Isang presentasyon tungkol sa Migrasyon
Kung nais niyong makakuha ng kopya nito, i-message lamang ako sa facebook:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100010510427979
GLOBALISASYON.
Hindi lang mga magagandang bagau ang dulot ng pagmimigrate sa ibang bansa. Maraming mga isyung kalakip sa kilusang paggawa sa ibang bansa at isa na rito ang forced labor at human trafficking
GLOBALISASYON.
Hindi lang mga magagandang bagau ang dulot ng pagmimigrate sa ibang bansa. Maraming mga isyung kalakip sa kilusang paggawa sa ibang bansa at isa na rito ang forced labor at human trafficking
Talakayin natin ang iba’t-ibang anyo o dimensyon ng globalisasyon na
makatutulong sa pagsusuri ng penomenong ito bilang isang isyung pangekonomiya. Ito ang ilan sa mga anyo ng globalisasyon.
Talakayin natin ang iba’t-ibang anyo o dimensyon ng globalisasyon na
makatutulong sa pagsusuri ng penomenong ito bilang isang isyung pangekonomiya. Ito ang ilan sa mga anyo ng globalisasyon.
PATUNGKOL ITO SA MIGRASYON: itoy aspetosBeverlyCepeda
Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar, kadalasang may layunin na humanap ng trabaho, makakuha ng mas magandang oportunidad, o tumakas mula sa mga suliraning pampolitika, panlipunan, o pang-ekonomiya sa kanilang pinagmulan. Narito ang ilang mga pangunahing aspeto at epekto ng migrasyon:
Ekonomikong Migrasyon: Maraming migrante ang umaalis sa kanilang mga bansa upang humanap ng mas mataas na kita o mas magandang oportunidad sa ibang lugar. Ang mga ito ay maaaring manggagawa na naglalakbay patungo sa mga bansang may kakulangan sa mga trabahador o mga propesyunal na nagmimigrante upang makahanap ng mas magandang trabaho sa ibang lugar.
Pulitikal na Migrasyon: Ang mga tao ay maaaring umalis mula sa kanilang mga bansa dahil sa mga suliranin sa politika tulad ng digmaan, paglabag sa karapatang pantao, o pag-uusig ng pamahalaan. Ang mga migrante na ito ay maaaring maging mga refugee o asylum seeker na naghahanap ng proteksyon at seguridad sa ibang bansa.
Sosyo-Kultural na Migrasyon: Ang migrasyon ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa lipunan at kultura ng mga bansang pinupuntahan ng mga migrante. Ito ay maaaring magdulot ng cultural exchange at diversity, ngunit maaari rin itong magdulot ng mga alalahanin tulad ng mga isyu sa integrasyon at diskriminasyon.
Remittances: Ang mga migrante na nagtatrabaho sa ibang bansa ay madalas na nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa kanilang bansang pinagmulan, na kilala bilang remittances. Ang mga remittances na ito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ng bansang pinagmulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na kita sa mga pamilya at pagpapalakas sa lokal na konsumo at negosyo.
Patakaran sa Migrasyon: Maraming bansa ang nagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa migrasyon upang kontrolin ang pagpasok ng mga migrante. Ito ay maaaring magdulot ng mga isyu tulad ng illegal na migrasyon, laban sa migrante na diskriminasyon, at mga hamon sa integrasyon ng mga migrante sa lipunan ng host.
Sa kabuuan, ang migrasyon ay isang pangunahing bahagi ng pandaigdigang dynamics, na nagdudulot ng mga oportunidad at hamon sa mga indibidwal at sa mga lipunan at bansa sa kabuuan. Ang pag-unawa sa mga epekto at aspeto ng migrasyon ay mahalaga para sa pagbuo ng mga patakaran at programa na magbibigay ng mas maayos na pagtugon sa mga pangangailangan at mga suliranin ng mga migrante at ng mga Demograpikong Epekto: Ang migrasyon ay may malaking epekto sa demograpiya ng mga bansa. Maaaring magdulot ito ng pagtaas o pagbaba ng populasyon sa isang lugar, depende sa kung saan nagmumula at patungo ang mga migrante. Ang mga bansang tinatanggap ng maraming migrante ay maaaring magkaroon ng pagtaas ng populasyon, habang ang mga bansang pinagmulan ng migrante ay maaaring magkaroon ng pagbawas.
