Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga-
waran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Modyul para sa Mag-aaral
III: Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig:
Ang Transpormasyon Tungo sa Pagbuo ng
Pandaigdigang Kamalayan
Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-
halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-
may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral
Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd
Floor Dorm G, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
5th
Floor Mabini Building, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
PAUNANG SALITA
Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka-
hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka-
kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw
at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit
mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa
iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang
ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,
politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati
naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at
mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal
na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong
Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga
gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
Modyul III Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig:
Ang Transpormasyon Tungo Sa Pagbuo ng
Pandaigdigang Kamalayan
Panimula  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 274
Mga Aralin at Sakop ng Modyul .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 274
Panimulang Pagtataya .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 275
Aralin 1 Paglakas ng Europe
Alamin .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 281
Paunlarin  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 286
Pagnilayan at Unawain .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 318
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
Alamin .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 322
Paunlarin  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 326
Pagnilayan at Unawain .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 367
Aralin 3 Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pang-
kaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano
Alamin  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .371
Paunlarin  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 376
Pagnilayan at Unawain  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 424
Ilipat at Isabuhay  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 428
Talasalitaan  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 431
Sanggunian  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  . 433
TALAAN NG NILALAMAN
274
MODYUL 3
Panimula
Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa
pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe,
paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman
at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.
Sa modyul na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng
daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga
ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong
sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.
Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at
epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-
usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at
rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya,
politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang
kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon,
simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito.
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
Aralin 1: Paglakas ng Europe
•	 Nasusuri	ang	konsepto	ng	bourgeoisie, merkantilismo, national
monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko, at repormasyon sa
daigdig
•	 Napahahalagahan	ang	kontribusyon	ng	bourgeoisie,	merkantilismo,	
national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon
sa daigdig
Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
•	 Nasusuri	ang	unang	yugto	ng	imperyalismo	at	kolonisasyon	sa	
Europe
ANG PAG-USBONG NG MAKABAGONG
DAIGDIG: ANG TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGKABUO
NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
275
•	 Natataya	ang	mga	dahilan	at	epekto	ng	unang	yugto	ng	imperyalismo	
at kolonisasyon sa Europe
•	 Nasusuri	ang	mga	kaganapan	at	epekto	ng	Rebolusyong	Siyentipiko,	
Enlightenment, at Industriyal
•	 Nasusuri	ang	mga	dahilan	at	epekto	ng	Ikalawang	Yugto	ng	
Imperyalismo
Aralin 3: Pagkamulat: Kaugnayang Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at Amerikano
•	 Naipaliliwanag	ang	kaugnayan	ng	Rebolusyong	Pangkaisipan	ng	
mga	Rebolusyong	Pranses	at	Amerikano
•	 Naipahahayag	ang	pagpapahalaga	sa	pag-usbong	ng	konsepto	ng	
nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig
Panimulang Pagtataya
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na
ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking
muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.
1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon
MALIBAN	sa	anong	aytem?
A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
B. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri.
C.		 Nagmula	sila	sa	mga	banker	at	mangangalakal	sa	mga	bayan	at	
lungsod.
D.	 Nagamit	ang	kanilang	propesyon	at	panulat	sa	pagbubunsod	ng	
rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya.
2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng renaissance?
A. Muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko
B.	 Muling	pagsilang	ng	kaalamang	Griyego-Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Panibagong kaalaman sa agham
3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
I. Schism sa Simbahang Katoliko
II. Pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent
276
III.	Pagpaskil	ni	Martin	Luther	ng	Ninety-Five	Theses	sa	pinto	ng	Wittenberg	
Church
A. I - II - III
B. II - I - III
C. III - I - II
D. I - III – II
4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na
“The end justifies the means ?”
A. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti
ang kaniyang hangarin.
B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging
may mabuting bunga.
C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan.
D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng
pamamahala.
5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao
ay nagmumula sa karanasan? Binigyang diin niya na ang kaisipan ng tao ay
maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.
A.	 John	Locke	 C.	 Rene	Descartes
B.	 John	Adams	 D.	 Jean-Jacques	Rousseau
6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?
A.	 Napigilan	nito	ang	paglaganap	ng	Protestant	Reformation	sa	timog	
Europe.
B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming
kamatayan ng walang sala.
C.	 Nasugpo	nito	ang	mga	salungat	sa	alituntunin	ng	Katolisismo.
D.	 Nagkaroon	ng	maraming	kaaway	ang	Simbahang	Katoliko.
7. Suriin ang mapa ng Italy. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya
sa ekonomiya nito?
A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa.
B. May mapagkukunan ng yamang-dagat.
C. Bukas ang iba’t ibang ruta nito sa kalakalan.
D. Madali itong masakop ng ibang bansa.
277
8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
A.	 Napabilis	ang	kalakalan	dahil	sa	sistemang	merkantilismo.
B.	 Naging	batayan	ito	ng	kapangyarihan	ng	mga	bansa	sa	Europe.
C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang
pangangailangan.
D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
9. Sa ika-15 na siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsa-
han	sa	kapangyarihan.	Nagbunga	ang	paligsahang	ito	ng	pagpapalawak	ng	
kani-kanilang mga nation-state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna
sa pagtuklas ng mga lupain?
A. Spain C. Portugal
B.	 England		 D.	 Netherlands
10 Ang cartoon sa ibaba ay ku-
makatawan sa mga estado sa
America. Ano ang mensaheng
ipinakikita nito kung nangyari
ito sa panahon ng rebolusyon
laban sa British?
A. Kailangang maging matalino
sa paglaban tulad ng isang
ahas.
B Pagkakaisa ang susi upang
magtagumpay sa laban.
278
C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas.
D.	 Walang	maaapi	kung	walang	nagpapaapi.	
11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang
panahon?
1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.
2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.
3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sar-
iling bansa.
4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang
Pilipino.
A. 1,2,3,4
B. 1,2,3
C. 2,3,4
D. 3,4
12.	Matagal	nang	may	alitang	politikal	ang	mga	bansang	France	at	England.	
Nang	magsimula	ang	Rebolusyong	Amerikano,	nagpadala	ng	tulong	militar	
ang	France	sa	United	States	na	malaki	ang	naitulong	sa	pananagumpay	ng	
huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo?
A.	 Magkakampi	ang	France	at	United	States.
B.	 Magkasabay	na	nilabananan	ng	England	ang	United	States	at	France.
C.	 Galit	ang	France	sa	ginawang	pananakop	ng	England	sa	United	States.
D.	 Ginamit	na	pagkakataon	ng	France	ang	Rebolusyong	Amerikano	upang	
mapabagsak ang England.
13.	Naisakatuparan	ang	Rebolusyong	Politikal	matapos	umusbong	ang	mga	
kaisipang	liberal	at	radikal	sa	daigdig.	Ano	ang	ugnayan	ng	Rebolusyong	
Pangkaisipan	sa	Rebolusyong	Politikal?
A.	 Ang	Rebolusyong	Pangkaisipan	ang	nagtulak	sa	pag-usbong	ng	Rebolusy-
ong Politikal.
B.	 Ang	Rebolusyong	Politikal	ang	naging	sanhi	ng	paglaganap	ng	Rebolusy-
ong Pangkaisipan.
C.	 Ang	Rebolusyong	Pangkaisipan	at	Politikal	ay	bunga	na	lamang	ng	Re-
naissance sa Europe.
D.	 Walang	direktang	ugnayan	ang	Rebolusyong	Politikal	at	Rebolusyong	
Pangkaisipan.
279
14. Sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon, ginamit na dahilan ng
mga Europeo ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang
kanilang pananakop. Ano ang white man’s burden?
A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin
ang daigdig.
B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo.
C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan
sa kanilang sinakop.
D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga
kagustuhan ng mga Europeo.
15.	Maraming	makabagong	ideya	at	imbensiyon	ang	nabuo	noong	Rebolusyong	
Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin
sa	sumusunod	ang	pinakamahalagang	ambag	ng	Rebolusyong	Siyentipiko	
sa mga Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
B.	 Nakapagtatag	ng	mga	paaralang	pang-agham	sa	Europe.
C.	 Nabago	ang	tingin	ng	mga	Kanluranin	sa	sansinukob.
D.	 Naging	pangunahing	dahilan	ito	ng	kamalayan	ng	mga	Kanluranin.
16	 Nagdulot	ang	Rebolusyong	Industriyal	ng	pag-unlad	sa	lipunan	at	ekonomi-
ya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa sumusunod ang
pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ng
Rebolusyong	Industriyal?
A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsiya.
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy.
C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
D.	 Naging	dahilan	ito	ng	hidwaang	pampolitika.
17.	Alin	sa	sumusunod	ang	pangunahing	epekto	ng	Rebolusyong	Pranses?
A. Pagtanggal ng sistemang piyudal
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao”
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika
D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran
280
18 - 20 Tama o Mali
Suriin ang bawat pahayag. Makatutulong ang nakasalungguhit na mga
salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Piliin ang letra ng wastong
sagot.
Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18 - 20.
A. Tama ang una at ikalawang pangungusap.
B. Mali ang una at ikalawang pangungusap.
C. Tama ang unang pangungusap.
D. Tama ang ikalawang pangungusap.
18.
I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italy at lumaganap
sa kabuuan ng Europe.
II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kultural ay ang
pagkakaimbento ng movable press ni Johan Gutenberg.
19.
I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nang repormista ang
nabuhay upang hamunin ang katuruan at kapangyarihan ng Simbahang
Katolika.
II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ay ang paniniwalang ang
personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindi ang Sim-
bahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan.
20.
I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ng pananakop, naka-
hihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig.
II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa at nakatulong sa
pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia.
281
Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang
tanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano muling
lumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang
naging ambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig. Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas
ng Europe. Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na
magdadala sa iyo sa lubos na pag-unawa. Halina’t iyong simulan...
ARALIN 1
PAGLAKAS NG EUROPE
Nagmumula	sa	Europe	ang	pinakamayayamang	mga	bansa	sa	daigdig.	Malaki	
ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang
isa sa pinakamaunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang
paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng
Europe sa bahaging ito ng kasaysayan.
ALAMIN
Gawain 1: Word Hunt
Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat kahon
sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa
paghahanap ng bawat salita.
A L A M E R K A N T I L I S M O
D I M B S E T N A T S E T O R P
V S I O L P R O T S E T O R P R
C O K A T O L I K O W H P S E I
E M D K E R A L S E A R L K E S
T S K U Y M T T A P T K N G P R
N I R S F A G U M O Y A S O O U
M N L W C S B S N R B N C T R K
P A T P L Y A S H R E O P Y U G
E M Y M B O U R G E O I S I E A
R U L R E N A I S S A N C E S P
Y H C R A N O M L A N O I T A N
282
1. B____________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko
2. B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe
3. E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig
4. H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at
pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano
5. K____________O Nangangahulugang “universal”
6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang
yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak
7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang
kapangyarihang M____________Y ng hari
8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko
9. R____________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang”
10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko
ay yumakap sa ibang relihiyon
Matapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mong
bumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong
mga salita. Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout. Gawin ito sa
kuwaderno.
283
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita?
2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit?
3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang
iyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuo
ang kaisipan?
GAWAIN 2: Kilalanin Mo!
Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at
isulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa. Gawin sa kuwaderno.
?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
284
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino ang ipinakikita sa bawat larawan?
2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan?
3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga naka-
larawan?
4.	 Nakatutulong	ba	sa	kasalukuyan	ang	nasa	larawan?	Patunayan.
?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
285
GAWAIN 3: Think–Pair- Share!
Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag-
unawa ng aralin.
Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa aralin. Sagutin ang tanong sa
mga kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang
sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ng aralin.
Gawin ito sa kuwaderno.
Katanungan
Paano nakaapekto ang paglakas ng
Europe sa transpormasyon ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig at sa pag-
buo ng pandaigdigang kamalayan?
Mga Sagot
Aking Sagot Sagot ng Aking
Kapareha
PINAGSAMANG IDEYA
(Sagot ng magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkata-
pos ng aralin.)
Mga Sanggunian/ Batayan
(Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website, at iba pa.)
Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito.
286
PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang
mahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe.
Ang bahaging ginampanan ng bourgeoisie, ng sistemang
Merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance,
at maging ng Simbahang Katoliko at Repormasyon ay
makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito. Maaaring
balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos ang pag-
aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto
ang mga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin.
GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan!
Natalakay	sa	Aralin	3	ng	Modyul	2	ang	mahahalagang	pamana	ng	bayan	at	
lungsod sa Panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sa
pag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito.
Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa kanang
bahagi ng diyagram. Gawin ito sa kuwaderno.
Nagbunsod ng kalakalang pan-
daigdig dahil sa pagiging sentro
ng kalakalan at industriya
Naging saligan ng kalayaang
pampolitika
PAMANA NG MGA
BAYAN AT LUNGSOD
Diyagram Blg. 1.1
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong
Taon) nina Vivar et.al, pahina 156
Nakatulong ang malayang kaisi-
pan sa kaunlarang intelektuwal
Naging sentro ng kultura
287
Pamprosesong mga Tanong
1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito pinakamahalaga?
Bakit?
2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa
paglakas ng Europe?
GAWAIN 5: Burgis Ka!
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga burgeoisie sa paglakas ng Europe.
Gusto mo ba silang makilala?
Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeoisie. Iyong itala ang maha-
halagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map
ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie. Isulat ito sa kuwaderno.
?
288
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan
sa	Medieval	France	na	binubuo	ng	mga	artisan	at	mangangalakal.	Ang	mga	
artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagam-
itang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.
Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamu-
muhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay
hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga
kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay
hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan,
halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakade-
pende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa.
Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihang
puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal,
banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagma-
may-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante.
Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito ay maiuuri
na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng
kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang
kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.
Maiuugat	ang	English	Revolution,	American	Revolution,	at	French	
Revolution	sa	pagnanais	ng	bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino
ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa
karapatan sa kalakalan, at pagmamay-ari.
	 Nagkaroon	lamang	ng	politikal	na	kapangyarihan	ang	mga	bourgeoisie
pagdating	ng	ika-19	na	siglo.	Nagkamit	sila	ng	karapatang	politikal,	panreli-
hiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp.209-211
289
Ang mga bourgeoisie ay________________
_______________________________________
_______________________________________
PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE
Sino-sino ang mga
bourgeoisie?
Dahilan ng Kanilang Paglakas Epekto sa Paglakas ng
Europe
•	
•	
•	
•	
•	
•	
•	
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
Katangian ng mga
bourgeoisie
Halaga sa Lipunan
(Noon at Ngayon)
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie?
2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie?
3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe?
4. Sino ang maituturing natin na bourgeoisie sa kasalukuyan?
5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging
sa daigdig?
?
290
Hindi lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging
ito ng kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa
panahong ito ang pag-iral ng sistemang nagbigay-daan sa paghahangad
ng mahahalgang metal mayroon ang ibang panig ng daigdig maliban sa
Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang merkantilismo? Paano ito
nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe?
GAWAIN 6: Magbasa at Unawain!
Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong mga tanong.
Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging
makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya
nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng
mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak.
Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang
madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa.
Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa
inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong
paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas
ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig
sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan.
Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na
aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace
Estela C.Mateo et al., pp. 211-212
Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinawag na merkantilismo ay
nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe.
Nabuo	ang	prinsipyo	ng	merkantilismo	upang	itaguyod	ang	kaunlarang	
pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagama’t kada-
lasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilis-
mo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga
291
layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay daan upang
ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo,
at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa
ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami
ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas
maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera
ang	malilikom	nito	bilang	buwis.	Nangangahulugan	ito	na	mas	magiging	
mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa.
MERKANTILISMO
Pamprosesong mga Tanong
1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang ka-
hulugan ng merkantilismo?
2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin
ang layunin ng merkantilismo?
?
MERKANTILISMO
292
3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe?
4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan.
5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng ating
bansa?	Ng	daigdig?	Bakit?	
Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkantilismo ay
naging daan upang muling manumbalik ang kapangyarihan ng hari. Paano
nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong
ang mga bourgeoisie sa pagiging makapangyarihan nila muli? Tunghayan
mo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan.
GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa!
Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng national monarchy sa
paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram
ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.
Pagtatatag ng National Monarchy
Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng
national monarchy sa paglakas ng Europe.
Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo,
walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang
kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang
mga noble na sila ring mga panginoong maylupa.
Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong may lupa.
Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa
tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay
unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pag-
bubuo ng matatatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mama-
mayang nagpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa
korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula
293
sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan
sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad
ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga
sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng
panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang
ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom,
sekretarya, at administrador.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 212
Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan
ng hari? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Pag-usbong ng mga Nation-state
Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang mga batayan
ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado
na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura,
relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang
mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa
rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may
pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi
na may katapatan sa kanilang bansa.
Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng
sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may
kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May
mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito
ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monar-
kiya	kahit	mangahulugan	ito	ng	digmaan.	Nagsimula	rin	ang	institusyon	ng	
burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang
pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga
opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pag-
kakaloob ng hustisya.
294
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong
lakas	ang	Europe.	Nabuo	sa	Europe	ang	mga	bagong	institusyong	pampolitika,	
panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din
sa	pagpapalawak	nito	ng	impluwensiya.	Naganap	ito	sa	panghihimasok	at	pa-
nanakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan,
sa Africa.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., pp. 212-213
Paano nakatulong ang mga nation-state sa paglakas ng Europe?
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
295
Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin
ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa
paglakas ng Europe.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at nagpalakas
sa kapangyarihan ng hari?
2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at
reyna?
3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe?
4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa
ay hari at reyna? Bakit?
?
Paglakas ng Simbahan at ang Papel Nito sa Paglakas ng Europe
Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga
panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro
ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng
mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng
Papa.
Sa pagsapit ng taong 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan
nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang
banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider-
espirituwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro,
ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at
Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin
ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa
paglakas ng Europe.
296
Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng
Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi
nagustuhan ng haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII.
Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang
nakaaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito,
humingi ng tulong si Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa
puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry
IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa
kaniya.	Nang	hindi	ito	ginawa	ng	Papa,	tumayo	si	Henry	IV	nang	nakayapak	
sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italy ng tatlong araw noong 1077.
Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon.
Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing
insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan,
upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng
Simbahan at ni Henry iV. Ito ay tinatawag na Concordat of Worms noong
1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwal ng
Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang
nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim
sa sinumang hari.
doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya,
gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong
gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari
ang karapatang mamuno kung hindi siya tumupad sa kanyang obligasyong
Kristiyano.
297
GAWAIN 8: Discussion Web
Sundin ang sumusunod:
1. Pagkatapos basahin ang teksto, sagutan ang tanong sa discussion web.
Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang.
2. Talakayin ang tanong sa iyong pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta
sa panig ng Oo at Hindi.
3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat
miyembro sa bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi.
4. Magtulungan ang bawat miyembro ng pangkat sa pagbuo ng dahilan at
kongklusyon.
5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw
sa buong klase.
Ang Simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon
ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa
Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa
edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil
sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas
ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe
bilang	isang	malawak	na	kabuuang	Kristiyano	–	ang	Republica	Christiana	
na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.
Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 na siglo hanggang sa ika-13
na siglo ay lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang
pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay naging nation-
state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang
nagbigay daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan ng mga sumunod na
panahon.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 214 -216
298
DISCUSSION WEB
OO HINDI
Mahalaga ba ang
papel na ginagam-
panan ng Simba-
hang Katoliko sa
paglakas ng Europe?
DAHILAN DAHILANEBIDENSIYA EBIDENSIYA
KONGKLUSYON
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe?
2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?
3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at transpormasyon
ng daigdig?
4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng Simbahan sa kasalukuyan?
Patunayan.
GAWAIN 9: OO o HINDI!
Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging
aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tung-
kol sa paglakas ng Europe.
Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo ang hawak
mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi naman
ng	HINDI									kung	hindi	pa	malinaw	sa	iyo	ang	konseptong	ito	ng	aralin.	Pag-
katapos ay suriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang
pagkaunawa.
?
299
KONSEPTO/ KAALAMAN OO (NAUNAWAAN) HINDI (NAUNAWAAN)
1. Ang bourgeoisie ay binubuo
ng mga mamamayan na
kabilang sa panggitnang uri
ng lipunan.
2. Dahil sa impluwensiya ng
mga bourgeoisie nasimulan
nila ang mga reporma sa
pamahalaan.
3. Ang merkantilismo ay isang
sistemang pang-ekonomiya
na lumaganap sa Europe na
naghahangad ng pagkaka-
roon ng maraming ginto at
pilak bilang tanda ng kaya-
manan at kapangyarihan ng
bansa.
4. Sa pagkawala ng kapang-
yarihan ng mga panginoong
maylupa, ang hari ang
nagsilbing pinuno at nag-
patingkad sa pagtatatag ng
national monarchy.
5. Ang Simbahan ang nagsil-
bing tagapangalaga ng ka-
linangan sa imperyo noong
panahong Medieval.
Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mga
pangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa
bahaging ito ng aralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang
ng Renaissance sa huling bahagi ng ika-14 na siglo.
GAWAIN 10: Magtulungan Tayo!
Nakita	mo	na	ba	ang	larawan	na	Mona	Lisa?	Nabasa	mo	na	rin	ba	ang	kuwentong	
“Romeo	at	Juliet?”	Kilala	mo	ba	ang	lumikha	sa	mga	obra	maestrang	ito?	Kung	
gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang
iyong sarili para sa pangkatang gawain.
300
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang
ang	Renaissance.	Ang	Renaissance	ay	nangangahulugang	“muling	pagsilang”	
o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang
kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang
kulturang	Greek	at	Roman	sa	pamamagitan	ng	pag-aaral	sa	panitikan	at	
kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisiyon
mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.
Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance?
Pag-usbong ng Renaissance
Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at
pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle
Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan
ng mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga
lungsod-estado	sa	hilagang	Italy	ay	nakinabang	sa	kalakalang	ito.	Noong	ika-11	
hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan
at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa
pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang
Milan,	Florence,	Venice,	Mantua,	Ferrara,	Padua,	Bologna,	at	Genoa.	Ang	yaman	
ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan
at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o
panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng
mga	lungsod-estado	na	ito.	Ang	mga	Medici	sa	Florence	ay	halimbawa	ng	isang	
pamilya ng mangangalakal at banker.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., ph. 219-220
301
Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang
Renaissance?
BAKIT SA ITALY?
Itinuturing na isa sa
maraming dahilan kung
bakit naging tunay na
sinilangan ng Renaissance
ang Italy, ay ang
magandang lokasyon nito.
Dahil dito, nagkaroon
ng pagkakataon ang
mga lungsod dito na
makipagkalakalan sa
Kanlurang Asya at Europe.
Pagtataguyod ng mga ma-
harlikang angkan sa mga
taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.
Mahalagang papel
ang ginampanan ng
mga unibersidad sa
Italy. Naitaguyod at
napanatiling buhay ang
kulturang klasikal at
ang mga teknolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng
kabihasnang Griyego at
Romano.
Italy ang pinagmulan ng
kadakilaan ng sinaunang
Rome at higit na may
kaugnayan ang Italyano
kaysa sa mga Romano,
o alinmang bansa sa
Europe.
http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg
Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang
Renaissance?
Itinuturing na isa sa
maraming dahilan kung
bakit naging tunay na
sinilangan ng Renaissance
ang Italy, ay ang
magandang lokasyon nito.
Dahil dito, nagkaroon
ng pagkakataon ang
mga lungsod dito na
makipagkalakalan sa
Kanlurang Asya at Europe.
Pagtataguyod ng mga ma-
harlikang angkan sa mga
taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.
Mahalagang papel
ang ginampanan ng
mga unibersidad sa
Italy. Naitaguyod at
napanatiling buhay ang
kulturang klasikal at
ang mga teknolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng
kabihasnang Griyego at
Romano.
Italy ang pinagmulan ng
kadakilaan ng sinaunang
Rome at higit na may
kaugnayan ang Italyano
kaysa sa mga Romano,
o alinmang bansa sa
Europe.
http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg
301
Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang
Renaissance?
BAKIT SA ITALY?
Itinuturing na isa sa
maraming dahilan kung
bakit naging tunay na
sinilangan ng Renaissance
ang Italy, ay ang
magandang lokasyon nito.
Dahil dito, nagkaroon
ng pagkakataon ang
mga lungsod dito na
makipagkalakalan sa
Kanlurang Asya at Europe.
Pagtataguyod ng mga ma-
harlikang angkan sa mga
taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.
Mahalagang papel
ang ginampanan ng
mga unibersidad sa
Italy. Naitaguyod at
napanatiling buhay ang
kulturang klasikal at
ang mga teknolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng
kabihasnang Griyego at
Romano.
Italy ang pinagmulan ng
kadakilaan ng sinaunang
Rome at higit na may
kaugnayan ang Italyano
kaysa sa mga Romano,
o alinmang bansa sa
Europe.
http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg
302
Ang	humanismo	ay	isang	kilusang	intelektuwal	noong	Renaissance	
na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na
sibilisasyon	ng	Greece	at	Rome	sa	pag-aaral	dahil	naglalaman	ito	
ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang
moral at epektibong buhay.
Ang mga Humanista
Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga
hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tulig-
sain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan
nang	nagwakas.	Nagbigay-daan	ang	mga	kaganapang	ito	sa	pagsilang	ng	bagong	
pananaw	na	dulot	ng	interes	sa	pag-aaral	ng	sinaunang	Greece	at	Rome,	ang	
humanismo.
Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng
Greece	at	Rome	ay	tinawag	na	humanist o humanista, mula sa salitang Italian na
nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-
aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon,
retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa
pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo
ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’al pp. 220-221
`
Ano ang pagkakaiba sa pagtingin ng mga humanista ng sinaunang
panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages?
303
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA-IBANG
LARANGAN
Sa Larangan ng Sining at Panitikan
Francesco Petrarch (1304 - 1374). Ang “Ama ng Humanismo.”
Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang
koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si
Laura.
Goivanni Boccacio (1313 - 1375). Matalik na kaibigan ni
Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang
“Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang
(100) nakatatawang salaysay.
William Shakespeare (1564 - 1616). Ang “Makata ng mga Maka-
ta.”	Naging	tanyag	na	manunulat	sa	Ginintuang	Panahon	ng	England	
sa	pamumuno	ni	Reyna	Elizabeth	I.	Ilan	sa	mga	sinulat	niya	ang	mga	
walang	kamatayang	dula	gaya	ng:	"Julius	Caesar,"	"Romeo	at	Juliet,"	
"Hamlet," "Anthony at Cleopatra," at "Scarlet."
Desiderious Erasmus (1466 - 1536).“PrinsipengmgaHumanista.”
May-akda	ng	“In	Praise	of	Folly”	kung	saan	tinuligsa	niya	ang	hindi	
mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
304
Nicollo Machievelli (1469 - 1527). Isang diplomatikong manunulat
na	taga	Florence,	Italia.	May-akda	ng	“The	Prince.”Napapaloob	sa	
aklat na ito ang dalawang prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.”
	 “Wasto	ang	nilikha	ng	lakas.”
Miguel de Cervantes (1547 - 1616). Sa larangan ng panitikan,
isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na ku-
mukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan
ng mga kabalyero noong Medieval Period.
Sa Larangan ng Pinta
Michelangelo Bounarotti (1475 - 1564). Ang pinakasikat na
iskultor	ng	Renaissance,	ang	una	niyang	obra	maestra	ay	ang	estat-
wa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine
Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan
tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang
estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipiksiyon.
Leonardo da Vinci (1452 - 1519). Ang hindi makakalimutang obra
maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita
ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang
disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba-ibang larangan.
Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosoper.
305
Raphael Santi (1483 - 1520). “Ganap na Pintor,” “Perpektong
Pintor”.	Pinakamahusay	na	pintor	ng	Renaissance.	Kilala	sa	pag-
kakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa
kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,”
“Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”
Sa larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance
Nicolas Copernicus (1473 - 1543).	Inilahad	ni	Nicolas	ang	
Teoryang Heliocentric; “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito,
kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.”
Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na
ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik
ng Simbahan.
Galileo Galilei (1564 - 1642). Isang astronomo at matematiko,
noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong
teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
Sir Isaac Newton (1642 - 1727). Ang higante ng siyentipikong
Renaissance.	Sang-ayon	sa	kaniyang	Batas	ng	Universal	Gravitation,	
ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at
siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.
Tinatayang	ang	pag-usbong	ng	Renaissance	ay	hindi	natatapos	sa	panahon	
na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nag-
papatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad
ng kasagutan sa kaniyang mga tanong.
306
Paano binago ng mga ambag ng Renaissance ang pananaw at kultura ng
Europe noon at maging sa kasalukuyan?
Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan
kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon
patungo sa modernong panahon.
Ang	mga	pangyayaring	naganap	sa	panahon	ng	Renaissance	ay	nagbigay-daan	
sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga
pag-aaral, pagmamasid, at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan
din	sa	pag-usbong	ng	Rebolusyong	Intelektuwal	at	malawak	na	kaalaman	sa	
daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang
pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-
buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan
ay nauukol sa sangkatauhan.
