ANG TALATA
Ang Talata ay binubuo ng mga pangungusap na nauugnay sa isang paksa na
isinasaayos sa isang paraang lihikal. Ito'y nangangahulugan na ang maayos na talata ay
nagtataglay ng mga pansuportang pangungusap na tumutulong sa paglinang ng paksang
pangungusap. Ang katangiang ito ng talata ay tinatawag na kaisahan o unity. Tunghayan ang
sumusunod na talata.
Mahalaga ang kalusugan ng isang tao. Maituturing na ang kalusugan ay isang kayamanan.
Kung ang isang tao ay laging malusog at may malakas na pangangatawan ,
makapamamasukan siya at kikita ng salapi. Sa mga Pilipino, karamihan ay palakain kahit
na hindi oras ng pagkain. Patuloy siyang makapaghahanapbuhay. Bagamat kailangang
malinis lagi ang tahanan upang mapanatili ang kalusugan ng tao, kailangan din sa tao ang
u,iwas sa mga kaaway ng kalusugan, gaya ng pagpupuyat, pag-iinom ng alak at
paninigarilyo.
Makikita sa talatang ito na ang pangungusap na kinurusan ay nakasira sa diwa ng talata
sapagkat ito ay walang kaugnayan sa paksa ng talata. Sa madaling salita, ang pangungusap na ito
ay sumira sa kaisahan sa talata kaya't ito ay dapat na alisin.
Ang mga pangungusap na bumubuo sa isang talata ay kinakailangan ding paghabi-habiin
nang maayos upang magkaroon ito ng pagkakaugnay-ugnay o coherence. Napapanatili ang
coherence sa talata sa pamamagitan ng paggamit ng mga cohesive devices tulad ng mga salita o
pariralang transisyunal, mga panghalip na tumutukoy sa mga pangalan, paguulit ng mga
pangunahing salita, parirala, o pangungusap. Ang mga cohesive devices na ito ay ginagamit ng
mga manunulat upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga kaisipan mula
sa isang pangungusap patungo sa susunod na pangungusap. Tinutulan nila ang mga mambabasa
na makita ang pagkakaugnay ng mga ideya sa loob ng talata.
Ang mga salita o pariralang trasisyonal ay cohesive devices na nagkokonekta ng mga
ideya o detalye sa loob ng talata. Pinag-uugnay ng mga ito ang mga pangungusap na bumubuo sa
talata. Ipinapakita nila ang tamang uri ng pagkakaugnayan ng mga ideya. Narito ang karaniwang
ginagamit na mga salita o pariralang transisyunal.
Kaayusang Kronolohikal
Una sa dakong huli sa wakas
Pangalawa pagkatapos sa katapusan
Pangatlo susunod habang
noon
Kaayusang spatial
Sa tabi sa harap
Sa likod sa bandang kanan sa kabila
Sa itaas sa timog sa banda roon
Sa ibalon sa silangan sa gitna
Sa pagitan sa ibayo sa bandang kaliwa
Pagdaragdag
At bukoddito/ diyan pati
Gayon din bukod tangi sa roon muli
Bialng karagdagan atsaka
Kontrast
Gayunpaman sa kabilang dako di tulad ng
gayunman ngunit kasalungat ng
Pagtutulad
Gaya ng katulad ng gayun din naman
Tula ng gayon din
Resulta o bunga
Sa waksa dahil dito dahil doon
Bilang resulta sa gayong dahilan samakatuwid
Kaya(nga) sa gayon anupa't
Halimbawa
halimbawa alalaong baga bilang halimbawa
Tulad ng ipaghalimbawa
Paglalagom
Bilang paglalagom sa madaling sabi
Bilang kabuuan bilang pangwawakas
Tunghayan ang pagkakagamit ng mga salitang transisyunal sa talatang sumusunod:
Ako'y hindi mayaman. Hindi ako tanyag.Ngunit sa ngayon ay ipinalalagay ko na ako'y
isang tagumpay. Itinuturing kong ang aking sarili ay isangtagumpay sapagkat kumikita ako ng
ikabubuhay at iakatutustos sa aking kaanak sa pamamgitan ng sarili kong pagsisikap at isang
paraang marangal at malinis. Napapag-aral ko ang aking anak. Kami'y kumakain ng katamtaman.
