SlideShare a Scribd company logo
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X - Northern Mindanao
CAGAYAN DE ORO NATIONAL HIGH SCHOOL
27-28 Sts., Nazareth, Cagayan de Oro City
YUGTO NG PAGKATUTO February 20-25, 2023
I. LAYUNIN:
*Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa
makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng
mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan
kamalayan.
8– TALISAY, ILANG-ILANG, KAMAGONG, FALCATA, NARRA,
APITONG
B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay…
kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at
sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong
panahon.
II. NILALAMAN: ARALIN 2: PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE  Ang aralin na ito ay nahahati sa tatlong talakayan:
• Talakayan 1 – Unang Yugt ng Kolonyalismo
• Talakayan 2 – Mga Motibo At Salik Sa Eksplorasyon
• Talakayan 3 – Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan
mula sa Silangan
Talakayan 4: Ang Mga Dutch
III. KAGAMITANG PANTURO: Mga Larawan, Laptop, Projector
1. Sanggunian: Kasaysayan ng Daidig
2. TG at LM, Teksbuk:
3. LRMDC Portal
4. Iba pang Kagamitang Panturo:
TG Pahina 169-177 / LM Pahina 297-332
Slides on mga sinaunang kabihasnan; LCD
IV. PAMAMARAAN
1. Balik-aral
Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe, Renaissace at Repormasyon,
bibigyang-diin naman sa araling ito ang nagging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang
malaman kung paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng
Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka
na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na...
GAWAIN 1: Sasama Ka Ba!
Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout
ang iyong sagot sa tanong.
2. Paghahabi sa Layunin
Panahon: 1430
Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang
Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. ikaw ay naatasan na
sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng
karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang
banda,may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng
mga bagong lupain.
Pamprosesong tanong
1. Ano ang pabuyang possible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag?
2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag?
3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at lipunan ng Europe?
GAWAIN 2: Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong
buhay. Isulat ang naiisip mong naitutulong sa iyo ng bawat isa.
Pamprosesong tanong
1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan?
2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan?
4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag.
3. Pagtatalakay sa Konsepto at Kasanayan #1
4. Pagtatalakay sa Konsepto at Kasanayan #2
5. Paglinang sa Kabihasnan
GAWAIN 4: Maglayag Ka!
Panuto: Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain
ang teksto tungkol dito.
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi
pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolon - yalismo o ang pagsakop ng
isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng
Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan.
Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay
ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapang-yarihang bansa sa isang
mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop.
Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15
siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga
monarkiya sa mga manlalakbay, at pagkatuklas at pagpa-paunlad sa mga instrumenting pangnabigasyon at
sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalak
bay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon
ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan
tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241
MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol
sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalak-bay tulad nina Marco Polo at Ibn
Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang
mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco Polo (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito
sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating
ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa
Asya at Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na
maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinara- anan sa
Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Musim.
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241
MOTIBO AT SALIK
SA EKSPLORASYON
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong lalo
na sa India Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga
Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang
mga mangangalakal na Tsino at Indian ay nagbibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang
nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice.
Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil
sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktong
magkaroon ng kalakalan sa Asya sa mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na
Batay sa binasang teksto, anu-ano ang motibo at salik
sa eksplorasyon
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Hindi lamang ang kita sa kalakalan ang naglunsad sa kanilang mga eksplorasyon kundi ang
pagkokonberto rin ng mga katutubo sa relihiyong Katolisismo. Napag-alaman nila na ang relihiyong Islam ay
patuloy na lumalaganap sa Asya kaya kailangan na ito’y hadlangan. Ang eksplorasyon ay bunga ng mga
malikhaing kaisipan na naikintal ng Renaissance sa mga Europeo na lumabas sa kanilang mga lugar at
tumuklas ng iba pang mga lugar. Ang mga eksplorasyon na ito ay nagbigay wakas din sa isolasyon ng
Europe at naging preparasyon sa paghahangad ng ibang lupain para maging bahagi ng kanilang mga
teritoryo.
Halaw mula sa : Ease Modyul 14
Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga
Europeo mula sa ika-14 na siglo
Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang
nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?________________________________
________________________________________________________________________________
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa
Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang
1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Africa upang
hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala
sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa
Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco
da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope,
tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa
Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay
na seda, porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa.
Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila
nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay kinilala siyang isang bayani at dahil sa
kaniya ay nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at ganoon din ang maunlad na
kalakalan.
Halaw mula sa : Ease Modyul 14
Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga
kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging
dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay
tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang
kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang
pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang
kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba
ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang
pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya
tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay
hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic)
at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya
nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.
Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong
Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong
ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa
Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa
Silangan.
Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing
paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci
ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba
pang mga bagong diskubre na mga isla.
Halaw mula sa : Ease Module
Ang ruta sa paglalakbay ni Vasco de Gama
mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe.
Columbus Amerigo Vespucci
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal
bull na naghahati sa lupaing maaaring
tuklasin ng Portugal at Spain
Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na
baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang
paggagalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa
pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay
baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal
at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe.
Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating
ang Pilipinas
Ang mga Dutch
Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang
mga Portuguese bilang pangunahing bansang
kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa
Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon
kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim
na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay sapilitang
paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas.
Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North
America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa
mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New
York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland.
Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan
ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam.
Ito ngayon ay kilala bilang New York City.
Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America,
mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa
pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde
Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan
nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopoly ng mga Dutch
sa paminta at iba pang rekado.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina
Teofista L. Vivar et’al pp.244-245
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng
mga Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan
ang pagtuklas At paglalayag noong ika-15 at ika-16
na siglo. Nawala sa dating Kinalalagyan ang Italy sa
kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period.
Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay
-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France,
Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas
ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at
spices na nagmula sa Asia. Sa North America,kape,
ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses;
at sa Kanlurang Indies, indigo.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap
ng mg salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru
at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko.
Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan
nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang
salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga
mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-daan sa
pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamu-
muhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon
ng tubo o interes.
Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng
salapi.Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita
sa kanilang pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang
kanilangsalaping naipon. Hindi nila ito itinago. Bagkus,
ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang kanilang
salapi.
6. Paglalapat ng Aralin
7. Paglalahat ng Aralin
8. Pagtatataya ng Aralin
Para sa iyo mabuti o masama ba ang nagging epekto ng Unang yugto ng kolonisasyon at iperyalismo?
Patunayan mo ang iyong sagot.
GAWAIN 5: Talahanayan Ng Manlalayag
Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa
mga nanguna sa eksplorasyon.
Pamprosesong tanong
1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang
kanilang nakarating?
2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?
3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig?
4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?
5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?
GAWAIN 6: Pin The Flag
Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon?
Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop.
Panuto: Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa
pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito.
Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang narating at nasakop.
9. Karagdagang Gawain
Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang
kanilang pangalan sa talahanayan.
Pamprosesong tanong
1. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong bansa
ang kanilang nasakop?
2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin?
3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa?
4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin?
5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang
bansa? Bakit?
6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong gagawin?
GAWAIN 7: Mabuti O Masama ?
Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng
gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong
sagot.
EPEKTO NG UNANG
YUGTO NG
IMPERYALISMO AT
KOLONISASYON
NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN
1. Paglakas ng
ugnayan ng
Silangan at Kanluran.
2. Paglaganap ng
sibilisasyong
Kanluranin sa
Silangan.
3. Pagbabago ng
ecosystem ng daigdig
bunga ng
pagpapalitan ng
hayop, halaman at
sakit.
4. Paglinang ng mga
Kanluranin sa likas na
yaman ng mga
bansang
nasakop.
5. Interes sa mga
bagong
pamaraan at
teknolohiya
sa heograpiya at
paglalayag.
Pamprosesong tanong
1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano ang
masasamang epekto? ___________________________________________________________________
2. Sino ang higit na nakinabang sa Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o
ang mga sinakop na bansa? Bakit?__________________________________________________________
3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit?___________________
______________________________________________________________________________________
TALA/ REPLEKSYON
Prepared By: Monitored By: Checked By Inspected By:
JESSER T. PAIRAT ANNABELLE D. TABILE ASTRUD B. SURALTA NORMA B. DELIMA, PhD
SST – III Chairman – Araling Panlipunan MT1- Araling Panlipunan Secondary School Principal

