SlideShare a Scribd company logo
1 of 34
FILIPINO
9
1. THAILAND
2. MYANMAR
3. LAOS
4. VIETNAM
5. CAMBODIA
6. MALAYSIA
7. BRUNEI
8. SINGAPORE
9. PHILIPPINES
10. INDONESIA
PANITIKAN
-Tinatawag din na PANULATAN, ay
mga panulat na nagpapahayag ng
mga karanasan, damdamin, kaisipan,
o kwento ng isang tao
DALAWANG URI NG
PANITIKAN
1.Batay sa paraan ng pagsasalin
:Pasalin-dila
:Pasulat
2. Batay sa Anyo
:Tuluyan/Prosa (Prose)
-maluwang na pagsama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap.
:Patula
-Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang
binibilang na pantig (syllable) sa taludtod
MGA AKDANG TULUYAN
1.Nobela- Mahabang kwento na nahahati
sa kabanata.
2.Alamat- tinutukoy rito ang mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay
3.Anekdota- kakatawang pangyayari sa
buhay na kapupulutan ng aral.
4.Mitolohiya- kwento tungkol sa mga
Diyos at Diyosa
5.Pabula- Mga kwento tungkol sa hayop na
naglalarawan sa tao
6. Maikling Kwento- isang uri ng panitikang
tuluyan na nag-iiwan ng iisang kakintalan.
Mga Sangkap o Elemento nga Maikling Kwento
*SIMULA/EKSPOSISYON
-nagtatakda ng pagpapakilala sa mga tauhan
na siyang kumikilos sa sa loob ng akda.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Suliranin
*GITNA
a. Saglit na kasiyahan
b. Tunggalian
c. Kasukdulan
*WAKAS
-Huling bahagi ng kwento o kinatapusang
sangkap.
a. Kakalasan- tumutukoy sa unti-unting
pagbaba ng takbo ng istorya. Dito
nalalaman ang kamalian o
kawastuhan ng mga di-inaasahang
naganap.
b. Resolusyon- maaring maglahad ng
kasiyahan, kalungkutan, pagkatalo, at
iba pang damdamin
PANINGIN
-Bahagi ng maikling kwento na tumutukoy sa
anggulo kung saan isinalaysay ang akda.
TEMA
-Tumutukoy sa sentral na idea na
inihahayag ng awtor sa pamamagitan ng
kaniyang akda.
PAGLALAHAD NG
BANGHAY
*ang mga may-akda ay maaaring gumamit ng iba’t
ibang Teknik sa paglalahad ng banghay.
1.Pagbabalik tanaw (Flashback)
2.Pagpapahiwatig sa kong ano ang mangyayari sa
hinaharap (Foreshadowing)
3.Pagdaloy ng mga ideya at kamalayan (Stream of
Consciousness)
4.Nagsisimula sa gitna o wakas ng kuwento (in
media res)
DALOY NG MAIKLING KWENTO
Dalawang Araw sa Banyagang Lupa
Jonathan Tan Ghee Tiong
(Aileen Joy Saul)
Isang napakainit na maghapon. Ang araw sa
langit ay nagngingitngit sa gálit. Pinapaso nito
ang mga mata ni Zheng Nian habang
pinagmamasdan ang isang karaniwang tanawin
sa kaniyang ibabá-daang táong nakasuot ng
dilaw na helmet ang nakabunton sa isang tila
yungib ng konstruksiyon. Nang dumaan sa
kaniya ang nakaririmarim na pakiramdam,
hindi maiwasan ni Zheng Nian na sumilip
upang tingnan ang banyagang lupain mulà sa
kaniyang kinalalagyan.
Nakatalagang maglatag ng semento sa bubong,
nagtataka si Zheng Nian kung ang itinatayong
gusaling may apatnapung palapag ay kasing-init
ng lugar na kaniyang kinalalagyan. Sa itaas ay
ramdam ng kaniyang mga paa ang bigat ng
nakapapasong init na pumapasok sa kaniyang
bóta. Sa pag-iisip na aksidenteng ihulog ang
kaniyang sarili paibaba, pumulandit sa kaniyang
balát ang malamig na páwis. Bahagya siyáng
umurong mula sa gilid ng ginagawang bubong.
Patuloy pa rin ang matinding sikat ng araw na galit
na galit.
Nang siyá ay dumating sa Singapore
dalawang araw na ang nakararaan, ang
mamasa-masà, mabigat, at maalinsangang
init ay bumulaga sa kaniya. Hindi niya
mawari ang pakiramdam na maluto sa init ng
araw. Biglang nagbalik sa alaala ni Zheng
Nian ang kaniyang bayan sa Hubei at ang
karanasan ng paglalakad sa napakalamig na
niyebe. Animo ay narinig ng kalikasan ang
kaniyang diwa, may bahagyang mainit na
simoy ng hangin ang sa kaniya ay dumampi.
Bago siya lumapag ng Singapore, ang katawan
niya ay balót ng pátong-patong na lana.
Nakalaylay hanggang sa lupa ang haba, ang mala-
gatas na hanging puti ay bumubulag sa kaniyang
paningin at ang bagsik ng lamig dulot ng
tagginaw ay nanunuot sa kaniyang pusò.
Napagtanto niyang ito ay kabaligtaran ng
kaniyang kinalalagyan ngayon sa ibabaw ng
bubong. Handa na si Zheng Nian na tanggalin ang
puting kamisetang suot upang iwagayway ito sa