At nakadadalo rin kami sa mga kasayahan. Oo, sa kabila ng kawalan naming mag-anak ng isang
magarang tahanan at ng sariling sasakyan, ay itinuturing kong ako'y isang tagumpay sapagkat
ako'y tahimik sa sariling pamamahay. Wala akong kaaway.Ngunitmarami akong kaibigan.Kaya
para sa akin ako'y isang tagumpay
Mula sa "Ang Sukatan ng Tagumpay"
Ni Gemiliano Pineda
Nag mga panghalipay cohesive device at ginagamit bilang panghalili sa mga pangalan sa
mga naunang pangungusap. Ginagamit ang mga ito upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit
ng mga pangalan sa loob ng talata.
Karaniwang ginagamit bilang panghalili sa panggalan ang mga panghalip panao (hal.
Ako, ikaw, kayo , sya , ito, kami, sila. Kanya, kanila), panghalip pamatlig(hal. Ito ,iyon, iyan ,
doon, diyan , nito). Narito naman ang mga talatang ginagamit ng mga panghalip bilang cohesive
devices.
"Ang pag-aasawa ay di tulad ng kaning isusubo na mailuluwa kung napaso." Iyan ang
laging paala;a ng matanda sa mga kabataang nagnanais nlumagay sa tahimik, nag-aakalang ang
pag-aasawa ay gayun gayon lamang. Ang mga kabatan lalo na yaong nasa unang yugto ng
pagka-may-sapat na gulang, ay madaling mahalina sa matuling agos ng pagbabago kaya
nakakalimutan na nila ang ga dapat isaalalang-alang bago sila makipag-isang dibdib.
Mula sa "Ang Paglagay sa Tahimik"
Sa Hiyas ng Wika 4 BInagong
Edisyon nina Gloria P.Reyes, SOfia P.Pantas , at
Jesusita L. Opano
Ang mga pangunahing salita omga salitang batay sa parralng salitang-ugat ay
maaring ulitin sa loob ng talata upang maipakita ang pagkakaugnayan ng mga ideya.
Tunghayan ang mga halimbawang sumusunod:
…. Sa kabila ng pagharap natin sa krisi ng buhay, sa kawalan natin ng mapapasukang
hanaobuhay , dapat parin tayong maging matatag, huwag tayong padadala sa alok ng bansang
banyaga na tayong sasakupin kapalit ay tulong. Sa pagharap sa atin, pati ang wikang yaman ng
bansa ay mapapalitan ng wikang banyaga. Dapat nating ipagtanggol ang sariling atin, ang ating
prinsipyo, ang ating paninindigan at ang ating Sariling Wika. Sapagkat ito na lamang ang ating
kayamanan. Ang Wika ko ay yamanmo . Ang Wika mo ay yaman ko at ang wika ng
Sambayanang pilipino ay yaman ng Pilipinas.
Mula sa " Wika ko.. Yaman Mo"
Sa: Perlas Eika at Panitikan
Nina: Corazon G. Magbaleta at
Lamberto M. Gabriel
Ginagamit din ang paralelismo o pag-aagapay ng mga salita, parirala o pangungusap
upang mapanatili ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa loob ng talata. Ito'y
nangangahulugan na ang mga magkakatulad na ideya ay maaaring maipahayag sa mga
istrukturang magkakatulad, narito naman ang halimbawa.
Ako an sibol ng Bagong Republikang nagkakaloob ng pantay-pantay na karapatan sa sino
mang Pilipino. Isang Pilipino na dati-rati'y nag-aalinlangang magsalita para sa kanyang
karapatan at kaunlaran. Ako ay nakapagsasalita nang walang agam-agam. Ako ang saligan ng
mga panukala na makapagpapataas sa pambayan, Nakikilahok na ako sa mga gawaing pambayan,
naglalahad ng mga kuru-kurong tungo sa aking pangangailangan.