More Related Content

What's hot

A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Mejicano Quinsay,Jr.
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Chuckry Maunes
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 7
Banghay aralin sa araling panlipunan 7Banghay aralin sa araling panlipunan 7
Banghay aralin sa araling panlipunan 7
Crystal Mae Salazar
 
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang PisikalHeograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
ronald vargas
 
Unang yugto ng kolonyalismo
Unang yugto ng kolonyalismoUnang yugto ng kolonyalismo
Unang yugto ng kolonyalismo
Jhoanna Surio
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Ap 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter examAp 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter exam
Marr Jude Ann Destura
 
Imperyalismo at kolonyalismo
Imperyalismo at kolonyalismoImperyalismo at kolonyalismo
Imperyalismo at kolonyalismo
Maria Ermira Manaog
 
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaUnang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Laarni Cudal
 
DLL-october-10-14-2022.docx
DLL-october-10-14-2022.docxDLL-october-10-14-2022.docx
DLL-october-10-14-2022.docx
JeffersonTorres69
 
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Glenn Rivera
 
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
MaryJoyTolentino8
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
Mary Grace Ambrocio
 
Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3
MaribelPalatan2
 
Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8
Crystal Mae Salazar
 
National monarchy
National monarchyNational monarchy
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang KanluraninPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Joy Ann Jusay
 
Ang Krusada
Ang KrusadaAng Krusada
Ang Krusada
Olhen Rence Duque
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)
Rhouna Vie Eviza
 
What's hot (20)

A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
 
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 7 - MELC Updated
Araling Panlipunan 7 - MELC Updated
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 7
Banghay aralin sa araling panlipunan 7Banghay aralin sa araling panlipunan 7
Banghay aralin sa araling panlipunan 7
 
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang PisikalHeograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
Heograpiya ng Daigdig, Heograpiyang Pisikal
 
Ang krusada
Ang krusadaAng krusada
Ang krusada
 
Unang yugto ng kolonyalismo
Unang yugto ng kolonyalismoUnang yugto ng kolonyalismo
Unang yugto ng kolonyalismo
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
 
Ap 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter examAp 7 3rd quarter exam
Ap 7 3rd quarter exam
 
Imperyalismo at kolonyalismo
Imperyalismo at kolonyalismoImperyalismo at kolonyalismo
Imperyalismo at kolonyalismo
 
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaUnang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
 
DLL-october-10-14-2022.docx
DLL-october-10-14-2022.docxDLL-october-10-14-2022.docx
DLL-october-10-14-2022.docx
 
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
 
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
 
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluraninunang yugto ng imperyalismong kanluranin
unang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3
 
Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8Banghay sa Araling Panlipunan 8
Banghay sa Araling Panlipunan 8
 
National monarchy
National monarchyNational monarchy
National monarchy
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang KanluraninPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
 
Ang Krusada
Ang KrusadaAng Krusada
Ang Krusada
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)
 
Similar to DLL Feb 20- 24, 2023.docx

Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
南 睿
 
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfAralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
VergilSYbaez
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
JuliusRomano3
 
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong PanahonTimog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
mariahmarc2429
 
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdfap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
Claire Natingor
 
Unang Yugto ng Imperyalismo
Unang Yugto ng ImperyalismoUnang Yugto ng Imperyalismo
Unang Yugto ng Imperyalismo
Genesis Ian Fernandez
 
Las encoded-week-8 3rd version
Las encoded-week-8 3rd versionLas encoded-week-8 3rd version
Las encoded-week-8 3rd version
jhoygangawan
 
AP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptxAP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptx
Lady Pilongo
 
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptxUnang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
davyjones55
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
MAANGELICAACORDA
 
Ap proj. 4th g chloe
Ap proj. 4th g chloeAp proj. 4th g chloe
Ap proj. 4th g chloe
Thelai Andres
 
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docxARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
ARALIN_2_UNANG_YUGTO_NG_IMPERYALISMONG_K.docx
IsraelMonge3
 
The Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptxThe Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptx
JosHua455569
 