ere bílang tanda ng pagsuko sa nakamamatay na
init ng araw.
Ang init mulâ sa kongkreto ay labis sa
káyang tanggapin ng kaniyang katawan.
Bágo siya nawalan ng málay, bágo tumama
ang kaniyang tigang na katawan sa lupa,
lumutang ang kaniyang gunita ukol sa
bigat ng kaniyang buhay sa bawat palapag
ng itinatayong gusali. Hindi niya mawari
ang panunuya ng búhay-ang pag-asam ng
pagiging buhay sa gitna ng kamatayan.
Ligtas na bansa ang Singapore. Nabanggit
ito sa kaniya ng mga kakilalang nauna nang
nakapunta sa nasabing bansa. Mula sa
kaniyang nayon ay mabibilang na ang
nakarating sa lungsod. Para sa mga hindi
mapalad na nakakuha ng trabaho, iniwan
nila ang nayon para sa mas malaki at
mayamang lungsod ng bansa-ang hiyas ng
Pearl River Delta-Shenzhen, Guangzhou, at
iba pang lungsod sa baybayin. Gaya ng mga
nauna, nais niyang kunin ang pagkakataon
bágo ito mawala sa kaniya.
Naramdaman niyang kailangan niyang
umalis tulad ng iba upang bumuo ng mas
mabuting
mundo para sa sarili at kaniyang pamilya. Sa
loob ng tatlumpung minutong paglalakbay
mula Sa paliparan patungó sa dormitoryo ng
mga manggawa, nilunod ni Zheng Nian ang
kanyang sarili Sa nakasisilaw na pag-asa ng
isang kinabukasan na hindi sana maaabot
kung siya ay nagpaiwan sa kanilang nayon.
Magkagayumpaman, siya ay nakaramdam
ng kawalang-pag-asa. Sa kaniyang
kapaligiran at naglalakihang mga gusaling
napalilibutan ng mga puno, napagnilayan ni
Zheng Nian ang kabalintunaan ng kaniyang
sitwasyon-naroroon siyá upang magtayo ng
mga gusali habang itinataguyod ang búhay
para sa sarili at pamilya habang ginigiba ang
kanyang presensiya sa sariling tahanan. Siyá
ay napaisip, ilan pa kayà ang mga gusaling
dapat niyang maitayo upang siyá ay maging
malaya? Bagama't malamig ang van na
kaniyang sinasakyan, ang init na tumatagos
sa loob nito ay hindi makayanan ng mga
mata ni Zheng Nian. May singaw ng
katotohanan ang pumasok sa kaniyang
kamalayan na bunsod ng kaniyang mga
naiisip. Pagód na siyá. Pagód sa pag-isip ng
mga bagay na kanyang iniwan at sa mga
maaaring dumating pa sa hinaharap. Sa mga
hulíng oras bágo siya nawalan ng malay Sa
ilalim Ng matinding sikat ng araw, sa
kaniyang pakikibáka sa sarill upang hindi
mahulog sa bingit ng kawalan, bigla niyang
naisip kung ano ang kahihinatnan ng
kaniyang anak sa paglaki nito. Siguro,
magkakaroon ng makabuluhang trabaho, at
makapag-aasawa sa nakaririwasang
bansang China. Magiging kamukha niya
kaya ito o ng kaniyang ina? Tanda pa niya
ang kaniyang mukhang punó ng alinlangan
at pangamba nang ibinalita niya sa asawa
ang planong magtrabaho sa Singapore.
Huwag kang umalis, pagmamakaawa niya.
Bata pa ako, 35 taóng gulang lang, may
lakas pa upang makapangibang-bansa,
tugon
niya. Nais ko ang isang mas mabuting
buhay para Sa inyo ng aking anak.
Pagkalipas ng dalawang taon, ako'y
magbabalik. Ang ating anak ay sasapit
na sa kaniyang ikatlong taon at marahil
sa panahong iyon ay makapagsasalita
na siya ng "Papa." Huwag kang mag-
alala, walang mangyayaring masamâ.
Ligtas na bansa ang Singapore.
Sa kaniyang huling paghinga ng
hanging punô ng alikabok at semento,
hindi kawalan para sa kaniya ang
hindi makíta ang "lungsod ng hardin"
na kaniyang pinuntahan. Hindi rin niya
naitayó ang mga gusaling dapat ay
kaniyang nagawa, maging ang
pangako ng bukas na kaniyang dapat
ay panghahawakan. Mayroon siyang
hinaharap.
Tanong:
1.Ano ang damdamin ni Zheng Nian
bago magtrabaho sa Singapore? Ano-
ano naman ang negatibong dulot nito?
Ipaliwanag.
2.Ano kaya ang mangyayari sa
mauunlad na bansa tulad ng Singapore
kung walang mga taga-ibang bansa
ang pupunta sa kanila upang
magtrabaho? Mananatili kaya silang
maunlad? Bakit o bakit hindi?
3. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa
Pilipinas kung lahat ng mga Pilipinong
nagtatrabaho sa ibang bansa ay sabay-
sabay na uuwi?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon,
nais mo rin bang mangibang-bansa upang
magtrabaho? Bakit o balit hindi?
5. Sa iyong palagay, may katotohanan ba
ang nilalaman ng akda batay sa mga
pangyayari sa kasalukuyan sa ating lipunan?

