2. Mahalaga sa pagsusulong ng
moral na karapatan ng tao ang pantay na
oportunidad kaugnay ng pagpapaunlad
ng antas ng kanyang pamumuhay
3. Paano nga ba natutugunan ang Agwat
Teknolohikal sa pagitan ng mga henerasyon? May
mga kaparaanan ba kung paano napabubuti ang
pakikipag ugnayan at pagsasama-sama ng mga
miyembro ng pamilya? Suriin kung ang kabataang
tulad mo ay matutugunan ang pagbabago sa
teknolohiya lalo na sa Information Technology.
4. SURIIN
Basahin at unawain ang diyalogo ng pamilya sa ibaba.
Perry: Tatay, kumusta ka po?
Tatay: Mabuti ang kalagayan ko rito sa Dubai, anak. Nabalitaan ko ang pagiging
aktibo mo sa paaralan. Kuwentuhan mo nga ako.
Perry: Sumali po ako sa patimpalak sa bigkasan. Nagsanay po akong mabuti sa
pagbigkas, pagtindig, at pagkilos nang wasto sa harap ng mga manonood. Sa awa
po ng Diyos, ako ang nanalo ng unang gantimpala
5. SURIIN
Tatay: Natutuwa ako, anak Kumusta naman ang pag aaral ng bunso mong
kapatid?
Perry: Listong-listo po si Maricel, Tatay. Mabilis na siyang bumasa at sumulat. Ito
po si Nanay, kakausapin po kayo.
Tatay: May ipinadala akong pera na panggastos ninyo sa loob ng isang buwan.
Nanay: Si Perry ang nakakaalam kung paano ang pagkuha sa padala mo Mamaya
ay sama-sama kaming pupunta sa mall.
6. SURIIN
Tatay: Nanay, pag-aralan mo ang wastong paggamit ng cellphone at kompyuter
Tuturuan ka ng anak mong si Perry Sana sa susunod na pag-uusap natin, ikaw ang
unang kakausap sa akin.
Nanay: Sige, magpapaturo ako sa anak mo. Mag-iingat ka lagi diyan. Ipagdarasal
namin ang iyong kaligtasan at malusog na pangangatawan. Mahal na mahal ka
namin, tandaan mo iyan.
Perry: Paalam na po, Tatay. Mahal na mahal ka namin. Salamat po sa ipinadala
mong pera sa amin.
7. SURIIN
Sa matiyagang pagtuturo ni Perry sa ina ng mga dapat malaman tungkol
sa kompyuter at cellphone, madaling natuto ang nanay ng tahanan.
Ang paggalang at pagmamahalan ay malaking tulong sa pag-aayos sa
ugnayang namamagitan sa henerasyon noon at sa kasalukuyan. Ang wagas na
pagmamahal ng lolo at lola sa mga apo ay nagdudulot ng pagmamalasakit at
pagkakaunawaan sa pamilya Tulad ng relasyon ng pamilya sa bawat kasapi, alamin
mo rin na kailangan ng pang-unawa sa konsepto ng Agwat Teknolohikal Mahalaga
ito sa pagsusulong ng moral na karapatan ng tao sa pantay na oportunidad para sa
iyong pag-unlad.
8. SURIIN
Ang teknolohiya ay napakahalaga sa pakikipag-ugnayan, pag-aaral,
pagtuturo, at pag-unawa sa lipunan Iba ang pananaw ng kasalukuyang henerasyon
sa makalumang henerasyon. Ang kaalaman ng iba-ibang henerasyon tungkol sa
makabagong teknolohiya ay dapat mong isaalang-alang upang makaiwas ka sa
tinatawag na Agwat Teknolohikal.
May obligasyon ang mga magulang na hubugin ang moralidad ng mga
anak Kailangan nilang ipaliwanag nang wasto sa anak ang paggamit ng teknolohiya
Piliin ang babasahin o panonooring makapagbibigay ng aral sa buhay.
9. SURIIN
Kung ang kompyuter o cellphone ay nakatutulong sa pag-aaral mo at
napapabilis nito ang komunikasyon, may hatid din itong hindi mabuti sa mga mag-
aaral, kaya umaayaw ang mga magulang sa paggamit dito.
Halimbawa
a. Hindi nakapokus ang atensiyon ng bata sa pag-aaral
b. Nauubos ang oras sa larong pinaglilibangan
c. Hindi na nagagamit ang encyclopedia, mga aklat, at iba pang babasahin
d. Ang mga kilos, pananamit, at pananalita ng kabataan ngayon ay bunga
ng makabagong teknolohiya.
10. SURIIN
Maraming kabatan ang napapariwara dahil sa paggamit ng
Internet.
Sa panahon ngayon, mangilan-ngilan na lang ang nakatatanda na
hindi marunong gumamit ng cellphone. Sadyang kailangan ang magkaroon
ang bawat isa ng cellphone. Kaya sila nanay at tatay ay dapat turuan ng
mga anak nang wastong paggamit upang maisulong ang moral na
karapatan ng tao sa pantay na oportunidad kaugnay ng pagpapaunlad ng
antas ng kanilang pamumuhay.
11. SAGUTIN
1. Paano matutugunan ang Agwat Teknolohikal?
2. Ano-ano ang mga kaparaanan kung paano mapabubuti ang ugnayan ng pamilya sa kasalukuyang
panahon?
3. Naipamalas ba ni Perry sa ina ang pag-unawa sa Agwat Teknolohikal?
4. Paano nalunasan ang problema ni Nanay?
5. Ano-ano ang hindi magandang epekto ng makabagong teknolohiya o paggamit ng Internet?
12. SAGUTIN
Ibigay ang sariling opinyon o payo sa isang mag-aaral sa bawat sitwasyon.
1. Paggising sa umaga ay nakabukas na ang radyo at telebisyon. Malakas ang tunog ng musikang pinakikinggan
2. Inaabot ng napakaraming oras sa pakikipag-chat sa Internet.
3. Ayaw ituro sa magulang ang wastong paggamit ng mga bagong teknolohiya.
4. Hindi na halos makausap ng kahit sino sa pamilya ang bata dahil kausap ang kabarkada sa kompyuter
5. Ang mga mahihirap ay hindi na makakahabol pa sa mga may kaya o mayaman sa pagkakaroon ng pantay na
oportunidad sa teknolohiya.
13. Mahalaga sa pagsusulong ng moral na karapatan ng tao ang
pantay na oportunidad kaugnay ng pagpapaunlad ng buhay. Ang
maipamalas ang pag-unawa sa konsepto tungkol sa Agwat
Teknolohikal ay inaasahan sa bawat pamilya
May malaking impluwensiya sa paghubog ng kaisipan, ugali,
at damdamin ang makabagong teknolohiya.
TANDAAN!
14. Pagpapaunlad ng Antas ng Pamumuhay Kasabay ng Pag-unlad ng
Teknolohiya
May mga kaparaanan kung paano mapabubuti ang ugnayang Agwat
Teknolohikal. Ang lahat ay may karapatang paunlarin ang antas ng kanyang
pamumuhay. Ang pamilyang sama-sama sa pagharap sa problema ay
nagtatagumpay sa mga mithiin. Kaugnay nito ay ang pagkilala sa moral.
Hindi dapat ipagkait o ipagdamot sa matatanda o mga magulang ang
karapatan sa pantay na oportunidad kaugnay ng antas sa pamumuhay na
karapatan lalo na sa Agwat Teknolohikal.
TANDAAN!