang matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa
lipunang iyong kinabibilangan.
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang
tumimbang ng mga sitwasyon. Natutukoy ang kabutihan at di
kabutihan nito.
Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong
kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang
paraan ng pamamahayag. Nahahasa rin ang iyong kasanayang
pangwika, panggramatika, at iba pang mabisang kasanayang
13. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL SA
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Napapaunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa mga hakbangin,
kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang
makalulutas sa mga suliranin.
Napapalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon,
ideolohiya, kasaysayan, pagkakaiba ng kultura, at iba pang
mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at
pagpapasya.
Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng
kaisipan at matanto ang angkop, handa, at agarang pagkilos o
pagtugon sa dala nitong hamon.
Napapalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at
di tuwirang ambag ng pangyayari, suliranin o anumang isyu.