Ang Renaissance ay isang panahon mula 1350 hanggang 1600 AD na nagbigay-diin sa muling pagkapukaw ng interes sa mga klasikal na kultura ng Greecia at Roma. Ang mga pangunahing salik sa pagsibol nito ay ang lokasyon ng Italy, impluwensya ng mga maharlikang angkan, at pag-usbong ng humanismo. Ang Renaissance ay nakatulong sa pag-unlad ng iba't ibang larangan tulad ng sining, agham, at edukasyon, na nagbigay-daan sa makabagong kaisipan at rebolusyong intelektwal.