Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...RJBalladares
deolohiya-tumutukoy sa organisadong sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na batayan sa pagbibigay solusyon sa suliranin ng lipunan.
a. Ideolohiyang Pang-ekonomiya-nakatuon lamang sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati-hati ng kayamanan nito sa nasasakupan.
b. Ideolohiyang Pang-politika-nakatuon sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang bansaGroup 1. Demokrasya-Ang demokrasya sa literal na kahulugan ay ang pamamahala ng mga tao. Ito ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin kabilang na rito ang pagboto sa mamumuno ng kanilang lugar.
Group 2. Monarkiya-ito ay pamumuno ng hari, reyna, emperador o czar. Natutukoy ito bilang tuwiran o di-tuwiran.
Group 3. Sosyalismo-Tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunang organisasyon na nagtataguyod sa estado. Ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igalitaryang pamamaraan ng pasahod.
Group 4. Komunismo. Isang ideolohiya na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nanggaling sa iba’t ibang tao at kultura.
Group 5. Pasismo. Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi o kasama ng koalisyon, sukdulang makakanang politika.
women empowerment
mga samahang pangkababaihan ang mgha naging resulta nito
mga kalagayan ng mga kakabihan noon
at mga karapatang nakamit nila dahil sa mga samahang pangkababaihang ginawa
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...RJBalladares
deolohiya-tumutukoy sa organisadong sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na batayan sa pagbibigay solusyon sa suliranin ng lipunan.
a. Ideolohiyang Pang-ekonomiya-nakatuon lamang sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati-hati ng kayamanan nito sa nasasakupan.
b. Ideolohiyang Pang-politika-nakatuon sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang bansaGroup 1. Demokrasya-Ang demokrasya sa literal na kahulugan ay ang pamamahala ng mga tao. Ito ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin kabilang na rito ang pagboto sa mamumuno ng kanilang lugar.
Group 2. Monarkiya-ito ay pamumuno ng hari, reyna, emperador o czar. Natutukoy ito bilang tuwiran o di-tuwiran.
Group 3. Sosyalismo-Tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunang organisasyon na nagtataguyod sa estado. Ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igalitaryang pamamaraan ng pasahod.
Group 4. Komunismo. Isang ideolohiya na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nanggaling sa iba’t ibang tao at kultura.
Group 5. Pasismo. Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi o kasama ng koalisyon, sukdulang makakanang politika.
women empowerment
mga samahang pangkababaihan ang mgha naging resulta nito
mga kalagayan ng mga kakabihan noon
at mga karapatang nakamit nila dahil sa mga samahang pangkababaihang ginawa
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng demokrasya at komunismo.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas.
Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa pamiya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prin
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AP7 Q4 LAS NO. 5 Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
1. AP7 Q4 LAS NO. 5 Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
PANUTO: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot atisulat sa kuwaderno.
1. Siya ay tinaguriang “Ama” ng Republikang Tsino.”
A. Sun Yat-Sen B. Mao Ze Dong C. Chiang Kai-Shek D. Kublai Khan
2. Ito ay isang uri ng rebelyon kung saan layunin nitong mapabagsak ang dinastiyang Qing;
A. Rebelyong Tamblot C. Rebelyong Boxer B. Rebelyong Taiping D. Rebelyong Sepoy
3. Siya ay kilala sa pagyakap ng impluwensiyang kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan.
A. Emperador Gupta C. Emperador Sukarno B. Emperador Akehito D. Emperador Mutsuhito
4. Alin sa mga Nasyonalistang ito ang namuno sa serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930 hanggang
1932? A. Sayan San B. U Nu C. Aung San D. Sukarno
5. Sino ang namuno sa Rebelyong Taiping? A. Hung Hsiu B. Tzu Hsi C. Henry Puyi D. Henry Sy
6. Bakit bigo ang rebelyon ng mga Tsino laban sa mga dayuhan?
A. Walang pagkakaisa ang mga Tsino sa pakikipaglaban sa mga dayuhang Imperyalista.
B. Kulang sa mga armas ang mga Tsino para labanan ang mga mananakop.
C. Pinagtulongan sila ng mga dayuhang Imperyalista para magapi ang mga Tsinong nag-aklas.
D. Walang kakayahan ang mga Tsino sa pakikipaglaban.
7. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at TimogSilangang Asya sa pag-aangat ng mga
malawakang kilusang Nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil.
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil ditto nakamit ang kalayaan.
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan.
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira.