Halaw mula sa: Ease Modyul 10
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Sa	panahon	ng	Renaissance,	iilang	kababaihan	lamang	ang	tinanggap	sa	mga	
unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman,
hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang
ambag	sa	Renaissance.	Halimbawa	ay	si	Isotta	Nogarola	ng	Verona	na	may	akda	
ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453)
na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal.
Nariyan	din	si	Laura	Cereta	mula	sa	Brescia	na	bago	mamatay	sa	gulang	na	30	
ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko
para sa kababaihan.
Sa	pagsulat	ng	tula,	mahahalagang	personalidad	ng	Renaissance	sina	Veronica	
Franco	mula	sa	Venice	at	si	Vittoria	Colonna	mula	sa	Rome.	Sa	larangan	ng	
pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na may likha
ng	Self-Portrait	(1554)	at	si	Artemisia	Gentileschi,	anak	ni	Orazio,	na	nagpinta	
ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-
Portrait as the Allegory of Painting (1630).
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p.224-225
307
Veronica Franco Vittoria ColonnaIsotta NogarolaLaura Cereta
Ano-ano ang kontribusyon ng kababaihan sa larawan?
Pangkatang Pag-uulat:
Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa tulong ng tekstong iyong
binasa ay ilahad ninyo ng inyong kapangkat ang mahahalagang impormasyon
tungkol	sa	Renaissance.	
Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance
Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance
Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan
Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance
Pagkatapos ng inyong presentasiyon maglagay ng mga datos sa concept definition
map para sa mas malinaw na daloy ng mga impormasyong kaugnay ng paksa.
Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa naging presentasiyon ng kamag-aaral
kung mayroon kang hindi naunawaan.
308
CONCEPT DEFINITION MAP
KAHULUGAN
SALIK SA
PAGSIBOL NG
RENAISSANCE
SA ITALY
Kababaihan sa
Renaissance
RENAISSANCE
Larangan/Nanguna Sa Ambag sa Kabihasnan
Pamprosesong mga Tanong
1.	 Ano	ang	kahulugan	ng	Renaissance?
2.	 Ano-ano	ang	naging	mga	salik	sa	pag-usbong	ng	Renaissance?
3.	 Bakit	sa	Italy	nagsimula	ang	Renaissance?
4.	 Ano	ang	naging	epekto	ng	Renaissance	sa	pagkakaroon	ng	panibagong	
pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral?
5.	 Sino-sino	ang	pangunahing	tagapagtaguyod	ng	Renaissance?
6.	 Ano-ano	ang	mga	naiambag	ng	Renaissance	sa	ating	kabihasnan?
7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito?
?
309
Nagdala ng maraming pagbabago at mga pamana sa
daigdig ang Panahon ng Renaissance. Sa bahaging ito ay
tutungo ka naman sa kuwento ng Repormasyon at Kontra
Repormasyon.
GAWAIN 11: Palitan Tayo!
Panuto: Sa huling bahagi ng Middle Ages ay naranasan ang paghina ng Sim-
bahan dahil sa mga pagbabagong politikal, ekonomiko, at panlipunan. Pagsapit
ng ika-14 na siglo, maraming mga reporma ang hinihingi sa Simbahan. Dito
nagsimula	ang	Repormasyon.	Basahin	at	unawain	ang	teksto	sa	Repormasyon	
upang masuri ang mga kaganapan sa panahong ito. Ihanda mo rin ang iyong
sarili sa mga gawain sa bahaging ito ng aralin.
Ang Repormasyon
Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-
14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang
Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang
Katoliko	Romano,	gayunpaman	hindi	nagpabaya	ang	mga	Katoliko	Romano,	
sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang
kanilang doktrina.
Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik
Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng
Wittenberg	ang	nabagabag	at	nagsimulang	magduda	nang	mabasa	niya	ang	kaiba-
han ng katuruan ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan…"Ang
pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya,
at	naging	ganap	sa	pamamagitan	ng	pananampalataya”	(Romans	1:17).
8.	 Ano-ano	ang	kanilang	naging	kontribusyon	sa	Panahon	ng	Renaissance?
9.	 Paano	nakatulong	ang	Renaissance	sa	paglakas	ng	Europe?
10.	Nagaganap	pa	rin	ba	ang	mga	pangyayari	sa	Panahon	ng	Renaissance	sa	
kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay.
11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang
bagay sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing maka-
pagbahagi ng mga ito? Pangatuwiranan.
310
Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther
sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang
napatunayan	sa	pagdalaw	niya	sa	Rome	noong	1571.	
Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam-
suklam na gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta
ng indulhensiya. Ito ay isang kapirasong papel na
nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos
ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at
kaligtasan ng tao.
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa
pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng
simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang
Proposisyon”	(Ninety-five	theses).
Ipinanganak	si	Luther	noong	Nobyembre	10,	1483,	sa	Eisleben,	Germany.	
Ang kaniyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng
tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang
pamilyang kabilang sa gitnang uri.
Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther.
Noong	taong	1529,	nagbigay	ang	mga	sumusuportang	estado	at	bayang	Aleman	
ng isang protestasyon- na siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ay
ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at sa emperador ng Banal na
Imperyong	Romano.	Pagkatapos	ng	ilang	taong	alitan	ng	Protestante	at	Katoliko	
Romano	na	humantong	sa	digmaan,	ito	ay	tinapos	ni	Charles	V	sa	pamamagitan	
ng	paglagda	sa	Kapayapaang	Augsburg	noong	1555.	Nasasaad	sa	kasunduan	
na kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang
kanilang nasasakupan.
Batay sa teksto, paano nagsimula ang Repormasyon?
Martin Luther
311
Kontra-repormasyon
Bago	nagsimula	ang	Repormasyong	Protestante,	nagsikap	ang	mga	pinunong	
Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa
Gregory VII (1037-1085), na lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand,
ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng
pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang
tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang
sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko.
Tinawag	ang	kilusang	ito	na	Catholic	Reformation	o	Counter	Reformation.	
Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga
Heswita (Society of Jesus).
Nagtagumpay	ang	mga	Heswita	sa	pagbawi	sa	Bohemia,	Hungary,	Poland,	
at timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang naging makapangyari-
hang	lakas	ng	Katolisismo	sa	kanlurang	Europe.	Nagtatag	sila	ng	mga	paaralan	
at naging dalubhasa bilang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malaking
kaugnayan	sa	politika	ng	Europe.	Naging	tagapayo	sila	at	katapatang-loob	ng	mga	
hari	at	reyna	ng	mga	kahariang	Katoliko.	Nagtamo	sila	ng	matataas	na	karangalan	
sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa
panahon	nina	Haring	Ferdinand	at	Reyna	Isabella	ipinatupad	ang	Inquisition
laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granada. Maging
ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna.
Halaw mula sa: EASE Modyul 12
Ano-ano ang binago ni Pope Gregory VII sa Simbahang Katoliko?
312
Ano ang naging bunga ng Kontra-Repormasyon?
Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon
Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang
17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng
mga	repormista	partikular	sa	imoralidad	at	pagmamalabis	ng	Simbahan.	Naging	
tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na
siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin
ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang
Simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga
kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng
Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protes-
tante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng
sumusunod na epekto:
•	 nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay
naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko;
•	 sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral
ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay
sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng
Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian, at iba;
•	 gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning
pangrelihiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating
tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Ang ilan sa mga repormang kanilang ginawa ay ang pagpapawalang bisa
ng seremonya na tumutukoy sa pagbebenta at pagbibili ng mga opisyo ng
Simbahan at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno
sa Simbahan;
•	 ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko
at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panreli-
hiyon at;
313
•	 ang pagpapanumbalik ng katuruang espirituwal sa Kristiyanismo, ang pagpa-
palaganap ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad
dito na ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa
pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
Halaw mula sa: EASE Modyul 12, AP III, pp.
Ano ang naging bunga ng Kontra-Repormasyon?
Ano-ano ang naging epekto ng Repormasyon?
Mabuti ba o masama ang naging epekto ng Repormasyon? Patunayan.
Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?
314
Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, sipiin mo ang Contrast-Compare
Map. Punan mo ito ng hinihinging mga impormasyon. Pagkatapos, makipagpalitan
ka ng papel sa iyong kamag-aaral. Suriin ang gawa ng bawat isa at magbigay ng
reaksiyon sa kasagutan ng iyong kamag-aral. Kumpletuhin din ang 3 - 2 -1 Chart
tungkol	sa	Repormasyon	at	Kontra-Repormasyon.
REPORMASYON KONTRA - REPORMASYON
PAANO SILA NAGKAKATULAD?
______________________________________________
______________________________________________
PAGKAKAIBA AYON SA
DAHILAN
NANGUNA
TURO/ARAL
BUNGA/PAMANA
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
315
3
Bagay na aking natutuhan sa
naging dahilan ng pagkakaroon
ng Repormasyon at Kontra-
Repormasyon
1.
2.
3.
2
Kontribusyon ng mga tao na
aking nalaman sa Repormasyon
at Kontra-Repormasyon
1.
2.
1
Mahalagang tanong sa paksa:
Paano nakatulong ang Repor-
masyon at Kontra-Repormasyon
sa paglakas ng Europe?
Sagot
Pamprosesong mga Tanong
1.	 Ano	ang	Repormasyon?
2.	 Bakit	iniugat	kay	Martin	Luther	ang	unang	yugto	ng	Repormasyon?	
3.	 Paano	lumaganap	ang	Repormasyon?
4.	 Ano	ang	naging	sagot	ng	Simbahang	Katoliko	sa	Repormasyon?
5.	 Ano-ano	ang	naging	pamana	ng	Repormasyon?
6.	 Paano	binago	ng	Repormasyon	ang	Europe?
7. Sa kasalukuyan, nakaapekto ba sa iyong paniniwala sa Diyos ang pagkakaroon
ng iba’t ibang denominasyon ng relihiyon sa iyong paligid? Bakit?
GAWAIN 12: Tayain Mo!
Suriin ang sumusunod na pahayag. Itanong mo sa iyong sarili kung ginagawa mo
o hindi ang mga gawaing nakatala. Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi
sa mga gawaing ito.
?
316
Gawain Ginagawa Di-ginagawa Dahilan/ Mungkahi
1. Pagbabasa ng Bib-
liya
2. Pagdalo sa
mga gawain ng
relihiyon (e.g.,
pagsisimba)
3. Pagsasabuhay
ng mga aral ng
kinabibilangang
relihiyon
4. Pagrespeto sa
pananampalataya
ng iba
5. Pakikipagpalitan
ng ideya at aral sa
mga taong may
ibang relihiyon
317
GAWAIN 13: Think – Pair-Share Chart
Balikan mo ang Think-Pair-Share Chart. Sa pagkakataong ito na natutuhan mo
na ang mahahalagang konsepto ng aralin ay sagutan mo na at ng iyong kapareha
ng pinal ang katanungan sa aralin sa pagsisimula nito. Tiyaking mapag-uusapan
ninyong magkapareha ang magiging pinal na kasagutan at kung may mga nais
pang idagdag na bagong kaalaman na naunawaan ay gawin na rin. Huwag ding
kalimutan na ilagay ang mga sanggunian at batayan ng iyong nabuong kasagutan.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Katanungan
Paano nakaapekto ang paglakas ng
Europe sa transpormasyon ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig at sa pag-
buo ng pandaigdigang kamalayan?
Sagot ng mag aaral
Aking Sagot Sagot ng Aking
Kapareha
PINAGSAMANG IDEYA
(Sagot ng Magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkata-
pos ng aralin.)
Mga Sanggunian/ Batayan
(Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website, at iba pa.)
Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa pamamagitan ng talakayan at iba-
ibang gawain ang mga konseptong dapat mong maunawaan tungkol sa paglakas
ng Europe. Balikan mo ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin mo kung
ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa naging sagot mo ngayon. Ilan sa
mga una mong konsepto ang natalakay at nabigyang linaw?
Ngayong	batid	mo	na	ang	mahahalagang	ideya	tungkol	sa	aralin,	palalimin	
pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain na nasa
susunod na bahagi ng araling ito.
318
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga
nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa paglakas ng Europe at ang bahaging
ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan.
Gawain 14: Pagnilayan Mo!
Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga bourgeoisie (mga
mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing
saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon
natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung
saan ang Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal at
ang pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga
punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang
Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga
pamprosesong mga tanong.
“As we all know, the
President is the Presi-
dent not only of Roman
Catholics but also of
other faiths as well. He
has to be above faith.
Responsible parenthood
is something which I
believe is favorable to
all faiths,” giit ni Edwin
Lacierda, tagapagsalita
ng Pangulo.
Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman
sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung
magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming
ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng
tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon
sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi
makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom.
Ang isyu sa paggamit ng
contraceptives ay isyung
lantad na lantad na. Kahit
na gaano pa ang pagtutol
ng Simbahang Katoliko sa
paggamit ng kahit anong uri
ng contraceptives --- condom,
IUD at pills para mapigilan
ang pagbubuntis, ito ay
matagal nang ginagawa ng
mga mag-asawa. Ang totoo’y
natuto na ang mga mag-asa-
wa na dapat ay magkaroon
ng pagitan at may hangga-
nan ang panganganak. Mara-
mi nang mga mag-asawa
ang natuto na ang dalawa o
tatlong anak ay kaya nilang
pakainin at pag-aralin.
http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg
PAGPAPLANO NG PAMILYA
318
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga
nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa paglakas ng Europe at ang bahaging
ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan.
Gawain 14: Pagnilayan Mo!
Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga bourgeoisie (mga
mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing
saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon
natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung
saan ang Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal at
ang pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga
punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang
Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga
pamprosesong mga tanong.
“As we all know, the
President is the Presi-
dent not only of Roman
Catholics but also of
other faiths as well. He
has to be above faith.
Responsible parenthood
is something which I
believe is favorable to
all faiths,” giit ni Edwin
Lacierda, tagapagsalita
ng Pangulo.
Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman
sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung
magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming
ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng
tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon
sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi
makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom.
Ang isyu sa paggamit ng
contraceptives ay isyung
lantad na lantad na. Kahit
na gaano pa ang pagtutol
ng Simbahang Katoliko sa
paggamit ng kahit anong uri
ng contraceptives --- condom,
IUD at pills para mapigilan
ang pagbubuntis, ito ay
matagal nang ginagawa ng
mga mag-asawa. Ang totoo’y
natuto na ang mga mag-asa-
wa na dapat ay magkaroon
ng pagitan at may hangga-
nan ang panganganak. Mara-
mi nang mga mag-asawa
ang natuto na ang dalawa o
tatlong anak ay kaya nilang
pakainin at pag-aralin.
http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg
PAGPAPLANO NG PAMILYA
“As we all know, the
President is the Presi-
dent not only of Roman
Catholics but also of
other faiths as well. He
has to be above faith.
Responsible parenthood
is something which I
believe is favorable to
all faiths,” giit ni Edwin
Lacierda, tagapagsalita
ng Pangulo.
Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman
sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung
magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming
ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng
tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon
sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi
makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom.
Ang isyu sa paggamit ng
contraceptives ay isyung
lantad na lantad na. Kahit
na gaano pa ang pagtutol
ng Simbahang Katoliko sa
paggamit ng kahit anong uri
ng contraceptives --- condom,
IUD at pills para mapigilan
ang pagbubuntis, ito ay
matagal nang ginagawa ng
mga mag-asawa. Ang totoo’y
natuto na ang mga mag-asa-
wa na dapat ay magkaroon
ng pagitan at may hangga-
nan ang panganganak. Mara-
mi nang mga mag-asawa
ang natuto na ang dalawa o
tatlong anak ay kaya nilang
pakainin at pag-aralin.
http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg
PAGPAPLANO NG PAMILYA
319
Nasasayang ang pondo ng
pamahalaan sa pagbili ng
mga contraceptives sa halip na
gamitin ito sa mas mahalagang
suliranin ng bansa.
“Life begins at fertiliza-
tion, anything that pre-
vents the fertilized ovum
to be implanted in the
uterus may be considered
as abortive and therefore,
if prescribed, may violate
our solemn oath as physi-
cians to save and protect
human life particularly
the unborn.” -
Dr. Oscar Tinio
PMA President
Ang paggamit ng
contraceptives ay masama
sapagkat taliwas ito sa
natural na pamamaraan
ng pagkakaroon ng buhay.
Natural family planning
dapat ika nga at hindi mga
contraceptives.
Ang RH Law ay naka-
sisira sa moralidad ng
mamamayan. Ang con-
traception ay nakasasa-
ma dahil nawawalan ng
disiplina ang mga tao
at tumatakas sa mga
responsibilidad. Ang sex
education ay nakasasa-
ma dahil magdudulot
ito ng pagkasira sa mu-
rang pag-iisip ng mga
batang nag-aaral.
http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/
images/manila_cathedral.jpg
Pamprosesong mga Tanong
1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong
paniniwala ang iyong susundin; ang Simbahang Katoliko o ang sa pama-
halaan? Bakit?
2. Lumalabag ba sa moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat
gumamit ng contraceptives sa pagpaplano ng pamilya? Ipaliwanag ang
sagot.
3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili
ng contraceptives? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng
pamilya: ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Re-
productive Health Act of 2012). Sa iyong palagay, makatutulong ba ito
upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag.
5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis
na paglaki ng populasyon at ang hindi mabuting epekto nito?
?
Nasasayang ang pondo ng
pamahalaan sa pagbili ng
mga contraceptives sa halip na
gamitin ito sa mas mahalagang
suliranin ng bansa.
“Life begins at fertiliza-
tion, anything that pre-
vents the fertilized ovum
to be implanted in the
uterus may be considered
as abortive and therefore,
if prescribed, may violate
our solemn oath as physi-
cians to save and protect
human life particularly
the unborn.” -
Dr. Oscar Tinio
PMA President
Ang paggamit ng
contraceptives ay masama
sapagkat taliwas ito sa
natural na pamamaraan
ng pagkakaroon ng buhay.
Natural family planning
dapat ika nga at hindi mga
contraceptives.
Ang RH Law ay naka-
sisira sa moralidad ng
mamamayan. Ang con-
traception ay nakasasa-
ma dahil nawawalan ng
disiplina ang mga tao
at tumatakas sa mga
responsibilidad. Ang sex
education ay nakasasa-
ma dahil magdudulot
ito ng pagkasira sa mu-
rang pag-iisip ng mga
batang nag-aaral.
http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/
images/manila_cathedral.jpg
320
GAWAIN 15: Ano ang Gusto Mo!
Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster
o editorial cartoon. Gawin ito nang pangkatan. Sundin ang PDRS (Plan, Do,
Review, at Share) technique. Ang lilikhaing poster o editorial cartoon ay maglala-
man ng mga pamana sa kabihasnan ng bourgeoisie, merkantilismo, national
monarchy,	Simbahang	Katoliko,	Renaissance,	at	Repormasyon.	Maaari	mo	itong	
gawin sa isang cartolina o illustration board. Maging malikhain sa magiging
laman ng inyong gagawin at sikaping lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi
sa gawain. Lagyan din ng paliwanag at pasasalamat sa naging ambag sa daigdig
ng mga nasabing salik sa paglakas ng Europe. Ibahagi ito sa klase pagkatapos.
Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. Sagutin din
ang mga pamprosesong tanong para sa mas malalim na pag-unawa sa aralin.
CRITERIA NAPAKAGALING
3
MAGALING
2
MAY
KAKULANGAN
1
MARKA
IMPORMATIBO/
PRAKTIKALIDAD
Ang nabuong
poster o editorial
cartoon ay naka-
pagbibigay ng
kumpleto, wasto,
at napakahalagang
impormasyon tung-
kol sa paglakas ng
Europe.
Ang nabuong
poster o editorial
cartoon ay nakapag-
bibigay ng wastong
impormasyon tung-
kol sa paglakas ng
Europe.
Ang nabuong
poster o editorial
cartoon ay kulang
sa sapat na impor-
masyon tungkol sa
paglakas ng Europe.
MALIKHAIN Ang pagkakadisen-
yo ng poster o
editorial cartoon
tungkol sa paglakas
ng Europe.
Ang pagkakadisen-
yo ng poster o
editorial cartoon
tungkol sa paglakas
ng Europe.
May kakulangan
ang elemento ng
pagdisenyo ng
poster o editorial
cartoon tungkol sa
paglakas ng Europe.
KATOTOHANAN Ang poster o
editorial cartoon
ay nagpapakita ng
makatotohanang
pangyayari tungkol
sa paglakas ng
Europe. Ang
nilalaman nito ay
may bisa/dating sa
madla.
Ang poster o
editorial cartoon
ay nagpapakita
ng pangyayari
tungkol sa paglakas
ng Europe. Ang
nilalaman nito
ay may dating sa
madla.
Ang poster o
editorial cartoon
ay nagpapakita ng
iilang pangyayari
tungkol sa paglakas
ng Europe. Ang
nilalaman nito ay
walang dating sa
madla.
321
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang iyong napuna sa nabuong mga poster/ editorial cartoon?
2. Paano nakatulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang mga pamanang
iniwan ng mga pangyayaring kaugnay ng paglakas ng Europe?
3. Paano ipinakita sa poster/editorial cartoon ang naitulong ng mga
pamanang iniwan ng paglakas ng Europe sa transpormasyon ng ating
daigdig sa kasalukuyan?
GAWAIN 16: Salamin ng Aking Sarili!
Ano ang naramdaman mo habang inaalam ang mahahalagang impormasyon
tungkol sa paglakas ng Europe? Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapu-
kaw ng iyong interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang tuklasin
nang mas malawak? Sa proseso ng paunlarin at pag-unawa ng aralin, ano ang
mga natuklasan mo sa iyong sarili bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga
susunod na hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang iyong
pag-aaral?
Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang
maging gabay sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing
iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad
ng iyong sarili.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
__________________________________________
Binigyang diin sa Aralin 1 ang pagtalakay ng mga pangyayari tungkol sa
paglakas	ng	Europe.	Nakasentro	ang	pagtalakay	sa	mga	salik	na	nagbunsod	nito	
tulad	ng	pagsilang	at	kontribusyon	ng	Renaissance,	ang	Repormasyon,	maging	
ang	naging	tugon	ng	Simbahang	Katoliko,	at	ang	Kontra-Repormasyon.	
Mahalagang tandaan ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makatutulong
ito sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng daigdig. Mahalaga rin ang
mga natalakay upang mapag-ugnay ang nakaraan sa kasalukuyang panahon.
?
322
ARALIN 2
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN
NG EUROPE
Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ng daigdig. Matatagpuan
dito	ang	mga	sikat	na	lungsod	tulad	ng	Rome	sa	Italy,	Paris	sa	France,	at	London	
sa Great Britain. Ang mga lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali,
magagandang pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong
daigdig. Kontribusyon sa malawak na pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito.
ALAMIN
Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe,
Renaissance at Repormasyon, bibigyang diin naman sa araling ito ang naging
paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung
paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng
kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo
ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka na para sa mga gawain
sa araling ito. Simulan mo na.
GAWAIN 1: Sasama Ka Ba!
Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang
iyong sagot sa tanong. Gawin ito sa kuwaderno.
Panahon: 1430
Sitwasyon:	Isang	makulimlim	na	araw.	Nasa	isang	daungan	ka	ng	Europe	at	
nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa
kabilang dako ng karagatan. Ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag.
Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng
karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na
muling nakabalik. Sa kabilang banda, may kayamanang naghihintay para sa
mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.
323
SPANISH GALLEON
Ang malalaking
alon ay maaring
sumira at magpa-
lubog ng barko.
Ang barko ay maaaring
maglaman ng ginto,
mamahaling hiyas, at
mahahalagang bagay na
nagmumula sa kabilang
bahagi ng karagatan.
SASAMA KA BA?
SPANISH GALLEON
Ang malalaking
alon ay maaring
sumira at magpa-
lubog ng barko.
Ang barko ay maaaring
maglaman ng ginto,
mamahaling hiyas, at
mahahalagang bagay na
nagmumula sa kabilang
bahagi ng karagatan.
SASAMA kA bA?
324
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pabuyang posible mong matanggap kung sasama ka sa pagla-
layag?
2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa
paglalayag?
3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang
pamumuhay at lipunan ng Europe?
GAWAIN 2: Suriin Mo!
Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay.
Isulat sa ibaba ng bawat larawan ang naiisip mong naitutulong nito sa iyo.
?
NAITUTULONG SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
325
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan?
2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan?
4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan?
Ipaliwanag.
Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto tungkol sa paglawak
ng kapangyarihan ng Europe, marahil ay nanabik ka nang malaman ang mga
pangyayaring nagbigay-daan sa pangyayaring ito. Subalit bago tayo magpatuloy
sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang kasunod na gawain.
GAWAIN 3: Bahagdan ng Aking Pag-Unlad
Sagutan ang unang kahong Aking Alam at ang ikalawang kahong Nais
Malaman. Samantala, ang ikatlo at ikaapat na kahon Mga Natutuhan at
Halaga ng Natutuhan sa Kasalukuyan ay sasagutin mo pagkatapos ng aralin.
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN
HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN
?
326
BINABATI KITA!
Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto
ng paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil nais mo pang malaman ang
mahahalagang impormasyon tungkol dito. Ang mga katanungang nabuo sa iyong
isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng araling ito sa pamamagitan
ng iba’t ibang gawain. Suriin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa
bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan.
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang
kaalaman tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe; ang Una at Ikalawang
Yugto	ng	Imperyalismo	at	Kolonisasyon,	maging	ang	iba-ibang	Rebolusyong	
naganap,	ang	Rebolusyong	Siyentipiko,	Enlightenment,	at	Rebolusyong	
Industriyal. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi upang masagot
ito pagkatapos ng pag-aaral sa bahaging ito ng aralin.
GAWAIN 4: Maglayag Ka!
Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin
sa	Unang	Yugto	ng	Imperyalismong	Kanluranin.	Basahin	mo	at	unawain	ang	
teksto tungkol dito.
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
Nagsimula	noong	ika-15	na	siglo	ang	dakilang	panahon	ng	eksplorasyon	o	
paghahanapngmgalugarnahindipanararatingngmgaEuropeo.Angeksplorasyon
ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para
sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan;
(2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo at; (3) paghahangad ng katanyagan at
karangalan.
Noong	ika-15	hanggang	ika-17	na	siglo	naganap	ang	unang	yugto	ng	
Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-
impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop.
Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak
na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng
327
pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya
sa mga manlalakbay, at pagkatuklas, at pagpapaunlad sa mga instrumentong
pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming
pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon
ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga
karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al pp. 241
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang
kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga
tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang
kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang
mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na "The Travels of Marco Polo" (circa
1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay
ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala,
itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay
sa	Asya	at	Africa.	Nakadagdag	ang	mga	tala	nina	Marco	Polo	at	Ibn	Battuta	
sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa
kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa
panahong ito ay kontrolado ng mga Musim.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et. al pp. 241
Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang
matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng dalawang
instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng tamang
direksiyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang
sukatin ang taas ng bituin.
Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng
mga	bagong	lupain	-	ang	Portugal	at	Spain.	Nanguna	ang	Portugal	sa	mga	bansang	
Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng mga
manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang
mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan
ang kaniyang pangarap, na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan
ng Diyos at ng Portugal.
328
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong
ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking
imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga
dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong
1469	nang	magpakasal	si	Isabella	kay	Ferdinand	ng	Aragon.	Sila	ang	sumuporta	sa	
pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang
paghahari	rin	nasupil	ang	mga	Muslim	sa	Granada	at	nagwakas	ang	Reconquista.
Noong	ika-17	na	siglo,	naitatag	ang	mga	bagong	imperyo	sa	hilagang	Europe,	
Great	Britain,	France,	at	Netherlands.	Ang	mga	ito	ang	nagbigay	lakas	sa	mga	
Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga
produktong galing sa Silangan.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar
MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
Batay sa binasang teksto, ano-ano ang motibo at salik sa eksplorasyon?
MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
329
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na
matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may
malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim
at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay
bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga
panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat
ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian.
Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong
mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices
na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado
dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at
upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga
pabango, kosmetiks, at medisina.
Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?
Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa
kanilang eksplorasyon?
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes
sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at
ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga
mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin
ang rutang katubigan patungo sa Asya.
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na
matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may
malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim
at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay
bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga
panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat
ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian.
Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong
mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices
na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado
dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at
upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga
pabango, kosmetiks, at medisina.
Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?
Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa
kanilang eksplorasyon?
330
Noong	 Agosto	 1488	 natagpuan	 ni	
Bartholomeu Dias ang pinakatimog
na bahagi ng Africa na naging kilala sa
katawagang Cape of Good Hope. Ang
paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na
maaaring makarating sa Silangang Asya
sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Samantalang noong 1497 ay apat (4)
na sasakyang pandagat ang naglakbay
na pinamumunuan ni Vasco da Gama
mula Portugal hanggang sa India. Ang
nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape
of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade
post sa Africa upang makipagkalakalan
at nakarating matapos ang 10 buwan
sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da
Gama ang mga Hindu at Muslim na
nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda,
porselana, at pampalasa na pangunahing
kailangan ng mga Portuges sa kanilang
bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong
mangangalakal na magkaroon ng direktang
pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya
gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang bayani.
Dahil din sa kaniya kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa
silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan.
Halaw mula sa : EASE Modyul 14, Araling Panlipunan III
Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco da Gama
Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga
Europeo mula sa ika-14 na siglo
Si Prinsipe Henry, ay anak ni Haring Juan ng Portugal, ang
naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag
sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat.
Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo,
at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya
ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa
kaniyang	pangalan	ang	katawagang	“The	Navigator.”	Dahil	sa	kaniyang	mga	
itinaguyod	na	paglalakbay	ay	nakarating	siya	sa	Azores,	isla	ng	Madeira,	
at sa mga isla ng Cape Verde.
331
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan
Ang	pagpapakasal	nina	Haring	Ferdinand	V	ng	Aragon	at	
Reyna	Isabella	I	ng	Castille	noong	1469	ay	naging	daan	
upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa
Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian
ang naging daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon
sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher
Columbus,	isang	Italyanong	manlalayag.	Noong	1492	
ay tinulungan si Columbus na ilunsad ang kaniyang
unang ekspedisyon patungong
India na dumaan pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang
ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya
ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan,
pagodatgutomsakanilangpaglalakbay,athabangpanahon
na	kanilang	inilagi	sa	katubigan.	Nguni’t	naabot	din	niya	
ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay
ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan
doon ay gaya ng mga taga-India
kaya tinawag niya ang mga itong
Indians. Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay
ng maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang
mga	bansa	ng	Haiti	at	Dominican	Republic)	at	ang	Cuba.	
Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na
sa pangangailangan ng Spain nguni’t sa tingin niya ay di
pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon
sa Asya.
Ferdinand V
Amerigo Vespucci
Christopher Columbus
Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto?
Sino-sino ang mga Portuguese na naglayag at ano-ano ang lugar na kanilang
narating?
332
Pagbalik niya sa Spain ay ipinagbunyi ang resulta ng kaniyang ekspedisyon
at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy, at Gobernador ng
mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang
pinamunuan	bago	siya	mamatay	noong	1506.	Narating	niya	ang	mga	isla	sa	
Carribean at sa South America nguni’t di siya nagtagumpay sa paghahanap ng
bagong ruta patungo sa Silangan.
Masusuri natin sa pangyayaring ito na may kakulangan sa mga makabagong
gamit	ang	mga	ginawang	paglalakbay	gaya	ng	mapa	na	di	pa	maunlad.	Noong	
1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si
Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang America . Ito ay naitala
sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla.
Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala
ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi
ang	mga	bansang	ito	ng	tulong	sa	Papa	sa	Rome	
upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan.
Noong	1493	ay	gumuhit	ng	line of demarcation ang
Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna
ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa
Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat
ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa
Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan?
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring
tuklasin ng Portugal at Spain.
333
Nagduda	ang	mga	Portuguese	sa	naging	kinalabasan	ng	kanilang	pagtatanong	
kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila
at	sa	Spain.	Nakikita	nila	na	baka	lumawak	ang	paggagalugad	ng	Spain	sa	
Kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa
pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 nagkasundo sila na ang
line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong
panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng
mundo na di pa nararating ng mga taga Europe.
Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14
Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
334
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Taong	1519	nang	magsimula	ang	ekspedisyon	ni	Ferdi-
nand Magellan, isang Portuges na ang paglalakbay ay
pinondohan	ng	Spain.	Nilakbay	ng	kanyang	ekspedisyon	
ang	rutang	pakanluran	tungong	Silangan.	Natagpuan	
nila ang silangang baybayin ng South America o ban-
sang	Brazil	sa	kasalukuyan.	Nilakbay	din	nila	ang	isang	
makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan
ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko
hanggang marating ang Pilipinas.
Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at
pagkagutom.	Ngunit	nalagpasan	nila	ang	lahat	ng	ito	at	nakatagpo	ng	malaking	
kayamanang ginto at mga pampalasa.
Isinilang	si	Ferdinand	Magellan	noong	1480	sa	Sabrosa,	Portugal.	Si	Rui	de	
Magalhaes, ang kanyang ama at Alda de Mesquita, ang kaniyang ina.
Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating ang Pilipinas
Ferdinand Magellan
335
Naging	matagumpay	din	sila	na	madala	sa	Katolisismo	ang	mga	katutubo.
Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na maaaring ikutin
ang mundo at muling makababalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito nang
ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa
sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang circumnavigation o
pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang
mundo	ay	patag.	Naitala	sa	mapa	ang	iba	pang	kalupaan	sa	Silangan	kaya’t	lalo	
pang nakilala ang mga yaman nito.
Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14
http://www.sandiegohistory.org/journal/66april/images/pg8map.jpg
Paano narating ni Magellan ang Pilipinas?
Ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan?
Ang mga Dutch
Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese
bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa
Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain
ay pinataniman ng mga halamang mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito
ay ang sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas.
Nagkaroon	 din	 ng	 mga	 kolonya	 ang	 mga	 Dutch	 sa	 North	 America.	
Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay
para	sa	mga	mangangalakal	na	Dutch.	Napasok	niya	ang	New	York	Bay	noong	
1609	at	pinangalanan	itong	New	Netherland.	Noong	1624,	isang	trade outpost
o	himpilang	pangkalakalan	ang	itinatag	sa	rehiyon	na	pinangalanang	New	
Amsterdam.	Ito	ngayon	ay	kilala	bilang	New	York	City.
336
Kung ihahambing ang pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal
ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India
Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga
daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa
paminta at iba pang rekado.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al. , pp.244-245
Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang
kolonyal sa Asya?
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Nagbunga	ng	pagbabago	ng	mga	ruta	sa	kalakalan	ang	pagtuklas	at	paglalayag	
noong	ika-15	at	ika-16	na	siglo.	Nawala	sa	dating	kinalalagyan	ang	Italy	sa	kalakalan	
na	kaniyang	pinamunuan	sa	Medieval	Period.	Naging	sentro	ng	kalakalan	ang	mga	
pantalan	sa	baybay-dagat	ng	Atlantic	mula	sa	Spain,	Portugal,	France,	Flanders,	
Netherlands,	at	England.	Sa	pagkakatuklas	ng	mga	lupain,	higit	na	dumagsa	ang	
mga kalakal katulad ng spices	na	nagmula	sa	Asia.	Sa	North	America,	kape,	ginto	
at pilak; sa South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo.
Kay Henry Hudson, ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa
Manhattan, USA.
Nagtatag	din	ng	pamayanan	sa	Africa	ang	mga	Dutch	
sa pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang
nanirahan	sa	may	Cape	of	Good	Hope.	Nguni’t	noong	ika-
17 na siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo
ng mga Dutch at ito’y pinalitan ng England bilang
pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe.
Halaw mula sa : Araling Panlipunan III, EASE Modyul 14
337
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto
at pilak na galing sa Mexico, Peru, at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng
mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang
may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang
ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-
daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamumuhunan ng
kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
Noong	Medieval	Period,	hindi	alam	ng	mga	tao	ang	pag-iipon	ng	salapi.	
Nasisiyahan	na	sila	kung	sapat	na	ang	kanilang	kita	para	sa	pangangailangan.	
Ngunit	sa	pag-unlad	ng	kalakalan,	dumami	ang	kanilang	salaping	naipon.	Hindi	
nila ito itinago. bagkus, ginamit nila itong puhunan para higit na lumago pa.
Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at
pagtuklas ng mga lupain?
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. Katulad ng
sumusunod:
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese
ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi
pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang
nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.
2.	 Nakapukaw	ito	ng	interes	sa	mga	makabagong	pamamaraan	at	teknolohiya	
sa heograpiya at paglalayag.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
4.	 Nagdulot	din	ito	ng	maraming	suliranin	sa	mga	bansang	nasakop	tulad	
ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil , at pagsasamantala sa kanilang
likas na yaman.
5.	 Nagkaroon	ng	pagbabago	sa	ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng
Old	World	at	New	World.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al.., pp. 185 - 186
338
Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at
imperyalismo? Patunayan.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________
GAWAIN 5: Talahanayan ng Manlalayag
Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga im-
pormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon.
MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON
PERSONALIDAD
BANSANG PINAG-
MULAN
TAON
LUGAR NA NARATING/
KONTRIBUSYON
Halimbawa:
Vasco Da Gama
Portugal 1498 India
339
Pinagkunan: http://geology.com/world/world-map.gif
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino-sino ang nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong
mga lugar ang kanilang narating?
2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?
3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa
paggalugad sa daigdig?
4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europe?
5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang
nakararating, papayag ka ba? Bakit?
GAWAIN 6: Pin the Flag
Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon? Muling
alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop.
Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang kanluranin na nanguna
sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Tapatan din
ng kanilang watawat ang mga lugar na kanilang narating at nasakop. Gawin ito
sa malinis na papel.
?
340
Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang
kanilang pangalan sa talahanayan. Gawin ito sa kuwaderno.
BANSANG KANLURANIN BANSANG NASAKOP
1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong bansa ang nanguna sa unang yugto ng imperyalismo at
kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop?
2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin?
3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa?
4. Paano nabago ang buhay ng mamamayang nasakop ng mga Kanluranin?
5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang
mga makapangyarihang bansa? Bakit?
6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop sa iyong
bansa, ano ang iyong gagawin?
?
Portuguese Español French Dutch English
341
GAWAIN 7: Mabuti o Masama?
Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo
at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang
konseptong tinalakay.
Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot at sagutan ang mga pamprosesong
tanong.
EPEKTO NG UNANG YUG-
TO NG IMPERYALISMO AT
KOLONISASYON
NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN
1. Paglakas ng ugnayan
ng silangan at kanluran.
2. Paglaganap ng
sibilisasyong Kanluranin
sa Silangan.
3. Pagbabago ng
ecosystem ng daigdig
bunga ng pagpapalitan
ng hayop, halaman, at
sakit.
4. Paglinang ng mga
Kanluranin sa likas na
yaman ng mga bansang
nasakop.
5. Interes sa mga bagong
pamaraan at teknolohiya
sa heograpiya at pagla-
layag.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at
kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto?
2. Sino ang higit na nakinabang sa unang yugto ng imperyalismo at
kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit?
3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa?
Bakit?
?
342
Ngayon ay alam mo na ang mahahalagang pangyayayari at
epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo. Ang
mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala
ng eksplorasyon, maging ng Renaissance at Repormasyon ay
nagbunsod upang pagtuunan ng mga tao ang edukasyon at
agham. Tatalakayin sa bahaging ito ng aralin ang Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.
GAWAIN 8: Ikaw at Ako. Lahat Tayo!
Alamin	ang	pangyayaring	kaugnay	ng	Rebolusyong	Siyentipiko,	Enlightenment,	
at	Rebolusyong	Industriyal.	Basahin	at	unawain	ang	sumusunod	na	teksto.	
Pagkatapos ay humanda sa pangkatang gawain
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Naimbento	ang	agham	hindi	lamang	sa	panahon	ng	Rebolusyong	Siyentipiko.	
Ito ay malaon ng ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang
“kaalaman.” Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi
pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista.
Noong	ika-15	na	siglo,	ang	pag-unawa	ng	mga	Europeo	tungkol	sa	mundo	
at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.
Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyonal na
kahiwagaan ng sansinukob.
Ang	ika-16	at	ika-17	na	siglo	ay	ang	hudyat	sa	pagpasok	ng	Rebolusyong	
Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong
pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya
ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina
dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng
“bagong	siyensiya.”	Naging	tulong	ang	panahon	ng	katuwiran	(age of reason)
upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyonal na ideya at nabigyan
ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p. 18
343
Ang	Polish	na	si	Nicolaus	Copernicus	ay	nagpasimula	
ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng
Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon
ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa America.
Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng
mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at
tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang
pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo
at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay
may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog na taliwas sa
naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narating na ng isang manlalakbay ang
dulo nito ay posible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot
ng mundo sa sarili nitong aksis habang
ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya
na ang araw ang siyang nasa sentro ng
Sansinukuban na taliwas sa itinuturo
ng Simbahan na ang mundo ang sentro
ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay
nakilala bilang Teoryang Heliocentric.
Ang kaisipang ito ni Copernicus ay
di niya kaagad inilathala sa dahilang
posibleng ito ang maging daan sa
mga puna mula sa Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon,
ekskomunikasyon, o pagsunog ng buhay
sa pamamagitan ng inquisition.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 13
Ano ang ibig sabihin ng Teoryang Heliocentric?
Ang Teoryang Heliocentric
Nicolaus CopernicusNicolaus Copernicus
344
Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe)
Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural
scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng
isang pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol
sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta
at sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito
ay tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga
planeta ay di pare-pareho sa bilis ng kanilang paggalaw
nguni’t bumibilis ito kung papalapit sa araw at bumabagal
kung ito’y papalayo.
Nagkaroon	ng	mga	pagtatanong	si	Kepler	sa	mga	pinuno	sa	academics at
Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa
kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil
siya’y kabilang sa kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon.
Nguni’t	ang	kaniyang	kontemporaryo	na	si	Galileo	Galilei	na	isang	Italyano	at	
Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan.
Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong
teleskopyo at naging dahilan ng kaniyang pagdiskubre sa
kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni
Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim
sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang
pagdidiing ito sa kaniya ng Simbahan ay naging daan upang
bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga
pag-aaral at upang di ito maging daan ng pagtitiwalag sa
kaniya ng Simbahan. Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy
pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng
mga unibersal na batas sa pisika.
Halaw mula sa: : EASE Araling Panlipunan III Modyul 13
Paano ipinaglaban nina Kepler at Galilei ang kanilang paniniwala?
Johannes Kepler
Galileo Galilei
345
Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga
tao sa daigdig?
Ang Panahon ng Enlightenment
Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba-ibang
aspekto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraan ito
upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika,
panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment).	Nagsimula	ito	sa	batayang	kaisipang	iminungkahi	ng	mga	
pilosopo.
Bagama’t ang Panahong Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad
sa Europe noong ika-18 na siglo, maaari ding sabihing ito ay isang kilusang
intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran
at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga
modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at
maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher
o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman,
at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang
kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 254
Ang Makabagong Ideyang Pampolitika
Naging	daan	ang	mga	pagbabago	sa	siyensiya	upang	mapag-isipan	ng	mga	
pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring
maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maaari ding maging
gabay ang mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan, at panlipunan.
Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong
pangangatuwiran. Tunay na malaki ang impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip
sa teoryang pampolitika.
346
Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes Tungkol sa Pamahalaan
Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang
isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan
niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao
kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno
upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang
pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na “Leviathan”
noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang
pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan.
Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang
kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito,
pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na
bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatuwiran
ang pamamalakad.
Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13
Ano ang paliwanag ni Hobbes tungkol sa pamahalaan?
Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay
si John Locke na may paniniwala kagaya ng
kay Hobbes na kinakailangang magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang
pinuno.	Nguni’t	naiiba	siya	sa	paniniwala	na	
ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay
may karapatang mangatuwiran, may mataas na
moral, at mayroong mga natural na karapatan
ukol sa buhay, kalayaan, at pag-aari.
Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira
sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at
Thomas Hobbes
John Locke
347
ibigay ang kaniyang mga natural na karapatan. Binigyang diin din niya na kung
ang tao ay gumagamit ng pangangatuwiran sila ay makararating sa pagbubuo
ng isang pamahalaang may mabisang pakikipag-ugnayan na makatutulong sa
kanila ng pinuno.
Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng
lathalaing “Two Treatises of Government”. Ang kaniyang sulatin ay naging
popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng
England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng
mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon
ng	Kalayaan	na	sinulat	ni	Thomas	Jefferson	ay	naging	mahalagang	sulatin	sa	
paglaya ng Amerika sa mga Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa
kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 13
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si
Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa
isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura
na ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na
nagpapatupad ng batas, at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o
Francois	Marie	Arouet,sa	tunay	na	buhay	at	isa	ring	Pranses	ay	sumulat	ng	ilang	
mga	lathalain	laban	sa	Simbahan	at	Korteng	Royal	ng	France.	Ito	ang	naging	
dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya
pinatapon sa England. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at binigyan
niya	ng	pagpapahalaga	ang	pilosopiya	ni	Francis	Bacon	at	siyensiya	ni	Isaac	
Newton.
Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13
Ano ang pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes?
Sa mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan?
348
Ang Rebolusyong Industriyal
Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong
agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang
transpormasyon	na	ito	ay	nakilala	sa	katawagang	Rebolusyong	Industriyal	dahil	
pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong
makinarya.	Nagbigay	ito	ng	malaking	produksiyon	sa	mga	bansa,	karagdagang	
kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan
sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga
industriya upang kumita nang malaki.
Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe?
Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa
Rebolusyong Industriyal?
Ang Bagong Uri ng Rebolusyon
Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong
makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng
tinatawag	na	Rebolusyong	Industriyal.	Ito	
ang panahon na kung saan ang mga tao
ay nagpasimula nang gumamit ng mga
makabagongkagamitangayangmakinarya
sa	kanilang	produksiyon.	Nagkaroon	ng	
malaking pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao sa dahilang naging mabilis ang
kanilang produksiyon at ito’y lumaki.
Naging	daan	ito	upang	sila’y	magkaroon	
ng	malaking	kita	at	mapaunlad	ang	kanilang	pamumuhay.	Nagsimula	ito	noong	
1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang
nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul
349
ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Ang Great Britain ang nagpasimula
dahil sa pagkakaroon nito ng
maraming uling at iron na
naging pangunahing gamit sa
pagpapatakbo ng mga makinarya
at pabrika. Lumaganap ang
kaniyang pakikipagkalakalan at
ito ay naging dahilan ng pagiging
matatag ng kaniyang kalakalan.
Sinuportahang mabuti ng
pamahalaan ang kalakalang ito
sa pamamagitan ng pagtatatag
ng malakas na hukbong pandagat
upang protektahan ang kanilang
imperyo ng kalakal.
Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa
pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng
sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa
pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang
namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang
trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa
makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang
pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela
ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na
matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na
magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina
at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing
na luho lamang ng panahong iyon.
Taong 1793 nang maimbento ng
isang Amerikanong nagngangalang
Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay
nakatulong para maging madali
ang paghihiwalay ng buto at iba
pang mga materyal sa bulak na
dati ay ginagawa ng halos 50
manggagawa. Dahil dito naging
mabilis na ang nasabing proseso
at nakatulong ito sa malaking
produksiyon para sa paggawa ng
tela sa United States.
Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay
naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging
mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang
spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga
sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong
manggagawa ay maaari nang gawin ng isa na lamang sa
tulong ng nabanggit na makinarya.
Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13
http://www.stamp-collecting-world.com/images/
GB_Map_01.jpg
Ease Modyul 13
ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Ang Great Britain ang nagpasimula
dahil sa pagkakaroon nito ng
maraming uling at iron na
naging pangunahing gamit sa
pagpapatakbo ng mga makinarya
at pabrika. Lumaganap ang
kaniyang pakikipagkalakalan at
ito ay naging dahilan ng pagiging
matatag ng kaniyang kalakalan.
Sinuportahang mabuti ng
pamahalaan ang kalakalang ito
sa pamamagitan ng pagtatatag
ng malakas na hukbong pandagat
upang protektahan ang kanilang
imperyo ng kalakal.
Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa
pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng
sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa
pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang
namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang
trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa
makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang
pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela
ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na
matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na
magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina
at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing
na luho lamang ng panahong iyon.
Taong 1793 nang maimbento ng
isang Amerikanong nagngangalang
Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay
nakatulong para maging madali
ang paghihiwalay ng buto at iba
pang mga materyal sa bulak na
dati ay ginagawa ng halos 50
manggagawa. Dahil dito naging
mabilis na ang nasabing proseso
at nakatulong ito sa malaking
produksiyon para sa paggawa ng
tela sa United States.
Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay
naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging
mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang
spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga
sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong
manggagawa ay maaari nang gawin ng isa na lamang sa
tulong ng nabanggit na makinarya.
Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III
Modyul 13
http://www.stamp-collecting-world.com/imag-
es/GB_Map_01.jpg
Ease Modyul 13
350
Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal
Ang pagkakaimbento sa steam engine
ay naging daan para maragdagan ang
suplay ng enerhiya na magpapatakbo
sa mga pabrika. Kaya mas marami pang
mga sumunod na imbensiyon na ginawa
ang tao na karaniwang gawa sa bakal
gaya ng mga makinarya sa bukid, baril,
sasakyang	dumaraan	sa	mga	riles.	Na-
katulong ito sa mabilis na pagdadala
ng mga produkto sa iba’t ibang lugar
at ugnayan sa pamamagitan ng maka-
bagong telekomunikasyon.
Naging	kilala	ang	pangalan	nina	
Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at ni Thomas Alva
Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong
para ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang
mga makabago nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala
ang telegrapo na nakatulong para
makapagpadala ng mga mensahe
sa mga kakilala, kaibigan at kamag-
anakan sa ibang lugar.
Ang Newcomen steam engine at
Watt steam engine na naimbento
noong 1705 at 1760 na nakatulong
sa pag-pump ng tubig na ginamit
para makapagsuplay ng tubig na mag-
bibigay ng enerhiyang hydoelectric
na nagpatakbo ng mga makinarya sa
mga pabrika.
Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?
351
Ang	Rebolusyong	Industriyal	ay	nakatulong	din	sa	pagbibigay	ng	maraming	
oportunidad sa paghahanapbuhay ng mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking
puhunan na nakapagpabago sa kanilang pamumuhay hanggang sa mabuo ang
middle class o panggitnang uri ng mga tao sa lipunan.
Halaw mula sa: Ease Modyul 13
Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensiyon:
1. team engine –
2. Telepono –
3. Telegrapo –
4. Bombilya –
Epekto ng Industriyalismo
Nagpabago	sa	pamumuhay	ng	tao	ang	industriyalismo.	Dumagsa	sa	lungsod	ang	
mga	taong	taga-probinsiya.	Nagdulot	ito	ng	pagdami	ng	tao	sa	lungsod	at	naging	
squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang
mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na suliraning
panlipunan	at	pang-ekonomiya.	Nagdulot	din	ito	ng	hidwaang	pampolitika.	
Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle
class society.	Nagbunga	ito	ng	pagtatatag	ng	mga	unyon	ng	mga	manggagawa	
hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
S a p a g - u n l a d n g
industriyalisasyon, higit
pang nagsikap ang mga
Kanluranin sa pananakop
ng mga kolonya. Ito ay dahil
sa pangangailangan nila ng
mga hilaw na sangkap na
maibibigay ng mga kolonya.
Ito rin ang mga nagsisilbing
pamilihan ng kanilang mga
produkto.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.189
352
Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong lndustriyal?
Nakatutulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw-
araw mong pamumuhay? Patunayan.
Pangkatang Pag-uulat: Bumuo ng pangkat na makakasama mo sa gawaing ito
at magplano ng magiging sistema ng inyong paglalahad ng aralin. Maaari ding
magsaliksik ng mga karagdagang datos tungkol sa inyong paksa.
Pangkat	1:	Rebolusyong	Siyentipiko	
Pangkat 2: Enlightenment
Pangkat	3:	Rebolusyong	Industriyal	
Pagkatapos ng inyong presentasyon ay itala sa data chart ang mahahalagang
kaalaman para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon sa paksa. Magbigay
ng reaksiyon tungkol sa naging presentasyon ng kamag-aral.
DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO / KINALABASAN
Rebolusyong Siyentipiko
Enlightenment
Rebolusyong Industriyal
EPEKTO SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
353
Pamprosesong mga Tanong
1.	 	Ano-ano	ang	dahilan	ng	Rebolusyong	Siyentipiko,	Enlightenment,	at	
Industriyal?
2. Sino-sino ang mga indibiduwal na nanguna sa bawat panahon?
3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapang-
yarihan ng Europe?
4.	 Bakit	naganap	ang	Rebolusyong	Industriyal	sa	Great	Britain?
5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga rebolusyong
ito sa panahon natin ngayon?
6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon?
GAWAIN 9: May Ginawa Ako! Ikaw Ba?
Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa
sa aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman
ng mga naging kontribusyon sa iba-ibang larangan ng mga personalidad. Sundan
ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito.
PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON
Halimbawa:
Galileo Galilei
Astronomiya Teleskopyo
?
354
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino-sino ang personalidad na inyong itinala?
2. Ano-ano ang naging kontribusyon nila sa kanilang larangan?
3. Paanonakatulongangkanilangkontribusyonsapaglawakngkapangyarihan
ng Europe?
4. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga
kontribusyon?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyang halaga ang naging
kontribusyon nila?
GAWAIN 10: Magsurvey Tayo!
Susukatin ng gawaing ito ang lalim ng iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutan ang
survey form na naglalaman ng mahahalagang konseptong dapat mong maunawaan
sa aralin. Suriin din ang magiging resulta ng survey na ito. Hikayatin ang mga
mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng gawaing ito.
Eskala	 3	-	Lubos	na	Naunawaan
	 	 2-	Naunawaan
1 - Di-naunawaan
Pamantayan 3 2 1
1. Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, naipaliwanag ang
kaibahan ng likas na agham at karunungang pangkulto.
2. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment ay makikita sa paglalagay ng tao ng
kaniyang kapalaran sa sariling mga kamay sa tulong ng
katuwiran.
3. Mahalagang ambag ni Sir Francis Bacon sa siyentipikong
pag-aaral ang inductive method.
4. Ipinakilala ni Nicolas Copernicus ang heliocentric view.
5. Nagsimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal.
6. Napagyaman ang mga kaisipan sa edukasyon noong Pana-
hon ng Enlightenment.
?
355
7. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay isa sa mga epekto
ng Rebolusyong Industriyal.
8. Sa Panahon ng Enlightenment, isinulong ang pantay na
karapatan ng kalalakihan at kababaihan at ang karapatan
ng huli na lumahok sa pamahalaan.
9. Ipinakilala ni Thomas Hobbes ang ideya ang tao ay likas na
makasarili kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao.”
10. Nakilala sa panahon ng Rebolusyong Industriyal ang
dalawang uring panlipunan - ang proletariat at bourgeoisie.
Pamprosesong mga Tanong
Alin sa mga kaisipang binanggit sa survey ang hindi mo naunawaan?
2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang pagsagot sa survey?
3. Paano nakatulong ang survey na ito sa iyong pag-unawa ng aralin?
GAWAIN 11: I-collage Mo Ako!
Maraming	naiwang	pamana	ang	mga	naganap	na	Rebolusyon	sa	ating	kabihasnan	
ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay halaga lilikha kayo ng isang collage na
maglalaman	ng	mga	naging	kontribusyon	o	pamana	ng	mga	naganap	na	Rebolusyon	
(Rebolusyong	Siyentipiko,	Enlightenment,	at	Rebolusyong	Industriyal).
Gawin ito nang pangkatan. Bumuo ng limang pangkat na may parehong
bilang. Isaalang-alang ang mga miyembrong hindi mo pa nakasama sa bubuuing
pangkat.
Maging malikhain sa inyong gawain. Tiyaking makikiisa ang bawat miyembro
ng pangkat. Pagkatapos magawa ang collage ay ibahagi ito sa klase. Sagutin din
ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa pag-unawa ng gawaing ito.
Markahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria.
?
356
CRITERIA NAPAKAGALING
3
MAGALING
2
MAY
KAKULANGAN
1
MAR-
KA
IMPORMATIBO/
PRAKTIKALIDAD
Ang nabuong
collage ay
nakapagbibigay ng
kumpleto, wasto at
napakahalagang
impormasyon
tungkol sa naging
kontribusyon
o pamana ng
mga naganap na
rebolusyon.
Ang nabuong
collage ay naka-
pagbibigay ng
wastong impor-
masyon tungkol sa
naging
kontribusyon o
pamana ng mga
naganap na re-
bolusyon.
Ang nabuong
collage ay kulang
sa sapat na
impormasyon sa
tungkol sa naging
kontribusyon o
pamana ng mga
naganap na re-
bolusyon.
MALIKHAIN Ang pagkakadisenyo
ng collage tungkol
sa naging kontri-
busyon o pamana
ng mga naganap na
rebolusyon.
Ang pagkakadisenyo
ng collage tungkol
sa naging kontri-
busyon o pamana
ng mga naganap na
rebolusyon.
May kakulangan
ang elemento ng
pagkakadisenyo
ng collage tungkol
sa naging kontri-
busyon o pamana
ng mga naganap
na rebolusyon at
nagpapakita ng
limitadong antas ng
pagkamalikhain.
KATOTOHANAN Ang collage ay
nagpapakita ng
makatotohanang
pangyayari tungkol
sa naging kontri-
busyon o pamana
ng mga naganap na
rebolusyon.
Ang collage ay
nagpapakita ng
pangyayari tungkol
sa naging kontri-
busyon o pamana
ng mga naganap na
rebolusyon.
Ang collage ay
nagpapakita ng
iilang pangyayari
lamang tungkol
sa naging
kontribusyon
o pamana ng
mga naganap na
rebolusyon.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage?
2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa
kabihasnan ng mga rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europe?
3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo ang
mga pamanang ito?
?
357
Sa nakaraang paksa ay nilinaw sa iyo ang mga pangyayari at kontribusyon
ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.
Sa susunod na gawain ay pag-aaralan mo naman ang Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo at Kolonisasyon
GAWAIN 12: Huwag Mo Akong Sakupin!
Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng ikalawang yugto ng imperyalismo
at kolonisasyon. Gusto mong malaman ang mga dahilan ng kanilang pananakop?
