3. Magpakita ng larawan.
Ayusin ang mga larawan
sa tamang pagkasunod-
sunod at isalaysay gamit
ang mga signal words.
4.
5. Mga bata alam ba ninyo ang awiting
“Hello Madlang People Mabuhay!
Alam ba ninyo ang sayaw tungkol
dito?
Bigyang pagkakataon ang mga mag-
aaral na umawit at sumayaw ng Hello
Madlang People, Mabuhay !
6. Ano ang inyong nararamdaman
habang kayo ay umaawit at
sumasayaw ?
Saan po ninyo unang nakita o
napanood ?
7. Ang sayaw at awit na ginawa
natin ay may kaugnayan sa
ating bagong aralin.
8.
9. Ano ang tawag natin sa mga nasa
larawan ?
Ang tawag natin sa mga ito ay ibat-
ibang uri ng media.
Talakayin sa mga mga-aaral ang
ibat-ibang uri ng media at ang
kahalagahan nito.
10.
11. Kahalagahan ng Media
1. Nagbibigay ng impormasyon- ito
ang pinakamahalaga sa lahat ng
tao sapagkat dito natin makukuha
ang mga balitang nagsisilbing
gabay sa ating pang araw-araw na
pamumuhay.
12. 2. Nagbibigay-aliw- sa panonood ng
mga teleserye, variety shows, music
videos, isports sa telebisyon, pakikinig sa
radyo ng mga musika, paggamit ng
youtube para manood ng video,
pakikipag-usap sa kaibigan gamit ang
chat sa facebook ito'y nagbibigay
kasiyahan at libangan sa tao.
13. 3. Nanghihikayat- nagagamit ito para
hikayatin at makapamili ang mga
mamimili na bumili ng mga produkto na
makikita sa patalastas sa telebisyon,
radyo at maging sa internet.
14. Pangkatang Gawain:
Bigyan ang bawat pangkat ng mga
halimbawa ng kahalagahan ng media.
Ibigay ang kahalagahan ng media sa
bawat halimbawa.
15. Tiktok sa Klasrum:
Magpakita ng ibat-ibang uri ng tiktok
videos at hayaang matukoy ng mga
mag-aaral ang kahalagahan na
ipinapakita sa video.
16. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba
na maging mapanuri tayo sa ating
napapanood sa telebisyon, internet
gaya ng youtube, tiktok o kaya reels ?
Bakit dapat tayong maging mapanuri ?
17. Basahin ang bawat sitwasyon sa bawat
bilang.Ibigay ang kahalagahan ng
media na tinutukoy.Piliin sa kahon at
isulat ang titik ng tamang sagot.
18. _____1. Narinig ni Mang Juan sa radyo
na may parating na bagyo kaya
siya naghanda ng pagkain ng
kanyang mag-anak.
_____ 2. Nakaharap ang pamilya nina
Anna sa telebisyon at sila ay
nanonood ng Darna.
_____3. Napanood ni Kate sa tiktok na
maganda daw ang sabon na
pamputi kaya bumili siya nito.
19. _____4. Nanonood Si Joy at Boggs ng
nakakaaliw na video tungkol
sa batang magaling magluto.
_____5. Ibinalita sa TV na dumadami na
ulit ang kaso ng COVID-19.