Brain Drain at Brain Gain: Ang "brain drain" ay tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyunal at mataas na pinag-aralang indibidwal mula sa kanilang bansa ng mga pinagmulan
Tuwiran ang ugnayan sa isyu ng paggawa sa panlipunang kalagayan ng marami sa mga Pilipino. Sa katunayan, ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino ay lumikha ng mga oportunidad at hamon sa pamahalaan at lipunang Pilipino. Lubusang unawain ang konsepto at konteksto ng migrasyon ng mga Pilipino.
Chapter 8 : Introduction to the Different Functional Areas of Management Christine Joy Pilapil
Chapter 8 : Introduction to the Different Functional Areas of Management : Human Resource Management, Marketing Management, operations Management, Financial Management, Material & Procurement Management, Office Management and Information & Communication Technology Management
3. Ano ang 'Migrasyon' ?
•Ang migrasyon ay
tumutukoy sa proseso ng
pag-alis o paglipat mula
sa isang lugar o
teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging
ito man ay pansamantala
o permanente.
5. • Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita
na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay.
• Paghahanap ng ligtas na tirahan;
• Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak
na matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
• Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman
partikular sa mga bansang industriyalisado.
Mga Maaaring Dahilan ng
Pag-alis o Paglipat
7. FLOW• Ito ay tumutukoy sa dami o
bilang ng mga nandarayuhang
pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon.
Madalas ditong gamitin ang
mga salitang inflow, entries
or immigration.
• Kasama din dito ang bilang ng
mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na
madalas tukuyin bilang
emigration, departures or
outflows.
8. FLOW• Kapag ibinawas ang
bilang ng umalis sa
bilang ng pumasok
nakukuha ang
tinatawag na net
migration.
• Mahalaga ang flow sa
pag-unawa sa trend o
daloy ng paglipat o
mobility ng mga tao
9. STOCKFIGURES
• Ang stock ay ang bilang
ng nandayuhan na
naninirahan o nananatili
sa bansang nilipatan
• Ito ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang
epekto ng migrasyon sa
isang populasyon.
10. Mga Datos at Impormasyon mula sa International Labor
Organization Facts and Figures
• Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong
mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong
mundo.
• Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos
dumarami pa para maghanapbuhay.
• Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho.
Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga manggagawa kasama ang
kanilang mga pamilya.
• Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking
bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
• Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.
12. • Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa
lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang
pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa
kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa
usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad
(politikal) o maging personal.
• Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa
kasalukuyan kung ihahambing sa nagdaang mga
panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa
loob at labas ng bansa ay masalimuot kung pagtutuunan
ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa lugar
na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
13. • Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t
ibang anyo. Nandarayuhan ang mga tao bilang
manggagawang manwal, highly qualified specialists,
entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng
pamilya.
• Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark
Miller sa kanilang akdang The Age of Migration na sa
buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon
ang nakapangyayari bilang tugon sa pagbabagong
pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at marahas na
tunggalian sa pagitan ng mga bansa.
Migrasyon: Perspektibo at
Pananaw
14. • Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng
dahilang pang-ekonomiya sa pagpunta ng maraming mga
Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin
sa kwarter na ito na malaki ang naipadadalang dolyar
ng mga OFW sa kani-kanilang kamag-anak sa bansa na
nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng
bansa.
• Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay
nakapagtala sila ng mga ‘pangkalahatang obserbasyon’
tungkol sa usaping ito na mababasa sa mga sumusunod
na ideya.
Migrasyon: Perspektibo at
Pananaw
16. Globalisasyon ng Migrasyon
• Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas
at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang
madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia,
New Zealand, Canada at United States ay patuloy
pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito.
• Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga
bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
18. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon
• Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan
ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasiyon nito sa mga batas at polisiya
na ipinatutupad sa mga destinasyong
bansa.
20. Pagkakaiba-iba ng Uri ng Migrasyon
• Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang
nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May
mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging
ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay.
