1. Biyaya ng Basura
Sa isang makitid na daan sa isang lugar sa kamaynilaan
nakatira noon sina G. at Gng. Castro at ang kanilang pamilya.
Kahit barung-barong lamang ang tirahan nila, napananatili pa
rin ng mag-anak na ito ang kalinisan.
Paggising sa umaga, nagwawalis na agad sa paligid ng bahay
at kalsadasi Gng. Castro. Isang umaga, nakita niyang
nakasambulak ang mga plastik bag ng basura sa ilalim ng puno.
Sa kanyang paghihiluto, Napagbalingan niya ang paganay na
anak. Iniipon kasi nito ang mga lumang bote, plastik, dyaryo, at
iba pa na maaaring ipagbili.
Maliit lamang ang kanilang lugar kaya punumpuno ito ng
mga pinagbukod-bukod na basura. Gumawa ng paraan ang
kanyang anak at naipagbili ang naipong mga basura. Ang
perang pinagbilhan ang siya nilang ginamit upang masimulan
ang binabalak nilang negosyo kinausap ni Gng. Castro ang
kapitbahay nila na parentahan sa kanila ang pag-aari nitong
bakanteng lote upang gawing imbakan ng mga patapon o
itinatapon nang bagay. Pumayag ang may-ari kaya
nagtagumpay ang plano pagtayo ng munting negosyo sina G. at
Gng. Castro.
Nawalan na ang mga kalat sa kanilang barangay sapagkat
binibili na nila ang mga ito. Tiuruan din ni Gng. Castro ang mga
2. tao kung paano pagbubukod-bukurin ang mga basura ayon sa
uri. Maging ang paggawa ng organic fertilizer mula sa mga
basurang nabubulok o biodegradable ay natutuhan na rin ng
kanyang mga kapitbahay. Ito ang pinagmulan ng munting
negosyo pamilya Castro. Dahil sa sipag , at tiyaga, nabili na nila
ang bakanteng loteng inuupahan nila. Nakapagtayo na rin sila
ng magandang bahay at ang mga anak ay nakapag-aral ng
kolehiyo. Masayang nagtutulungan ang mag-anak na ito. May
pananalig sa Diyos, makakalikasan, at may pagmamahal sa
kapwa at sa bayan ang bawat kasapi ng pamilya. Kung
titingnan, hindi kapani-paniwala na ang pamilya na ito ay sa
makitid na kalyeat barung-barong lamang dating nakatira.
Ngayon, may kotse na rin sila at mga truck na panghakot ng
basura sa kanilang lugar. Marami rin silang natutulungan nang
tao. Nabigyan nila ng marangal na hanapbuhay ang mga
kapitbahay nilang maralita.
Hindi ikanahihiya ng mag-anak na Castro ang kanilang
pinnagmulan. Nagsilbi silang modelo sa kanilang pamayanan.
Hindi parin babago ang kanilang ugali bagamat naging tanyag
sila lalo na nang mapabalita sa mga pahayagan, sa radyo, at sa
telibisyon ang kanilang nagging magandang kapalaran mula sa
patapong bagay na kung tawagin BASURA (BAgay Sa iyo ay di
na Uubra, suRiin mo, Ayos pa rin.