SlideShare a Scribd company logo
1 of 52
KONSEPTO NG
GLOBALISASYON
Ano ang Globalisasyon?
 Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy
o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011)
 Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at
integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya,
bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan
sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Ano ang Globalisasyon?
 Ito ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-
ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika,
pang-ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya at
pangkultural.
 Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa
pagitan ng mga tao, kumpanya bansa o maging ng
mga samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang
panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya.
Ano ang Globalisasyon?
 Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang
nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Gamit ang
kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong
magbigay ng karagdagang mga tanong na
makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito.
 Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang
globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas
Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at
malalim.
• Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o
gumagalaw? Electronicgadgets, makina o produktong
agricultural
• Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng
skilled workers at propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse
o caregiver
• Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita,
scientific findings and breakthrough, entertainment o opinion
• Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang
paraan
• Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na
ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na
bansa o ang kabaligtaran nito
• Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United
States, China,Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas
• Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit?
Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang
pangmalawakang integrasiyon o pagsanib ng
iba’t ibang prosesong pandaigdig.
• Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang
isang halimbawa.
• Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
• Ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking
pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan.
• Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa
pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon
na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya
at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng
integrasyong sosyo-kultural.
Bakit itinuturing na isyung
panlipunan ang Globalisasyon?
Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon
sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at
hinahamon ang pamumuhay at perennial institusyon
na matagal nang naitatag.
Perennial institutions ang mga pamilya, simbahan, pamahalaan at
paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong
nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin
nito.
Mga salik at pangyayari na naging
dahilan ng pag-usbong ng
globalisasyon sa ating mundo.
• pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
• paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi
• pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigan
transportasyon at komunikasyon
• paglawak ng kalakalan ng transnational corporations
• pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang
bansa
• pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya
Dahilan, Dimensiyon at
Epekto ngGlobalisasyon
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
1. Unang panananaw ay ang paniniwalang ang globalisasyon
ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda
(2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan,
magpakalat ng pananampalataya, makidigma at manakop.
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay
Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at
higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap
tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya
higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
3. Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng
globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
1. Ika-4 hangang ika-5 siglo (4-5th century) - Sa panahong ito ay mayroong globalisasyon
ng Relihiyon at pagkalat ng Islam at Kristiyanismo.
2. Huling bahagi ng ika 15-siglo - sa panahong ito may pananakop ng Europeo.
3. Huling bahagi ika 18- siglo hangang unang bahagi ika-19 siglo (late 18th to 19th
century) - Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay ng
globalisasyon.
4. Gitnang bahagi ika-19 na siglo hanggang 1918 - pagruruok ng imperyalismong
kanluranin.
5. Post World War II- Sa panahong ito mayroong pagkahati ng daigdig sa dalawang
pwersang ideyolohikal particular ang komunismo at kapitalismo.
6. Post-Cold war- Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pangekonomiya
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaringnaganap
sa kasaysayan. Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20
siglo :
 nang unang ginamit ang telepono noong 1956
 nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London.
 nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966.
 nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa
New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit napag-
aaral sa isang ‘global’ na daigdig
Limang perspektibo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng
globalisasyon.
5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon:
a) Pag-usbong ng EstadosUnidos bilang global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig;
b) Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs); at
c) Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
Mga Dahilan ng Globalisasyon
 Cultural Integration o Kultural na Integrasyon - dahil
ang mga tao ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at
pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa
ibat-ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng
pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi
na ng kanilang pamumuhay.
 Economic Network o Pankalakalang Ugnayan - ang
pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay nagbibigay sa mga
tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay
nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon
sa hinihingi ng pangagnailangan ng bawat isa.
Mga Dahilan ng Globalisasyon
 Technological Advancement o Kaunlarang Teknolohikal -
ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing
dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon
lalo’t higit ang mga teknolohiyang may kinalaman sa
kommunikasyon.
 Global Power Emergence o Paglitaw ng Pandaigdigan
