13. Isang mahalagang yaman ng bansa ang kagubatan. Dito
makikita ang iba't ibang uri ng matitibay na
punongkahoy. Sa pagitan ng mga punongkahoy ay
tumutubo ang iba't ibang uri ng halaman gaya ng pako,
orkidyas at iba pa. Sa kagubatan din naninirahan ang
mga ligaw na hayop tulad ng tamaraw, baboy damo,
usa at mga ibon.
Ang ating kagubatan ay mayaman din sa kawayan,
pawid, ratan at yantok. Ito ay mga katutubong
kagamitan sa pagtayo ng bahay kubo. Sa ngayon
ginagamit ang rattan at yantok sa paggawa ng
muwebles at palamuti. Ang mga kasangkapang mula sa
hilaw na sangkap ay tinatangkilik ng marami nating
kababayan at ganoon din sa ating bansa.
14. Maraming uri ng mga puno ang matatagpuan sa ating
kagubatan tulad ng apitong, bakawan, lawan, at yakal.
Maidadagdag ang mga sumusunod:
Narra – matitibay na kahoy para gawing muwebles.
Dipterocarp hardwood – Philippine Mahogany
pinagkukunan ng herbal na gamot.
Bamboo – isang madamong kahoy. Ginagawang basket,
bahay, tulay at muwebles.
Mangroves - bakod sa mga mababang bahagi ng
katubigan, ginagawang tabla.
Nipa Palms – paggawa ng bahay sa lalawigan.
15. MGA KAHALAGAHAN NG YAMANG GUBAT
¤ Maraming produkto ang nanggagaling sa mga puno
sa ating kagubatan tulad ng goma, papel, troso, tissue
paper, tabla, kahoy para gawing muwebles, mga herbal
na gamot, produktong handicraft, at marami pang iba.
Nagsisilbing tirahan ng mga maiilap at mababangis na
hayop, mga endagered species tulad ng Philippine Eagle
o Monkey Eating Eagle, papan, lagaran, kagit
(blue-naped parrot), sabukot.
¤ Nagbibigay proteksyon sa mga watershed na
pinanggagalingan ng malinis na tubig na kailangan ng
tao.
¤ Nagbibigay hanapbuhay sa mga tao sa pamamagitan
ng pagluluwas ng mga produkto galing dito.
16. ¤ Nagbibigay din ito ng balanseng ekolohikal sa
kapaligiran kaya kinakailangang pagtuunan ito ng
pansin at bigyan ng kasagutan ang mga suliraning
kinakaharap nito.
17. KONDISYON NG MGA KAGUBATAN
Ang mabilis na pgkasira at pagkaubos ng ating
kagubatan ay isang malaking suliranin. Bunga ito ng
pang-aabuso ng tao.
Ang dahilan nito ay ang mga taong
mapagsamantala at gustong yumaman sa maling paraan
na ang magiging dahilan ay pagkasira ng ating likas
yaman.dahil sa kagustuhan nilang yumaman wala na
silang pakialam kung makakabuti ba ito sa
kalikasan.basta lang na magkaroon sila ng kita at
maraming pera wala na silang pakialam.
Dahil sa pagkaputol ng mga puno sa kagubatan,
bagyo man o tao ang dahilan wala na ang mga ugat ng
puno na pumipigil sa lupa. Kung kaya't gumuguho ito na
nagiging sanhi ng kapahamakan sa mga madadaan
nitong mga bahay o taong matatabunan ng mga
gumuhong lupa galing sa kagubatan.
18. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKASIRA
NG LIKAS NA YAMAN
Ang Asya ay kontinenteng pinagkalooban ng
napakaraming Likas na Yaman.
Ngunit hindi natin ito pinangangalagaan. Dumadami
ang mga Suliranin.
Kumakaunti ang napagkukuhanan natin dahil
sa walang habas na pagsira dito.
Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon,
Pagmimina, Pagtotroso, at Deforestation.
19. PAGKASIRA NG KAGUBATAN
Karamihan sa atin ay papayag na ang unang-unang dahilan
ng pagkasira ng kagubatan ay ang:
1. logging (legal man ito o illegal) - Ang pagpuputol ng puno
para gawing uling pangbenta man o para pansariling
gamit, pag-uukit at Ginagamit din ito sa paggawa ng mga
antique cabinet, dining tables at iba pa.
2. Ang paglawak ng agrikultura.
3. Bagyo - Ang sampu o mahigit pa na bagyong dumadaan sa
Pilipinas ay nakakasira din ng kagubatan, dahil sa lakas nito
ay napuputol din ang mga puno.
4. At mabihis na pagdami ng populasyon at kahirapan.
20. IMPLIKASYON NG PAGKALBO NG
KAGUBATAN
Ang pagkakalbo nito ay maaaring magdulot ng
panganib sa buhay ng mga tao. Unti-unti na nating
nararamdaman ang epekto ng pagkaubos ng mga puno
sa kagubatan sa ating bansa. Isa na dito ang flashflood
tuwing tag-ulan, ang pagkamatay ng mga maiilap na mga
hayop at endangered species, pagbaba ng tubig sa mga
dam at ang pag-init ng kapaligiran ay ilan din sa mga
epekto ng pagkakalbo ng kagubatan. Kakulangan sa
pagkain, tubig at iba pang pangangailangan ng tao,
Pagbagsak ng ekonomiya, Panganib sa kalusugan ng tao.