More Related Content

Similar to Filipino 9 L1.pptx

Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaMarizLizetteAdolfo1
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxCHRISTIANJIMENEZ846508
 
Ikalawang markahan ikalimang linggo iii
Ikalawang markahan   ikalimang linggo iiiIkalawang markahan   ikalimang linggo iii
Ikalawang markahan ikalimang linggo iiiCarlito Malvar Ong
 
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Eemlliuq Agalalan
 
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Danica Talabong
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxRozelynLeal1
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxRozelynLeal1
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan DepEd
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dulamontezabryan
 
filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxAiraOlandres2
 
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKheiGutierrez
 

Similar to Filipino 9 L1.pptx (17)

Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
Ikalawang markahan ikalimang linggo iii
Ikalawang markahan   ikalimang linggo iiiIkalawang markahan   ikalimang linggo iii
Ikalawang markahan ikalimang linggo iii
 
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
 
Ang Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptxAng Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptx
 
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan
 
anekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptxanekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptx
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
Bisaya tulad ng Tula, Maikling Kwento, at Dula
 
1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx
 
filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
 
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptxKaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
Kaligirang Kasaysayan ng IBong AdarnaQ4 M1 and M3.pptx
 

Recently uploaded

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptSJCOJohnMichaelDiez
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxMartin M Flynn
 

Recently uploaded (7)