Anong uri na ng pananakop mayroon sa panahong iyon? Gaano kalawak ang
imperyong Kanluranin? Sige, basahin at unawain mo na ang teksto tungkol sa
aralin.
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Ang Pananakop sa Makabagong Panahon
Nagsimula	ang	pananakop	ng	mga	Kanluraning	bansa	sa	ibang	lupain	nang	
pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portu-
gal,	Spain,	Netherlands,	France,	at	Britain	at	nagtayo	ng	mga	kolonya	sa	Asia	
at	America.	Ngunit	lahat	ng	mga	imperyong	ito	ay	bumagsak	bago	nagsimula	
ang	ika-19	na	siglo.	Nawalan	ng	kolonya	sa	North	America	ang	Netherlands	at	
France.	Matagumpay	na	nakapag-alsa	laban	sa	pamahalaan	ang	13	kolonya	ng	
Britain sa America, ang Timog Canada, at ang pinakamagandang kolonya ng
Spain at Portugal.
Nabuo	ang	mga	makabagong	imperyo	noong	ika-19	na	siglo	at	sa	unang	bahagi	
ng	ika-20	na	siglo,	habang	nagaganap	ang	ikalawang	Rebolusyong	Industriyal.	
Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin
o westernization ng ibang lupain.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 211-213
358
Iba-iba ang dahilan ng pananakop.
Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang
pananakop sa paggamit ng manifest
destiny at white man’s burden. Ayon
sa doktrinang manifest destiny may
karapatang ibigay ng Diyos ang United
States na magpalawak at angkinin
ang buong kontinente ng Hilagang
America. Paniniwala naman sa white
man’s burden na tungkulin ng mga
Europeo at ng kanilang mga inapo na
panaigin ang kanilang maunlad na
kabihasnan sa mga katutubo ng mga
kolonyang kanilang sinakop.
Ang protectorate ay pagbibigay sa
kolonya ng proteksiyon laban sa pag-
lusob ng ibang bansa. Concession ay
ang pagbibigay ng espesyal na karapa-
tang pangnegosyo. Samantalang ang
sphere of influence ay isang lugar o
maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan at politi-
ka ng makapangyarihang bansa.
Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na
mga sangkap, pagsunod sa sistemang
kapitalismo at paniniwalang karapatan
at tungkulin ng mga Kanluranin na
magpalawak ng teritoryo at ipalaganap
ang kanilang kabihasnang naganap
ang ikalawang yugto ng pananakop.
Maraming pagbabagong politikal,
kultural, at pangkabuhayan ang naganap
sa mga bansang sinakop. May mga
mabuti at hindi mabuting dulot ito sa
mga kolonya.
Dahilan, Uri, at Lawak ng Pananakop
Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang
sarili sa pamamahala at marami pang
pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng
kolonyang itinatag batay sa katayuan
ng mamamayan. May nagtayo ng kolon-
ya, protectorate, concession o sphere of
influence. Sa mga mananakop, pinakama-
lawak ang imperyo ng Britain.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp.
211-213
359
Ano-ano ang mga dahilan at uri ng pananakop sa ikalawang yugto ng imperyalismo
at kolonisasyon?
Ano-anong lugar sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin?
Ang Paggalugad sa Gitnang Africa
Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating
ang kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga
ito ang malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat dito
at	maraming	hayop	na	naglipana.	Nagkaroon	lamang	ng	kaalaman	dito	nang	
marating ito ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone.
Noong	1854,	ginalugad	ni	Livingstone	ang	Ilog	Zambesi.	Siya	ang	unang	
dayuhan na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna
ng	England.	Nakita	rin	niya	ang	lawa	ng	Nyasa	at	Tanganyika.	Dito	siya	namatay	
dahil sa sakit.
Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe
Noong	panahon	ng	katanyagan	ng	pananakop,	ang	paglaganap	ng	relihiyon,	
ang pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang
pag-agawan ang gitnang Africa. Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang mga
pook	ay	naangkin	lahat	ng	mga	kanluraning	bansa.	Nakuha	ng	Belgium	noong	
1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong
mangangalakal	ng	Europe,	si	Haring	Leopoldo	I.	Pinaghatian	ng	France,	Britain,	
Germany, Portugal, at Italy ang ibang bahagi.
Nahahati	sa	tatlong	rehiyon	ang	kontinente	ng	Africa	-	una	ang	hilagang	bahagi	
na nakaharap sa Dagat Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng
tropiko o mainit na bahagi, at ang pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog.
360
Madaling narating mula sa Europe ang unang rehiyon sa pamamagitan ng
Dagat	Mediterranean.	Ngunit	matapos	bumagsak	ang	Imperyong	Rome,	nahi-
walay ito sa Europe hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man.
Islam ang naging malaganap sa hilagang Africa at naging mahigpit na kalaban
ng	Kristiyanismo	pati	na	sa	Europe.	Yumaman	ang	mga	lungsod	sa	rehiyong	
ito tulad ng Tunis at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang-dagat
ng mga Europeo.
Sa	simula,	interesado	lamang	ang	mga	Europeo	sa	kalakalan	ng	alipin.	Ngunit	
naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng mga
taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop at mga pook na magandang
panirahan. Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco.
Para sa kanila kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon
dahil ito’y makapagdadala ng kayamanan para sa mga Europeo.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 213 - 214
Makatuwiran ba ang ginawang pangangalakal ng mga alipin? Bakit?
Imperyalismong Ingles sa Timog Asia
Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain. Sa halip, lalo
pang	lumawak	ito.	Bagaman	lumaya	ang	13	kolonya	sa	America	sa	Rebolusyong	
Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company
sa India naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga
kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat
ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain noong
huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo
ang India. Sa Treaty of Paris noong 1763 na nagwakas sa pitong taong digmaan
ng	France	at	Britain,	nawalan	ng	teritoryo	sa	India	ang	France.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina
Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216
Bakit tinawag ng Great Britain ang India na “pinakamaningning na hiyas” ng
Imperyo?
361
Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman
marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali
ito nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898. Ang
tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto
Rico,	at	Pilipinas.	Ayon	kay	Pangulong	William	Mckinley,	pinag-isipan	pa	niya	
kung ano ang nararapat gawin sa Pilipinas.
Nakuha	ng	United	States	ang	Pilipinas	at	iba	pang	dating	mga	sakop	ng	Spain	
tulad	ng	Guam	na	naging	himpilang-dagat	patungo	sa	Silangan	at	ang	Puerto	Rico	
bilang himpilang-dagat sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaig-
dig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo - ang Samoa na naging mahalagang
himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang
pinakatampok	na	baseng	pandagat	ng	United	States	sa	Pacific.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina
Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216
Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain?
Anong paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Kanluranin sa West Indies, Austra-
lia, New Zealand, at Central America?
Ang Protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya
Mahihina	ang	West	Indies,	Australia,	New	Zealand,	at	mga	bansa	sa	Central	
America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang
bansa. Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito
upang mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makakuha ng
hilaw na sangkap at mapangalagaan ang ekonomikong interes ng America. Ang
malalaking samahan sa negosyo ng America ay nakakuha ng malalaking bahagi
ng lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis,
mga taniman, mga daang-bakal, at samahan ng mga sasakyang dagat.
362
Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga ban-
sang	mananakop	ay	ang	Australia	at	ang	kalapit	na	New	Zealand	dahil	matibay	
itong nahawakan ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo
matapos	ang	himagsikan	sa	America.	Nang	makatuklas	ng	ginto	sa	Australia,	
maraming Ingles ang lumipat dito at ito na ang naging simula ng pagtatatag ng
mga	kolonya	sa	Australia	at	New	Zealand.	Ito	ang	isang	halimbawa	kung	paanong	
ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.17
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop
Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing
pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay gina-
mit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod
sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa
pagawaan ng barko sa hukbong sandatahan.
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop
Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May
pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 217 - 218
Epekto ng Imperyalismo
Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng pag-
sasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran
ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na
yaman	at	lakas-paggawa.	Naging	sanhi	rin	ito	ng	pagkasira	ng	kulturang	katutubo	
sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa
usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hid-
waan sa teritoryo na namamayani pa rin hanggang sa ngayon sa ilang bahagi ng
Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace
Estela C. Mateo et al., p. 294
363
Ano-ano ang naging epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_________________________
GAWAIN 13: Punuan Mo Ako!
Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang hinihinging
impormasyon ng concept map. Ibahagi sa klase ang iyong sagot at hingan ng
reaksiyon ang iyong mga kamag-aral. Magpalitan din ng mga pananaw tungkol sa
mga konseptomg nakapaloob sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon.
IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON
DAHILAN
URI NG MGA
TERITORYONG ITINATAG
LAWAK NG KOLONYA
NG MGA MANANAKOP
364
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?
2. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop sa mga bansa?
3. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan.
4. Paano napasama ang United States sa pananakop ng mga bansa?
5. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating kolonya?
6. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Pa-
tunayan.
7. Anong mga alaala ang naibahagi ng iyong mga ninuno na nakaranas ng
pananakop? Ibahagi ito sa klase.
GAWAIN 14: Talahanayan ng Pananakop
Sa tulong ng mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang
talahanayan ng pananakop. Sundan ang halimbawa para sa maayos na pagsagot
sa gawain. Itala ang mga bansang nanakop, sinakop, at ang naging bunga ng
pananakop sa dalawang bansa.
BANSANG
NANAKOP
BANSANG
SINAKOP
BUNGA NG PANANAKOP
Sa bansang nanakop Sa bansang sinakop
Halimbawa:
Great Britain India
Nakinabang sa mga
hilaw na materyales
ng India.
Nabago ang maraming
aspekto ng kultura at
tradisyon ng India.
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino ang higit na nakinabang sa ikalawang yugto ng imperyalismo at
kolonisasyon: ang mga bansang nanakop o ang mga bansang nasakop?
Pangatuwiranan.
2.	 Nakaapekto	ba	sa	kasalukuyang	ugnayan	ng	mga	bansang	nanakop	at	
sinakop ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop? Patunayan.
3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa ba sa mga bansa ang panana-
kop? Bakit?
?
?
365
GAWAIN 15: Timbangin Mo!
Naging	mabuti	ba	o	masama	ang	epekto	ng	ikalawang	yugto	ng	imperyalismo	
at kolonisasyon? Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming
epekto ng pangyayaring ito: mabuti o masama? Itala ang mga naging epekto ng
Iikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa
nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang eskala. Ibigay mo rin ang
iyong reaksiyon sa gawaing ito.
Matapos ang palitan ng kuro-kuro at reaksiyon sa gawain, bumuo ng kongklus-
yon sa naging epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon.
Mabuti Masama
IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON
Kongklusyon:
366
Pamprosesong mga Tanong
1. Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama?
Bakit kaya?
2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng
ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ipaliwanag.
GAWAIN 16: Bahagdan ng Aking Pag-Unlad
Balikan mo ang concept map na sinagutan mo sa unang bahagi ng aralin. Sagutin
sa	pagkakataong	ito	ang	Mga	Natutuhan	at	Halaga	ng	Natutunan	sa	Kasalukuyan.
?
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN
HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN
367
Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa tulong ng talakayan at iba-ibang gawain
ang mga konseptong dapat maunawaan tungkol sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europe. Balikan ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin kung ano
ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa sagot mo ngayon. Ilan sa mga una
mong sagot ang natalakay at nabigyang linaw?
Ngayong	batid	mo	na	ang	mahahalagang	ideya	tungkol	sa	aralin,	palalimin	
pa ito sa pagpapatuloy ng mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito.
PAGNILAYAN at UNAWAIN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo ang mga
nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglawak ng Kapangyarihan
ng Europe at sa bahaging ginampanan nito tungo sa transpormasyon ng
daigdig. Halika at ating simulan.
GAWAIN 17: Manifest Destiny
Ang	iyong	mababasa	ay	bahagi	ng	paliwanag	ni	dating	U.S.	Pres.	William	McKinley	
hinggil sa pagsakop nito sa Pilipinas. Isang pagsusuri sa pananaw ng Manifest
Destiny. Pagkatapos basahin ay ibigay mo ang iyong reaksiyon at saloobin hinggil
sa nilalaman nito. Ang reaksiyon mo at saloobin ay isusulat mo sa kasunod na
kahon. Pagkatapos sasagutin mo naman ang pamprosesong mga tanong.
Manifest Destiny, Continued: McKinley Defends U.S. Expansionism
Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like
to say just a word about the Philippine business. I have been criticized a good
deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t want the
Philippines, and when they came to us, as a gift from the gods, I did not know
what to do with them. When the Spanish War broke out Dewey was at Hong-
kong, and I ordered him to go to Manila and to capture or destroy the Spanish
fleet, and he had to; because, if defeated, he had no place to refit on that side
of the globe, and if the Dons were victorious they would likely cross the Pacific
and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to destroy the
Spanish fleet, and did it! But that was as far as I thought then.
When I next realized that the Philippines had dropped into our laps I confess
I did not know what to do with them. I sought counsel from all sides—Demo-
crats as well as Republicans—but got little help. I thought first we would take
368
only Manila; then Luzon; then other islands perhaps also. I walked the floor
of the White House night after night until midnight; and I am not ashamed to
tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God
for light and guidance more than one night. And one night late it came to me
this way—I don’t know how it was, but it came: (1) That we could not give
them back to Spain—that would be cowardly and dishonorable; (2) that we
could not turn them over to France and Germany—our commercial rivals in
the Orient—that would be bad business and discreditable; (3) that we could
not leave them to themselves—they were unfit for self-government—and they
would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and
(4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate
the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace
do the very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also
died. And then I went to bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next
morning I sent for the chief engineer of the War Department (our map-maker),
and I told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing
to a large map on the wall of his office), and there they are, and there they will
stay while I am President!
Source: General James Rusling,“Interview with President William McKinley,”The Christian Advocate 22
January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader
(Boston: South End Press, 1987), 22–23.
http://historymatters.gmu.edu/d/5575/
Reaksiyon at Saloo-
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa mo ang paliwanag ni Pres.
William	McKinley	tungkol	sa	pagsakop	ng	America	sa	ating	bansa?	Bakit?
2. Katanggap-tanggap ba ang paliwanag ni Pres. Mckinley kung bakit nito
sinakop ang Pilipinas? Bakit?
3. Nakabuti	 ba	 sa	 ating	 bansa	 ang	 pagsakop	 ng	 mga	 Amerikano?	
Pangatuwiranan.
?
369
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Sa kasalukuyang panahon, nararanasan pa rin ba ang impluwensiya ng
mga Amerikano sa ating bansa? Patunayan.
5. Sa panahong ito, paano ka makatutulong upang ipakita sa mundo na ang
Pilipinas ay bansang may kakayahang pamahalaan at paunlarin ang sarili?
GAWAIN 18: Salamat sa Iyo!
Balikan ang napag-aralang mga pamana ng iba-ibang rebolusyong naganap
sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Pagnilayan din kung alin sa mga
pamanang ito ang iyong nakita at nagamit na. Pagkatapos ay lumikha ng isang
liham pasasalamat para sa mga pamanang ito. Makipagpalitan ng nabuong liham
sa ibang kamag-aral at hingan sila ng reaksyon. Kung maaari mong ipost ang
liham sa isang social media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba pa at mabig-
yang halaga rin nila ang mahahalagang pamana ng mga pangyayaring naganap
sa panahong tinalakay sa aralin.
370
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Binigyang diin sa Aralin 2 ang mga pangyayari na nagbunsod sa paglawak
ng kapangyarihan ng Europe. Ang una at ikalawang yugto ng imperyalismo
at kolonisasyon, Rebolusyong Siyentipiko, Rebolusyong Industriyal, at
Enlightenment na siyang nagsilbing batayan ng pag-usbong ng mga bagong
kamalayan at nasyonalismo sa Europe ang siyang tatalakayin sa susunod
na aralin.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ang sulat pasasalamat
at habang binabasa ng iyong kamag-aral at ng iba pa ang liham?
2. Bilang isa sa mga nakikinabang sa mga pamanang ito sa kasalukuyan,
paano mo ito mapapagyaman?
3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, anong bagay ang gusto mong mai-
pamana sa susunod na henerasyon? Bakit?
GAWAIN 19: Aking Repleksiyon!
Sa puntong ito, sumulat ka ng sariling repleksiyon na naglalaman ng iyong
naramdaman at naranasan sa pagsagot sa mga gawain ng aralin. Itala ang
mahahalagang bagay na iyong natutuhan at kung paano ito nakatulong sa
pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong baguhin o
paunlarin tungo sa isang produktibo at mapanagutang indibidwal.
?
371
ALAMIN
Sa araling ito tuklasin ang mga dinamikong ideya tungkol sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses at ang impluwensiya nito sa pagsilang ng nasyonalismo
sa daigdig.
GAWAIN 1: Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3Ms)
Pakinggan ang awiting “TATSULOK.” Maaari itong awitin gamit ang lyrics sa
kabilang pahina. Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito.
TATSULOK
PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG
REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA
REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO
ARALIN 3
372
Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpagabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo.......
Di matatapos itong gulo.....
http://www.metrolyrics.com/tatsulok-lyrics-bamboo.html
373
Alam mo bang ang awiting “Tatsulok” ay orihinal na awitin
ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang
militarisasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino? Layon ng
administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary
movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan
sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang
awiting ito bilang paalala sa di-pantay na istrukturang panlipunan
ng bansa.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit?
2. Sino ang kinakausap sa awit?
3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?
4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok?
5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming
Pilipino?
?
374
GAWAIN 2: Hagdan ng Karunungan
Punan ang kasunod na dayagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman
tungkol sa tanong.
Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses?
INITIAL REFINED FINAL
Pagsasakonteksto:
Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa istruktura ng lipunan kung
saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna,
at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos
ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok. Ito’y
mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga
dukha ay ilagay mo sa tuktok.”
Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang
“rebolusyon?”
375
Sa susunod na gawain ay higit mong mapagtutuunan ng pansin ang konsepto
ng rebolusyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakapokus sa ibang konteksto. Sa
gagawing pagsusuri huwag limitahan ang sarili sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
Sa bahaging ito’y higit mong palalawakin ang iyong nalalaman tungkol
sa paksang tatalakayin. Gamit ang iyong mapanuring pag-iisip, subukin ang
susunod na gawain.
GAWAIN 3: Hula-Arawan
Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang pansin ang
mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang
mensaheng ipinahihiwatig.
376
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang ipinakikita ng larawan?
2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan?
3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita
rito?
4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo?
5. Sino naman ang kinakatawan ng taong bayan?
6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?
7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig, o nasaksihang katulad ng
sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase.
8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan?
Pangatuwiranan.
?
PAUNLARIN
Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang ugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal, partikular ang
Rebolusyong Pranses at Amerikano. Nilalayon din na pagkatapos ng
aralin ay iyong maipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Europe at iba-ibang bahagi ng daigdig. Makatutulong
sa iyo ang naunang mga gawain upang higit na maunawaan ang mga
tekstong kasunod na babasahin.
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin.
377
Pagsasakonteksto
Malaki ang ginampanan ng Rebolusyong Siyentipiko (1500s-1600s) sa
pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham
ay nagpatunay sa lakas ng reason o katuwiran. Nagpag-isipang kung ito ay
nagagamit sa pag-unawa sa physical world (Physics, Geology, Chemistry,
Biology at mga tulad nito) bakit hindi ito ginagamit upang maunawaan ang
tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay nagtulak sa pag-usbong
ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan.
Tinatalakay na sa nagdaang aralain ang konseptong ito ngunit palalalimin
pa ito.
Rebolusyong Pangkaisipan
Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o
lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit
sa mga taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong pamumuhay.
Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito
sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraangitoupangmapaunladangbuhayngtaosalarangangpangkabuhayan,
pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng
Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng
reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.
Pagsusuring Panteksto
Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang katotohanan ay
ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang pinag-ugatan o pinagmulan.
Patutunayan ito ng ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong
Pampolitikal sa Europe.
378
Kaisipang Politikal
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na
siglo (1700s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron de Mon-
tesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong
monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon.
Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of the Laws” (1748), tinalakay
niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe. Hinangaan niya ang
mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na
ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament.
Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy
sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo,
lehislatura, at hudikatura).Ayon sa kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng
pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso
ng kapangyarihan ng pamahalaan.
Paano kaya nangyayari ang balance of power sa isang bansang may tatlong
sangay ng pamahalaan?
379
Philosophes
Sakalagitnaangbahagingika-18nasiglo,isangpangkatngmgataongtinatawag
na philosophes (FIHL-uh-SAHFS) ang nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng
pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto
ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang
mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya.
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring
malaman gamit ang katuwiran. Para sa kanila, ang katuwiran ay ang kawalan
ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay.
2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ayon
sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala rin sila na may likas na
batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisikal na may likas na
batas na sinusunod, ang ekonomiya, at politika ay gayon din.
3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong
sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay
ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na
kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa
ang kaginhawaan sa kabilang buhay.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad
kung gagamit ng “makaagham na paraan.”
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais
nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon,
pakikipagkalakalan, at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung
gagamitin ang reason.
Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na
maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?
380
Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes si
Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat
ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika, at maging
drama.
Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali
tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang
pagtuligsa sa mga ito, ilang beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon
siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang
pamahalaang Ingles.
Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas
at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man
siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa
pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at
pagpili ng relihiyon, at tolerance.
Anong aspekto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire?
Bakit ganoon na lamang
ang paghanga ni Voltaire
sa pamahalaang Ingles?
381
Samantalang bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John Locke
tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mamamayan,
isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques
Rousseau (roo-SOH).
Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahu-
sayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang
pang-indibiduwal (individual freedom).
Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay
naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa
kabutihan ng tao.
Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masama lamang ang tao
dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauugat ito nang
umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na siya
namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin niya na ang kasamaan
ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng
yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito.
Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang
aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng
maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’
(general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan
sa pamahalaan.
Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa
France.
Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal
Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa
pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tuma-
talakay sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng
mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping
pamamahala, pilosopiya, at relihiyon.
Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na relihiyon.
Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia
at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito.
382
Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya
ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika,
naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan
hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa America at kalaunan ay
sa Asya at Africa.
Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkai-
sipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa America at
kalaunan ay sa Asya at Africa.
Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment
Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan ng mga philosophes
na hindi akma sa kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan
ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan.
Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo
(1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin.
Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa
kalalakihan.
Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng
kababaihan. Sa akdang A Vindication of the Rights of the Woman ni Wallstonecraft
ay hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat
ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at
kababaihan.
Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang
malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa
kababaihan.
Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary Wallstonecraft? Pangatuwiranan.
Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban ng kababaihan ng panahong
iyon?
383
Kaisipang Pang-ekonomiya
Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong
ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal ng namayani sa Europe at
kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang diin sa kaisipang ito ang ma-
layang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan.
Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan ng yaman ay
ang dami ng ginto at pilak.
Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o
nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at
nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan.
Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya.
Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon
upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang
market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakiki-
alaman ng pamahalaan.
Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ay ang pagbibigay
proteksiyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan
at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital
at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada.
Kung maisasagawa, ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng
interaksiyongpang-ekonomikosabawatindibiduwalnasiyanamangmagpapaangat
ng ekonomiya at pamumuhay ng mamamayan.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europe at
iba-ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang Europeo
ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin
na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian.
Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo,
manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons
noong 1600s dito nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa
pagsapit ng 1700s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng
kani-kanilang pagtitipon.
Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at no-
ble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga
ideyang liberal.
384
1. Ano ang kaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa prinsipyo ng laissez
faire?
2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats?
3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe?
Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan
Nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang ginamit
ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang
impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili
ng sariling pilosopiya.
Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang kanilang
natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian
at tradisyong matagal ng sinunod.
Nagingmapangahasangilansapagtuligsasaestrukturanglipunansamantalang
ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa
pang uri ng rebolusyon ang Rebolusyong Politikal.
Ngayon ang panahon upang iyong maunawaan ang Rebolusyong
Pangkaisipan bilang mahalagang sangkap ng Rebolusyong Politikal.
Gawin mo ang unang hamon para sa iyo.
385
GAWAIN 4: Tala-hanayan (3-2-1 Chart)
Punan ang sumusunod na chart. Gawin ito sa kwaderno.
MGA BAGAY NA AKING
NALAMAN
MGA INTERESANTENG
IDEYA
MGA TANONG NA
NAIS MASAGOT
3
2
1
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal, at pilosopikal
ang sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europe?
2. Paano binago ng iba-ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa
kanilang pinuno at pamahalaan?
3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga
Philosophes? Pangatuwiranan.
4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming
mamamayan sa:
a. relihiyon
b. pamahalaan
c. ekonomiya
d. kalayaan
?
386
Pagkatapos mong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang
salikngpag-usbongngRebolusyongPampolitikal,napapanahonnaupangpagtuunan
ng pansin ang mga estadong dumaan sa Rebolusyong Pampolitikal, partikular ang
Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses kasama na dito ang rebolusyon sa
Latin America.
Pagsusuring Panteksto
Sa huling bahagi ng ika-18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap
sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap
noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol
sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at
pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang
patalsikin ang tradisyonal na rehimen sa America at France.
Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America
at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago
sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo
sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas
malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at
iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang
prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay-
pantay, at ang kapatiran.
Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon
Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay lalong kilala sa katawagang
Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na
naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis
na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa
Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing.
Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo
sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan
para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America.
387
Ang Labintatlong Kolonya
Ang malaking bilang ng mga
Ingles ay nagsimulang lumipat at
manirahan sa Hilagang Amerika
noongika-17nasiglo.Karamihansa
kanilaaynakaranasngpersecution
dahil sa kanilang bagong
pananampalataya na resulta ng
Repormasyon at Enlightenment
sa Europe. Sa kalagitnaan ng
ika-18 na siglo ay nakabuo na
sila ng 13 magkakahiwalay na
kolonya na ang hangganan sa
hilaga ay Massachusetts at sa
timog ay Georgia. Bawa’t isa sa
mga kolonya ay may sariling lokal
na pamahalaan. Noong 1750 ay
gumastos ng napakalaking halaga
ang British laban sa France upang
mapanatili sa ilalim ng kanilang
imperyo ang 13 kolonya. Nais ng
British na ang mga kolonya ay
mag-ambag sa kanilang gastusin
sa pamamagitan ng pagdaragdag
ng mga buwis
Makikita sa mapa ang labintatlong kolonya
ng Britanya sa Hilagang America
Isa-isahin ang 13 kolonya ng British sa North America. Isulat ito sa kwaderno.
388
Walang Pagbubuwis Kung Walang Representasyon
Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa
Parliamento ng British sa London kaya sila ay
nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis
na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging
paboritongisloganayang“walangpagbubuwis
kung walang representasyon.” Noong 1773 ay
isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot
ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano
at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor
ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga
tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston
Harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta
sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat
sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang
pangyayaring ito bilang Boston Tea Party.
Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng
kaparusahan sa mga kolonista na naging
kabahagi ng nabanggit na insidente.
DAHILAN
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng
buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Naisagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya
mula sa mga kolonya.
389
Ang Unang Kongresong Kontinental
Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa America ay
dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo
nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng
bawat kolonya maliban sa Georgia.
Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang
pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad
ng mga Ingles sa kanila.
Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang
dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang
kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba
ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York, at New England. Dapat na
tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan
ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great
Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.
Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga
radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t
kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang
makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.
Ang Pagsisimula ng Digmaan
Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa
Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan
ng Concord.
Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasang-
kapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British.
Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay
napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong
grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang
sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington.
Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong
Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan
ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga
Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong
British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British
sa loob ng siyudad.
390
Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga
radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain.
Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon
noong Mayo 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Colonies
of America (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar
ay tinawag na Continental Army at ang naatasan na commander-in-chief ay si
George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit
natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill.
Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito.
Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin
sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British
na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso 1776.
1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga
Amerikano na lumaban sa mga British?
2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya
nang binuo nila ang Unang Kongresong
Kontinental?
Ang Ikalawang Kongresong Kontinental
1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga
Amerikano na lumaban sa mga British?
2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya
nang binuo nila ang Unang Kongresong
Kontinental?
391
Ang Deklarasyon ng Kalayaan
Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa At-
lantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang
matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental
na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento
ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin
ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng
Great Britain. Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon
sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.
Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan ng Amerikano laban
sa mga mananakop na British.
392
Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Great
Britain at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang pu-
wersa ni George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng
mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo
samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa
3,000 sundalo lamang ang bilang.
Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong
ika-25 ng Disyembre 1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo
ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng huk-
bo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang
kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian
ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay
sa pagkuha sa New York.
Paglusob mula sa Canada
Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa Amerika
mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga
hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki at umaabot na sa halos
20,000 sundalo.
Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga
Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga
British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumu-
no ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral
Horacio Bates.
Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan
Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French ay
naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng
labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang
France ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala
sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang
pakikipaglaban sa mga British. Dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay
minabuti ng Great Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng kolonya isa-isa.
Noong Disyembre 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah
393
at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano
upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga
Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng
Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng Great Britain.
Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan?
Ang Labanan sa Yorktown
Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay
tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina. Ngunit sa pamamagitan
ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British
sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa
Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781.
Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya
pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo
ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000
kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang mga British.
Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis
at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan.
Paghahangad ng Kapayapaan
Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha
sa mga British sa mundo. Ang Great Britain ay itinuturing ng panahong iyon
bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na
mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng
mga pagsasanay sa pakikipaglaban.
Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Great
Britain ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang
ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England
ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Great Britain.
Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng
kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng isang bagong
nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap.
394
Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging
simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa
kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses.
Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpa-
pabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789
at nagbuo ng isang republika nang lumaon.
Ano ang sinisimbolo ng larawang makikita sa itaas?
395
Pagtapos mong matutuhan ang Rebolusyong Amerikano, subukin mong
isagawa ang sumusunod na gawain upang masukat ang iyong kaalaman
sa paksa.
GAWAIN 5: Pulong-Isip
Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin ang
mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro.
LEARNING CENTER I
Ano-anong dahilan ang nagtu-
lak sa mga Amerikanong
humingi ng kalayaan mula sa
Great Britain?
LEARNING CENTER II
Paano isinakatuparan ng mga
Amerikano ang tahasang
paghingi ng kalayaan?
LEARNING CENTER III
Paano nakaapekto ang pagtu-
long ng France sa mga
Amerikano sa pagtamasa nito
ng kalayaan?
LEARNING CENTER IV
Ano ang naging kinalabasan ng
Rebolusyong Amerikano?
396
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anoangpangyayaringnagbunsodsapagsilangngRebolusyongAmerikano?
2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan
ng mga Amerikano?
3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng
Great Britain?
4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig
sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan.
5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para
sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatuwiranan.
Ang pananagumpay ng Estados Unidos ay nag-iwan ng aral hindi lamang
?
sa mga Amerikano kundi maging sa ibang bahagi ng daigdig. Tung-
hayan ang kasunod na teksto at alamin ang dinamiko ng Rebolusyong
Pranses.
Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng Karaniwang Uri
Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses
Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga
ito ay kawalan ng katarungan ng rehimen; oposisyon ng mga intelektuwal sa
namamayaning kalagayan; walang hangganang kapangyarihan ng hari; personal
na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at
krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.
397
Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789
Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI,
isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari
ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat
ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang
Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng
isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
Ang lipunang France naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag
na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari, at ilan pang
may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga
maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng
nakararamingbilangngmgaPransesgayangmgamagsasaka,may-aringmga
tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa.
Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng
malakinghalagaparaitaguyodangpangangailangannglipunan.Angbumuo
ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa
mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag
pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang
pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate.
Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito
ang tagumpay na digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos
ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses.
Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan
ng hari ng France?
Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng buwis? Makatu-
wiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin.
398
Ang Pambansang Asemblea
Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang
panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong
ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles.
Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi
nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang
hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat
estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang
estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli.
Dahil dito humiling ang ikatlong estate na may malaking bilang kasama
ng mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-
iisang boto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula
sa ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais
na mga reporma.
Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate ang
kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan
nila rito ang una at ikalawang estate .
Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni Haring
Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapat sana’y
pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court
ng palasyo.
Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at hiniling sa
hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi
naisakatutuparan ang kanilang layunin.
Matapos ang isang linggo’y ibinigay na ng hari ang hiling ng ikatlong estate
nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sa pambansang
asemblea.
Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng ikatlong estate.
Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari?
399
Ang Tennis Court Oath na Nangyari
sa Versailles, France
Ang Pagbagsak ng Bastille
Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembleya.
Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala
ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap
na kaguluhan.
Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon. Isang
malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga
galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan
at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang
mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao
ay naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.
Lumaganap ang kaguluhan sa iba-ibang panig ng France at tinawag na mga
rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’y binubuo ng mga
sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea.
Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti, at bughaw na
naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay
matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France.
400
Kalayaan, Pagkapantay-pantay, at Kapatiran
Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa
Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang batas.
Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng
mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang
Pranses ay kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-
pantay, at kapatiran.
Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis
XVI na pamahalaan na ang France sa pamamagitan ng bagong saligang-batas.
Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan
din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos.
PRIMARYANG BATIS NG KASAYSAYAN
Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights of
Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat na kahon.
Unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat kahon at sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
MEN ARE BORN
AND REMAIN
FREE AND
EQUAL
IN RIGHTS …
LAW IS THE EXPRESSION OF
THE GENERAL
WILL (OF THE PEOPLE).
THE AIM OF THE GOVERNMENT
IS THE PRESERVATION OF THE …
RIGHTS OF MAN …
EVERY MAN IS PRESUMED
INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY
401
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon
Maraming mga monarko sa Europe ang labis na naapektuhan sa pagsiklab
ng French Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay
lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792
ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin
ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay
tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin.
Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng
pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton.
Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng
France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling
ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan.
Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya at pinatay
sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine.
Tinawag ang pangyayaring ito sa France bilang September Massacres. Noong
Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo si haring Louis XVI. Sa taong ding iyon
ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod
nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang France.
• Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito?
Bakit?
• Bakit mahalaga na paliwanagang inosente ang nasasakdal hanggat hindi
napatutunayan ang kanyang kasalanan?
• Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa
Declaration of the Rights of Man?
Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan ng monarkiya sa
France?
Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon.
402
Ang Reign of Terror
Marami sa mga bansa sa Europe kabilang na ang Great Britain ang suma-
ma na sa digmaan laban sa France. Malaking bilang ng mga nakababatang
kalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa
ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang
isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety.
Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si
Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano.
Ang Manananggol na Si Maximilien Robespierre
Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang
rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga
kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan
ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang reign of terror. Umabot sa
17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000
naman ang mga namatay sa mga kulungan.
Ang France sa Ilalim ng Directory
Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha
ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng
Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng
guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang pakikidigma sa mga
bansang Europe kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban
sa Britain. Taong 1795 nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong
saligang-batas na ang layunin ay magtatag ng isang direktoryo na pinamumunuan
ng limang tao na taon-taon ay ihahalal.
Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang
pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba-ibang pangkating pampolitika
ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik
sa monarkiya.
403
Ang Pagiging Popular Ni Napoleon
Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya
noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte
ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya
ang malaking bahagi ng Europe at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804.
Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga
ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.
Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europe. Ang mga ideyang
ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampolitika gaya ng republikanismo
at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat.
Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga
tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.
Iyong natunghayan ang masalimuot na kasaysayan ng Rebolusyong
Pranses. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pangyayaring ito? Naging
makatuwiran ba ang mga Pranses sa mga pagbabagong kanilang
isinakatuparan? Hinahamon kita na ipahayag ang iyong kaisipan sa
pagsasagawa ng susunod na gawain.
Ano ang reign of terror?
Bakit ito lumaganap?
404
GAWAIN 6: Diyagram ng Pag-unawa
Gawaing Dyad
Gamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon
ayon sa iyong pagkaunawa.
REBOLUSYONG
AMERIKANO
REBOLUSYONG
PRANSES
PAANO NAGKAKATULAD?
405
PAANO NAGKAKAIBA?
REBOLUSYONG AMERIKANO ASPEKTO REBOLUSYONG PRANSES
MGA DAHILAN
MGA SANGKOT NA AKTOR
DALOY NG MGA PANGYAYARI
BUNGA O IMPLIKASYON
SALOOBIN TUNGKOL SA
PANGYAYARI
Pamprosesong mga Tanong
1. Paanonakaapektoangkalagayangpanlipunanngkaramihangmamamayang
Pranses sa pagsibol ng rebolusyon?
2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya?
3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng
lipunan? Pangatuwiranan.
4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo?
5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses?
6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe?
7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng
Europe?
8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga
Pilipino partikular sa pagsisingil ng mataas na buwis? Pangatuwiranan.
?
406
Ang Napoleonic Wars
Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging
pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng
pamahalaan sa buong Europe. Ang Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang
pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan ay nagwakas nang si
Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815.
Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan
Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebolusyong Pranses.
Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang
kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil sa
pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong
paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno.
Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong
sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong
Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan para madepensa ang
rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig-bansa. Noong 1793 ay nagsimulang
lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil
ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Great Britain, Spain,
Portugal, at Russia na sumali sa digmaan.
1. Ano ang Napoleonic Wars?
2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars?
Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon
Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europe ay nanatili ang lakas ng France sa
pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago
lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral si
Napoleon Bonaparte.
407
Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europe ay naipapanalo
niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong 1805 ay nasakop
niya ang Hilagang Italya, Switzerland, at ang Timog Germany.
Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa
ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin
ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa
kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine
Confederation.
Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italy. Noong 1807 ay tinalo
niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya nang
lumaon ang Poland. Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa France.
Sinunod naman niya ang pagsakop sa Spain at Portugal.
Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na ni Napoleon
ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang Great Britain na
lamang ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni
Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan ay
miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph,
ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya.
Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland.
Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin
at gawing modernisado ang mga kaharian.
1. Sino si Napoleon Bonaparte?
2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars?
408
Peninsula War (1808)
Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga
Pranses sa Spain at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Great
Britain sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Spain kaya minabuti
ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng
Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Spain
at Portugal ay nasa bahagi ng Europe na Iberian Peninsula.
Ang Paglusob sa Russia (1812)
Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y
kaniyang masakop madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong 1812 ay
nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng Polish, German,
Italyano, at mga Pranses upang lumaban sa Battle of Borodino. Marami sa mga
sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan kaya kinulang ang bilang
ng mga sundalo na magpatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon
hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao
dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking
sunog sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay
nadamay sa sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima.
Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow? Pangatuwiranan.
Ang Pagkatalo ng France
Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa
nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na kaniyang
nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay
pagbalik sa France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima, o napatay
ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang
maluwalhati sa France.
Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala
naman ng mga British ang Spain at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang
pakikipaglaban.
Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib
na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang France.
Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti-unting
bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon.
409
Pagtatapos ng mga Labanan
Ang Pagtakas ni Napoleon
Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Great Britain, Austria,
Prussia, at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang
imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko
sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI
(ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari
ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa
kanlurang baybayin ng Italya.
Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kaliwa) ng puwersang British at si
Gebhard von Blucher (kanan) ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangu-
nahing aktor sa pagpapahina ng puwersa ni Napoleon Bonaparte.
Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte
Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang
ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang
mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris
upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII.
Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad
ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan
sa Netherlands.
410
Dahil sa pinagsamang puwersang
militar ng Britain at Prussia, madaling
natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang
sumuko si Napoleon sa mga British.
Natapos na rin ang kanyang “Isang
Daang Araw.” Siya ay ipinatapon sa
isla ng St. Helena. Ito ang lugar na
kaniyang kinamatayan noong 1821 na
batay samgabagong pagsusuriay dahil
sa arsenic poisoning. Si Haring Louis
XVIII ang naluklok na emperador ng
France pagkatapos na maipatapon si
Napoleon sa St. Helena.
Bunga ng Rebolusyon
Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig.
Sang-ayon sa mananalaysay na si John B. Harrison, “Tulad ito ng kahon ni
Pandora na nang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal
at nakaimpluwensiya sa halos lahat ng sulok ng daigdig.” Ang simulain ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging
pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan,
politikal, at pangkabuhayan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 15
source: Art resource, NY/Giraduon
411
GAWAIN 7: Turn – Back Time ( Timeline Plotting )
Panuto: Sundin ang sumusunod.
1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa
Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic.
2. Itala ang mga esensiyal na pangyayaring magtutulak sa pag-usbong ng
Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito.
3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw
ang timeline.
4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang
saloobin tungkol dito.
5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka
sa ginawang timeline.
412
Timeline Rubric
Kategorya/
Pamantayan
Pinakatama
4
MedyoTama
3
Malinaw
2
Malabo
1
Pamagat
Epektibo, nakata-
tawag pansin at
madaling
maunawaan
Epektibo at
madaling
maunawaan
Simple at
madaling
maunawaan
Walang
pamagat
Petsa
Kumpleto ang
petsa ng mga
pangyayari
Tiyak at
tumpak ang lahat
ng pangyayari
May kulang na
1-2 petsa ng
mga pangyayari
May 2-3 mali o
malabo sa mga
pangyayari
May kulang
na 3-5 petsa sa
mga pangya-
yari, mahigit sa
lima ang hindi
tiyak
Hindi tiyak ang
nawawalang
mga pangya-
yari, halos lahat
ng pangyayari
ay di tiyak
Estilo at
Organisasyon
Sumasakop sa
lahat ng
mahahalagang
panahon, tama at
pare-pareho ang
pagitan ng bawat
taon/petsa
Sumasakop sa
lahat ng
mahahalagang
panahon, may
2-3 petsa sa
panahon na
hindi kapareho
ang pagitan
Sumasakop sa
lahat ng maha-
halagang pana-
hon, nagtata-
glay ng 5 petsa
/ panahon na
di pare-pareho
ang pagitan
Dalawa lamang
ang nasasakop
ng mahahala-
gang panahon,
hindi pare-
ho-pareho ang
pagitan ng mga
petsa / panahon
Nilalaman
Nagtataglay
ng 11-15
pangyayaring
kaugnay ng paksa
Nagtataglay
ng 8-10
pangyayaring
kaugnay ng
paksa
Nagtataglay ng
6-7 pangyaya-
ring kaugnay
ng paksa
Nagtataglay ng
5 lamang pang-
yayaring kaug-
nay ng paksa
Layunin
Malinaw at tiyak Malinaw ngunit
mayroong mga
ideyang di-tiyak
Hindi malinaw Walang
ibinigay na
layunin
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa
sa Europe?
2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europe?
3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europe na ibalik ang pamahalaang
monarkiya?
4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa
France? Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag.
?
413
Dahil sa Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga
sa kaayusang politikal ang mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang
mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin
ang halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo.
Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa Iba-ibang Bahagi ng Daigdig
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring
biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng mga tao upang matutuhan
nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin
ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, ito ay pagsasakripisyo
pati ng buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan.
Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang
tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging
makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano nadama
ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang
bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang
damdamin na humahantong sa digmaan.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union
Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong
malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos
doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I
sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) (CE) kaya tinawag siyang
Vladimir The Saint.
Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop
ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga
bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng
pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo, at nakapagbagsak sa mga
414
Tartar sa labanan ng Oka si Ivan The Great.
Himagsikang Ruso
Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na
naganap noong unang bahagi ng ika-20 na siglo.
Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa
mundo, kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa
lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa
utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang
pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-
aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektuwal na Ruso
patungo sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl
Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at Leon
Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin
ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo
Paghimok ni Lenin sa mga kapwa-Ruso na pamunuan ng mamamayan ang bansa mata-
pos mapatalsik ang czar. Ito ay naipinta ilang taon matapos ang nasabing pangyayari.
http://www.fine arte america.com
415
sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa
ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan
siya sa Mexico at doon namatay noong 1940.
Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang
pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang
aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong
Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923,
naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin.
Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar?
Nasyonalismo sa Latin America Pagtapos makamit ng United States ang
kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa
ang mga lalawigan sa Latin America laban
sa Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang
pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang
magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa
pangangalakal.
Nakatulong ang heograpiya ng Latin
America sa pagpapaliwanag kung bakit ito
umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa.
Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng Bundok
Andes at ng Disyerto ng Atacama.
Nakalubog ang Paraguay sa malalim na
gubat. Nahahati ng mga talampas at bulkan
ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa
isa’t isa ang Colombia, Venezuela, at Ecuador,
ng mga bahagi ng Bundok Andes.
Mapa ng South America na nasakop
ng Spain at Portugal
Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng
makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging
bansa ang Latin America.
Hindi ito nakapagtataka. Maraming Latin Americans ang nagsasalita ng
Espanyol at may pananampalataya ng Katoliko Romano.
http://www.freepicture album.blogspot.com
416
Nakalilikha ng likas na hangganan ang malalaking daanan ng ilog upang
paghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang Argentina sa Uruguay dahil
sa Rio de Plata at mga bahagi nito. Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan
ng Colombia at Venezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa
daigdig, ang Amazon. Ang mga bundok, gubat, ilog, at ang Dagat Caribbean
ay nakatutulong na paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa iba’t ibang bansa.
Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo
Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad
ng Argentina, Uruguay, Costa Rica, at Chile. Ang populasyon ng iba tulad ng
Ecuador, Peru, Bolivia, at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican
Republic, itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil
ay lahing Aprikano, Indian, at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain,
Germany, at Italy. Maraming Europeo ang naninirahan sa ibang bansang Latin
America ngunit sa Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba-ibang
lahi at nasyonalidad.
Hindi tulad ng 13 kolonya sa United States, nag-alsa ang mga kolonya ng mga
Espanyol sa iba-ibang panahon at sa ilalim ng iba-ibang pinuno. Nais ng mga
bagong republika na mabigyang halaga ang kanilang mga naiambag gayundin
ang kanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo
ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay diin ito
sa mga pagkakaiba ng mga bansang Latin American. Maraming himagsikan ang
nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi.
Ang mga Creole
Tinatawag na creole ang mga ipinanganak
sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo.
Minamaliit ang mga bansang Latin America
na creole ang populasyon, tulad ng Argenti-
na na may populasyong Indian at iba-ibang
lahi. Sa magkahalong populasyon, kasa-
ma ang mga mestizo (Espanyol at Indian),
zambo (Indian at ibang lahi), at mulatto
(puti at ibang lahi).
Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng
kakaibang katangian sa mga bansang Latin http://www.Santo Domingo Creoles Callais.net/ph.images.
yahoo.com
417
America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang
mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita
ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.
Mga Sagabal sa Nasyonalismo
Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America.
Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok
sa mga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo.
Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang
malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang
Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa
lupa at sa pagkakaalipin. Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng
piyudalismongumunladsaLatinAmericaatnakasagabalsakanilangnasyonalismo.
Ang mga bansang Latin Amerikano, ay napabayaan ang nasyonalismo sapagkat
napatagal bago sila nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing na
mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga
sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap.
Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng
tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan.
Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng
Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador, at Bolivia ang tumira sa
bundok upang mapalayo sa pamamahala ng banyaga.
Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang uri ng lipunan sa
pag-usbong ng nasyonalismo?
418
Si Bolivar Ang Tagapagpalaya
Isang creole na nagngangalang Simon
Bolivar ang nagnais na palayain
ang South America laban sa mga
mananakop. Siya ay si Simon Bolivar.
Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy
lamang sa mga nasimulan ni Francisco
de Miranda, isang Venezuelan.
Ang huli ay nag-alsa laban sa mga
Espanyol noong 1811 ngunit hindi
siya nagtagumpay na matamo ang
kalayaan ng Venezuela mula sa Spain.
Noong 1816, namatay na may sama
ng loob si Miranda sa isang bartolina
ng mga Espanyol. Matapos nito’y
pinamunuan na ni Bolivar ang kilusan
para sa kalayaan sa hilagang bahagi
ng South America.
Noong 1819, pagkatapos na
mapalaya ang Venezuela, ginulat niya
ang mga Espanyol nang magdaan
sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang
tagumpay niya ay humantong sa
pagtatatag ng Great Colombia (ang
buong hilagang pampang ng South
America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging
pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio
Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes.
Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin
(1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina.
Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa Andes.
Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang
heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno.
Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang
naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya.
Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South America
nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia, at Ecuador.
Mula sa: John Hopskin Magazine archived.magazine.jhu.edu/2010/09/
whatkilled bolivar. Accessed on 28 June 2014
419
Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America
Maraming pinuno ang Latin America na
gumawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad
ng demokrasya na sinalungat naman ng mga
diktador. Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno
sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827,
siya ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na
matamo ang karapatang bumoto para sa lahat,
at gumawa ng paraan upang magkaroon ng
makatarungang sistemang legal.
Nawalanngsaysayangmgaitodahilsapananakot,
pagpapahirap, katiwalian , at mga pagpatay
na isinagawa ni Juan Manuel de Rosas, ang
sumunod na namahala sa Argentina hanggang
1852.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa
Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Africa
Mula sa: en.wikipedia.org/wiki/jose.de_San_
Martin. Accessed on June 28, 2014
420
Ang Sahara ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging
Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa.
Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing itim sa kanluran at mga
Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy.
Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano, at mga
Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang
ang puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa
sa kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing itim (98 bahagdan ng
populasyon) naman ay naghihirap.
Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa
kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya
upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng
mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad.
Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia, at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una
sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa
noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng
United States ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth
of Nations ang ikatlo noong 1910.
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang
dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria.
Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola,
Mozambique, at Guinea Bissau noong 1975.
Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang
nasyonalismo sa Africa?
Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo
Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito ay nag-uugat sa
pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at nagmumulat sa
katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya,
at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ay
nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop.
May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang
paraan subalit marami ding mga bansa na may mga buhay na ibinuwis upang
421
lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu, at iba pa. Ang pagnanais na
makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan
upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin. Nakahanda silang magbuwis ng
buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban.
Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al., pp 234-241
GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya?
Tukuyin ang konsepto, personalidad, o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang.
Ang initial letter ay ibinigay bilang iyong gabay.
S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng South
America.”
C______________ 2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig
na may lahing Europeo.
N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang
heneral na Pranses, naglalayong magpakilala ng
kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europe.
L_______________ 4. Haring iniluklok sa France matapos magapi ang
puwersa ni Napoleon Bonaparte.
M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng
Committee of Public Safety na nagtanggol laban
sa mga nagtatangkang buwagin ito.
T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon
ng Kalayaan ng Amerika.
B______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangya-
rihang monarkal ng France.
J_____S________ 8. Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng
USSR.
P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga
rebeldeng Amerikano laban sa mga British.
N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang
taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan,
karangalan, at karapatan.
422
Pamprosesong mga Tanong
1. PaanonakaapektoangRebolusyongIntelektuwalsapagsibolngdamdaming
nasyonalismo?
2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso?
3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag-
usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America?
4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa?
Patunayan ang iyong sagot.
5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan
nadarama ang nasyonalismo?
6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng
halimbawa.
GAWAIN 9: Who’s Who in the Revolution? Personality and History
(Group Dynamics) Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang
ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba-ibang bahagi ng daigdig, hanapin
ang sumusunod gamit ang internet.
Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na
itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang
buhay na maaaring ikuwento sa klase .
Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa
klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin.
Pangkat I- Patrick Henry
Thomas Jefferson
Pangkat II- Napoleon Bonaparte
Camille Desmoulins
Pangkat III- Vladimir Lenin
Josef Stalin
Pangkat IV- Simon Bolivar
Jose de San Martin
?
423
Rubric para sa Presentasyon
Criteria Natatangi
4 puntos
Mahusay
3 puntos
Medyo
Mahusay
2 puntos
Hindi Mahusay
1 puntos
Kaalaman sa
paksa
Kalidad ng mga
impormasyon o
ebidensiya
Kaalaman sa
kontekstong
pangkasaysayan
Istilo at
pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang
Marka
Pamprosesong mga Tanong
1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing
isinagawa?
2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng
mga personalidad na sangkot sa rebolusyon?
3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa
kanilang bansa.
4. Sa iyong palagay, lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na
ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan.
5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo rin ba ang kanilang
ginawa? Bakit oo? Bakit hindi?
Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng
awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan.
1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit
2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit?
3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy? Bakit kaya ninanais ng
may-akda na baliktarin ang tatsulok?
4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon?
Ipaliwanag ang iyong ideya.
?
424
6. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ?
7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit?
GAWAIN 10: Hagdan ng Karunungan …
Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyong nalalaman
tungkol sa tanong.
INITIAL
REFINED
Ano ang kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses?
FINAL
Naunawaan mo ba ang mga konsepto at ideyang tinalakay sa araling
ito? Kung hindi ay malaya kang magtanong sa iyong guro at kapwa-
mag-aaral upang higit mong maunawaan ang Aralin 3. Kung oo, isang
pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo.
Mahusay mong natapos ang bahaging Paunlarin sa Aralin 3.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman sa ugnayan ng rebolusyong
pangkaisipan sa rebolusyong politikal at ang implikasyon nito sa pagsibol ng
damdaming nasyonalismo, napapanahon na upang palalimin ang iyong kaalaman
sa paksang ito. Inaasahan din na sa bahaging ito’y kritikal mong masusuri ang
mga kaisipang may kinalaman sa paksa.
425
Isang batikang mananalaysay na nagngangalang Dr. Jaime Veneracion ang
nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay mahalagang maunawaan hindi lamang
ang pangyayari kundi pati ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya
ang terminong spirit of the time upang ilarawan ang ‘esensiya ng isang panahon’
at ang kuwentong pumapaloob dito. Kailangang lubusang maunawaan ang
pangyayari at panahon kung ang nais ay makuha ang aral ng kahapon.
GAWAIN 11: Kuwentong may Kuwenta (Tanungin mo sila …)
Kapanayamin ang isa o dalawang taong may kaalaman o nakilahok na sumama
sa Epifanio delos Santos Avenue Revolution noong 1986 (EDSA I). Maaaring ito
ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo o tiya, guro, kapitbahay, malayong kamag-
anak, o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera
o anumang electronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon
kaugnay ng pangyayari.
Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sa pa-
kikipanayam.
1. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I?
2. Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong
desisyon?
3. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang
ikuwento ninyo?
4. Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa
EDSA ?
5. Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ninyo ang pagsama
dito? Ipaliwananag.
Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap. Ikaw ay
mamarkahan gamit ang kasunod na rubric.
* May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o pang-
katan.
426
Rubric Para sa Presentasyon
Criteria Natatangi
4 puntos
Mahusay
3 puntos
Medyo Ma-
husay
2 puntos
Hindi
Mahusay
1 puntos
Kaalaman sa
paksa
Kalidad ng mga
impormasyon o
ebidensiya
Kaalaman sa
kontekstong
pangkasaysayan
Istilo at
pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang Marka
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa?
2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng
iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I?
3. Nakita o naramdaman mo ba ang katuwaan, kasiyahan, o kalungkutan
na ipinakita ng iyong kinapanayam?
4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapa-
nayam?
5. Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa
kinapanayam.
?
427
GAWAIN 12: Lesson Closure: A Good Ending
Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sa pagsulat ng
mga impormasyon.
LESSON CLOSURE
Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo …
Isa sa mahalagang kaisipan ay …
Ito ay mahalaga sapagkat …
Isa pang mahalagang ideya ay …
Nararapat itong tandaan dahil …
Sa pangkabuuan …
GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal)
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay
angpagigingmapagmahalsabayanoisasabuhayangprinsipyongnasyonalismo.
• Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino?
• Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata na isabuhay ang
prinsipyo ng nasyonalismo?
428
GAWAIN 14: Hagdan Ng Karunungan …
Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging final ang iyong
nalalaman tungkol sa tanong.
INITIAL
REFINED
Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Ameri-
kano at Pranses?
FINAL
Mahusay mong naisakatuparan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa
Aralin 3.
ILIPAT AT ISABUHAY
Narating mo na ang huling bahagi ng Modyul na ito. Sa puntong ito nais kong
unawain mong mabuti ang bahaging gagampanan mo sa pagtatagumpay ng
gawain. Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong tinamong kaalaman sa
mga nakaraang aralin. Ang iyong gawain ay mamarkahan gamit ang rubrics.
429
Gallery Walk/ Every Child A Tour Guide
Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan at naging
pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdig tungo sa
makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ng paghahanda
ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaari ninyong gamitin ang mga ginawang
poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibiduwal na bahagi
ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng iba pang
puwedeng i-exhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual na
presentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din
isama ito sa exhibit.
Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa mga
larawan o bagay na kanilang i-exhibit. Bibigyang diin nang bawat pangkat ang
naging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay, komu-
nidad, at bansa ng daigdig.
Ang gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubric.
Pamantayan Pinakamahusay (4) Higit na Mahu-
say (3)
Mahusay (2) Di Mahusay (1)
Presentasyon Nagpamalas ng 4
na kahusahayan
ito ay ang
pagkamalikhain,
kahandaan,
kooperasyon at
kalinawan sa
presentasyon ang
pangkat
Nagpamalas
ng 3 sa 4 na
kahusayan sa
pagtatanghal
Nagpamalas ng
2 lamang sa 4 na
kahusayan ng
pagtatanghal
Isa lamang ang
naipamalas na
kahusayan sa
pagtatanghal
Nilalaman May tuwirang
kaugnayan sa
pananaw batay sa
4 na pamantayan
tulad ng orihi-
nal, pagkakabuo,
pagkakaugnay ng
ideya, at maka-
totohanan ang
mga ipinakita sa
exhibit.
Naipamalas
ang 3 sa 4 na
pamantayan
Naipamalas ang
2 sa 4 na paman-
tayan
Isa lamang sa 4
na pamantayan
ang naipamalas
430
Pangkalaha-
tang Impak
Sa kabuuan ng
presentayon,
tumpak ang
mensahe,
nakahikayat ng
mga tagamasid,
may positibong
pagtanggap, at
maayos na
reaksiyon ng mga
nagmasid.
Tatlo sa apat
na paman-
tayan ang
naisagawa
Dalawa sa apat
na pamantayan
ang naipamalas
Isa lamang sa 4
na pamantayan
ang naipamalas
Transisyon sa Susunod na Modyul
Binigyang diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran, at epekto ng
Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Tinalakay din ang
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong
Pampolitika at Panlipunan, at maging ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba-ibang
panig ng daigdig. Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring
ito ay nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon.
Subalit hindi rito natapos ang mga suliranin at hamon ng daigdig tungo sa
Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, at Kaunlaran.
Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng kasaysayan ng ating Daigdig ay iyong
matutunghayan sa susunod na Modyul.
431
Talasalitaan
Absolute monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi
nalilimitahan ng sinuman
Bourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng mga negosyante,
banker, may-ari ng pantalan o daungan, at mga kauri nito
Enlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa
pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal, at maging kultural
French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong
magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at kalayaan.
