Ang globalisasyon ay may tatlong anyo: ekonomiko, teknolohikal, at politikal. Ang globalisasyong ekonomiko ay naglalarawan ng mabilis na pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, habang ang teknolohikal at sosyo-kultural ay tumutukoy sa mabilis na pagkalat ng impormasyon at kaugalian sa pamamagitan ng teknolohiya. Sa usaping politikal, ang mga bansa ay nagkakaroon ng ugnayan na nagdudulot ng mabilis na palitan ng ideya at oportunidad, ngunit may kasamang mga hamon sa pag-unlad.