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
Neliza Laurenio
 
Group2 faith
Group2 faithGroup2 faith
Group2 faith
Ronel Caagbay
 
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptxQ3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
AndreaJeanBurro
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Jackeline Abinales
 
Unang yugto mg imperyalismong kanluranin
Unang yugto mg imperyalismong kanluraninUnang yugto mg imperyalismong kanluranin
Unang yugto mg imperyalismong kanluranin
Jose Espina
 
WEEK 2 ppt.pptx
WEEK 2  ppt.pptxWEEK 2  ppt.pptx
WEEK 2 ppt.pptx
andrew699052
 
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa PilipinasAP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
Celeen del Rosario
 
Similar to DLL Feb 20- 24, 2023.docx (20)

More from JePaiAldous

DLL March 13-17^J 2023.docx
DLL March 13-17^J  2023.docxDLL March 13-17^J  2023.docx
DLL March 13-17^J 2023.docx
JePaiAldous
 
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptxPag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
JePaiAldous
 
GRADE 8 FACALTA.pptx
GRADE 8 FACALTA.pptxGRADE 8 FACALTA.pptx
GRADE 8 FACALTA.pptx
JePaiAldous
 
Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon.pptxPag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon.pptx
JePaiAldous
 
AP 8 WHLP (Week 5 & 6)- January 25-29, 2021 to February 1-5, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 5 & 6)- January 25-29, 2021 to February 1-5, 2021.docxAP 8 WHLP (Week 5 & 6)- January 25-29, 2021 to February 1-5, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 5 & 6)- January 25-29, 2021 to February 1-5, 2021.docx
JePaiAldous
 
AP 8 WHLP (Week 3 & 4) - January 14-16,18-19, 2021 to January 20-24, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 3 & 4) - January 14-16,18-19, 2021 to January 20-24, 2021.docxAP 8 WHLP (Week 3 & 4) - January 14-16,18-19, 2021 to January 20-24, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 3 & 4) - January 14-16,18-19, 2021 to January 20-24, 2021.docx
JePaiAldous
 
AP 8 WHLP (Week 1 & 2)- December 14-18, 2020 to January 4-9, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 1 & 2)- December 14-18, 2020 to January 4-9, 2021.docxAP 8 WHLP (Week 1 & 2)- December 14-18, 2020 to January 4-9, 2021.docx
AP 8 WHLP (Week 1 & 2)- December 14-18, 2020 to January 4-9, 2021.docx
JePaiAldous
 
Mga sinaunang kabihasnan melcs based week 6-7)
Mga sinaunang kabihasnan   melcs based week 6-7)Mga sinaunang kabihasnan   melcs based week 6-7)
Mga sinaunang kabihasnan melcs based week 6-7)
JePaiAldous
 
Sinaunang kabihasnan sa daigdig melcs based (week 5)
Sinaunang kabihasnan sa daigdig   melcs based (week 5)Sinaunang kabihasnan sa daigdig   melcs based (week 5)
Sinaunang kabihasnan sa daigdig melcs based (week 5)
JePaiAldous
 
More from JePaiAldous (9)