Geocentrism- Paniniwala noong Panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay
ang sentro ng solar system
Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system
Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang
dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome.
Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito.
Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa
sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang
pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin
Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa
England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon.
Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
Bansa
Kontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na
naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo
partikular sa Katolisismo
Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya
at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan
Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng
mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso
Monarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna, at mga kauri nito
Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong
pag-isahin ang buong Europe
432
Nasyonalismo- Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa
pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan
Nation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na
pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at
kasaysayan at napasasailalim sa isang pamahalaan.
Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na
naniniwalang ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay
Physiocrats- Mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang ang lupa ang
tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman
Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran, at radikal na pagbabago
sa isang lipunan
Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng
Greece na sumibol sa bansang Italya
Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma
sa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig
sa Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa
pagkakahati ng Simbahang Kristiyano.
433
Sanggunian
A. Aklat
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al. pp., 185 – 186
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.189
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp.209-211
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 214 -216
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 219-220
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 241
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp.244-245
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 254
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 211-213
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 213 - 214
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p. 217 - 218
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 294
Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al., pp. 228-230
Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al. (pp. 262-266)
Kasaysayan ng Daigdig ni Vivar, T. et al., pp. 222-225
World History: Connections to Today (Discovery Channel School)
World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553
World History: Connections to Today (Discovery Channel School)
Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The
Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen
Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987),
22–23.
434
B. Modules
Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 10
Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 14
Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 13
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15

9 ap lm mod.3.v1.0 (2)

  • 1.
    Kasaysayan ng Daigdig AralingPanlipunan Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga- waran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Modyul para sa Mag-aaral III: Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig: Ang Transpormasyon Tungo sa Pagbuo ng Pandaigdigang Kamalayan
  • 2.
    Kasaysayan ng Daigdig AralingPanlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-67-8 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama- halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma- may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M. Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
  • 3.
    PAUNANG SALITA Pangunahing tunguhinng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka- hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka- kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan. Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon. Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig. Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.
  • 4.
    Modyul III AngPag-usbong ng Makabagong Daigdig: Ang Transpormasyon Tungo Sa Pagbuo ng Pandaigdigang Kamalayan Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 274 Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 274 Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 275 Aralin 1 Paglakas ng Europe Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 281 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 286 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 318 Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 322 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 326 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 367 Aralin 3 Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pang- kaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .371 Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 376 Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 424 Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 428 Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 431 Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 433 TALAAN NG NILALAMAN
  • 6.
    274 MODYUL 3 Panimula Ang mgapagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Sa modyul na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig. Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag- usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito. Mga Aralin at Sakop ng Modyul Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1: Paglakas ng Europe • Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko, at repormasyon sa daigdig • Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon sa daigdig Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe • Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe ANG PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: ANG TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGKABUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN
  • 7.
    275 • Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyonsa Europe • Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal • Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo Aralin 3: Pagkamulat: Kaugnayang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano • Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng mga Rebolusyong Pranses at Amerikano • Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig Panimulang Pagtataya Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. 1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem? A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian. B. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri. C. Nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod. D. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya. 2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng renaissance? A. Muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe D. Panibagong kaalaman sa agham 3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? I. Schism sa Simbahang Katoliko II. Pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent
  • 8.
    276 III. Pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng Wittenberg Church A. I -II - III B. II - I - III C. III - I - II D. I - III – II 4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means ?” A. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang hangarin. B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging may mabuting bunga. C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan. D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala. 5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binigyang diin niya na ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate. A. John Locke C. Rene Descartes B. John Adams D. Jean-Jacques Rousseau 6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition? A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europe. B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala. C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo. D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko. 7. Suriin ang mapa ng Italy. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa ekonomiya nito? A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa. B. May mapagkukunan ng yamang-dagat. C. Bukas ang iba’t ibang ruta nito sa kalakalan. D. Madali itong masakop ng ibang bansa.
  • 9.
    277 8. Ano angkontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe? A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe. C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang pangangailangan. D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. 9. Sa ika-15 na siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsa- han sa kapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ng pagpapalawak ng kani-kanilang mga nation-state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain? A. Spain C. Portugal B. England D. Netherlands 10 Ang cartoon sa ibaba ay ku- makatawan sa mga estado sa America. Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban sa British? A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas. B Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban.
  • 10.
    278 C. Mag-ingat saBritish na kawangis ng ahas. D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi. 11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon? 1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita. 2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay. 3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sar- iling bansa. 4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino. A. 1,2,3,4 B. 1,2,3 C. 2,3,4 D. 3,4 12. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang naitulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo? A. Magkakampi ang France at United States. B. Magkasabay na nilabananan ng England ang United States at France. C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England. 13. Naisakatuparan ang Rebolusyong Politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusy- ong Politikal. B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusy- ong Pangkaisipan. C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng Re- naissance sa Europe. D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan.
  • 11.
    279 14. Sa ikalawangyugto ng imperyalismo at kolonisasyon, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang white man’s burden? A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin ang daigdig. B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo. C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop. D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo. 15. Maraming makabagong ideya at imbensiyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin? A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito. B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe. C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob. D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin. 16 Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan at ekonomi- ya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ng Rebolusyong Industriyal? A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsiya. B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy. C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho. D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika. 17. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses? A. Pagtanggal ng sistemang piyudal B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran
  • 12.
    280 18 - 20Tama o Mali Suriin ang bawat pahayag. Makatutulong ang nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Piliin ang letra ng wastong sagot. Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18 - 20. A. Tama ang una at ikalawang pangungusap. B. Mali ang una at ikalawang pangungusap. C. Tama ang unang pangungusap. D. Tama ang ikalawang pangungusap. 18. I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italy at lumaganap sa kabuuan ng Europe. II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kultural ay ang pagkakaimbento ng movable press ni Johan Gutenberg. 19. I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nang repormista ang nabuhay upang hamunin ang katuruan at kapangyarihan ng Simbahang Katolika. II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ay ang paniniwalang ang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindi ang Sim- bahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan. 20. I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ng pananakop, naka- hihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig. II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa at nakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia.
  • 13.
    281 Matapos mong masukatang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano muling lumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang naging ambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas ng Europe. Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo sa lubos na pag-unawa. Halina’t iyong simulan... ARALIN 1 PAGLAKAS NG EUROPE Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamaunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng kasaysayan. ALAMIN Gawain 1: Word Hunt Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng bawat salita. A L A M E R K A N T I L I S M O D I M B S E T N A T S E T O R P V S I O L P R O T S E T O R P R C O K A T O L I K O W H P S E I E M D K E R A L S E A R L K E S T S K U Y M T T A P T K N G P R N I R S F A G U M O Y A S O O U M N L W C S B S N R B N C T R K P A T P L Y A S H R E O P Y U G E M Y M B O U R G E O I S I E A R U L R E N A I S S A N C E S P Y H C R A N O M L A N O I T A N
  • 14.
    282 1. B____________R Nagmamay-ario namamahala ng bangko 2. B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe 3. E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig 4. H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano 5. K____________O Nangangahulugang “universal” 6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak 7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihang M____________Y ng hari 8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko 9. R____________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang” 10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon Matapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mong bumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga salita. Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout. Gawin ito sa kuwaderno.
  • 15.
    283 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita? 2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit? 3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang iyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuo ang kaisipan? GAWAIN 2: Kilalanin Mo! Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at isulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa. Gawin sa kuwaderno. ? ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________
  • 16.
    284 ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Pamprosesong mga Tanong 1.Sino ang ipinakikita sa bawat larawan? 2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan? 3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga naka- larawan? 4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan? Patunayan. ? ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________
  • 17.
    285 GAWAIN 3: Think–Pair-Share! Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag- unawa ng aralin. Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa aralin. Sagutin ang tanong sa mga kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ng aralin. Gawin ito sa kuwaderno. Katanungan Paano nakaapekto ang paglakas ng Europe sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig at sa pag- buo ng pandaigdigang kamalayan? Mga Sagot Aking Sagot Sagot ng Aking Kapareha PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng magkapareha) (Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkata- pos ng aralin.) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website, at iba pa.) Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito.
  • 18.
    286 PAUNLARIN Sa bahaging ito,inaasahang matututuhan mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Ang bahaging ginampanan ng bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance, at maging ng Simbahang Katoliko at Repormasyon ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos ang pag- aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto ang mga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin. GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan! Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayan at lungsod sa Panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sa pag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito. Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa kanang bahagi ng diyagram. Gawin ito sa kuwaderno. Nagbunsod ng kalakalang pan- daigdig dahil sa pagiging sentro ng kalakalan at industriya Naging saligan ng kalayaang pampolitika PAMANA NG MGA BAYAN AT LUNGSOD Diyagram Blg. 1.1 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 156 Nakatulong ang malayang kaisi- pan sa kaunlarang intelektuwal Naging sentro ng kultura
  • 19.
    287 Pamprosesong mga Tanong 1.Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito pinakamahalaga? Bakit? 2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa paglakas ng Europe? GAWAIN 5: Burgis Ka! Malaki ang bahaging ginampanan ng mga burgeoisie sa paglakas ng Europe. Gusto mo ba silang makilala? Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeoisie. Iyong itala ang maha- halagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie. Isulat ito sa kuwaderno. ?
  • 20.
    288 Pag-usbong ng Bourgeoisie Angterminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagam- itang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamu- muhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakade- pende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa. Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagma- may-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan, at pagmamay-ari. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panreli- hiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp.209-211
  • 21.
    289 Ang mga bourgeoisieay________________ _______________________________________ _______________________________________ PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE Sino-sino ang mga bourgeoisie? Dahilan ng Kanilang Paglakas Epekto sa Paglakas ng Europe • • • • • • • ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ Katangian ng mga bourgeoisie Halaga sa Lipunan (Noon at Ngayon) Pamprosesong mga Tanong 1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie? 2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie? 3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe? 4. Sino ang maituturing natin na bourgeoisie sa kasalukuyan? 5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig? ?
  • 22.
    290 Hindi lamang angpaglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging ito ng kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa panahong ito ang pag-iral ng sistemang nagbigay-daan sa paghahangad ng mahahalgang metal mayroon ang ibang panig ng daigdig maliban sa Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang merkantilismo? Paano ito nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe? GAWAIN 6: Magbasa at Unawain! Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong mga tanong. Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak. Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan. Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 211-212 Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagama’t kada- lasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilis- mo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga
  • 23.
    291 layuning ito ayang magkaroon ng malaking kitang magbibigay daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa. MERKANTILISMO Pamprosesong mga Tanong 1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang ka- hulugan ng merkantilismo? 2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo? ? MERKANTILISMO
  • 24.
    292 3. Paano nagsimulaat nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe? 4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan. 5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng ating bansa? Ng daigdig? Bakit? Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkantilismo ay naging daan upang muling manumbalik ang kapangyarihan ng hari. Paano nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mga bourgeoisie sa pagiging makapangyarihan nila muli? Tunghayan mo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan. GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa! Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy. Pagtatatag ng National Monarchy Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa. Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pag- bubuo ng matatatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mama- mayang nagpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula
  • 25.
    293 sa panginoong maylupatungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 212 Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan ng hari? Isulat ang sagot sa kuwaderno. Pag-usbong ng mga Nation-state Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa. Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari. Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monar- kiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pag- kakaloob ng hustisya.
  • 26.
    294 PAGTATATAG NG NATIONALMONARCHY Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pa- nanakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., pp. 212-213 Paano nakatulong ang mga nation-state sa paglakas ng Europe? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
  • 27.
    295 Bukod sa mgaunang natalakay na aralin, tatalakayin rin ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europe. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at nagpalakas sa kapangyarihan ng hari? 2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at reyna? 3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe? 4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa ay hari at reyna? Bakit? ? Paglakas ng Simbahan at ang Papel Nito sa Paglakas ng Europe Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa. Sa pagsapit ng taong 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider- espirituwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europe.
  • 28.
    296 Ang Investiture Controversyay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito ginawa ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italy ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry iV. Ito ay tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari. doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi siya tumupad sa kanyang obligasyong Kristiyano.
  • 29.
    297 GAWAIN 8: DiscussionWeb Sundin ang sumusunod: 1. Pagkatapos basahin ang teksto, sagutan ang tanong sa discussion web. Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang. 2. Talakayin ang tanong sa iyong pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sa panig ng Oo at Hindi. 3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat miyembro sa bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi. 4. Magtulungan ang bawat miyembro ng pangkat sa pagbuo ng dahilan at kongklusyon. 5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw sa buong klase. Ang Simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa. Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 na siglo hanggang sa ika-13 na siglo ay lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay naging nation- state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan ng mga sumunod na panahon. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 214 -216
  • 30.
    298 DISCUSSION WEB OO HINDI Mahalagaba ang papel na ginagam- panan ng Simba- hang Katoliko sa paglakas ng Europe? DAHILAN DAHILANEBIDENSIYA EBIDENSIYA KONGKLUSYON Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at transpormasyon ng daigdig? 4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng Simbahan sa kasalukuyan? Patunayan. GAWAIN 9: OO o HINDI! Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tung- kol sa paglakas ng Europe. Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo ang hawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi naman ng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo ang konseptong ito ng aralin. Pag- katapos ay suriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa. ?
  • 31.
    299 KONSEPTO/ KAALAMAN OO(NAUNAWAAN) HINDI (NAUNAWAAN) 1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnang uri ng lipunan. 2. Dahil sa impluwensiya ng mga bourgeoisie nasimulan nila ang mga reporma sa pamahalaan. 3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na naghahangad ng pagkaka- roon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kaya- manan at kapangyarihan ng bansa. 4. Sa pagkawala ng kapang- yarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nag- patingkad sa pagtatatag ng national monarchy. 5. Ang Simbahan ang nagsil- bing tagapangalaga ng ka- linangan sa imperyo noong panahong Medieval. Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa bahaging ito ng aralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang ng Renaissance sa huling bahagi ng ika-14 na siglo. GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Nakita mo na ba ang larawan na Mona Lisa? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet?” Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang gawain.
  • 32.
    300 Sa pagtatapos ngMiddle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisiyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance? Pag-usbong ng Renaissance Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., ph. 219-220
  • 33.
    301 Batay sa mgaimpormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? BAKIT SA ITALY? Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Pagtataguyod ng mga ma- harlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe. http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Pagtataguyod ng mga ma- harlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe. http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg 301 Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? BAKIT SA ITALY? Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Pagtataguyod ng mga ma- harlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe. http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg
  • 34.
    302 Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapatpagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Ang mga Humanista Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tulig- sain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag- aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’al pp. 220-221 ` Ano ang pagkakaiba sa pagtingin ng mga humanista ng sinaunang panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages?
  • 35.
    303 MGA AMBAG NGRENAISSANCE SA IBA-IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan Francesco Petrarch (1304 - 1374). Ang “Ama ng Humanismo.” Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura. Goivanni Boccacio (1313 - 1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. William Shakespeare (1564 - 1616). Ang “Makata ng mga Maka- ta.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: "Julius Caesar," "Romeo at Juliet," "Hamlet," "Anthony at Cleopatra," at "Scarlet." Desiderious Erasmus (1466 - 1536).“PrinsipengmgaHumanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
  • 36.
    304 Nicollo Machievelli (1469- 1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikha ng lakas.” Miguel de Cervantes (1547 - 1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na ku- mukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. Sa Larangan ng Pinta Michelangelo Bounarotti (1475 - 1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estat- wa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipiksiyon. Leonardo da Vinci (1452 - 1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosoper.
  • 37.
    305 Raphael Santi (1483- 1520). “Ganap na Pintor,” “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pag- kakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,” “Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.” Sa larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance Nicolas Copernicus (1473 - 1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.” Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan. Galileo Galilei (1564 - 1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. Sir Isaac Newton (1642 - 1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nag- papatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga tanong.
  • 38.
    306 Paano binago ngmga ambag ng Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe noon at maging sa kasalukuyan? Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa modernong panahon. Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid, at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan din sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod- buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan. Halaw mula sa: Ease Modyul 10 ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Sa pagsulat ng tula, mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self- Portrait as the Allegory of Painting (1630). Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p.224-225
  • 39.
    307 Veronica Franco VittoriaColonnaIsotta NogarolaLaura Cereta Ano-ano ang kontribusyon ng kababaihan sa larawan? Pangkatang Pag-uulat: Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa tulong ng tekstong iyong binasa ay ilahad ninyo ng inyong kapangkat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Renaissance. Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance Pagkatapos ng inyong presentasiyon maglagay ng mga datos sa concept definition map para sa mas malinaw na daloy ng mga impormasyong kaugnay ng paksa. Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa naging presentasiyon ng kamag-aaral kung mayroon kang hindi naunawaan.
  • 40.
    308 CONCEPT DEFINITION MAP KAHULUGAN SALIKSA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALY Kababaihan sa Renaissance RENAISSANCE Larangan/Nanguna Sa Ambag sa Kabihasnan Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang kahulugan ng Renaissance? 2. Ano-ano ang naging mga salik sa pag-usbong ng Renaissance? 3. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance? 4. Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng panibagong pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral? 5. Sino-sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance? 6. Ano-ano ang mga naiambag ng Renaissance sa ating kabihasnan? 7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito? ?
  • 41.
    309 Nagdala ng maramingpagbabago at mga pamana sa daigdig ang Panahon ng Renaissance. Sa bahaging ito ay tutungo ka naman sa kuwento ng Repormasyon at Kontra Repormasyon. GAWAIN 11: Palitan Tayo! Panuto: Sa huling bahagi ng Middle Ages ay naranasan ang paghina ng Sim- bahan dahil sa mga pagbabagong politikal, ekonomiko, at panlipunan. Pagsapit ng ika-14 na siglo, maraming mga reporma ang hinihingi sa Simbahan. Dito nagsimula ang Repormasyon. Basahin at unawain ang teksto sa Repormasyon upang masuri ang mga kaganapan sa panahong ito. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa mga gawain sa bahaging ito ng aralin. Ang Repormasyon Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika- 14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko Romano, gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaiba- han ng katuruan ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan…"Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Romans 1:17). 8. Ano-ano ang kanilang naging kontribusyon sa Panahon ng Renaissance? 9. Paano nakatulong ang Renaissance sa paglakas ng Europe? 10. Nagaganap pa rin ba ang mga pangyayari sa Panahon ng Renaissance sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. 11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing maka- pagbahagi ng mga ito? Pangatuwiranan.
  • 42.
    310 Ang pag-aalinlangan atpagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam- suklam na gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta ng indulhensiya. Ito ay isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses). Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben, Germany. Ang kaniyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri. Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang protestasyon- na siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ay ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na humantong sa digmaan, ito ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng paglagda sa Kapayapaang Augsburg noong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan. Batay sa teksto, paano nagsimula ang Repormasyon? Martin Luther
  • 43.
    311 Kontra-repormasyon Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwidang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), na lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan. 1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos. 2. Pag-aalis ng simony. 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o Counter Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus). Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland, at timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang naging makapangyari- hang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan at naging dalubhasa bilang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malaking kaugnayan sa politika ng Europe. Naging tagapayo sila at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa panahon nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad ang Inquisition laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granada. Maging ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna. Halaw mula sa: EASE Modyul 12 Ano-ano ang binago ni Pope Gregory VII sa Simbahang Katoliko?
  • 44.
    312 Ano ang nagingbunga ng Kontra-Repormasyon? Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protes- tante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng sumusunod na epekto: • nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko; • sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian, at iba; • gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelihiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbebenta at pagbibili ng mga opisyo ng Simbahan at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa Simbahan; • ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panreli- hiyon at;
  • 45.
    313 • ang pagpapanumbalikng katuruang espirituwal sa Kristiyanismo, ang pagpa- palaganap ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad dito na ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. Halaw mula sa: EASE Modyul 12, AP III, pp. Ano ang naging bunga ng Kontra-Repormasyon? Ano-ano ang naging epekto ng Repormasyon? Mabuti ba o masama ang naging epekto ng Repormasyon? Patunayan. Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?
  • 46.
    314 Sa tulong ngmga kaalaman sa nasuring teksto, sipiin mo ang Contrast-Compare Map. Punan mo ito ng hinihinging mga impormasyon. Pagkatapos, makipagpalitan ka ng papel sa iyong kamag-aaral. Suriin ang gawa ng bawat isa at magbigay ng reaksiyon sa kasagutan ng iyong kamag-aral. Kumpletuhin din ang 3 - 2 -1 Chart tungkol sa Repormasyon at Kontra-Repormasyon. REPORMASYON KONTRA - REPORMASYON PAANO SILA NAGKAKATULAD? ______________________________________________ ______________________________________________ PAGKAKAIBA AYON SA DAHILAN NANGUNA TURO/ARAL BUNGA/PAMANA ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________
  • 47.
    315 3 Bagay na akingnatutuhan sa naging dahilan ng pagkakaroon ng Repormasyon at Kontra- Repormasyon 1. 2. 3. 2 Kontribusyon ng mga tao na aking nalaman sa Repormasyon at Kontra-Repormasyon 1. 2. 1 Mahalagang tanong sa paksa: Paano nakatulong ang Repor- masyon at Kontra-Repormasyon sa paglakas ng Europe? Sagot Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang Repormasyon? 2. Bakit iniugat kay Martin Luther ang unang yugto ng Repormasyon? 3. Paano lumaganap ang Repormasyon? 4. Ano ang naging sagot ng Simbahang Katoliko sa Repormasyon? 5. Ano-ano ang naging pamana ng Repormasyon? 6. Paano binago ng Repormasyon ang Europe? 7. Sa kasalukuyan, nakaapekto ba sa iyong paniniwala sa Diyos ang pagkakaroon ng iba’t ibang denominasyon ng relihiyon sa iyong paligid? Bakit? GAWAIN 12: Tayain Mo! Suriin ang sumusunod na pahayag. Itanong mo sa iyong sarili kung ginagawa mo o hindi ang mga gawaing nakatala. Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi sa mga gawaing ito. ?
  • 48.
    316 Gawain Ginagawa Di-ginagawaDahilan/ Mungkahi 1. Pagbabasa ng Bib- liya 2. Pagdalo sa mga gawain ng relihiyon (e.g., pagsisimba) 3. Pagsasabuhay ng mga aral ng kinabibilangang relihiyon 4. Pagrespeto sa pananampalataya ng iba 5. Pakikipagpalitan ng ideya at aral sa mga taong may ibang relihiyon
  • 49.
    317 GAWAIN 13: Think– Pair-Share Chart Balikan mo ang Think-Pair-Share Chart. Sa pagkakataong ito na natutuhan mo na ang mahahalagang konsepto ng aralin ay sagutan mo na at ng iyong kapareha ng pinal ang katanungan sa aralin sa pagsisimula nito. Tiyaking mapag-uusapan ninyong magkapareha ang magiging pinal na kasagutan at kung may mga nais pang idagdag na bagong kaalaman na naunawaan ay gawin na rin. Huwag ding kalimutan na ilagay ang mga sanggunian at batayan ng iyong nabuong kasagutan. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Katanungan Paano nakaapekto ang paglakas ng Europe sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig at sa pag- buo ng pandaigdigang kamalayan? Sagot ng mag aaral Aking Sagot Sagot ng Aking Kapareha PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng Magkapareha) (Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkata- pos ng aralin.) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website, at iba pa.) Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa pamamagitan ng talakayan at iba- ibang gawain ang mga konseptong dapat mong maunawaan tungkol sa paglakas ng Europe. Balikan mo ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin mo kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa naging sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong konsepto ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito.
  • 50.
    318 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sabahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa paglakas ng Europe at ang bahaging ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan. Gawain 14: Pagnilayan Mo! Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal at ang pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong mga tanong. “As we all know, the President is the Presi- dent not only of Roman Catholics but also of other faiths as well. He has to be above faith. Responsible parenthood is something which I believe is favorable to all faiths,” giit ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom. Ang isyu sa paggamit ng contraceptives ay isyung lantad na lantad na. Kahit na gaano pa ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng kahit anong uri ng contraceptives --- condom, IUD at pills para mapigilan ang pagbubuntis, ito ay matagal nang ginagawa ng mga mag-asawa. Ang totoo’y natuto na ang mga mag-asa- wa na dapat ay magkaroon ng pagitan at may hangga- nan ang panganganak. Mara- mi nang mga mag-asawa ang natuto na ang dalawa o tatlong anak ay kaya nilang pakainin at pag-aralin. http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg PAGPAPLANO NG PAMILYA 318 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa paglakas ng Europe at ang bahaging ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan. Gawain 14: Pagnilayan Mo! Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang Simbahan, mga mangangalakal, at maging iba pang propesyunal at ang pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksiyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong mga tanong. “As we all know, the President is the Presi- dent not only of Roman Catholics but also of other faiths as well. He has to be above faith. Responsible parenthood is something which I believe is favorable to all faiths,” giit ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom. Ang isyu sa paggamit ng contraceptives ay isyung lantad na lantad na. Kahit na gaano pa ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng kahit anong uri ng contraceptives --- condom, IUD at pills para mapigilan ang pagbubuntis, ito ay matagal nang ginagawa ng mga mag-asawa. Ang totoo’y natuto na ang mga mag-asa- wa na dapat ay magkaroon ng pagitan at may hangga- nan ang panganganak. Mara- mi nang mga mag-asawa ang natuto na ang dalawa o tatlong anak ay kaya nilang pakainin at pag-aralin. http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg PAGPAPLANO NG PAMILYA “As we all know, the President is the Presi- dent not only of Roman Catholics but also of other faiths as well. He has to be above faith. Responsible parenthood is something which I believe is favorable to all faiths,” giit ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom. Ang isyu sa paggamit ng contraceptives ay isyung lantad na lantad na. Kahit na gaano pa ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng kahit anong uri ng contraceptives --- condom, IUD at pills para mapigilan ang pagbubuntis, ito ay matagal nang ginagawa ng mga mag-asawa. Ang totoo’y natuto na ang mga mag-asa- wa na dapat ay magkaroon ng pagitan at may hangga- nan ang panganganak. Mara- mi nang mga mag-asawa ang natuto na ang dalawa o tatlong anak ay kaya nilang pakainin at pag-aralin. http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg PAGPAPLANO NG PAMILYA
  • 51.
    319 Nasasayang ang pondong pamahalaan sa pagbili ng mga contraceptives sa halip na gamitin ito sa mas mahalagang suliranin ng bansa. “Life begins at fertiliza- tion, anything that pre- vents the fertilized ovum to be implanted in the uterus may be considered as abortive and therefore, if prescribed, may violate our solemn oath as physi- cians to save and protect human life particularly the unborn.” - Dr. Oscar Tinio PMA President Ang paggamit ng contraceptives ay masama sapagkat taliwas ito sa natural na pamamaraan ng pagkakaroon ng buhay. Natural family planning dapat ika nga at hindi mga contraceptives. Ang RH Law ay naka- sisira sa moralidad ng mamamayan. Ang con- traception ay nakasasa- ma dahil nawawalan ng disiplina ang mga tao at tumatakas sa mga responsibilidad. Ang sex education ay nakasasa- ma dahil magdudulot ito ng pagkasira sa mu- rang pag-iisip ng mga batang nag-aaral. http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/ images/manila_cathedral.jpg Pamprosesong mga Tanong 1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong paniniwala ang iyong susundin; ang Simbahang Katoliko o ang sa pama- halaan? Bakit? 2. Lumalabag ba sa moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat gumamit ng contraceptives sa pagpaplano ng pamilya? Ipaliwanag ang sagot. 3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili ng contraceptives? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng pamilya: ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Re- productive Health Act of 2012). Sa iyong palagay, makatutulong ba ito upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag. 5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon at ang hindi mabuting epekto nito? ? Nasasayang ang pondo ng pamahalaan sa pagbili ng mga contraceptives sa halip na gamitin ito sa mas mahalagang suliranin ng bansa. “Life begins at fertiliza- tion, anything that pre- vents the fertilized ovum to be implanted in the uterus may be considered as abortive and therefore, if prescribed, may violate our solemn oath as physi- cians to save and protect human life particularly the unborn.” - Dr. Oscar Tinio PMA President Ang paggamit ng contraceptives ay masama sapagkat taliwas ito sa natural na pamamaraan ng pagkakaroon ng buhay. Natural family planning dapat ika nga at hindi mga contraceptives. Ang RH Law ay naka- sisira sa moralidad ng mamamayan. Ang con- traception ay nakasasa- ma dahil nawawalan ng disiplina ang mga tao at tumatakas sa mga responsibilidad. Ang sex education ay nakasasa- ma dahil magdudulot ito ng pagkasira sa mu- rang pag-iisip ng mga batang nag-aaral. http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/ images/manila_cathedral.jpg
  • 52.
    320 GAWAIN 15: Anoang Gusto Mo! Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster o editorial cartoon. Gawin ito nang pangkatan. Sundin ang PDRS (Plan, Do, Review, at Share) technique. Ang lilikhaing poster o editorial cartoon ay maglala- man ng mga pamana sa kabihasnan ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, Simbahang Katoliko, Renaissance, at Repormasyon. Maaari mo itong gawin sa isang cartolina o illustration board. Maging malikhain sa magiging laman ng inyong gagawin at sikaping lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi sa gawain. Lagyan din ng paliwanag at pasasalamat sa naging ambag sa daigdig ng mga nasabing salik sa paglakas ng Europe. Ibahagi ito sa klase pagkatapos. Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. Sagutin din ang mga pamprosesong tanong para sa mas malalim na pag-unawa sa aralin. CRITERIA NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 MARKA IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD Ang nabuong poster o editorial cartoon ay naka- pagbibigay ng kumpleto, wasto, at napakahalagang impormasyon tung- kol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay nakapag- bibigay ng wastong impormasyon tung- kol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay kulang sa sapat na impor- masyon tungkol sa paglakas ng Europe. MALIKHAIN Ang pagkakadisen- yo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang pagkakadisen- yo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. May kakulangan ang elemento ng pagdisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. KATOTOHANAN Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may bisa/dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng iilang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay walang dating sa madla.