• Bukod sa nabanggit, mayroon pang
tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants.
21. Irregular Migrants
• Ang irregular migrants
ay ang mga mamamayan
na nagtungo sa ibang
bansa na hindi
dokumentado, walang
permit para magtrabaho
at sinasabing overstaying
sa bansang pinuntahan.
22. Temporary Migrants
• Temporary migrants
naman ang tawag sa
mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa
na may kaukulang
permiso at papeles
upang magtrabaho at
manirahan nang may
takdang panahon.
23. Permanent Migrants
• Ang permanent migrants
ay mga overseas Filipinos
na ang layunin sa pagtungo
sa ibang bansa ay hindi
lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan
sa piniling bansa kaya
naman kalakip dito ang
pagpapalit ng
pagkamamamayan o
citizenship
24. 2012 2013
IRREGULAR MIGRANTS 1.07 Million 1.16 Million
TEMPORARY MIGRANTS 4.22 Million 4.21 Million
PERMANENT MIGRANTS 4.93 Million 4.87 Million
Talahanayan na Naglalahad ng Bilang sa Tatlong Uri ng
Migrasyon ng mga Overseas Filipinos ng taong 2012-2013.
• Batay sa estadistika, dumarami ang mga
Koreans na pumupunta sa Pilipinas upang mag-
aral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na
kanilang pinupuntahan ang lungsod ng Baguio,
Manila, at Cebu.
26. Pagturing sa Migrasyon Bilang Isyung
Politikal
• Malaki ang naging implikasyong politikal ng
migrasyon sa mga bansang nakararanas nito.
Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang
bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya
tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
• Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang
higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng
mga bansang kasangkot sa usaping ito.
27. Globalisasyon
ng Migrasyon
Mabilisang Paglaki
ng Migrasyon Pagkakaiba-iba
ng Uri
ng Migrasyon
Pagturing sa
Migrasyon
Bilang Isyung
Politikal
Paglaganap ng
‘Migration Transition’
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
28. Paglaganap ng ‘Migration
Transition’
• Ang migration transition ay nagaganap
kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t
ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland,
Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Republic at Turkey.
29. Globalisasyon
ng Migrasyon
Mabilisang Paglaki
ng Migrasyon Pagkakaiba-iba
ng Uri
ng Migrasyon
Pagturing sa
Migrasyon
Bilang Isyung
Politikal
Paglaganap ng
‘Migration Transition’
Peminisasyon
ng
Migrasyon
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
30. Peminisasyon ng Migrasyon
• Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang
labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga
lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang
ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng
Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya
at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
31. Number of Registered Filipino Emigrants By Gender: 2005-2014
YEAR MALE FEMALE TOTAL SEX/RATIO
2005 27,333 41,695 69,028 65M/100F
2006 32,259 50,708 82,967 64M/100F
2007 30,877 49,722 80,599 62M/100F
2008 27,839 42,961 70,800 65M/100F
2009 31,793 47,925 79,718 66M/100F
2010 36,287 49,788 86,075 73M/100F
2011 34,563 48,847 83,410 71M/100F
2012 34,076 49,564 83,640 69M/100F
2013 31,288 46,940 78,228 67M/100F
2014 32,368 48,321 80,689 67M/100F
TOTAL 318,683 476,471 795,154 67M/100F
33. Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon
• Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning
pangkasarian sa isang pamilya. Sinasabing kapag ang
lalaki ang nangibang bansa ang asawang babae ang mas
higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. Sa
kalagayan sa Pilipinas kapag ang asawang babae ang
nangibang bansa pangkaraniwan na na kumuha ng
tagapag-alaga ang lalaki sa kanyang mga anak o
ipagkatiwala ang ibang pangtahanang gawain sa kapatid
na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga kamag-
anak.
34. Implikasyon ng Peminisasyon ng
Migrasyon
• Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang nangibang
bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag
responsibilidad ang pag uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng
babae ang kanyang responsibilidad bilang asawa at nananatiling
“breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand, napag
alaman at lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang isa sa
magulang o pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa tradisyunal na
kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang umalis upang
magtrabaho malayo sa pamilya dahil mas higit na nararamdaman ng mga
anak ang kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong ng
malaki sa pagpuno ng gastusin sa kanilang pamumuhay.