Kapangyarihan - dahil nga sa pakikipag-ugnayan ng mga tao
mula sa ibat-ibang bansa at kultura, nagkakaroon ng
tinatawag na “power allegiance” at “power resistance”.
Mga Dahilan ng Globalisasyon
• “power allegiance”- nagkakaroon ng pakikipagkasunduan
ang mga bansa na nagbigay daan upang magkaroon ang
“global power” ang ilang mga bansa.
• “power resisitance”- nakakaroon ng tension sa pagitan ng
mga bansang may political power o kapanyarihang politikal
na maaaring makaimpluwensiya sa pampolitikal na
kalagayan ng ibat-ibang bansa.
Mga Dimensiyon ng Globalisasyon
1. Socio-Cultural o Sosyo-kultural - ang uri at kalagayan ng
pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo
tayo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa
ibang tao mula sa ibang bansa.
2. Economic o Pankalakalan - ang ekonomiya ng mga bansa ay
tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at
negosyo ay nakararatingsa iba’t ibang bansa. Gayundin ang
mga manggagawa ng mga kompanya at negosyo ay nagmula
din sa ibat-ibang bansa at kultura.
Mga Dimensiyon ng Globalisasyon
3. Political o politikal - sa larangan ng pamamahala, ang
globalisasyon ay naging daan upang magkaroon ng mga
ugnayan-pampolitikal ang mga bansa na mayroong
magkakaugnay na hangarin sa pamamahala.
4. Environmental o pangkapaligiran - ang kapaligiran ay isa sa
mga pinakanaapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad
ng pang-indutriyal ng ekonomiya.
5. Technological o teknolohikal - ang paglago ng
impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot
ng maraming pagbabago sateknolohiyang ginagamit sa
ibat-ibang panig ng daigdig.
Mga Epekto ng Globalisasyon
Mabuting dulot ng Globalisasyon:
 Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon nag
pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan.
 Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang
nalilikha na nagiging dahilan ang pag-unlad ng ng ekonomiya ng
ibat-ibang mga bansa
 Mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa
pag-unladng lipunan sa ibat-ibang bansa
Mga Epekto ng Globalisasyon
Di-Mabuting dulot ng Globalisasyon:
 Dahil sa malawak na sakop ng sektor ng kalakalan,
nagkakaroon ng problema sa ekonomiya sa ibat-ibang
bansa lalo na ang mga na sa mahihirap na bansa.
 Dahil sa problemang pang-ekonomiya, nagkakaroon ng
malaking agwat sa ekonomiya ibat-ibang bansa.
 Dahil naman sa agwat ng ekonomiya, nagkakaroon din ang
malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng mga tao,
sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
ANYO NG GLOBALISASYON
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa
kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang
paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga
bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng
malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang
sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
Multinational at Transnational Companies
Transnational Companies (TNCs)
• tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa
ibang bansa
• serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local
• Binibigyan ng kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang
mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang local
• Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting,
pharmaceutical, at mga kauri nito.
Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at
Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).
Multinational at Transnational Companies
Multinational Companies (MNCs)
 ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga
produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, McDonalds,
Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor,
Dutch Shell, at iba pa.
Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms Building Asean
Empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9,
2017ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay
pag-aari ng mga Pilipino tulad ng:
• Jollibee
• URC
• Unilab
• International Container Terminal Services Inc.
• San Miguel Corporation.
Hindi lamang sa Timog-Silangang Asya matatagpuan ang ilang
korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John
Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017
 SM
 PNB
 Metro Bank
 Jollibee
 Liwayway Marketing Corporation
Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at
transnational corporations sa isang bansa.
 ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga
mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa
pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga
nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga
mamimili.
 Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga
manggagawang Pilipino.
• Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning
nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang
pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na
kompetisyong dala ng mga multinational at transnational
corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming
namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.
Impluwensiya ng MNCs at TNCs sa polisiya:
 pagpapababa ng buwis
 pagbibigay ng tulong-pinansyal at maging ang pagpapagaan ng
mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran
 Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot
na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa.
Outsourcing
Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo
mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin
nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan
nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
Hal. ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit
card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang
kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga
kliyente sa kanilang pagkakautang.
Dalawang uri ng Outsourcing
Business Process Outsourcing - na tumutugon sa prosesong
pangnegosyo ng isang kompanya.
Knowledge Process Outsourcing - na nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
Uri ng Outsourcing base sa distansya
 Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang
bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa
ganitong uri ng outsourcing.
halimbawa ng outsourcing ang Business Process Outsourcing na
nakatuon sa Voice Processing Services.
 Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya
sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning
kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang
pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawigkung di man
pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa
paglilingkod nito.
 Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula
din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.
Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100
Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga
siyudad sa buong mundo (sunod saBangalore, India) na destinasyon
ng BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao City (66th),