  • 53.
    321 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano ang iyong napuna sa nabuong mga poster/ editorial cartoon? 2. Paano nakatulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang mga pamanang iniwan ng mga pangyayaring kaugnay ng paglakas ng Europe? 3. Paano ipinakita sa poster/editorial cartoon ang naitulong ng mga pamanang iniwan ng paglakas ng Europe sa transpormasyon ng ating daigdig sa kasalukuyan? GAWAIN 16: Salamin ng Aking Sarili! Ano ang naramdaman mo habang inaalam ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe? Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapu- kaw ng iyong interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang tuklasin nang mas malawak? Sa proseso ng paunlarin at pag-unawa ng aralin, ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga susunod na hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang iyong pag-aaral? Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang maging gabay sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ __________________________________________ Binigyang diin sa Aralin 1 ang pagtalakay ng mga pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Nakasentro ang pagtalakay sa mga salik na nagbunsod nito tulad ng pagsilang at kontribusyon ng Renaissance, ang Repormasyon, maging ang naging tugon ng Simbahang Katoliko, at ang Kontra-Repormasyon. Mahalagang tandaan ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makatutulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng daigdig. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang nakaraan sa kasalukuyang panahon. ?
  • 54.
    322 ARALIN 2 PAGLAWAK NGKAPANGYARIHAN NG EUROPE Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ng daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain. Ang mga lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon sa malawak na pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito. ALAMIN Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe, Renaissance at Repormasyon, bibigyang diin naman sa araling ito ang naging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na. GAWAIN 1: Sasama Ka Ba! Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang iyong sagot sa tanong. Gawin ito sa kuwaderno. Panahon: 1430 Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. Ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang banda, may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.
  • 55.
    323 SPANISH GALLEON Ang malalaking alonay maaring sumira at magpa- lubog ng barko. Ang barko ay maaaring maglaman ng ginto, mamahaling hiyas, at mahahalagang bagay na nagmumula sa kabilang bahagi ng karagatan. SASAMA KA BA? SPANISH GALLEON Ang malalaking alon ay maaring sumira at magpa- lubog ng barko. Ang barko ay maaaring maglaman ng ginto, mamahaling hiyas, at mahahalagang bagay na nagmumula sa kabilang bahagi ng karagatan. SASAMA kA bA?
  • 56.
    324 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano ang pabuyang posible mong matanggap kung sasama ka sa pagla- layag? 2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag? 3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at lipunan ng Europe? GAWAIN 2: Suriin Mo! Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat sa ibaba ng bawat larawan ang naiisip mong naitutulong nito sa iyo. ? NAITUTULONG SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
  • 57.
    325 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano-ano ang nakita mo sa larawan? 2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit? 3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan? 4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag. Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil ay nanabik ka nang malaman ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pangyayaring ito. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang kasunod na gawain. GAWAIN 3: Bahagdan ng Aking Pag-Unlad Sagutan ang unang kahong Aking Alam at ang ikalawang kahong Nais Malaman. Samantala, ang ikatlo at ikaapat na kahon Mga Natutuhan at Halaga ng Natutuhan sa Kasalukuyan ay sasagutin mo pagkatapos ng aralin. PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN ?
  • 58.
    326 BINABATI KITA! Matapos matimbangat masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil nais mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol dito. Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng araling ito sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Suriin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan. PAUNLARIN Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe; ang Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, maging ang iba-ibang Rebolusyong naganap, ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi upang masagot ito pagkatapos ng pag-aaral sa bahaging ito ng aralin. GAWAIN 4: Maglayag Ka! Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain ang teksto tungkol dito. UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanapngmgalugarnahindipanararatingngmgaEuropeo.Angeksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo at; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan. Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag- impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng
  • 59.
    327 pagiging mausisa nadulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagkatuklas, at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al pp. 241 Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na "The Travels of Marco Polo" (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Musim. Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et. al pp. 241 Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain - ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap, na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.
  • 60.
    328 Limitado lamang saSpain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista. Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON Batay sa binasang teksto, ano-ano ang motibo at salik sa eksplorasyon? MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
  • 61.
    329 Ang Paghahanap ngSpices Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon? Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?
  • 62.
    330 Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana, at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang bayani. Dahil din sa kaniya kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan. Halaw mula sa : EASE Modyul 14, Araling Panlipunan III Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco da Gama Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-14 na siglo Si Prinsipe Henry, ay anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang “The Navigator.” Dahil sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng Madeira, at sa mga isla ng Cape Verde.
  • 63.
    331 Ang Paghahangad ngSpain ng Kayamanan Mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang naging daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan si Columbus na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, pagodatgutomsakanilangpaglalakbay,athabangpanahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot din niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan doon ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga itong Indians. Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Spain nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Ferdinand V Amerigo Vespucci Christopher Columbus Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto? Sino-sino ang mga Portuguese na naglayag at ano-ano ang lugar na kanilang narating?
  • 64.
    332 Pagbalik niya saSpain ay ipinagbunyi ang resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy, at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506. Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na may kakulangan sa mga makabagong gamit ang mga ginawang paglalakbay gaya ng mapa na di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang America . Ito ay naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14 Paghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan? Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
  • 65.
    333 Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon silana baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga Europe. Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14 Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
  • 66.
    334 Ang Paglalakbay niFerdinand Magellan Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdi- nand Magellan, isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain. Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong Silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America o ban- sang Brazil sa kasalukuyan. Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at mga pampalasa. Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa, Portugal. Si Rui de Magalhaes, ang kanyang ama at Alda de Mesquita, ang kaniyang ina. Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating ang Pilipinas Ferdinand Magellan
  • 67.
    335 Naging matagumpay din sila na madala sa Katolisismo ang mga katutubo. Sa pangkalahatan, nagpatunayang mga ekspedisyon na maaaring ikutin ang mundo at muling makababalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang mga yaman nito. Halaw mula sa : EASE Araling Panlipunan III Modyul 14 http://www.sandiegohistory.org/journal/66april/images/pg8map.jpg Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? Ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan? Ang mga Dutch Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinataniman ng mga halamang mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay ang sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York City.
  • 68.
    336 Kung ihahambing angpananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al. , pp.244-245 Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya? Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands, at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal katulad ng spices na nagmula sa Asia. Sa North America, kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo. Kay Henry Hudson, ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t noong ika- 17 na siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito’y pinalitan ng England bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe. Halaw mula sa : Araling Panlipunan III, EASE Modyul 14
  • 69.
    337 Ang mga produktongito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru, at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay- daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Noong Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasisiyahan na sila kung sapat na ang kanilang kita para sa pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago. bagkus, ginamit nila itong puhunan para higit na lumago pa. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain? Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. Katulad ng sumusunod: 1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran. 2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. 3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan. 4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil , at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman. 5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al.., pp. 185 - 186
  • 70.
    338 Mabuti ba omasama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at imperyalismo? Patunayan. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ __________________ GAWAIN 5: Talahanayan ng Manlalayag Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga im- pormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon. MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON PERSONALIDAD BANSANG PINAG- MULAN TAON LUGAR NA NARATING/ KONTRIBUSYON Halimbawa: Vasco Da Gama Portugal 1498 India
  • 71.
    339 Pinagkunan: http://geology.com/world/world-map.gif Pamprosesong mgaTanong 1. Sino-sino ang nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong mga lugar ang kanilang narating? 2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain? 3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit? GAWAIN 6: Pin the Flag Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon? Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop. Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Tapatan din ng kanilang watawat ang mga lugar na kanilang narating at nasakop. Gawin ito sa malinis na papel. ?
  • 72.
    340 Matapos matukoy angmga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan. Gawin ito sa kuwaderno. BANSANG KANLURANIN BANSANG NASAKOP 1. 2. 3. 4. 5. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-anong bansa ang nanguna sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop? 2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin? 3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa? 4. Paano nabago ang buhay ng mamamayang nasakop ng mga Kanluranin? 5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong gagawin? ? Portuguese Español French Dutch English
  • 73.
    341 GAWAIN 7: Mabutio Masama? Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot at sagutan ang mga pamprosesong tanong. EPEKTO NG UNANG YUG- TO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN 1. Paglakas ng ugnayan ng silangan at kanluran. 2. Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. 3. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman, at sakit. 4. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop. 5. Interes sa mga bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at pagla- layag. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto? 2. Sino ang higit na nakinabang sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit? 3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit? ?
  • 74.
    342 Ngayon ay alammo na ang mahahalagang pangyayayari at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo. Ang mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala ng eksplorasyon, maging ng Renaissance at Repormasyon ay nagbunsod upang pagtuunan ng mga tao ang edukasyon at agham. Tatalakayin sa bahaging ito ng aralin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. GAWAIN 8: Ikaw at Ako. Lahat Tayo! Alamin ang pangyayaring kaugnay ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay humanda sa pangkatang gawain Ang Rebolusyong Siyentipiko Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ay malaon ng ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman.” Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 na siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyonal na kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya.” Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyonal na ideya at nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p. 18
  • 75.
    343 Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang propesyongsiyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa America. Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog na taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narating na ng isang manlalakbay ang dulo nito ay posible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang siyang nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala bilang Teoryang Heliocentric. Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon, o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng inquisition. Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 13 Ano ang ibig sabihin ng Teoryang Heliocentric? Ang Teoryang Heliocentric Nicolaus CopernicusNicolaus Copernicus
  • 76.
    344 Mga Bagong TeoryaUkol sa Sansinukuban (Universe) Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito ay tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis ng kanilang paggalaw nguni’t bumibilis ito kung papalapit sa araw at bumabagal kung ito’y papalayo. Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil siya’y kabilang sa kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon. Nguni’t ang kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan. Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong teleskopyo at naging dahilan ng kaniyang pagdiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang pagdidiing ito sa kaniya ng Simbahan ay naging daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-aaral at upang di ito maging daan ng pagtitiwalag sa kaniya ng Simbahan. Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika. Halaw mula sa: : EASE Araling Panlipunan III Modyul 13 Paano ipinaglaban nina Kepler at Galilei ang kanilang paniniwala? Johannes Kepler Galileo Galilei
  • 77.
    345 Paano binago ngbagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa daigdig? Ang Panahon ng Enlightenment Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba-ibang aspekto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraan ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang Panahong Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo, maaari ding sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 254 Ang Makabagong Ideyang Pampolitika Naging daan ang mga pagbabago sa siyensiya upang mapag-isipan ng mga pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maaari ding maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan, at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatuwiran. Tunay na malaki ang impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampolitika.
  • 78.
    346 Ang Pagpapaliwanag niHobbes Tungkol sa Pamahalaan Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na “Leviathan” noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatuwiran ang pamamalakad. Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13 Ano ang paliwanag ni Hobbes tungkol sa pamahalaan? Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral, at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan, at pag-aari. Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at Thomas Hobbes John Locke
  • 79.
    347 ibigay ang kaniyangmga natural na karapatan. Binigyang diin din niya na kung ang tao ay gumagamit ng pangangatuwiran sila ay makararating sa pagbubuo ng isang pamahalaang may mabisang pakikipag-ugnayan na makatutulong sa kanila ng pinuno. Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing “Two Treatises of Government”. Ang kaniyang sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan. Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 13 Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas, at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie Arouet,sa tunay na buhay at isa ring Pranses ay sumulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya pinatapon sa England. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at binigyan niya ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton. Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13 Ano ang pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes? Sa mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan?
  • 80.
    348 Ang Rebolusyong Industriyal Taong1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita nang malaki. Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe? Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa Rebolusyong Industriyal? Ang Bagong Uri ng Rebolusyon Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagongkagamitangayangmakinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura. Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul
  • 81.
    349 ANG PAGSISIMULA NGREBOLUSYONG INDUSTRIYAL Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay ginagawa ng halos 50 manggagawa. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States. Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng isa na lamang sa tulong ng nabanggit na makinarya. Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13 http://www.stamp-collecting-world.com/images/ GB_Map_01.jpg Ease Modyul 13 ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay ginagawa ng halos 50 manggagawa. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States. Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng isa na lamang sa tulong ng nabanggit na makinarya. Halaw mula sa: EASE Araling Panlipunan III Modyul 13 http://www.stamp-collecting-world.com/imag- es/GB_Map_01.jpg Ease Modyul 13
  • 82.
    350 Ang Paglago atPaglaki ng Rebolusyong Industriyal Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa mga riles. Na- katulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at ugnayan sa pamamagitan ng maka- bagong telekomunikasyon. Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag- anakan sa ibang lugar. Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig na mag- bibigay ng enerhiyang hydoelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika. Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?
  • 83.
    351 Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanapbuhayng mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking puhunan na nakapagpabago sa kanilang pamumuhay hanggang sa mabuo ang middle class o panggitnang uri ng mga tao sa lipunan. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensiyon: 1. team engine – 2. Telepono – 3. Telegrapo – 4. Bombilya – Epekto ng Industriyalismo Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsiya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. S a p a g - u n l a d n g industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang mga produkto. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.189
  • 84.
    352 Ano-ano ang nagingepekto ng Rebolusyong lndustriyal? Nakatutulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw- araw mong pamumuhay? Patunayan. Pangkatang Pag-uulat: Bumuo ng pangkat na makakasama mo sa gawaing ito at magplano ng magiging sistema ng inyong paglalahad ng aralin. Maaari ding magsaliksik ng mga karagdagang datos tungkol sa inyong paksa. Pangkat 1: Rebolusyong Siyentipiko Pangkat 2: Enlightenment Pangkat 3: Rebolusyong Industriyal Pagkatapos ng inyong presentasyon ay itala sa data chart ang mahahalagang kaalaman para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon sa paksa. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa naging presentasyon ng kamag-aral. DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO / KINALABASAN Rebolusyong Siyentipiko Enlightenment Rebolusyong Industriyal EPEKTO SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
  • 85.
    353 Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal? 2. Sino-sino ang mga indibiduwal na nanguna sa bawat panahon? 3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapang- yarihan ng Europe? 4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain? 5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga rebolusyong ito sa panahon natin ngayon? 6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon? GAWAIN 9: May Ginawa Ako! Ikaw Ba? Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa sa aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging kontribusyon sa iba-ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito. PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON Halimbawa: Galileo Galilei Astronomiya Teleskopyo ?
  • 86.
    354 Pamprosesong mga Tanong 1.Sino-sino ang personalidad na inyong itinala? 2. Ano-ano ang naging kontribusyon nila sa kanilang larangan? 3. Paanonakatulongangkanilangkontribusyonsapaglawakngkapangyarihan ng Europe? 4. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga kontribusyon? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyang halaga ang naging kontribusyon nila? GAWAIN 10: Magsurvey Tayo! Susukatin ng gawaing ito ang lalim ng iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutan ang survey form na naglalaman ng mahahalagang konseptong dapat mong maunawaan sa aralin. Suriin din ang magiging resulta ng survey na ito. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng gawaing ito. Eskala 3 - Lubos na Naunawaan 2- Naunawaan 1 - Di-naunawaan Pamantayan 3 2 1 1. Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, naipaliwanag ang kaibahan ng likas na agham at karunungang pangkulto. 2. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikita sa paglalagay ng tao ng kaniyang kapalaran sa sariling mga kamay sa tulong ng katuwiran. 3. Mahalagang ambag ni Sir Francis Bacon sa siyentipikong pag-aaral ang inductive method. 4. Ipinakilala ni Nicolas Copernicus ang heliocentric view. 5. Nagsimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal. 6. Napagyaman ang mga kaisipan sa edukasyon noong Pana- hon ng Enlightenment. ?
  • 87.
    355 7. Ang mabilisna paglaki ng populasyon ay isa sa mga epekto ng Rebolusyong Industriyal. 8. Sa Panahon ng Enlightenment, isinulong ang pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan at ang karapatan ng huli na lumahok sa pamahalaan. 9. Ipinakilala ni Thomas Hobbes ang ideya ang tao ay likas na makasarili kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao.” 10. Nakilala sa panahon ng Rebolusyong Industriyal ang dalawang uring panlipunan - ang proletariat at bourgeoisie. Pamprosesong mga Tanong Alin sa mga kaisipang binanggit sa survey ang hindi mo naunawaan? 2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang pagsagot sa survey? 3. Paano nakatulong ang survey na ito sa iyong pag-unawa ng aralin? GAWAIN 11: I-collage Mo Ako! Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon sa ating kabihasnan ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay halaga lilikha kayo ng isang collage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal). Gawin ito nang pangkatan. Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang. Isaalang-alang ang mga miyembrong hindi mo pa nakasama sa bubuuing pangkat. Maging malikhain sa inyong gawain. Tiyaking makikiisa ang bawat miyembro ng pangkat. Pagkatapos magawa ang collage ay ibahagi ito sa klase. Sagutin din ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa pag-unawa ng gawaing ito. Markahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. ?
  • 88.
    356 CRITERIA NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 MAR- KA IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD Ang nabuong collageay nakapagbibigay ng kumpleto, wasto at napakahalagang impormasyon tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang nabuong collage ay naka- pagbibigay ng wastong impor- masyon tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na re- bolusyon. Ang nabuong collage ay kulang sa sapat na impormasyon sa tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na re- bolusyon. MALIKHAIN Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontri- busyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontri- busyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. May kakulangan ang elemento ng pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontri- busyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon at nagpapakita ng limitadong antas ng pagkamalikhain. KATOTOHANAN Ang collage ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa naging kontri- busyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang collage ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa naging kontri- busyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang collage ay nagpapakita ng iilang pangyayari lamang tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage? 2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa kabihasnan ng mga rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo ang mga pamanang ito? ?
  • 89.
    357 Sa nakaraang paksaay nilinaw sa iyo ang mga pangyayari at kontribusyon ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Sa susunod na gawain ay pag-aaralan mo naman ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon GAWAIN 12: Huwag Mo Akong Sakupin! Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Gusto mong malaman ang mga dahilan ng kanilang pananakop? Anong uri na ng pananakop mayroon sa panahong iyon? Gaano kalawak ang imperyong Kanluranin? Sige, basahin at unawain mo na ang teksto tungkol sa aralin. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Ang Pananakop sa Makabagong Panahon Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portu- gal, Spain, Netherlands, France, at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada, at ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal. Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 na siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 211-213
  • 90.
    358 Iba-iba ang dahilanng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop. Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa pag- lusob ng ibang bansa. Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapa- tang pangnegosyo. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at politi- ka ng makapangyarihang bansa. Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng pananakop. Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya. Dahilan, Uri, at Lawak ng Pananakop Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng kolon- ya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop, pinakama- lawak ang imperyo ng Britain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 211-213
  • 91.
    359 Ano-ano ang mgadahilan at uri ng pananakop sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ano-anong lugar sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin? Ang Paggalugad sa Gitnang Africa Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating ang kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga ito ang malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat dito at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating ito ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa sakit. Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang gitnang Africa. Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng mga kanluraning bansa. Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy ang ibang bahagi. Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa - una ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi, at ang pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog.
  • 92.
    360 Madaling narating mulasa Europe ang unang rehiyon sa pamamagitan ng Dagat Mediterranean. Ngunit matapos bumagsak ang Imperyong Rome, nahi- walay ito sa Europe hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man. Islam ang naging malaganap sa hilagang Africa at naging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo pati na sa Europe. Yumaman ang mga lungsod sa rehiyong ito tulad ng Tunis at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang-dagat ng mga Europeo. Sa simula, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop at mga pook na magandang panirahan. Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco. Para sa kanila kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon dahil ito’y makapagdadala ng kayamanan para sa mga Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 213 - 214 Makatuwiran ba ang ginawang pangangalakal ng mga alipin? Bakit? Imperyalismong Ingles sa Timog Asia Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain. Sa halip, lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company sa India naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang India. Sa Treaty of Paris noong 1763 na nagwakas sa pitong taong digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216 Bakit tinawag ng Great Britain ang India na “pinakamaningning na hiyas” ng Imperyo?
  • 93.
    361 Ang United Statessa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898. Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico, at Pilipinas. Ayon kay Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang nararapat gawin sa Pilipinas. Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaig- dig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo - ang Samoa na naging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216 Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain? Anong paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Kanluranin sa West Indies, Austra- lia, New Zealand, at Central America? Ang Protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makakuha ng hilaw na sangkap at mapangalagaan ang ekonomikong interes ng America. Ang malalaking samahan sa negosyo ng America ay nakakuha ng malalaking bahagi ng lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga daang-bakal, at samahan ng mga sasakyang dagat.
  • 94.
    362 Ang iba pangpook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga ban- sang mananakop ay ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito na ang naging simula ng pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.17 Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon Epekto ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay gina- mit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa hukbong sandatahan. Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 217 - 218 Epekto ng Imperyalismo Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng pag- sasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hid- waan sa teritoryo na namamayani pa rin hanggang sa ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 294
  • 95.
    363 Ano-ano ang nagingepekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ _________________________ GAWAIN 13: Punuan Mo Ako! Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang hinihinging impormasyon ng concept map. Ibahagi sa klase ang iyong sagot at hingan ng reaksiyon ang iyong mga kamag-aral. Magpalitan din ng mga pananaw tungkol sa mga konseptomg nakapaloob sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON DAHILAN URI NG MGA TERITORYONG ITINATAG LAWAK NG KOLONYA NG MGA MANANAKOP
  • 96.
    364 Pamprosesong mga Tanong 1.Bakit naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? 2. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop sa mga bansa? 3. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan. 4. Paano napasama ang United States sa pananakop ng mga bansa? 5. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating kolonya? 6. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Pa- tunayan. 7. Anong mga alaala ang naibahagi ng iyong mga ninuno na nakaranas ng pananakop? Ibahagi ito sa klase. GAWAIN 14: Talahanayan ng Pananakop Sa tulong ng mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang talahanayan ng pananakop. Sundan ang halimbawa para sa maayos na pagsagot sa gawain. Itala ang mga bansang nanakop, sinakop, at ang naging bunga ng pananakop sa dalawang bansa. BANSANG NANAKOP BANSANG SINAKOP BUNGA NG PANANAKOP Sa bansang nanakop Sa bansang sinakop Halimbawa: Great Britain India Nakinabang sa mga hilaw na materyales ng India. Nabago ang maraming aspekto ng kultura at tradisyon ng India. Pamprosesong mga Tanong 1. Sino ang higit na nakinabang sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon: ang mga bansang nanakop o ang mga bansang nasakop? Pangatuwiranan. 2. Nakaapekto ba sa kasalukuyang ugnayan ng mga bansang nanakop at sinakop ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop? Patunayan. 3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa ba sa mga bansa ang panana- kop? Bakit? ? ?
  • 97.
    365 GAWAIN 15: TimbanginMo! Naging mabuti ba o masama ang epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming epekto ng pangyayaring ito: mabuti o masama? Itala ang mga naging epekto ng Iikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang eskala. Ibigay mo rin ang iyong reaksiyon sa gawaing ito. Matapos ang palitan ng kuro-kuro at reaksiyon sa gawain, bumuo ng kongklus- yon sa naging epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Mabuti Masama IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON Kongklusyon:
  • 98.
    366 Pamprosesong mga Tanong 1.Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama? Bakit kaya? 2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ipaliwanag. GAWAIN 16: Bahagdan ng Aking Pag-Unlad Balikan mo ang concept map na sinagutan mo sa unang bahagi ng aralin. Sagutin sa pagkakataong ito ang Mga Natutuhan at Halaga ng Natutunan sa Kasalukuyan. ? PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN
  • 99.
    367 Sa bahaging itong aralin ay nilinang mo sa tulong ng talakayan at iba-ibang gawain ang mga konseptong dapat maunawaan tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Balikan ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong sagot ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa ito sa pagpapatuloy ng mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito. PAGNILAYAN at UNAWAIN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe at sa bahaging ginampanan nito tungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at ating simulan. GAWAIN 17: Manifest Destiny Ang iyong mababasa ay bahagi ng paliwanag ni dating U.S. Pres. William McKinley hinggil sa pagsakop nito sa Pilipinas. Isang pagsusuri sa pananaw ng Manifest Destiny. Pagkatapos basahin ay ibigay mo ang iyong reaksiyon at saloobin hinggil sa nilalaman nito. Ang reaksiyon mo at saloobin ay isusulat mo sa kasunod na kahon. Pagkatapos sasagutin mo naman ang pamprosesong mga tanong. Manifest Destiny, Continued: McKinley Defends U.S. Expansionism Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like to say just a word about the Philippine business. I have been criticized a good deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t want the Philippines, and when they came to us, as a gift from the gods, I did not know what to do with them. When the Spanish War broke out Dewey was at Hong- kong, and I ordered him to go to Manila and to capture or destroy the Spanish fleet, and he had to; because, if defeated, he had no place to refit on that side of the globe, and if the Dons were victorious they would likely cross the Pacific and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to destroy the Spanish fleet, and did it! But that was as far as I thought then. When I next realized that the Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with them. I sought counsel from all sides—Demo- crats as well as Republicans—but got little help. I thought first we would take
  • 100.
    368 only Manila; thenLuzon; then other islands perhaps also. I walked the floor of the White House night after night until midnight; and I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God for light and guidance more than one night. And one night late it came to me this way—I don’t know how it was, but it came: (1) That we could not give them back to Spain—that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not turn them over to France and Germany—our commercial rivals in the Orient—that would be bad business and discreditable; (3) that we could not leave them to themselves—they were unfit for self-government—and they would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also died. And then I went to bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War Department (our map-maker), and I told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing to a large map on the wall of his office), and there they are, and there they will stay while I am President! Source: General James Rusling,“Interview with President William McKinley,”The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23. http://historymatters.gmu.edu/d/5575/ Reaksiyon at Saloo- Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa mo ang paliwanag ni Pres. William McKinley tungkol sa pagsakop ng America sa ating bansa? Bakit? 2. Katanggap-tanggap ba ang paliwanag ni Pres. Mckinley kung bakit nito sinakop ang Pilipinas? Bakit? 3. Nakabuti ba sa ating bansa ang pagsakop ng mga Amerikano? Pangatuwiranan. ?
  • 101.
    369 ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ 4. Sa kasalukuyangpanahon, nararanasan pa rin ba ang impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansa? Patunayan. 5. Sa panahong ito, paano ka makatutulong upang ipakita sa mundo na ang Pilipinas ay bansang may kakayahang pamahalaan at paunlarin ang sarili? GAWAIN 18: Salamat sa Iyo! Balikan ang napag-aralang mga pamana ng iba-ibang rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Pagnilayan din kung alin sa mga pamanang ito ang iyong nakita at nagamit na. Pagkatapos ay lumikha ng isang liham pasasalamat para sa mga pamanang ito. Makipagpalitan ng nabuong liham sa ibang kamag-aral at hingan sila ng reaksyon. Kung maaari mong ipost ang liham sa isang social media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba pa at mabig- yang halaga rin nila ang mahahalagang pamana ng mga pangyayaring naganap sa panahong tinalakay sa aralin.
  • 102.
    370 ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ Binigyang diin saAralin 2 ang mga pangyayari na nagbunsod sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Ang una at ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon, Rebolusyong Siyentipiko, Rebolusyong Industriyal, at Enlightenment na siyang nagsilbing batayan ng pag-usbong ng mga bagong kamalayan at nasyonalismo sa Europe ang siyang tatalakayin sa susunod na aralin. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ang sulat pasasalamat at habang binabasa ng iyong kamag-aral at ng iba pa ang liham? 2. Bilang isa sa mga nakikinabang sa mga pamanang ito sa kasalukuyan, paano mo ito mapapagyaman? 3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, anong bagay ang gusto mong mai- pamana sa susunod na henerasyon? Bakit? GAWAIN 19: Aking Repleksiyon! Sa puntong ito, sumulat ka ng sariling repleksiyon na naglalaman ng iyong naramdaman at naranasan sa pagsagot sa mga gawain ng aralin. Itala ang mahahalagang bagay na iyong natutuhan at kung paano ito nakatulong sa pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong baguhin o paunlarin tungo sa isang produktibo at mapanagutang indibidwal. ?
  • 103.
    371 ALAMIN Sa araling itotuklasin ang mga dinamikong ideya tungkol sa Rebolusyong Amerikano at Pranses at ang impluwensiya nito sa pagsilang ng nasyonalismo sa daigdig. GAWAIN 1: Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3Ms) Pakinggan ang awiting “TATSULOK.” Maaari itong awitin gamit ang lyrics sa kabilang pahina. Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito. TATSULOK PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO ARALIN 3
  • 104.
    372 Totoy, bilisan mo,bilisan mo ang takbo Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng mga balang ligaw Totoy makinig ka, wag kang magpagabi Baka mapagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo....... Di matatapos itong gulo..... http://www.metrolyrics.com/tatsulok-lyrics-bamboo.html
  • 105.