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 

Filipino 9 L1.pptx

  • 2.
  • 13. PANITIKAN -Tinatawag din na PANULATAN, ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao
  • 14. DALAWANG URI NG PANITIKAN 1.Batay sa paraan ng pagsasalin :Pasalin-dila :Pasulat 2. Batay sa Anyo :Tuluyan/Prosa (Prose) -maluwang na pagsama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. :Patula -Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig (syllable) sa taludtod
  • 15. MGA AKDANG TULUYAN 1.Nobela- Mahabang kwento na nahahati sa kabanata. 2.Alamat- tinutukoy rito ang mga pinagmulan ng mga bagay-bagay 3.Anekdota- kakatawang pangyayari sa buhay na kapupulutan ng aral. 4.Mitolohiya- kwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa 5.Pabula- Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa tao
  • 16. 6. Maikling Kwento- isang uri ng panitikang tuluyan na nag-iiwan ng iisang kakintalan. Mga Sangkap o Elemento nga Maikling Kwento *SIMULA/EKSPOSISYON -nagtatakda ng pagpapakilala sa mga tauhan na siyang kumikilos sa sa loob ng akda. a. Tauhan b. Tagpuan c. Suliranin *GITNA a. Saglit na kasiyahan b. Tunggalian c. Kasukdulan
  • 17. *WAKAS -Huling bahagi ng kwento o kinatapusang sangkap. a. Kakalasan- tumutukoy sa unti-unting pagbaba ng takbo ng istorya. Dito nalalaman ang kamalian o kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap. b. Resolusyon- maaring maglahad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatalo, at iba pang damdamin
  • 18. PANINGIN -Bahagi ng maikling kwento na tumutukoy sa anggulo kung saan isinalaysay ang akda. TEMA -Tumutukoy sa sentral na idea na inihahayag ng awtor sa pamamagitan ng kaniyang akda.
  • 19. PAGLALAHAD NG BANGHAY *ang mga may-akda ay maaaring gumamit ng iba’t ibang Teknik sa paglalahad ng banghay. 1.Pagbabalik tanaw (Flashback) 2.Pagpapahiwatig sa kong ano ang mangyayari sa hinaharap (Foreshadowing) 3.Pagdaloy ng mga ideya at kamalayan (Stream of Consciousness) 4.Nagsisimula sa gitna o wakas ng kuwento (in media res)
  • 21. Dalawang Araw sa Banyagang Lupa Jonathan Tan Ghee Tiong (Aileen Joy Saul) Isang napakainit na maghapon. Ang araw sa langit ay nagngingitngit sa gálit. Pinapaso nito ang mga mata ni Zheng Nian habang pinagmamasdan ang isang karaniwang tanawin sa kaniyang ibabá-daang táong nakasuot ng dilaw na helmet ang nakabunton sa isang tila yungib ng konstruksiyon. Nang dumaan sa kaniya ang nakaririmarim na pakiramdam, hindi maiwasan ni Zheng Nian na sumilip upang tingnan ang banyagang lupain mulà sa kaniyang kinalalagyan.
  • 22. Nakatalagang maglatag ng semento sa bubong, nagtataka si Zheng Nian kung ang itinatayong gusaling may apatnapung palapag ay kasing-init ng lugar na kaniyang kinalalagyan. Sa itaas ay ramdam ng kaniyang mga paa ang bigat ng nakapapasong init na pumapasok sa kaniyang bóta. Sa pag-iisip na aksidenteng ihulog ang kaniyang sarili paibaba, pumulandit sa kaniyang balát ang malamig na páwis. Bahagya siyáng umurong mula sa gilid ng ginagawang bubong. Patuloy pa rin ang matinding sikat ng araw na galit na galit.
  • 23. Nang siyá ay dumating sa Singapore dalawang araw na ang nakararaan, ang mamasa-masà, mabigat, at maalinsangang init ay bumulaga sa kaniya. Hindi niya mawari ang pakiramdam na maluto sa init ng araw. Biglang nagbalik sa alaala ni Zheng Nian ang kaniyang bayan sa Hubei at ang karanasan ng paglalakad sa napakalamig na niyebe. Animo ay narinig ng kalikasan ang kaniyang diwa, may bahagyang mainit na simoy ng hangin ang sa kaniya ay dumampi.
  • 24. Bago siya lumapag ng Singapore, ang katawan niya ay balót ng pátong-patong na lana. Nakalaylay hanggang sa lupa ang haba, ang mala- gatas na hanging puti ay bumubulag sa kaniyang paningin at ang bagsik ng lamig dulot ng tagginaw ay nanunuot sa kaniyang pusò. Napagtanto niyang ito ay kabaligtaran ng kaniyang kinalalagyan ngayon sa ibabaw ng bubong. Handa na si Zheng Nian na tanggalin ang puting kamisetang suot upang iwagayway ito sa ere bílang tanda ng pagsuko sa nakamamatay na init ng araw.
