Ang globalisasyon ay ang pagpapalawig ng mga koneksyon ng mga bansa sa aspekto ng ekonomiya, politika, at kultura. May mga paraan tulad ng privatization, deregulasyon, at liberalisasyon na nagpapalakas ng pandaigdigang kalakalan. Kabilang dito ang pag-usbong ng mga multinational corporation at ang pangangailangan ng pamahalaan na suportahan ang lokal na namumuhunan upang makasabayan ang kompetisyon.