    373 Alam mo bangang awiting “Tatsulok” ay orihinal na awitin ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang militarisasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino? Layon ng administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang awiting ito bilang paalala sa di-pantay na istrukturang panlipunan ng bansa. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit? 2. Sino ang kinakausap sa awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy? 4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok? 5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming Pilipino? ?
  • 106.
    374 GAWAIN 2: Hagdanng Karunungan Punan ang kasunod na dayagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? INITIAL REFINED FINAL Pagsasakonteksto: Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa istruktura ng lipunan kung saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna, at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok. Ito’y mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tuktok.” Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang “rebolusyon?”
  • 107.
    375 Sa susunod nagawain ay higit mong mapagtutuunan ng pansin ang konsepto ng rebolusyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakapokus sa ibang konteksto. Sa gagawing pagsusuri huwag limitahan ang sarili sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Sa bahaging ito’y higit mong palalawakin ang iyong nalalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Gamit ang iyong mapanuring pag-iisip, subukin ang susunod na gawain. GAWAIN 3: Hula-Arawan Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig.
  • 108.
    376 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano ang ipinakikita ng larawan? 2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan? 3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita rito? 4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo? 5. Sino naman ang kinakatawan ng taong bayan? 6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan? 7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig, o nasaksihang katulad ng sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase. 8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan? Pangatuwiranan. ? PAUNLARIN Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal, partikular ang Rebolusyong Pranses at Amerikano. Nilalayon din na pagkatapos ng aralin ay iyong maipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europe at iba-ibang bahagi ng daigdig. Makatutulong sa iyo ang naunang mga gawain upang higit na maunawaan ang mga tekstong kasunod na babasahin. BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin.
  • 109.
    377 Pagsasakonteksto Malaki ang ginampananng Rebolusyong Siyentipiko (1500s-1600s) sa pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham ay nagpatunay sa lakas ng reason o katuwiran. Nagpag-isipang kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa physical world (Physics, Geology, Chemistry, Biology at mga tulad nito) bakit hindi ito ginagamit upang maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan. Tinatalakay na sa nagdaang aralain ang konseptong ito ngunit palalalimin pa ito. Rebolusyong Pangkaisipan Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraangitoupangmapaunladangbuhayngtaosalarangangpangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at pang- ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Pagsusuring Panteksto Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang katotohanan ay ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang pinag-ugatan o pinagmulan. Patutunayan ito ng ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Pampolitikal sa Europe.
  • 110.
    378 Kaisipang Politikal Umunlad angEnlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na siglo (1700s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron de Mon- tesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon. Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of the Laws” (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura, at hudikatura).Ayon sa kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan. Paano kaya nangyayari ang balance of power sa isang bansang may tatlong sangay ng pamahalaan?
  • 111.
    379 Philosophes Sakalagitnaangbahagingika-18nasiglo,isangpangkatngmgataongtinatawag na philosophes (FIHL-uh-SAHFS)ang nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya. 1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang katuwiran. Para sa kanila, ang katuwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. 2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala rin sila na may likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya, at politika ay gayon din. 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay. 4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan.” 5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan, at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason. Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?
  • 112.
    380 Isa sa itinuturingna maimpluwensiyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika, at maging drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon, at tolerance. Anong aspekto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire? Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Voltaire sa pamahalaang Ingles?
  • 113.
    381 Samantalang bukod samagkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH). Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahu- sayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibiduwal (individual freedom). Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa kabutihan ng tao. Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na siya namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France. Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tuma- talakay sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya, at relihiyon. Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito.
  • 114.
    382 Sa kabila ngmga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa. Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkai- sipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa. Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan. Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng kababaihan. Sa akdang A Vindication of the Rights of the Woman ni Wallstonecraft ay hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan. Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan. Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary Wallstonecraft? Pangatuwiranan. Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban ng kababaihan ng panahong iyon?
  • 115.
    383 Kaisipang Pang-ekonomiya Maging angkaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal ng namayani sa Europe at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang diin sa kaisipang ito ang ma- layang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak. Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan. Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakiki- alaman ng pamahalaan. Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ay ang pagbibigay proteksiyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Kung maisasagawa, ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng interaksiyongpang-ekonomikosabawatindibiduwalnasiyanamangmagpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng mamamayan. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europe at iba-ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600s dito nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at no- ble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal.
  • 116.
    384 1. Ano angkaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa prinsipyo ng laissez faire? 2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats? 3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe? Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan Nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya. Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng sinunod. Nagingmapangahasangilansapagtuligsasaestrukturanglipunansamantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon ang Rebolusyong Politikal. Ngayon ang panahon upang iyong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang sangkap ng Rebolusyong Politikal. Gawin mo ang unang hamon para sa iyo.
  • 117.
    385 GAWAIN 4: Tala-hanayan(3-2-1 Chart) Punan ang sumusunod na chart. Gawin ito sa kwaderno. MGA BAGAY NA AKING NALAMAN MGA INTERESANTENG IDEYA MGA TANONG NA NAIS MASAGOT 3 2 1 ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal, at pilosopikal ang sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europe? 2. Paano binago ng iba-ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa kanilang pinuno at pamahalaan? 3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga Philosophes? Pangatuwiranan. 4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming mamamayan sa: a. relihiyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. kalayaan ?
  • 118.
    386 Pagkatapos mong maunawaanang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang salikngpag-usbongngRebolusyongPampolitikal,napapanahonnaupangpagtuunan ng pansin ang mga estadong dumaan sa Rebolusyong Pampolitikal, partikular ang Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses kasama na dito ang rebolusyon sa Latin America. Pagsusuring Panteksto Sa huling bahagi ng ika-18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyonal na rehimen sa America at France. Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay- pantay, at ang kapatiran. Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America.
  • 119.
    387 Ang Labintatlong Kolonya Angmalaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noongika-17nasiglo.Karamihansa kanilaaynakaranasngpersecution dahil sa kanilang bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe. Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa timog ay Georgia. Bawa’t isa sa mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Nais ng British na ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis Makikita sa mapa ang labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang America Isa-isahin ang 13 kolonya ng British sa North America. Isulat ito sa kwaderno.
  • 120.
    388 Walang Pagbubuwis KungWalang Representasyon Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritongisloganayang“walangpagbubuwis kung walang representasyon.” Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. DAHILAN Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
  • 121.
    389 Ang Unang KongresongKontinental Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa America ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York, at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan. Ang Pagsisimula ng Digmaan Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasang- kapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.
  • 122.
    390 Marami sa mgakolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Colonies of America (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental Army at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso 1776. 1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga Amerikano na lumaban sa mga British? 2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya nang binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental? Ang Ikalawang Kongresong Kontinental 1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga Amerikano na lumaban sa mga British? 2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya nang binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental?
  • 123.
    391 Ang Deklarasyon ngKalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa At- lantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Great Britain. Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan ng Amerikano laban sa mga mananakop na British.
  • 124.
    392 Buwan na ngAgosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Great Britain at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang pu- wersa ni George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre 1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng huk- bo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New York. Paglusob mula sa Canada Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki at umaabot na sa halos 20,000 sundalo. Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumu- no ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates. Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang France ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Great Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Disyembre 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah
  • 125.
    393 at nakontrol ngbuo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng Great Britain. Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan? Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina. Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan. Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Great Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Great Britain ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Great Britain. Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap.
  • 126.
    394 Ang mga ideyanginiwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpa- pabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang lumaon. Ano ang sinisimbolo ng larawang makikita sa itaas?
  • 127.
    395 Pagtapos mong matutuhanang Rebolusyong Amerikano, subukin mong isagawa ang sumusunod na gawain upang masukat ang iyong kaalaman sa paksa. GAWAIN 5: Pulong-Isip Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin ang mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro. LEARNING CENTER I Ano-anong dahilan ang nagtu- lak sa mga Amerikanong humingi ng kalayaan mula sa Great Britain? LEARNING CENTER II Paano isinakatuparan ng mga Amerikano ang tahasang paghingi ng kalayaan? LEARNING CENTER III Paano nakaapekto ang pagtu- long ng France sa mga Amerikano sa pagtamasa nito ng kalayaan? LEARNING CENTER IV Ano ang naging kinalabasan ng Rebolusyong Amerikano?
  • 128.
    396 Pamprosesong mga Tanong 1.Ano-anoangpangyayaringnagbunsodsapagsilangngRebolusyongAmerikano? 2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan ng mga Amerikano? 3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng Great Britain? 4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan. 5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatuwiranan. Ang pananagumpay ng Estados Unidos ay nag-iwan ng aral hindi lamang ? sa mga Amerikano kundi maging sa ibang bahagi ng daigdig. Tung- hayan ang kasunod na teksto at alamin ang dinamiko ng Rebolusyong Pranses. Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng Karaniwang Uri Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ay kawalan ng katarungan ng rehimen; oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan; walang hangganang kapangyarihan ng hari; personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.
  • 129.
    397 Ang Kalagayan ngLipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang France naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari, at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakararamingbilangngmgaPransesgayangmgamagsasaka,may-aringmga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa. Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng malakinghalagaparaitaguyodangpangangailangannglipunan.Angbumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses. Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng hari ng France? Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng buwis? Makatu- wiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin.
  • 130.
    398 Ang Pambansang Asemblea Upangmabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli. Dahil dito humiling ang ikatlong estate na may malaking bilang kasama ng mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig- iisang boto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan nila rito ang una at ikalawang estate . Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapat sana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court ng palasyo. Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi naisakatutuparan ang kanilang layunin. Matapos ang isang linggo’y ibinigay na ng hari ang hiling ng ikatlong estate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sa pambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng ikatlong estate. Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari?
  • 131.
    399 Ang Tennis CourtOath na Nangyari sa Versailles, France Ang Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembleya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon. Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan. Lumaganap ang kaguluhan sa iba-ibang panig ng France at tinawag na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’y binubuo ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea. Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti, at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France.
  • 132.
    400 Kalayaan, Pagkapantay-pantay, atKapatiran Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses ay kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay- pantay, at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan na ang France sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos. PRIMARYANG BATIS NG KASAYSAYAN Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat na kahon. Unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat kahon at sagutin ang mga tanong tungkol dito. MEN ARE BORN AND REMAIN FREE AND EQUAL IN RIGHTS … LAW IS THE EXPRESSION OF THE GENERAL WILL (OF THE PEOPLE). THE AIM OF THE GOVERNMENT IS THE PRESERVATION OF THE … RIGHTS OF MAN … EVERY MAN IS PRESUMED INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY
  • 133.
    401 Ang Pagsiklab ngRebolusyon Maraming mga monarko sa Europe ang labis na naapektuhan sa pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya at pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa France bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo si haring Louis XVI. Sa taong ding iyon ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang France. • Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito? Bakit? • Bakit mahalaga na paliwanagang inosente ang nasasakdal hanggat hindi napatutunayan ang kanyang kasalanan? • Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa Declaration of the Rights of Man? Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan ng monarkiya sa France? Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon.
  • 134.
    402 Ang Reign ofTerror Marami sa mga bansa sa Europe kabilang na ang Great Britain ang suma- ma na sa digmaan laban sa France. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano. Ang Manananggol na Si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang reign of terror. Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan. Ang France sa Ilalim ng Directory Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang pakikidigma sa mga bansang Europe kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain. Taong 1795 nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layunin ay magtatag ng isang direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taon-taon ay ihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba-ibang pangkating pampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya.
  • 135.
    403 Ang Pagiging PopularNi Napoleon Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europe at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europe. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampolitika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan. Iyong natunghayan ang masalimuot na kasaysayan ng Rebolusyong Pranses. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pangyayaring ito? Naging makatuwiran ba ang mga Pranses sa mga pagbabagong kanilang isinakatuparan? Hinahamon kita na ipahayag ang iyong kaisipan sa pagsasagawa ng susunod na gawain. Ano ang reign of terror? Bakit ito lumaganap?
  • 136.
    404 GAWAIN 6: Diyagramng Pag-unawa Gawaing Dyad Gamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon ayon sa iyong pagkaunawa. REBOLUSYONG AMERIKANO REBOLUSYONG PRANSES PAANO NAGKAKATULAD?
  • 137.
    405 PAANO NAGKAKAIBA? REBOLUSYONG AMERIKANOASPEKTO REBOLUSYONG PRANSES MGA DAHILAN MGA SANGKOT NA AKTOR DALOY NG MGA PANGYAYARI BUNGA O IMPLIKASYON SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI Pamprosesong mga Tanong 1. Paanonakaapektoangkalagayangpanlipunanngkaramihangmamamayang Pranses sa pagsibol ng rebolusyon? 2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya? 3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan? Pangatuwiranan. 4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo? 5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses? 6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe? 7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europe? 8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino partikular sa pagsisingil ng mataas na buwis? Pangatuwiranan. ?
  • 138.
    406 Ang Napoleonic Wars AngNapoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europe. Ang Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan ay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815. Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebolusyong Pranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno. Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig-bansa. Noong 1793 ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Great Britain, Spain, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan. 1. Ano ang Napoleonic Wars? 2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars? Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europe ay nanatili ang lakas ng France sa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral si Napoleon Bonaparte.
  • 139.
    407 Ang tagumpay ngmga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europe ay naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong 1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland, at ang Timog Germany. Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine Confederation. Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italy. Noong 1807 ay tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya nang lumaon ang Poland. Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa France. Sinunod naman niya ang pagsakop sa Spain at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang Great Britain na lamang ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan ay miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland. Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mga kaharian. 1. Sino si Napoleon Bonaparte? 2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars?
  • 140.
    408 Peninsula War (1808) Taong1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Spain at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Great Britain sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Spain kaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Spain at Portugal ay nasa bahagi ng Europe na Iberian Peninsula. Ang Paglusob sa Russia (1812) Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y kaniyang masakop madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng Polish, German, Italyano, at mga Pranses upang lumaban sa Battle of Borodino. Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan kaya kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima. Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow? Pangatuwiranan. Ang Pagkatalo ng France Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na kaniyang nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima, o napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Spain at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang France. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti-unting bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon.
  • 141.
    409 Pagtatapos ng mgaLabanan Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Great Britain, Austria, Prussia, at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya. Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kaliwa) ng puwersang British at si Gebhard von Blucher (kanan) ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangu- nahing aktor sa pagpapahina ng puwersa ni Napoleon Bonaparte. Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII. Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa Netherlands.
  • 142.
    410 Dahil sa pinagsamangpuwersang militar ng Britain at Prussia, madaling natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang kanyang “Isang Daang Araw.” Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay samgabagong pagsusuriay dahil sa arsenic poisoning. Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng France pagkatapos na maipatapon si Napoleon sa St. Helena. Bunga ng Rebolusyon Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B. Harrison, “Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos lahat ng sulok ng daigdig.” Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan, politikal, at pangkabuhayan. Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 15 source: Art resource, NY/Giraduon
  • 143.
    411 GAWAIN 7: Turn– Back Time ( Timeline Plotting ) Panuto: Sundin ang sumusunod. 1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic. 2. Itala ang mga esensiyal na pangyayaring magtutulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito. 3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang timeline. 4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang saloobin tungkol dito. 5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka sa ginawang timeline.
  • 144.
    412 Timeline Rubric Kategorya/ Pamantayan Pinakatama 4 MedyoTama 3 Malinaw 2 Malabo 1 Pamagat Epektibo, nakata- tawagpansin at madaling maunawaan Epektibo at madaling maunawaan Simple at madaling maunawaan Walang pamagat Petsa Kumpleto ang petsa ng mga pangyayari Tiyak at tumpak ang lahat ng pangyayari May kulang na 1-2 petsa ng mga pangyayari May 2-3 mali o malabo sa mga pangyayari May kulang na 3-5 petsa sa mga pangya- yari, mahigit sa lima ang hindi tiyak Hindi tiyak ang nawawalang mga pangya- yari, halos lahat ng pangyayari ay di tiyak Estilo at Organisasyon Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, tama at pare-pareho ang pagitan ng bawat taon/petsa Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, may 2-3 petsa sa panahon na hindi kapareho ang pagitan Sumasakop sa lahat ng maha- halagang pana- hon, nagtata- glay ng 5 petsa / panahon na di pare-pareho ang pagitan Dalawa lamang ang nasasakop ng mahahala- gang panahon, hindi pare- ho-pareho ang pagitan ng mga petsa / panahon Nilalaman Nagtataglay ng 11-15 pangyayaring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 8-10 pangyayaring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 6-7 pangyaya- ring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 5 lamang pang- yayaring kaug- nay ng paksa Layunin Malinaw at tiyak Malinaw ngunit mayroong mga ideyang di-tiyak Hindi malinaw Walang ibinigay na layunin Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europe? 2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europe? 3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europe na ibalik ang pamahalaang monarkiya? 4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa France? Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag. ?
  • 145.
    413 Dahil sa RebolusyongAmerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga sa kaayusang politikal ang mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo. Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa Iba-ibang Bahagi ng Daigdig Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng mga tao upang matutuhan nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, ito ay pagsasakripisyo pati ng buhay. Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan. Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) (CE) kaya tinawag siyang Vladimir The Saint. Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo, at nakapagbagsak sa mga
  • 146.
    414 Tartar sa labananng Oka si Ivan The Great. Himagsikang Ruso Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-20 na siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo, kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar. Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag- aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektuwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido. Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at Leon Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo Paghimok ni Lenin sa mga kapwa-Ruso na pamunuan ng mamamayan ang bansa mata- pos mapatalsik ang czar. Ito ay naipinta ilang taon matapos ang nasabing pangyayari. http://www.fine arte america.com
  • 147.
    415 sa pamamagitan ngrebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong 1940. Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar? Nasyonalismo sa Latin America Pagtapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal. Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung bakit ito umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng Bundok Andes at ng Disyerto ng Atacama. Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga talampas at bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t isa ang Colombia, Venezuela, at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes. Mapa ng South America na nasakop ng Spain at Portugal Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at may pananampalataya ng Katoliko Romano. http://www.freepicture album.blogspot.com
  • 148.
    416 Nakalilikha ng likasna hangganan ang malalaking daanan ng ilog upang paghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang Argentina sa Uruguay dahil sa Rio de Plata at mga bahagi nito. Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan ng Colombia at Venezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa daigdig, ang Amazon. Ang mga bundok, gubat, ilog, at ang Dagat Caribbean ay nakatutulong na paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa iba’t ibang bansa. Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica, at Chile. Ang populasyon ng iba tulad ng Ecuador, Peru, Bolivia, at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic, itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing Aprikano, Indian, at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain, Germany, at Italy. Maraming Europeo ang naninirahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba-ibang lahi at nasyonalidad. Hindi tulad ng 13 kolonya sa United States, nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa iba-ibang panahon at sa ilalim ng iba-ibang pinuno. Nais ng mga bagong republika na mabigyang halaga ang kanilang mga naiambag gayundin ang kanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay diin ito sa mga pagkakaiba ng mga bansang Latin American. Maraming himagsikan ang nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi. Ang mga Creole Tinatawag na creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang populasyon, tulad ng Argenti- na na may populasyong Indian at iba-ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasa- ma ang mga mestizo (Espanyol at Indian), zambo (Indian at ibang lahi), at mulatto (puti at ibang lahi). Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin http://www.Santo Domingo Creoles Callais.net/ph.images. yahoo.com
  • 149.
    417 America. Halos lahatng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika. Mga Sagabal sa Nasyonalismo Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America. Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo. Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa pagkakaalipin. Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismongumunladsaLatinAmericaatnakasagabalsakanilangnasyonalismo. Ang mga bansang Latin Amerikano, ay napabayaan ang nasyonalismo sapagkat napatagal bago sila nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap. Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador, at Bolivia ang tumira sa bundok upang mapalayo sa pamamahala ng banyaga. Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo?
  • 150.
    418 Si Bolivar AngTagapagpalaya Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang South America laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain. Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan na ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng South America. Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes. Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno. Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia, at Ecuador. Mula sa: John Hopskin Magazine archived.magazine.jhu.edu/2010/09/ whatkilled bolivar. Accessed on 28 June 2014
  • 151.
    419 Ang Demokrasya atNasyonalismo sa Latin America Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador. Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827, siya ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat, at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal. Nawalanngsaysayangmgaitodahilsapananakot, pagpapahirap, katiwalian , at mga pagpatay na isinagawa ni Juan Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa Argentina hanggang 1852. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Africa Mula sa: en.wikipedia.org/wiki/jose.de_San_ Martin. Accessed on June 28, 2014
  • 152.
    420 Ang Sahara angnaghihiwalay sa black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy. Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano, at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang ang puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing itim (98 bahagdan ng populasyon) naman ay naghihirap. Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia, at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng United States ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910. Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique, at Guinea Bissau noong 1975. Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa? Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito ay nag-uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at nagmumulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya, at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ay nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop. May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan subalit marami ding mga bansa na may mga buhay na ibinuwis upang
  • 153.
    421 lumaya tulad ngmga Pilipino, Amerikano, Hindu, at iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin. Nakahanda silang magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban. Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al., pp 234-241 GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya? Tukuyin ang konsepto, personalidad, o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay bilang iyong gabay. S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng South America.” C______________ 2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses, naglalayong magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europe. L_______________ 4. Haring iniluklok sa France matapos magapi ang puwersa ni Napoleon Bonaparte. M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na nagtanggol laban sa mga nagtatangkang buwagin ito. T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika. B______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangya- rihang monarkal ng France. J_____S________ 8. Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR. P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa mga British. N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan, at karapatan.
  • 154.
    422 Pamprosesong mga Tanong 1.PaanonakaapektoangRebolusyongIntelektuwalsapagsibolngdamdaming nasyonalismo? 2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso? 3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag- usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America? 4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? Patunayan ang iyong sagot. 5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang nasyonalismo? 6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng halimbawa. GAWAIN 9: Who’s Who in the Revolution? Personality and History (Group Dynamics) Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba-ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit ang internet. Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay na maaaring ikuwento sa klase . Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin. Pangkat I- Patrick Henry Thomas Jefferson Pangkat II- Napoleon Bonaparte Camille Desmoulins Pangkat III- Vladimir Lenin Josef Stalin Pangkat IV- Simon Bolivar Jose de San Martin ?
  • 155.
    423 Rubric para saPresentasyon Criteria Natatangi 4 puntos Mahusay 3 puntos Medyo Mahusay 2 puntos Hindi Mahusay 1 puntos Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysayan Istilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka Pamprosesong mga Tanong 1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing isinagawa? 2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng mga personalidad na sangkot sa rebolusyon? 3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa kanilang bansa. 4. Sa iyong palagay, lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan. 5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit oo? Bakit hindi? Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan. 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit 2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy? Bakit kaya ninanais ng may-akda na baliktarin ang tatsulok? 4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya. ?
  • 156.
    424 6. Ano angpagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ? 7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit? GAWAIN 10: Hagdan ng Karunungan … Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. INITIAL REFINED Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? FINAL Naunawaan mo ba ang mga konsepto at ideyang tinalakay sa araling ito? Kung hindi ay malaya kang magtanong sa iyong guro at kapwa- mag-aaral upang higit mong maunawaan ang Aralin 3. Kung oo, isang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Mahusay mong natapos ang bahaging Paunlarin sa Aralin 3. PAGNILAYAN AT UNAWAIN Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman sa ugnayan ng rebolusyong pangkaisipan sa rebolusyong politikal at ang implikasyon nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo, napapanahon na upang palalimin ang iyong kaalaman sa paksang ito. Inaasahan din na sa bahaging ito’y kritikal mong masusuri ang mga kaisipang may kinalaman sa paksa.
  • 157.
    425 Isang batikang mananalaysayna nagngangalang Dr. Jaime Veneracion ang nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay mahalagang maunawaan hindi lamang ang pangyayari kundi pati ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya ang terminong spirit of the time upang ilarawan ang ‘esensiya ng isang panahon’ at ang kuwentong pumapaloob dito. Kailangang lubusang maunawaan ang pangyayari at panahon kung ang nais ay makuha ang aral ng kahapon. GAWAIN 11: Kuwentong may Kuwenta (Tanungin mo sila …) Kapanayamin ang isa o dalawang taong may kaalaman o nakilahok na sumama sa Epifanio delos Santos Avenue Revolution noong 1986 (EDSA I). Maaaring ito ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo o tiya, guro, kapitbahay, malayong kamag- anak, o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera o anumang electronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon kaugnay ng pangyayari. Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sa pa- kikipanayam. 1. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I? 2. Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong desisyon? 3. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang ikuwento ninyo? 4. Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa EDSA ? 5. Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ninyo ang pagsama dito? Ipaliwananag. Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap. Ikaw ay mamarkahan gamit ang kasunod na rubric. * May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o pang- katan.
  • 158.
    426 Rubric Para saPresentasyon Criteria Natatangi 4 puntos Mahusay 3 puntos Medyo Ma- husay 2 puntos Hindi Mahusay 1 puntos Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysayan Istilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka Pamprosesong mga Tanong 1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa? 2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I? 3. Nakita o naramdaman mo ba ang katuwaan, kasiyahan, o kalungkutan na ipinakita ng iyong kinapanayam? 4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapa- nayam? 5. Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa kinapanayam. ?
  • 159.
    427 GAWAIN 12: LessonClosure: A Good Ending Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sa pagsulat ng mga impormasyon. LESSON CLOSURE Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo … Isa sa mahalagang kaisipan ay … Ito ay mahalaga sapagkat … Isa pang mahalagang ideya ay … Nararapat itong tandaan dahil … Sa pangkabuuan … GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal) Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay angpagigingmapagmahalsabayanoisasabuhayangprinsipyongnasyonalismo. • Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw- araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino? • Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata na isabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo?
  • 160.
    428 GAWAIN 14: HagdanNg Karunungan … Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging final ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. INITIAL REFINED Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Ameri- kano at Pranses? FINAL Mahusay mong naisakatuparan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa Aralin 3. ILIPAT AT ISABUHAY Narating mo na ang huling bahagi ng Modyul na ito. Sa puntong ito nais kong unawain mong mabuti ang bahaging gagampanan mo sa pagtatagumpay ng gawain. Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong tinamong kaalaman sa mga nakaraang aralin. Ang iyong gawain ay mamarkahan gamit ang rubrics.
  • 161.
    429 Gallery Walk/ EveryChild A Tour Guide Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan at naging pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ng paghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaari ninyong gamitin ang mga ginawang poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibiduwal na bahagi ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng iba pang puwedeng i-exhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual na presentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din isama ito sa exhibit. Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa mga larawan o bagay na kanilang i-exhibit. Bibigyang diin nang bawat pangkat ang naging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay, komu- nidad, at bansa ng daigdig. Ang gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubric. Pamantayan Pinakamahusay (4) Higit na Mahu- say (3) Mahusay (2) Di Mahusay (1) Presentasyon Nagpamalas ng 4 na kahusahayan ito ay ang pagkamalikhain, kahandaan, kooperasyon at kalinawan sa presentasyon ang pangkat Nagpamalas ng 3 sa 4 na kahusayan sa pagtatanghal Nagpamalas ng 2 lamang sa 4 na kahusayan ng pagtatanghal Isa lamang ang naipamalas na kahusayan sa pagtatanghal Nilalaman May tuwirang kaugnayan sa pananaw batay sa 4 na pamantayan tulad ng orihi- nal, pagkakabuo, pagkakaugnay ng ideya, at maka- totohanan ang mga ipinakita sa exhibit. Naipamalas ang 3 sa 4 na pamantayan Naipamalas ang 2 sa 4 na paman- tayan Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas
  • 162.
    430 Pangkalaha- tang Impak Sa kabuuanng presentayon, tumpak ang mensahe, nakahikayat ng mga tagamasid, may positibong pagtanggap, at maayos na reaksiyon ng mga nagmasid. Tatlo sa apat na paman- tayan ang naisagawa Dalawa sa apat na pamantayan ang naipamalas Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas Transisyon sa Susunod na Modyul Binigyang diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran, at epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Tinalakay din ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan, at maging ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba-ibang panig ng daigdig. Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring ito ay nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Subalit hindi rito natapos ang mga suliranin at hamon ng daigdig tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, at Kaunlaran. Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng kasaysayan ng ating Daigdig ay iyong matutunghayan sa susunod na Modyul.
  • 163.
    431 Talasalitaan Absolute monarchy- Uring monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng sinuman Bourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng mga negosyante, banker, may-ari ng pantalan o daungan, at mga kauri nito Enlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal, at maging kultural French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at kalayaan. Geocentrism- Paniniwala noong Panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro ng solar system Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito. Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon. Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang Bansa Kontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo partikular sa Katolisismo Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso Monarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna, at mga kauri nito Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang buong Europe
  • 164.
    432 Nasyonalismo- Damdamin atpaniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan Nation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at napasasailalim sa isang pamahalaan. Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay Physiocrats- Mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran, at radikal na pagbabago sa isang lipunan Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang Italya Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano.
  • 165.
    433 Sanggunian A. Aklat Kasaysayan ngDaigdig nina Teofista L. Vivar et al. pp., 185 – 186 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p.189 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp.209-211 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 214 -216 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 219-220 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al., pp. 241 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp.244-245 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 254 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 211-213 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 213 - 214 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., pp. 215 - 216 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al., p. 217 - 218 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al., p. 294 Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al., pp. 228-230 Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al. (pp. 262-266) Kasaysayan ng Daigdig ni Vivar, T. et al., pp. 222-225 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23.
  • 166.
    434 B. Modules Project EaseAraling Panlipunan III Modyul 10 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 14 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 13 Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15