  • 25. Ang init mulâ sa kongkreto ay labis sa káyang tanggapin ng kaniyang katawan. Bágo siya nawalan ng málay, bágo tumama ang kaniyang tigang na katawan sa lupa, lumutang ang kaniyang gunita ukol sa bigat ng kaniyang buhay sa bawat palapag ng itinatayong gusali. Hindi niya mawari ang panunuya ng búhay-ang pag-asam ng pagiging buhay sa gitna ng kamatayan.
  • 26. Ligtas na bansa ang Singapore. Nabanggit ito sa kaniya ng mga kakilalang nauna nang nakapunta sa nasabing bansa. Mula sa kaniyang nayon ay mabibilang na ang nakarating sa lungsod. Para sa mga hindi mapalad na nakakuha ng trabaho, iniwan nila ang nayon para sa mas malaki at mayamang lungsod ng bansa-ang hiyas ng Pearl River Delta-Shenzhen, Guangzhou, at iba pang lungsod sa baybayin. Gaya ng mga nauna, nais niyang kunin ang pagkakataon bágo ito mawala sa kaniya.
  • 27. Naramdaman niyang kailangan niyang umalis tulad ng iba upang bumuo ng mas mabuting mundo para sa sarili at kaniyang pamilya. Sa loob ng tatlumpung minutong paglalakbay mula Sa paliparan patungó sa dormitoryo ng mga manggawa, nilunod ni Zheng Nian ang kanyang sarili Sa nakasisilaw na pag-asa ng isang kinabukasan na hindi sana maaabot kung siya ay nagpaiwan sa kanilang nayon. Magkagayumpaman, siya ay nakaramdam ng kawalang-pag-asa. Sa kaniyang
  • 28. kapaligiran at naglalakihang mga gusaling napalilibutan ng mga puno, napagnilayan ni Zheng Nian ang kabalintunaan ng kaniyang sitwasyon-naroroon siyá upang magtayo ng mga gusali habang itinataguyod ang búhay para sa sarili at pamilya habang ginigiba ang kanyang presensiya sa sariling tahanan. Siyá ay napaisip, ilan pa kayà ang mga gusaling dapat niyang maitayo upang siyá ay maging malaya? Bagama't malamig ang van na kaniyang sinasakyan, ang init na tumatagos sa loob nito ay hindi makayanan ng mga
  • 29. mata ni Zheng Nian. May singaw ng katotohanan ang pumasok sa kaniyang kamalayan na bunsod ng kaniyang mga naiisip. Pagód na siyá. Pagód sa pag-isip ng mga bagay na kanyang iniwan at sa mga maaaring dumating pa sa hinaharap. Sa mga hulíng oras bágo siya nawalan ng malay Sa ilalim Ng matinding sikat ng araw, sa kaniyang pakikibáka sa sarill upang hindi mahulog sa bingit ng kawalan, bigla niyang naisip kung ano ang kahihinatnan ng kaniyang anak sa paglaki nito. Siguro,
  • 30. magkakaroon ng makabuluhang trabaho, at makapag-aasawa sa nakaririwasang bansang China. Magiging kamukha niya kaya ito o ng kaniyang ina? Tanda pa niya ang kaniyang mukhang punó ng alinlangan at pangamba nang ibinalita niya sa asawa ang planong magtrabaho sa Singapore. Huwag kang umalis, pagmamakaawa niya. Bata pa ako, 35 taóng gulang lang, may lakas pa upang makapangibang-bansa, tugon
  • 31. niya. Nais ko ang isang mas mabuting buhay para Sa inyo ng aking anak. Pagkalipas ng dalawang taon, ako'y magbabalik. Ang ating anak ay sasapit na sa kaniyang ikatlong taon at marahil sa panahong iyon ay makapagsasalita na siya ng "Papa." Huwag kang mag- alala, walang mangyayaring masamâ. Ligtas na bansa ang Singapore.
  • 32. Sa kaniyang huling paghinga ng hanging punô ng alikabok at semento, hindi kawalan para sa kaniya ang hindi makíta ang "lungsod ng hardin" na kaniyang pinuntahan. Hindi rin niya naitayó ang mga gusaling dapat ay kaniyang nagawa, maging ang pangako ng bukas na kaniyang dapat ay panghahawakan. Mayroon siyang hinaharap.
  • 33. Tanong: 1.Ano ang damdamin ni Zheng Nian bago magtrabaho sa Singapore? Ano- ano naman ang negatibong dulot nito? Ipaliwanag. 2.Ano kaya ang mangyayari sa mauunlad na bansa tulad ng Singapore kung walang mga taga-ibang bansa ang pupunta sa kanila upang magtrabaho? Mananatili kaya silang maunlad? Bakit o bakit hindi?
  • 34. 3. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa Pilipinas kung lahat ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay sabay- sabay na uuwi? 4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, nais mo rin bang mangibang-bansa upang magtrabaho? Bakit o balit hindi? 5. Sa iyong palagay, may katotohanan ba ang nilalaman ng akda batay sa mga pangyayari sa kasalukuyan sa ating lipunan?