DLL Feb 20- 24, 2023.docx

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education Region X - Northern Mindanao CAGAYAN DE ORO NATIONAL HIGH SCHOOL 27-28 Sts., Nazareth, Cagayan de Oro City YUGTO NG PAGKATUTO February 20-25, 2023 I. LAYUNIN: *Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan. 8– TALISAY, ILANG-ILANG, KAMAGONG, FALCATA, NARRA, APITONG B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay… kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon. II. NILALAMAN: ARALIN 2: PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE  Ang aralin na ito ay nahahati sa tatlong talakayan: • Talakayan 1 – Unang Yugt ng Kolonyalismo • Talakayan 2 – Mga Motibo At Salik Sa Eksplorasyon • Talakayan 3 – Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Talakayan 4: Ang Mga Dutch III. KAGAMITANG PANTURO: Mga Larawan, Laptop, Projector 1. Sanggunian: Kasaysayan ng Daidig 2. TG at LM, Teksbuk: 3. LRMDC Portal 4. Iba pang Kagamitang Panturo: TG Pahina 169-177 / LM Pahina 297-332 Slides on mga sinaunang kabihasnan; LCD IV. PAMAMARAAN 1. Balik-aral Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe, Renaissace at Repormasyon, bibigyang-diin naman sa araling ito ang nagging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na... GAWAIN 1: Sasama Ka Ba! Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang iyong sagot sa tanong.
  • 2. 2. Paghahabi sa Layunin Panahon: 1430 Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang banda,may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. Pamprosesong tanong 1. Ano ang pabuyang possible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag? 2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag? 3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at lipunan ng Europe? GAWAIN 2: Suriin Mo! Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat ang naiisip mong naitutulong sa iyo ng bawat isa. Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan? 2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit? 3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan? 4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag.
  • 3. 3. Pagtatalakay sa Konsepto at Kasanayan #1 4. Pagtatalakay sa Konsepto at Kasanayan #2 5. Paglinang sa Kabihasnan GAWAIN 4: Maglayag Ka! Panuto: Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain ang teksto tungkol dito. UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolon - yalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan. Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapang-yarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagkatuklas at pagpa-paunlad sa mga instrumenting pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalak bay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalak-bay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco Polo (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinara- anan sa Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Musim. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong lalo na sa India Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay nagbibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktong magkaroon ng kalakalan sa Asya sa mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na Batay sa binasang teksto, anu-ano ang motibo at salik sa eksplorasyon ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________
  • 4. garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. Hindi lamang ang kita sa kalakalan ang naglunsad sa kanilang mga eksplorasyon kundi ang pagkokonberto rin ng mga katutubo sa relihiyong Katolisismo. Napag-alaman nila na ang relihiyong Islam ay patuloy na lumalaganap sa Asya kaya kailangan na ito’y hadlangan. Ang eksplorasyon ay bunga ng mga malikhaing kaisipan na naikintal ng Renaissance sa mga Europeo na lumabas sa kanilang mga lugar at tumuklas ng iba pang mga lugar. Ang mga eksplorasyon na ito ay nagbigay wakas din sa isolasyon ng Europe at naging preparasyon sa paghahangad ng ibang lupain para maging bahagi ng kanilang mga teritoryo. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-14 na siglo Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?________________________________ ________________________________________________________________________________ Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay kinilala siyang isang bayani at dahil sa kaniya ay nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
  • 5. pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Halaw mula sa : Ease Module Ang ruta sa paglalakbay ni Vasco de Gama mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe.
  • 6. Columbus Amerigo Vespucci Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe. Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating ang Pilipinas
  • 7. Ang mga Dutch Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York City. Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopoly ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245 Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas At paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating Kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay -dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia. Sa North America,kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo. Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mg salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamu- muhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi.Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilangsalaping naipon. Hindi nila ito itinago. Bagkus, ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang kanilang salapi.
  • 8. 6. Paglalapat ng Aralin 7. Paglalahat ng Aralin 8. Pagtatataya ng Aralin Para sa iyo mabuti o masama ba ang nagging epekto ng Unang yugto ng kolonisasyon at iperyalismo? Patunayan mo ang iyong sagot. GAWAIN 5: Talahanayan Ng Manlalayag Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon. Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang kanilang nakarating? 2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain? 3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit? GAWAIN 6: Pin The Flag Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon? Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop. Panuto: Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang narating at nasakop.
  • 9. 9. Karagdagang Gawain Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan. Pamprosesong tanong 1. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop? 2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin? 3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa? 4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin? 5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong gagawin? GAWAIN 7: Mabuti O Masama ? Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot. EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN 1. Paglakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. 3. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman at sakit. 4. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop.
  • 10. 5. Interes sa mga bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto? ___________________________________________________________________ 2. Sino ang higit na nakinabang sa Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit?__________________________________________________________ 3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit?___________________ ______________________________________________________________________________________ TALA/ REPLEKSYON Prepared By: Monitored By: Checked By Inspected By: JESSER T. PAIRAT ANNABELLE D. TABILE ASTRUD B. SURALTA NORMA B. DELIMA, PhD SST – III Chairman – Araling Panlipunan MT1- Araling Panlipunan Secondary School Principal