Mula sa "Ako ang Bagong Pilipino"
Nina J. Garcia at L. Ocampo

angtalata

  • 1.
    ANG TALATA Ang Talataay binubuo ng mga pangungusap na nauugnay sa isang paksa na isinasaayos sa isang paraang lihikal. Ito'y nangangahulugan na ang maayos na talata ay nagtataglay ng mga pansuportang pangungusap na tumutulong sa paglinang ng paksang pangungusap. Ang katangiang ito ng talata ay tinatawag na kaisahan o unity. Tunghayan ang sumusunod na talata. Mahalaga ang kalusugan ng isang tao. Maituturing na ang kalusugan ay isang kayamanan. Kung ang isang tao ay laging malusog at may malakas na pangangatawan , makapamamasukan siya at kikita ng salapi. Sa mga Pilipino, karamihan ay palakain kahit na hindi oras ng pagkain. Patuloy siyang makapaghahanapbuhay. Bagamat kailangang malinis lagi ang tahanan upang mapanatili ang kalusugan ng tao, kailangan din sa tao ang u,iwas sa mga kaaway ng kalusugan, gaya ng pagpupuyat, pag-iinom ng alak at paninigarilyo. Makikita sa talatang ito na ang pangungusap na kinurusan ay nakasira sa diwa ng talata sapagkat ito ay walang kaugnayan sa paksa ng talata. Sa madaling salita, ang pangungusap na ito ay sumira sa kaisahan sa talata kaya't ito ay dapat na alisin. Ang mga pangungusap na bumubuo sa isang talata ay kinakailangan ding paghabi-habiin nang maayos upang magkaroon ito ng pagkakaugnay-ugnay o coherence. Napapanatili ang coherence sa talata sa pamamagitan ng paggamit ng mga cohesive devices tulad ng mga salita o pariralang transisyunal, mga panghalip na tumutukoy sa mga pangalan, paguulit ng mga pangunahing salita, parirala, o pangungusap. Ang mga cohesive devices na ito ay ginagamit ng mga manunulat upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga kaisipan mula sa isang pangungusap patungo sa susunod na pangungusap. Tinutulan nila ang mga mambabasa na makita ang pagkakaugnay ng mga ideya sa loob ng talata. Ang mga salita o pariralang trasisyonal ay cohesive devices na nagkokonekta ng mga ideya o detalye sa loob ng talata. Pinag-uugnay ng mga ito ang mga pangungusap na bumubuo sa talata. Ipinapakita nila ang tamang uri ng pagkakaugnayan ng mga ideya. Narito ang karaniwang ginagamit na mga salita o pariralang transisyunal. Kaayusang Kronolohikal Una sa dakong huli sa wakas Pangalawa pagkatapos sa katapusan Pangatlo susunod habang noon Kaayusang spatial
  • 2.
    Sa tabi saharap Sa likod sa bandang kanan sa kabila Sa itaas sa timog sa banda roon Sa ibalon sa silangan sa gitna Sa pagitan sa ibayo sa bandang kaliwa Pagdaragdag At bukoddito/ diyan pati Gayon din bukod tangi sa roon muli Bialng karagdagan atsaka Kontrast Gayunpaman sa kabilang dako di tulad ng gayunman ngunit kasalungat ng Pagtutulad Gaya ng katulad ng gayun din naman Tula ng gayon din Resulta o bunga Sa waksa dahil dito dahil doon Bilang resulta sa gayong dahilan samakatuwid Kaya(nga) sa gayon anupa't Halimbawa halimbawa alalaong baga bilang halimbawa Tulad ng ipaghalimbawa Paglalagom Bilang paglalagom sa madaling sabi Bilang kabuuan bilang pangwawakas Tunghayan ang pagkakagamit ng mga salitang transisyunal sa talatang sumusunod: Ako'y hindi mayaman. Hindi ako tanyag.Ngunit sa ngayon ay ipinalalagay ko na ako'y isang tagumpay. Itinuturing kong ang aking sarili ay isangtagumpay sapagkat kumikita ako ng ikabubuhay at iakatutustos sa aking kaanak sa pamamgitan ng sarili kong pagsisikap at isang paraang marangal at malinis. Napapag-aral ko ang aking anak. Kami'y kumakain ng katamtaman. At nakadadalo rin kami sa mga kasayahan. Oo, sa kabila ng kawalan naming mag-anak ng isang magarang tahanan at ng sariling sasakyan, ay itinuturing kong ako'y isang tagumpay sapagkat ako'y tahimik sa sariling pamamahay. Wala akong kaaway.Ngunitmarami akong kaibigan.Kaya para sa akin ako'y isang tagumpay Mula sa "Ang Sukatan ng Tagumpay" Ni Gemiliano Pineda
  • 3.
