Ang globalisasyon ay isang phenomenon ng pakikipagtulungan ng mga bansa para sa malayang paggalaw ng mga produkto at serbisyo. May tatlong pangunahing konsepto ito: privatization, deregulasyon, at liberalisasyon, na naglalayong pasiglahin ang ekonomiya. Kasama rin dito ang mga mabuti at masamang epekto ng globalisasyon, at ang mga hamon na kinakaharap ng mga pamahalaan, partikular na sa Pilipinas, upang mapalaganap ang kalakalan at pamumuhunan.