8. Sino ang nagtatag ng Anti-Facist People’s Freedom League?
A. Sayan San B. U Nu C. Aung San D. Sukarno
9. Bakit magkatungggali ang dalawang Vietnam?
A. Magkakaiba ang kanilang mga ideolohiya. B. Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa demokrasya.
C. Si Ho Chi Minh ay kaalyado ng mga British. D. Nais nilang makalaya sa mga Kanluranin.
10. Kailan naging isang bansa ang Vietnam?
A. 1965 B. 1975 C. 1985 D. 1995
Panuto: Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating kaalaman at pag-unawa. Iayos ang mga pinaghalong letra
upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. Isulat sa kwaderno ang sagot.
1. Ay tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang
iba pang pangangailangan ng mangongolonya.
2. Ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan
ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang
naghahangad upang palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop.
3. Tumutukoy ito sa masidhing pagmamahal sa bayan.
4. Pangkalahatang tawag sa mamamayan ng Europe na
nanakop ng lupain sa Asya noong ika-16 hanggang ika-19
na siglo.
A K L O M O I S N Y L O
L I S M O Y A R P E M I
Y O N A I S M O L N A S
L U K A N R A N N I
2. Panuto: Basahin at unawain ang awiting nasa ibaba. “Bayan Ko”. Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa kahon
ng mga angkop na salita para makompleto ang awitin. Isulat sa kwaderno ang sagot.
BAYAN KO
Ibon mang may layang 1.______
Kulungin mo at umiiyak
2.______ pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas
3.______ kong minumutya
Pugad ng luha at 4. ______
Aking adhika
Makita kang sakdal 5.______.
Gabay na tanong: Para sa iyo, bakit mahalaga ang kalayaan? Ano ang gagawin mo kung may mga dayuhang nais
sumakop sa ating bansa? Paano ipinakita ng mga kapwa natin Asyano ang damdaming nasyonalismo? Ngayon ay
sisimulan mong alamin kung paano umunlad ang damdaming nasyonalismo ng mamamayan sa Silangan at Timog-
Silangang Asya
Basahin at Unawain mong mabuti!!!
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya
A. Ang Pag-unlad ng Nasyonalismong Tsino
Nais ng mga Tsino na makawala mula sa Imperyalismong kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa
kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito ay nagbigaydaan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa bansa.
Rebelyong Taiping
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong Taiping laban sa dinastiyang Qing na pinamumunuan ng
mga dayuhang Manchu. Layunin ng Rebelyong ito na mapabagsak ang dinastiyang Qing upang mahinto na ang
pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa. Nahinto ang Rebelyong Taiping nang ito ay magapi ng dinastiyang Qing
sa tulong ng mga British at French. Itinuturing na isa sa mga madugong rebelyon sa kasaysayan ng China ang rebelyong
ito kung saan mahigit sa 20 milyong Tsino ang namatay.
Rebelyong Boxer
Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899. Tinawag itong rebelyong boxer dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng
samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonious Fists. Ang mga miyembro nito ay may kasanayan sa gymnastic
exercise. Bukod sa pagtuligsa sa korupsiyon sa pamahalaan, ang pangunahing layunin ng rebelyong boxer ay ang
patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa, kabilang dito ang mga kanluranin.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat-Sen. Isinulong niya ang
pagkakaisa ng mga Tsino . Binigyang diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
Imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa
pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911.
Dahil sa kaniyang tagumpay pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911.
Tinagurian siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”. Itinatag ni Sun YatSen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party
noong 1912. Humalili si Heneral Chiang Kai-Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang namatay si Sun Yat-Sen
noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga
warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas).
Laya Dalita Pilipinas Bayan Lumipad
3. Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa
pamumuno ni Mao Tse-Tung. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng
uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois.Upang ganap na maisulong ang kanilang
ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921.
B. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga kanluranin sa bisa ng Kasunduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si
Emperador Mutsuhito. Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang naglipat ng kabisera ng
Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Nakilala si Mutsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga
kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
EDUKASYON Napatupad ng compulsory (sapilitang) edukasyon sa elementarya.
Nag-imbita ng mga mahuhusay na guro mula sa ibang bansa
EKONOMIYA Nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan ang paraan ng pagnenegosyo.
Napagawa ng mga kalsada, tulay, at linya ng kuryente.
SANDATAHANG LAKAS Pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng pagpapagawa ng makabagong barko at
kagamitang pandigma.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
A. Nasyonalismo sa Indonesia
Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga
mananakop na Dutch. Pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Nagpatuloy ang pakikibaka
ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-20 siglo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga
makabayang samahan.
Mga Makabayang Samahan sa Indonesia
4. B. Nasyonalismo sa Burma
Si Saya-San ay isang monghe at Physician na naghangad ng mas maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga
kababayan. Pinamunuan ni Saya-San ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930 hangggang 1932.
Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya-San.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Japan ang Burma. Itinatag ni Aung San ang Anti-Facist
People’s Freedom League. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang mga Hapones. Itinalaga si Aung San bilang
punong ministro ng Burma noong 1947 subalit siya ay binawian ng buhay noong Hulyo 19, 1947, bago idinaklara ang
kasarinlan ng Burma. Ang kaniyang kasamahan na si U Nu ang pumalit sa kaniya bilang pinunong ministro.
C. Nasyonalismo sa Indochina
Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin.
Nagkaroon ng malaking epekto sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagkakasangkot ng
France na siyang nakasakop sa bansa. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nakipaglaban si Ho Chi Minh sa
Hilagang Vietnam laban sa mga Tsino at British. Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilagang Vietnam na
pinamunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao Dai. Naging magkatunggali ang dalawang
Vietnam dahil sa pagkakaiba ng ideolohiya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam War na nagsimula
noong 1945. Nagwagi ang Hilagang Vietnam at naging isang bansa na lamang ito noong 1975.
D. Nasyonalismo sa Pilipinas
Ang pag-unlad ng damdaming nasyonalismo sa Pilipinas ay bunsod ng damdaming makabayan at ideyang nasyonalismo
na pinasimulan ng Kilusang Propaganda mula 1872 hangggang 1892. Ang Rebolusyon sa Pilipinas noong 1896 ang
pinagkunan ng lakas ng unang Rebolusyong Nasyonalista sa Asya. Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang Kilusang Propaganda na
nasundan ng La Liga Filipina.Ito ang nagpasimulang gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ang pagsiklab
ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio na siya ring nagtatag ng
Katipunan ay isang pagpapakita na malakas ang puwersang nabuo ng damdaming Pilipino.
Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng kasarinlan, hanggang sa pagtibayin ng mga
Amerikano ang batas Tydings- McDuffie noong 1934. Ang batas na ito ay nagkaloob ng Pamahalaang Komonwelt sa loob
ng sampung taon hanggang sa iproklama ng mga Amerikano ang kasarinlan ng bansa noong Hulyo 4, 1946.
5. Gawain A: Pagkilala sa mga Tauhan
Activity 1. Ilarawan ang papel na ginampanan ng sumusunod na mga Tauhan sa pagusbong ng nasyonalismo sa Tsina.
Isulat ang sagot sa kwaderno
Gawain B: Kasanayan sa Pakikipagkomunikasyon
Panuto: Paano nakatulong ang sumusunod na mga lider sa pag-usbong ng nasyonalismo sa kani-kanilang bansa?
Punan ng sagot ang journal entry. Gawin ito sa inyong kwaderno.
Jose Rizal
Andres Bonifacio
Sukarno
Aung San
Ho Chi Minh
Sumulat ng repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang
panahon.
Ang natutunan ko __________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
Napagtanto ko _____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
Ilalagay ko na_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
6. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno
1. Alin sa mga nasyonalistang ito ang nagsasabi na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
Imperyalistang bansa? A. Ho Chi Minh C. Sun Yat-Sen B. Chiang Kai-Shek D. Saya-San
2. Siya ay kilala sa pagyakap ng impluwensiyang kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan.
A. Emperador Gupta C. Emperador Sukarno B. Emperador Akehito D. Emperador Mutsuhito
3. Siya ay tinaguriang “Ama” ng Republikang Tsino.”
A. Sun Yat-Sen C. Chiang Kai-Shek B. Mao Ze Dong D. Kublai Khan
4. Sino ang nagtatag ng Anti-Facist People’s Freedom League?
A. Sayan San C. Aung San B. U Nu D. Sukarno
5. Ito ay isang samahan na itinatag upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones.
A. Budi Utomo C. Indonesian Nationalist Party B. Sarekat Islam D. Indonesian Communist Party
6. Alin sa mga Nasyonalistang ito ang namuno sa pagsiklab ng Unang Sigaw sa PugadLawin noong Agosto 1896?
A. Dr. Jose Rizal C. Andres Bonifacio B. Greorio Del Pilar D. Diego Silang
7. Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825 at ito ay pinamunuan Ni;
A. Diponegoro B. Sukarno C. Omar Said D. U Nu
8. Si Ho Chi Minh ay pinuno ng anong bahagi ng Vietnam?
A. Timog Vietnam C. Kanlurang Vietnam B. Hilagang Vietnam D. Silangang Vietnam
9. Nang namatay si Aung San noong Hulyo 19, 1947, sino sa mga sumusunod ang pumalit sa kaniya bilang punong
ministro ng Burma?
A. Saya-San B. U Nu C. Bao Dai D. Henry Puyi
10. Ito ay isang uri ng rebelyon kung saan layunin nitong mapabagsak ang Dinastiyag Qing.
A. Rebelyong Tamblot C. Rebelyong Boxer B. Rebelyong Taiping D. Rebelyong Sepoy