Ang Portugal ang kauna-unahang bansa na nagpakita ng interes sa paggalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng yaman tulad ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng 1420 at 1528, nakapaglayag ang mga Portuguese sa kanlurang bahagi ng Africa at natuklasan ni Bartolomeu Dias ang Cape of Good Hope noong 1488, habang si Vasco da Gama naman ay umabot sa India noong 1497. Mahalaga si Prinsipe Henry sa pag-unlad ng nabigasyon sa Portugal at kilala bilang "the Navigator" dahil sa kanyang suporta sa mga paglalakbay at pagpapahusay ng mga mapa.