Sta. Rosa City (81st), Bacolod City (85th), Iloilo City (90th),
DumagueteCity (93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th).
Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng ekonomiya
ng Pilipinas.Ayon sa Information Technology and Business Process
Association of the Philippines (IBPAP), pangalawa ito sa pinagkukunan
ng dolyar ng bansa. Sa katunayan, lumikha ito ng 1.2 milyong trabaho
at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy ng
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang ganitong
takbo ng industriya,malalagpasan nito ang inuuwing dolyar ng mga
OFW sa mga susunod na taon.
Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa maraming
mga Pilipino na nagbunsod naman ng pagkakaroon ng surplus budget
na nailagak sa mga institusyong pinansiyal bilang savings o
investment.
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
• Kung mayroon man isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa
ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan
upang magtrabaho o maghanapbuhay.
• Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay
matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-Kanlurang
Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya
tulad ng South Korea, Japan, Taiwan, Hongkong at China.
• Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United
States aykakikitaan ng mga manggagawang Pilipino.
• Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa
panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon
sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang
stop gap measure na ito.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
 Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries
ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa
mauunlad na bansa. Partikular dito angmga bansang tulad ng
Pilipinas, Bangladesh at India.
 Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay
hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication
gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kayanaman
hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
 Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na
pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng
mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito
ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos,
larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social
networking sites at service provider.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
 Ang mga sikat na awitin, pelikula, palabas sa telebisyon, viral videos at
pictures,hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga
mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet
access.
 Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang
bansa partikularsa United States.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
 Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng
mga Koreano sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula,
Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.
 Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa
pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang
Pilipino sa kasalukuyan.
 Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga
suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer
viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging
sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
 Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad.
Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet
bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga
target nito.
 Ang mga penomenang ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang
kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng
mundo.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South
Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga pang-
ekonomikong oportunidad, oportunidad sa edukasyon at pangkultural
sa magkakabilang bansa.
Hal.
 economic at technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas.
 Japan International Cooperation Agency (JICA) proyekto ng Japan
 Basic Education Sector
 Transformation (BEST) proyekto ng Australia
 military assistance ng US
GLOBALISASYONG POLITIKAL
 Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga
bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa
nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.
Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang
ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang
koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang
pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal.
Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga
pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa
artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang, ‘The Reality of Global’
pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations,European Union,
Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at
programang kinahaharap ng isang bansa.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong
ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito
ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi
lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Guarded Globalization
• Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin
ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyonlaban sa malalaking dayuhang mamumuhunan.
Hal.
 pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong
nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang
halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga
produktong lokal;
 o pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang
subsidiya ay tulong pinansyal ng pamahalaan. Isa pang anyo ng subsidiya ay
ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya
namanmurangnaipagbibili ang mga ito. Bukod sa United States, ang China
at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga
namumuhunan.
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
 Ayon sa ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-
ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan.
(International FairTrade Association (IFTA), )
 ang fair trade aynangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-
ekonomiyang sistema sa daigdig ( neo-liberalism )
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
 Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-
pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang
isang bilyongpinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa
Africa.
 May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa
tinaguriang bottom billion.
 Ngunit ang tulong pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad
ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi
magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito.
 Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki
angkinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
ANG MGA KONSEPTO NG ATING GLOBALISASYON:

More Related Content

What's hot

Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila南 睿
 
AP 10 Mga Isyung Pang-Ekonomiya
AP 10 Mga Isyung Pang-EkonomiyaAP 10 Mga Isyung Pang-Ekonomiya
AP 10 Mga Isyung Pang-EkonomiyaJuan Miguel Palero
 
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10AppleMaeDeGuzman
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiRivera Arnel
 
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdig
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdigMga isyu-at-suliraning-pandaigdig
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdigNino Mandap
 
G10 AP Globalisasyon - quarter 2
G10 AP Globalisasyon - quarter 2G10 AP Globalisasyon - quarter 2
G10 AP Globalisasyon - quarter 2ARLYN P. BONIFACIO
 
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranAralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaranedmond84
 
Price support
Price supportPrice support
Price supportMoo03
 
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptx
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptxGlobalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptx
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptxMARYANNPENI
 
Summative-test-2nd-quarter.docx
Summative-test-2nd-quarter.docxSummative-test-2nd-quarter.docx
Summative-test-2nd-quarter.docxMasTer647242
 
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyo
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyoGlobalisasyon week 1 paunlarin -anyo
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyoedwin planas ada
 
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabas
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabasYunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabas
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabasAileen Enriquez
 
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01Edilissa Padilla
 
Same Sex Marriage
Same Sex MarriageSame Sex Marriage
Same Sex Marriagealxsummit32
 
Mga Isyung Pang-Ekonomiya
Mga Isyung Pang-EkonomiyaMga Isyung Pang-Ekonomiya
Mga Isyung Pang-EkonomiyaJonalyn Asi
 

What's hot (20)

Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
 
AP 10 Mga Isyung Pang-Ekonomiya
AP 10 Mga Isyung Pang-EkonomiyaAP 10 Mga Isyung Pang-Ekonomiya
AP 10 Mga Isyung Pang-Ekonomiya
 
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
 
Aralin 4: Implasyon
Aralin 4: ImplasyonAralin 4: Implasyon
Aralin 4: Implasyon
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
 
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdig
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdigMga isyu-at-suliraning-pandaigdig
Mga isyu-at-suliraning-pandaigdig
 
G10 AP Globalisasyon - quarter 2
G10 AP Globalisasyon - quarter 2G10 AP Globalisasyon - quarter 2
G10 AP Globalisasyon - quarter 2
 
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranAralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Aralin 1 Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
 
Price support
Price supportPrice support
Price support
 
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptx
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptxGlobalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptx
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.pptx
 
Isyung Moral tungkol sa Buhay
Isyung Moral  tungkol sa BuhayIsyung Moral  tungkol sa Buhay
Isyung Moral tungkol sa Buhay
 
Summative-test-2nd-quarter.docx
Summative-test-2nd-quarter.docxSummative-test-2nd-quarter.docx
Summative-test-2nd-quarter.docx
 
M1 A6 Produksyon
M1 A6   ProduksyonM1 A6   Produksyon
M1 A6 Produksyon
 
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyo
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyoGlobalisasyon week 1 paunlarin -anyo
Globalisasyon week 1 paunlarin -anyo
 
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabas
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabasYunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabas
Yunit4 aralin6 ang_pilipinasatangkalakalangpanlabas
 
Industriya
IndustriyaIndustriya
Industriya
 
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
K 12kasaysayanngdaigdiga-140726073346-phpapp01
 
Same Sex Marriage
Same Sex MarriageSame Sex Marriage
Same Sex Marriage
 
Aralin 4 implasyon
Aralin 4  implasyonAralin 4  implasyon
Aralin 4 implasyon
 
Mga Isyung Pang-Ekonomiya
Mga Isyung Pang-EkonomiyaMga Isyung Pang-Ekonomiya
Mga Isyung Pang-Ekonomiya
 

Similar to ANG MGA KONSEPTO NG ATING GLOBALISASYON:

QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptx
QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptxQUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptx
QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptxCyno Luminius
 
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu .pptx
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu  .pptxGLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu  .pptx
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu .pptxRosarioMagat
 
1. Globalisasyon kontemporaryong araling panlipunan 10isyu
1. Globalisasyon kontemporaryong  araling panlipunan 10isyu1. Globalisasyon kontemporaryong  araling panlipunan 10isyu
1. Globalisasyon kontemporaryong araling panlipunan 10isyuEduardoReyBatuigas2
 