    Nag mga panghalipaycohesive device at ginagamit bilang panghalili sa mga pangalan sa mga naunang pangungusap. Ginagamit ang mga ito upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga pangalan sa loob ng talata. Karaniwang ginagamit bilang panghalili sa panggalan ang mga panghalip panao (hal. Ako, ikaw, kayo , sya , ito, kami, sila. Kanya, kanila), panghalip pamatlig(hal. Ito ,iyon, iyan , doon, diyan , nito). Narito naman ang mga talatang ginagamit ng mga panghalip bilang cohesive devices. "Ang pag-aasawa ay di tulad ng kaning isusubo na mailuluwa kung napaso." Iyan ang laging paala;a ng matanda sa mga kabataang nagnanais nlumagay sa tahimik, nag-aakalang ang pag-aasawa ay gayun gayon lamang. Ang mga kabatan lalo na yaong nasa unang yugto ng pagka-may-sapat na gulang, ay madaling mahalina sa matuling agos ng pagbabago kaya nakakalimutan na nila ang ga dapat isaalalang-alang bago sila makipag-isang dibdib. Mula sa "Ang Paglagay sa Tahimik" Sa Hiyas ng Wika 4 BInagong Edisyon nina Gloria P.Reyes, SOfia P.Pantas , at Jesusita L. Opano Ang mga pangunahing salita omga salitang batay sa parralng salitang-ugat ay maaring ulitin sa loob ng talata upang maipakita ang pagkakaugnayan ng mga ideya. Tunghayan ang mga halimbawang sumusunod: …. Sa kabila ng pagharap natin sa krisi ng buhay, sa kawalan natin ng mapapasukang hanaobuhay , dapat parin tayong maging matatag, huwag tayong padadala sa alok ng bansang banyaga na tayong sasakupin kapalit ay tulong. Sa pagharap sa atin, pati ang wikang yaman ng bansa ay mapapalitan ng wikang banyaga. Dapat nating ipagtanggol ang sariling atin, ang ating prinsipyo, ang ating paninindigan at ang ating Sariling Wika. Sapagkat ito na lamang ang ating kayamanan. Ang Wika ko ay yamanmo . Ang Wika mo ay yaman ko at ang wika ng Sambayanang pilipino ay yaman ng Pilipinas. Mula sa " Wika ko.. Yaman Mo" Sa: Perlas Eika at Panitikan Nina: Corazon G. Magbaleta at Lamberto M. Gabriel Ginagamit din ang paralelismo o pag-aagapay ng mga salita, parirala o pangungusap upang mapanatili ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa loob ng talata. Ito'y nangangahulugan na ang mga magkakatulad na ideya ay maaaring maipahayag sa mga istrukturang magkakatulad, narito naman ang halimbawa.
  • 4.
    Ako an sibolng Bagong Republikang nagkakaloob ng pantay-pantay na karapatan sa sino mang Pilipino. Isang Pilipino na dati-rati'y nag-aalinlangang magsalita para sa kanyang karapatan at kaunlaran. Ako ay nakapagsasalita nang walang agam-agam. Ako ang saligan ng mga panukala na makapagpapataas sa pambayan, Nakikilahok na ako sa mga gawaing pambayan, naglalahad ng mga kuru-kurong tungo sa aking pangangailangan. Mula sa "Ako ang Bagong Pilipino" Nina J. Garcia at L. Ocampo