Dumarami ang mahihirap na tao. Land, water, at air
pollution. Stress at pagkabingi dahil sa Noise pollution.
Lumalala ang traffic. Acid rain at Ozone depletion.
21. Global Climate Change o Global Warming ay
dahilan ng maraming namamatay resulta ng baha,
erosion, land slide, at iba pa.
Ito ang pag-init ng ating kapaligiran. Nangyayari
ito kapag ang Greenhouse gases ay nagbubunga ng
mga carbon dioxide sa atmosphere sa matagal na
panahon. Nagiging sanhi na pagtaas ng temperatura na
nagbibigay daan sa natural catastrophes. Ito ay isang
seryosong suliranin sa buong mundo na nakaaapekto
sa buhay ng mga tao, hayop, at halaman.
22. Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan sa Pagsagip
sa Ating Kagubatan
Ang pamahalaan at mga NGOs ( non-government
organizations ) ay nagsasawa ng mga programa upang
mapangalagaan at maproteksiyonan ang ating
kagubatan.
One Manila at Green Peace Environment kapwa
isinusulong ang reforestation. Ang reforestation ay ang
pagtatanim muli ng mga puno sa kagubatan at
isinasagawa upang mapalitan ang mga nawalang
puno.
Mahalaga rin na magkaroon ng political will ang
pamahalaan upang ipatupad ang total log ban. Ito ang
pagbabawal na magtroso lalo na tuwing off season.
23. Mga Batas Ukol sa Pangangalaga ng Kalikasan
Ang Pilipinas ay isang bansang kilala dahil sa samu’t-
saring mga halaman at hayop na likas na naninirahan dito.
Halimbawa, ang Pandaka Pygmea na siyang pinakamaliit na
isda sa buong mundo ay matatagpuan sa mga katubigan ng
Pilipinas. Marami ding mga hayop na nakalista na may
kakaunti na lamang na bilang at nasa panganib na tuluyang
mawala ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ilan dito ay ang
dugong (sea cow), tarsier, ang Monkey-Eating Eagle,
kagwang (flying lemur), at pawikan. Kilala rin ang mga
katubigan sa Pilipinas bilang tahanan ng napakaraming uri
ng mga yamang-dagat. Dahil dito ay napakahalagang
magkaroon ng maraming mga batas na naglalayong
panatilihin ang proteksyunan ang mga likas na yaman ng
kalikasan sa Pilipinas. Ito ang ilan lamang sa mga batas na
ito:
24. PD 705 o “Revised Forestry Code”
Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan
at kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang
epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa
bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga
pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng
pangangalaga ang dapag ilaan para dito. Ang isa pang
mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa
dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin
ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga
kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy bilang
tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang Bureau of
Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong
Mayo 1975.
25. Batas Ukol sa Selective Logging
Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas
ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung
anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang
dapat iwanan. Ayon sa batas na ito, ang mga punong
maaaring putulin ay yaong mga punong mayroong
dyametrong 60 cm (sa bahagi ng puno na kasingtaas ng
dibdib ng tao). Sa paraang ito, hindi tuluyang
makakalbo ang lupain, na siyang tutulong sa pananatili
ng magandang kondisyon ng lupa at para makaiwas sa
pagguho ng lupain. Ang PD 705 ay inaprubahan noong
Mayo 1975.
26. Mga Institusyon at programa sa Industriya ng
Panggugubat
Department of Environment and Natural
Resources (DENR)
•Pangunahing ahensiya na namamahala,
nangangalaga sa pag-unald at maayos na
pag-gamit ng kagubatan.
•Pangunahing layunin nito ang mga
programang nangangalaga sa mga
kagubatan.
27. Pangangalaga sa kagubatan at
Pagpapatupad ng batas
•Isinasagawa ng pamahalaan ang isang
komprehensibong programa sa
pangangalaga ng kagubatan.
•Nauukol ito laban sa kaingin, ilegal na
pagtotroso, sunog at peste sa
punongkahoy, rehabilitasyon ng mga
watershed at pamamahala sa mga
naninirahan sa kagubatan.
28. •Mining Act of 1995 (RA 7942)
Lahat ng yamang mineral
na matatagpuan sa pribado
at pampublikong lupain ng
teritoryo at eksklusibong
pang-ekonomiyang sona ng
Pilipinas ay pagmamayari
ng Estado.
45. JOHN PIOLO
PADOHINOG
JOHN ISIAH
GRANDE
CLARENCE JORGE
ABELLA
CHESTER NAGRIT
RICHARD PADECIO
LOUELL EMBER
ERISPE
JOSHUA TAMONDEZ
ERIC JUDE
BORNALES
JOSUA DAVE
ACABADO
ROSENIE
PADOHINOG
ERLAINE MAE
ENDRICA
LAWRENCE
ARRIEGA
EUNICE SERANDON
KIMBERLY ZONIO
LYKA REIJNE
HUELAR
VAN LYNLIE
RUPIÑAN
SARAH JOY ALORES
ARALIN PANLIPUNAN
JULY 29, 2015
GRADE 10 – ST. JOHN
MRS. AIMEE P. VERGARA