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)ruth ferrer
 
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptx
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptxARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptx
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptxFrecheyZoey
 
GLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxGLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxIreneHugo1
 
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptx
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptxPowerpoint_week_1_Globalisasyon.pptx
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptxJcLorio
 
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptx
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptxGLOBALISASYONG POLITIKAL.pptx
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptxMargie Manlangit
 
Globalisasyon week 1 paunlarin
Globalisasyon week 1 paunlarinGlobalisasyon week 1 paunlarin
Globalisasyon week 1 paunlarinedwin planas ada
 
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxDahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxJanCarlBriones2
 
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptx
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptxPANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptx
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptxAkiCreus2
 

Similar to ANG MGA KONSEPTO NG ATING GLOBALISASYON: (20)

QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptx
QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptxQUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptx
QUARTER-2-GLOBALISASYON-PPT.pptx
 
Ang Globalisasyon.pdf
Ang Globalisasyon.pdfAng Globalisasyon.pdf
Ang Globalisasyon.pdf
 
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu .pptx
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu  .pptxGLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu  .pptx
GLOBALISASYON-Kontemporaryong Isyu .pptx
 
1. Globalisasyon kontemporaryong araling panlipunan 10isyu
1. Globalisasyon kontemporaryong  araling panlipunan 10isyu1. Globalisasyon kontemporaryong  araling panlipunan 10isyu
1. Globalisasyon kontemporaryong araling panlipunan 10isyu
 
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)
M0dyul 2 Mga Isyung Pang ekonomiya (Aralin 1: Glabalisasyon: Konsepto at Anyo)
 
Presentation.pdf
Presentation.pdfPresentation.pdf
Presentation.pdf
 
Globalisasyon.pptx
Globalisasyon.pptxGlobalisasyon.pptx
Globalisasyon.pptx
 
globalisasyon
globalisasyonglobalisasyon
globalisasyon
 
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptx
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptxARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptx
ARALING PANLIPUNAN SA BAITANG 10 PPT.pptx
 
GLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxGLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptx
 
Globalisasyon.pptx
Globalisasyon.pptxGlobalisasyon.pptx
Globalisasyon.pptx
 
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptx
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptxPowerpoint_week_1_Globalisasyon.pptx
Powerpoint_week_1_Globalisasyon.pptx
 
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptx
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptxGLOBALISASYONG POLITIKAL.pptx
GLOBALISASYONG POLITIKAL.pptx
 
Globalisasyon week 1 paunlarin
Globalisasyon week 1 paunlarinGlobalisasyon week 1 paunlarin
Globalisasyon week 1 paunlarin
 
arALING-PANLIPUNAN.pdf
arALING-PANLIPUNAN.pdfarALING-PANLIPUNAN.pdf
arALING-PANLIPUNAN.pdf
 
5. Globalisayon.pptx
5. Globalisayon.pptx5. Globalisayon.pptx
5. Globalisayon.pptx
 
CRT DEMO.pptx
CRT DEMO.pptxCRT DEMO.pptx
CRT DEMO.pptx
 
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxDahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
 
GLOBALISASYON.pdf
GLOBALISASYON.pdfGLOBALISASYON.pdf
GLOBALISASYON.pdf
 
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptx
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptxPANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptx
PANIMULANG LEKTURA-globalisasyon.pptx
 

Recently uploaded

Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 

Recently uploaded (20)

Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 

ANG MGA KONSEPTO NG ATING GLOBALISASYON:

  • 2.
  • 3. Ano ang Globalisasyon?  Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011)  Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
  • 4. Ano ang Globalisasyon?  Ito ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag- ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya at pangkultural.  Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa pagitan ng mga tao, kumpanya bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya.
  • 5. Ano ang Globalisasyon?  Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito.  Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim.
  • 6. • Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronicgadgets, makina o produktong agricultural • Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled workers at propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver • Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific findings and breakthrough, entertainment o opinion • Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang paraan • Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito • Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China,Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas • Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit?
  • 7. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasiyon o pagsanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. • Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang isang halimbawa. • Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. • Ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. • Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-kultural.
  • 8. Bakit itinuturing na isyung panlipunan ang Globalisasyon? Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at perennial institusyon na matagal nang naitatag. Perennial institutions ang mga pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito.
  • 9. Mga salik at pangyayari na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa ating mundo. • pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan • paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi • pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigan transportasyon at komunikasyon • paglawak ng kalakalan ng transnational corporations • pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang bansa • pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya
  • 10. Dahilan, Dimensiyon at Epekto ngGlobalisasyon
  • 11. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 1. Unang panananaw ay ang paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, makidigma at manakop.
  • 12. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
  • 13. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 3. Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
  • 14. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 1. Ika-4 hangang ika-5 siglo (4-5th century) - Sa panahong ito ay mayroong globalisasyon ng Relihiyon at pagkalat ng Islam at Kristiyanismo. 2. Huling bahagi ng ika 15-siglo - sa panahong ito may pananakop ng Europeo. 3. Huling bahagi ika 18- siglo hangang unang bahagi ika-19 siglo (late 18th to 19th century) - Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay ng globalisasyon. 4. Gitnang bahagi ika-19 na siglo hanggang 1918 - pagruruok ng imperyalismong kanluranin. 5. Post World War II- Sa panahong ito mayroong pagkahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideyolohikal particular ang komunismo at kapitalismo. 6. Post-Cold war- Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pangekonomiya
  • 15. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaringnaganap sa kasaysayan. Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo :  nang unang ginamit ang telepono noong 1956  nang lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London.  nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966.  nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit napag- aaral sa isang ‘global’ na daigdig
  • 16. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon: a) Pag-usbong ng EstadosUnidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; b) Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs); at c) Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
  • 17. Mga Dahilan ng Globalisasyon  Cultural Integration o Kultural na Integrasyon - dahil ang mga tao ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa ibat-ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay.  Economic Network o Pankalakalang Ugnayan - ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangagnailangan ng bawat isa.
  • 18. Mga Dahilan ng Globalisasyon  Technological Advancement o Kaunlarang Teknolohikal - ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang mga teknolohiyang may kinalaman sa kommunikasyon.  Global Power Emergence o Paglitaw ng Pandaigdigan Kapangyarihan - dahil nga sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa ibat-ibang bansa at kultura, nagkakaroon ng tinatawag na “power allegiance” at “power resistance”.
  • 19. Mga Dahilan ng Globalisasyon • “power allegiance”- nagkakaroon ng pakikipagkasunduan ang mga bansa na nagbigay daan upang magkaroon ang “global power” ang ilang mga bansa. • “power resisitance”- nakakaroon ng tension sa pagitan ng mga bansang may political power o kapanyarihang politikal na maaaring makaimpluwensiya sa pampolitikal na kalagayan ng ibat-ibang bansa.
  • 20. Mga Dimensiyon ng Globalisasyon 1. Socio-Cultural o Sosyo-kultural - ang uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa. 2. Economic o Pankalakalan - ang ekonomiya ng mga bansa ay tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at negosyo ay nakararatingsa iba’t ibang bansa. Gayundin ang mga manggagawa ng mga kompanya at negosyo ay nagmula din sa ibat-ibang bansa at kultura.
  • 21. Mga Dimensiyon ng Globalisasyon 3. Political o politikal - sa larangan ng pamamahala, ang globalisasyon ay naging daan upang magkaroon ng mga ugnayan-pampolitikal ang mga bansa na mayroong magkakaugnay na hangarin sa pamamahala. 4. Environmental o pangkapaligiran - ang kapaligiran ay isa sa mga pinakanaapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad ng pang-indutriyal ng ekonomiya. 5. Technological o teknolohikal - ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sateknolohiyang ginagamit sa ibat-ibang panig ng daigdig.
  • 22. Mga Epekto ng Globalisasyon Mabuting dulot ng Globalisasyon:  Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon nag pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan.  Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan ang pag-unlad ng ng ekonomiya ng ibat-ibang mga bansa  Mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa pag-unladng lipunan sa ibat-ibang bansa
  • 23. Mga Epekto ng Globalisasyon Di-Mabuting dulot ng Globalisasyon:  Dahil sa malawak na sakop ng sektor ng kalakalan, nagkakaroon ng problema sa ekonomiya sa ibat-ibang bansa lalo na ang mga na sa mahihirap na bansa.  Dahil sa problemang pang-ekonomiya, nagkakaroon ng malaking agwat sa ekonomiya ibat-ibang bansa.  Dahil naman sa agwat ng ekonomiya, nagkakaroon din ang malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng mga tao, sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