35. Implikasyon ng Peminisasyon ng MigrasyonImplikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon
• Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ngSa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng
konseptong “house husband” kung saankonseptong “house husband” kung saan
inaako na ng lalaki ang lahat nginaako na ng lalaki ang lahat ng
responsibilidad sa tahanan pati angresponsibilidad sa tahanan pati ang
gawain ng isang ina (kung ang ina anggawain ng isang ina (kung ang ina ang
nangibang bayan o bansa) upangnangibang bayan o bansa) upang
mapangalagaan ang buong pamilya lalomapangalagaan ang buong pamilya lalo
na ang mga anak. Hindi ito marahilna ang mga anak. Hindi ito marahil
nakakaapekto sa kalagayang panlipunannakakaapekto sa kalagayang panlipunan
ng mga lalaki at unti unti nang natanggapng mga lalaki at unti unti nang natanggap
ng lipunan sa kadahilanan na masng lipunan sa kadahilanan na mas
tinatanggap na dahilan ay upangtinatanggap na dahilan ay upang
mapaunlad at maiangat ang katayuan ngmapaunlad at maiangat ang katayuan ng
kani-kanilang pamilya.kani-kanilang pamilya.
36. Implikasyon ng Peminisasyon ng
Migrasyon
• Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na
mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo
na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan. Halimbawa
na lang ang bansang Bangladesh na nagpanukala ng tamang
edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok
ng mga domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga
undocumented workers na laganap sa ibat ibang panig ng
mundo. Sa bansang Nepal nagkaroon din ng panukala na ang
lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na
magkaroon ng approval permit mula sa kanilang embahada
bago kumuha ng mga Nepalese worker upang maprotektahan
ang kanilang mga mamamayan at maiwasan ang mga illegal na
pagpasok sa ibang bansa.
39. Forced Labor
• Ang forced labor ay isang anyo ng human
trafficking. Ayon sa International Labour
Organization ang Forced Labor (o Forced Labour)
ay konektado sa “mga sitwasyon kung saan ang
mga tao ay puwerasadong pinagtratrabaho sa
pamamagitan ng dahas o pananakot o kaya’y sa
mas tagong pamamaraan tulad ng pagbabaon sa
utang, pagtatago ng ID at passport, or
pagbabanta ng pagsusuplong sa immigration.”
41. Human Trafficking
• Ayon sa United Nations Office of Drugs and
Crime, ang human trafficking ay ang
“pagrerecruit, pagdadala, paglilipat,
pagtatago, o pagtanggap ng mga tao sa
pamamagitan ng di tamang paraan (katulad ng
dahas, pag-kidnap, pangloloko, o
pamumuwersa) para sa hindi magandang
dahilan tulad ng forced labor o sexual
exploitation.”
43. Slavery
• Ang slavery o pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang
paggawa na kung saan tinuturing o tintratro ang isang tao
bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na
labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag,
nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na
magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng
bayad (katulad ng sahod). Maaaring bumilang sa
kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-
aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga
gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang
trabaho.
46. Bologna Accord
• Ito ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy
na University of Bologna kung saan nilagdaan ng mga
Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe
ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum
ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang
bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda
rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
• Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum
sa hinihinging pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis
na paglipat ng mga manggagawa at propesyunal na siyang
kinakailangan ng iba't ibang kompanya at negosyo.
48. Washington Accord
• Ito ay nilagdaan noong 1989 ay kasunduang
pang-internasyunal sa pagitan ng mga
international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
• Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering
courses sa bansang hindi accredited ay hindi
makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro
nito tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei,
Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New
Zealand, Singapore, South Africa, United
Kingdom at USA.
50. K to12 Kurikulum
• Bilang tugon ng pamahalaan sa
kakulangan ng bilang ng taon sa basic
education ay ipinatupad ang K to12
Kurikulum na naglalayong iakma ang
sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Iaasahan ng repormang ito na maiangat
ang mababang kalidad ng edukasyon sa
bansa at matugunan ang suliranin sa
kawalan ng trabaho sa bansa.