  • 24. ANYO NG GLOBALISASYON GLOBALISASYONG EKONOMIKO Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
  • 25. Multinational at Transnational Companies Transnational Companies (TNCs) • tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa • serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local • Binibigyan ng kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang local • Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).
  • 26. Multinational at Transnational Companies Multinational Companies (MNCs)  ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, McDonalds, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa.
  • 27. Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms Building Asean Empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng: • Jollibee • URC • Unilab • International Container Terminal Services Inc. • San Miguel Corporation.
  • 28. Hindi lamang sa Timog-Silangang Asya matatagpuan ang ilang korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017  SM  PNB  Metro Bank  Jollibee  Liwayway Marketing Corporation
  • 29. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa.  ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili.  Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
  • 30. • Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.
  • 31. Impluwensiya ng MNCs at TNCs sa polisiya:  pagpapababa ng buwis  pagbibigay ng tulong-pinansyal at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran  Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa.
  • 32. Outsourcing Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Hal. ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang.
  • 33. Dalawang uri ng Outsourcing Business Process Outsourcing - na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Knowledge Process Outsourcing - na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
  • 34. Uri ng Outsourcing base sa distansya  Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. halimbawa ng outsourcing ang Business Process Outsourcing na nakatuon sa Voice Processing Services.
  • 35.  Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawigkung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.
  • 36.  Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
  • 37. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod saBangalore, India) na destinasyon ng BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao City (66th), Sta. Rosa City (81st), Bacolod City (85th), Iloilo City (90th), DumagueteCity (93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th).
  • 38. Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), pangalawa ito sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa. Sa katunayan, lumikha ito ng 1.2 milyong trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng industriya,malalagpasan nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW sa mga susunod na taon. Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa maraming mga Pilipino na nagbunsod naman ng pagkakaroon ng surplus budget na nailagak sa mga institusyong pinansiyal bilang savings o investment.
  • 39. OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon • Kung mayroon man isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. • Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-Kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea, Japan, Taiwan, Hongkong at China. • Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States aykakikitaan ng mga manggagawang Pilipino. • Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure na ito.
  • 40. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO- KULTURAL  Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito angmga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.  Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kayanaman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
  • 41. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO- KULTURAL  Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.
  • 42. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO- KULTURAL  Ang mga sikat na awitin, pelikula, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures,hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet access.  Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa partikularsa United States.
  • 43. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO- KULTURAL  Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga Koreano sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.  Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan.  Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
  • 44. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO- KULTURAL  Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito.  Ang mga penomenang ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.
  • 45. GLOBALISASYONG POLITIKAL Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga pang- ekonomikong oportunidad, oportunidad sa edukasyon at pangkultural sa magkakabilang bansa. Hal.  economic at technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas.  Japan International Cooperation Agency (JICA) proyekto ng Japan  Basic Education Sector  Transformation (BEST) proyekto ng Australia  military assistance ng US
  • 46. GLOBALISASYONG POLITIKAL  Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal.
  • 47. Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang, ‘The Reality of Global’ pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations,European Union, Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at programang kinahaharap ng isang bansa.
  • 48. Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
  • 49. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Guarded Globalization • Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyonlaban sa malalaking dayuhang mamumuhunan. Hal.  pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal;  o pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong pinansyal ng pamahalaan. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya namanmurangnaipagbibili ang mga ito. Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.
  • 50. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)  Ayon sa ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang- ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. (International FairTrade Association (IFTA), )  ang fair trade aynangangahulugan ng higit na moral at patas na pang- ekonomiyang sistema sa daigdig ( neo-liberalism )
  • 51. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon Pagtulong sa ‘Bottom Billion’  Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang- pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyongpinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.  May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion.  Ngunit ang tulong pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito.  Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki angkinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.